logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3 - Clayrin the great, no she's giving me annoyance!

[Jow Ylliard Hayle]
Ang mga unang sinag ng liwanag ng umaga ay tumagos sa mga kurtina, na humihila sa akin mula sa pagkakatulog. Napaupo ako sa kama, kumakabog ang dibdib ko sa bawat paghinga, magkahalong kalituhan at pagbibitiw ang bumabalot sa akin. 
“Umaga na? Parang nakapikit lang ako kani-kanina..." I mumbled, rubbing my eyes. "At gayon pa man, narito ako, bumalik sa katotohanang ito. Bumalik sa kahungkagan na sumasalubong sa akin tuwing umaga.”
Pag-ibig.
Napakagandang kasinungalingan na sinasabi natin sa ating sarili, hindi ba? Sa simula, lahat ay sikat ng araw at rosas, bulong ng walang hanggan sa dilim, panata ng walang hanggan at palagi. Ngunit pagkatapos... pagkatapos ay dumating ang bagyo. Nangyayari ang mga ito sa buhay, at biglang nabasag ang mga pangakong iyon na parang salamin, na tumatagos nang malalim sa iyong kaluluwa. 
Ito ay nakakatawa, hindi ba? Gaano kabilis ang mga tao ay maaaring tumalikod sa iyo kapag ang mga bagay ay nagiging mahirap. Kapag naging mahirap, hindi sila mahahanap. Yaong mga panata ng katapatan at suporta, naglalaho sila sa manipis na hangin, iniiwan kang kaiwan-iwan, sira, tulad ng isang itinapon na kasangkapan sa isang nakalimutang silungan. 
Nagising ako na umaasa laban sa pag-asa na baka, baka lang, masamang panaginip ang lahat. Na ang pag-ibig na pinaniwalaan ko ay nandoon pa rin, naghihintay na abutin ko at hawakan ito. Pero hindi... ako lang, nag-iisa sa dilim na ito, nakikipagbuno sa mga pira-piraso ng pag-ibig na sana'y hindi mababasag. 
At narito ako, naiwan sa mga piraso ng isang nabasag na panaginip, sinusubukang bigyang kahulugan ang lahat. Sinusubukang maunawaan kung paano madaling gumuho ang isang napakagandang bagay. (Ipinilig ko ang aking ulo, isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.)
Pero siguro... baka may aral ang lahat ng ito. Siguro ang pag-ibig ay hindi tungkol sa mga pangako o mga dakilang kilos. Marahil ito ay tungkol sa paghahanap ng isang taong tatabi sa iyo kapag dumating ang bagyo, na hahawak sa iyong kamay kapag ang mundo ay gumuho sa paligid mo. Siguro... marahil ang tunay na pag-ibig ay tungkol sa pagiging nandiyan para sa isa't isa, kahit na hindi ito madali. 
Kaya't narito ako, nagising sa panibagong araw, isa pang pagkakataon upang kunin ang mga piraso at magsimulang muli. At baka, siguro, mahahanap ko ulit ang pagmamahal na iyon. Isang pag-ibig na hindi lamang isang panandaliang panaginip, ngunit isang katotohanan na dapat ipaglaban. 
*****
Habang naglalakad ako papasok sa classroom namin, bigla naman akong sinunggaban ng pinsan kong si Rain at inakbayan.
Napakalinta talaga nito kung minsan. 
"Kuya kong pogi sa mga panget" Sabi nito. Ramdam ng aking mukha ang pagdami ng hangin mula sa hangin na kaniyang hinihinga palabas sa kaniyang bibig. Malamig ito at mabango.
"Ang sama talaga ng ugali mo." Reklamo ko sa kaniya. I clicked my tongue.
"I've complimented you kuya."
"Hayop na compliment 'yan." Taas kilay na sumbat ko sa kaniya. "Ano nga palang tinira mo ngayong umaga at ang bango ng hininga mo?" 
Humiwalay siya sa akin dahil nahiya siya sa sinabi ko. Her eyes blinked four times so quickly. Kaagad niyang inilapit ang kaniyang kamay at bumuga ng hangin, pagkatapos ay kaniya itong inamoy. Nang napagtanto niyang mabango nga ang kaniyang hininga ay napabuntong hininga siya. 
Nagmadali siyang pumasok sa classroom. Sumunod naman ako sa kaniya.
Seryoso, ano kayang ginamit niya sa kaniyang bibig? Mouthwash ba?
Sa pag-upo ko sa desk ko ay siya namang pagdating ng aming class president. 
Nag-anunsyo ito sa buong klase. 
May meeting na naman ang teacher namin sa morning subject, lahat ng mga senior high students ay pinapag-self study muna.
"Kalokohan na 'to." Sabi ko saka tumayo. Hinawakan naman ni Rain ang uniform ko. 
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta, mag-aral tayo may quiz mamayang hapon kay ma'am Treyna." 
"Hah? Mag-aral ka mag-isa!!" Angal ko naman. Pwinersa ko ang sarile ko na makawala sa kaniyang hawak at tumakbo palabas ng room. 
"Stock knowledge lang malakas!" Sabi ko sabay flex sa kanang braso ko. Itinaas ko pa ang manggas ng uniform ko papuntang balikat sabay halik sa braso ko.
Nakakatawa ang naging reaksyon ni Rain na animo'y masusuka dahil sa nakita niyang ginawa ko. 
"Payatot, kapag mababa score mo mamaya ilibre mo ako ng recess bukas!" Inis niyang angal sa akin. Nag-cross hands pa siya bilang kaniyang hindi pagsang-ayon sa ginawa kong pag flex ng buto ko sa braso.
"Ginagawa mo yan habang hindi nakangite? Abnoy ka talaga!" 
"Adios!" Kumaway ako sa kaniya nagpatuloy sa paglakas palabas ng classroom namin. 
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking paligid. 
It's definitely her. It's Nova. 
Binilisan ko ang paglakad ko upang hindi niya ako mahabol kung sakali na tangkain niya akong lapitan.
Nagtungo ako sa classroom ni Sandugo pero pagdating ko roon ay wala na siya. Nagtungo ako agad sa rooftop nagbabakasakali na mahanap ko siya sa pagkakataon na ito dito ngunit wala siya. Mukhang umuwi si Sandugo. Bad trip.
Tumingin ako sa campus mula sa rooftop. Ang daming mga estudyante na nasa labas, nasa mga bench at mga garden. 
Huminga ako ng malalim. 
"Pupunta na lang ako sa Supernatural Club." Anunsyo ko. Nagmadali akong nagpunta sa clubroom. 
Ilang saglit akong naglakad at narating ko din ang Supernatural Club. Sa pag bukas ko ng pinto, nakita kong si Clay lamang ang nag-iisang taong nasa loob. 
Binati agad ako nito at kumaway pa.
Umupo ako sa tiles malapit sa kaniya kung saan siya ay naka-upo sa isang mono block na upuan. Ang lawak lawak nitong Clubroom pero nasa isang sulok kami naka-pwesto. Hindi ko din alam kung bakit ako dito umupo malapit sa kaniya. 
"Ngayon ka lang tumambay member." 
"Pasensya na. Busy lamang."
"Sus, talaga lang ha..." 
"Bistado ba?"
"Oo." Nagulat ako sa ginawa niyang malakas na pagsara ng kaniyang hawak na libro. "What's your agenda?" Bigla niyang tanong.
Hindi ako nakasagot ng ilang segundo dahil napaisip ako. 
>I want to ask you about this ability you have...<
"Bakit sumali ako at hindi umalis?" 
Seryoso ang ekspresyon niyang tumango sa akin. 
Napakamot ako gamit ang dalawang kamay ko sa aking ulo.
"What's up?" Tanong niyang muli. Nagtaas pa siya ng kaniyang kaliwang kilay. 
"Nothing." Simpleng tugon ko. Hindi ko mahulaan kung ang kaniyang biglaang blangko na ekspresyon ay nagpapahiwatig ng pagsangayon o hindi paniniwala sa tugon ko.
Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa may blackboard ng club room. Kumuha siya ng chalk sa may lalagyan sa ilalim ng blackboard. 
Ilang saglit pa ay nagsimula siyang magsulat. 
"What are you writing?" Hindi ko maiwasang mapatanong kay Clay kung ano ang kaniyang isusulat.
"Makikita mo pagka-sulat ko." 
Tila tinamaan ng matinding lamig ang aking katawan na parang nagyelo sa paninigas dahil para akong naging estatwa sa aking nakita na isinulat ni Clay.
[Eyeden Ylliard Hayle- Reincarnation 73 Times, Lyndon Zane - Reincarnation 3 Times, Maryam Lynran - Reincarnation 10 Times. Clayrin Aisfine Ezz - Reincarnation 2 Times. Nova Mie Quinoa - Reincarnation 1]
>Patungkol sa lahat ng mga club member...what? Nova?<
>Reincarnation? Times? Is this...her ability? For real?<
"What the heck are those numbers all about?" Napataas ang boses ko sa pagtatanong. "Why is Nova in there? That weird monster?"
Sa pagharap ni Clay sa akin ay nakita ko ang nagbabadya niyang tawang kaniyang tuluyang hindi na napigilan at siya humalakhak sa tuwa. 
"You're t-the most c-carefree person to have ever e-existed in this country..." Sabi nito habang tumatawa. Napahawak na ito sa kaniyang tiyan at napaluhod at kalaunay napaupo pasandal sa pader sa ilalim lamang ng blackboard. "Hey, calling Nova a monster... if she hear you you're dead." 
Isang malamig na pakiramdam ang nagmula sa mga paa ko papunta sa ulo ko ang dumapo sa akin. 
Kita ko sa mula sa kinaroroonan ko ang panty niyang suot dahil sa posisyon niya ngayon. 
Bakit wala siyang dobleng short? Napaka-iksi kaya ng palda ng mga babae dito sa university.
Iniwasan ko ang sarile ko na tumingin sa direksyo ng kaniyang palda at sinubukan siyang tignan sa kaniyang mata.
Ilang sandali pang tumawa si Clay. 
Hinayaan ko lamang siyang tumawa hanggang sa magsawa ito. 
Pagkatapos pa ng ilang sandali, kumalma na ito at tumayo. 
She approach me and sat again, this time around, her two knees are supporting her chin. She smiles and uses her hand to mess my hair.
Nakasimangot lamang akong tumingin sa kaniya. 
"Be careful you bastard. Just because our souls can reincarnate it doesn't mean you have to die many times just to find out what suitable life you want to live in." Pagbigay niya ng payo sa akin habang patuloy sa kaniyang ginagawang panggugulo sa aking buhok. 
Hinawi ko nang mahina ang kaniyang kamay upang maalis ito sa aking buhok. 
"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo!" Kalmado ko na sabi pero aaminin ko, nagsisimula na akong mainis. 
Tumayo ulit siya at nag-inhale at exhale sa harapan ko. 
Sumeryoso ang kaniyang mukha at tumuro sa akin. "Jow. Seryoso ako. 72 times kanang namatay! The current you is your 73rd life!" Nagsimula siyang magpaliwanag. 
Bumuntong hininga ako.
"There's no way in hell I've lived that much lives. If that's true why can't I remember any of it? Sounds impossible right?" Pagkatwiran ko agad bilang hindi paniniwala sa kaniyang sinabi. 
"It's true. That's my ability. Believe it or not, Jow. When the day you entered the club room together with Sandugo and you said you can see red strings? Naniwala ako 'non. Sinakyan ko ang trip nina Lyndon at Maryam na hindi naniniwala sa sinabi mo dahil hindi nila maiintindihan, dahil hindi nila nakikita ang mga kayang makita natin." Nagpaliwanag siya ng mas maigi. 
Napahawak ako sa aking ibabang labi at napaisip.
Come to think of it, if I can see the red strings of fate, there's no doubt there are other people like me but not necessarily that they will have the same ability to see red strings too. 
I wonder, how did this even happen? 
Thinking back about the past, I didn't have this ability when I was in first grade...
Bigla akong nakaramdam ng pananakit sa aking ulo nang subukan kong aalahanin ang kabataan ko.
"You're thinking about right now, kailan ka nagkaroon ng kakayahan na makakita ng mga sinasabi mong red strings?" Nagulat ako sa sinabi ni Clay. My eyes widen and my mouth open widely and even my breathing became slightly heavy.
Tumingin ako sa kaniya nang nakanganga ang bibig. 
Ang kaniyang mga mata ay nagpapahiwatig ng mga katotohanan sa kaniyang mga salita. 
"Jow, this ability...your ability and Nova's ability...these are curses." Nawala ang tuwa sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyon. "I don't want to have spoilers in my environment." Nagkrus siya ng kaniyang kamay. "Isipin mo 'yun? Tayong dalawa, sa mga nakaraang buhay natin, naging mag soulmate tayo!"
"Ano? Teka...teka..." 
"Ikaw pa talaga sa dinami-dami ng maaaring nararapat na para sa akin sa dalawang buhay na iyon na nakasama kita...ikaw pa talaga Jow Yl, ang lalaking umabuso sa nararamdaman at busilak na puso ni Jovenyl, ang paborito kong pinsan." 
I was suddenly lost in power. Tila nanghina ang buong katawan ko. Napayuko ako at tumitig sa sahig. 
Kahinaan kong marinig ang pangalan mo. Kahinaan kong marinig mula sa ibang tao kung gaano ako nagkulang at nagkamali para sa iyo. 
Jovenyl...
"Seems like I hit the jackpot. You reap what you sow." 
"Yeah." Automatic na sumangayon ang utak ko sa kaniyang sinabi.
"Pero kahit na ganon paman, labas ako nangyari sa inyong dalawa. Relasyon niyo 'yun, walang kinalaman ang ibang tao. Mas importante ngayon sa akin ay kung paano tayo magtutulungan para maalis ang mga sumpa na nakalagay sa atin. I feel like I'm an alien with this ability of mine..."
"Yeah..."
"Yeah..."
"Yeah..." Patuloy lamang akong sumagot nang ganito sa kaniya.
Itutuloy.

Comentário do Livro (15)

  • avatar
    MarkJune Pinuela

    it's so good ❤️❤️❤️

    06/05/2025

      0
  • avatar
    Lance Matthew Sumbillo

    its so fun

    23/02/2025

      0
  • avatar
    FloresEvangielyn

    sobrang Ganda

    23/01/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes