logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2 - I don't want to go with Nova!

[Jow Ylliard Hayle]
*****
Maaga akong umuwi sa amin. 
Sinalubong agad ako ng mga cute kong mga anak na pusa.
"Meow." Sabay na nagtungo sa may paanan ko ang mga ito at nagpaikot-ikot. 
"Wala akong dalang pagkain." Umupo ako at hinawakan ang mga ulo ng mga ito at dahan dahang hinimas ang kaniyang mga tiyan.
Pumasok ako sa amin, nakalimutan kong hubarin ang sapatos ko kaya nasermonan agad ako ni mama. 
>Hay naku!<
Nagbihis ako pagkatapos dumiretso sa kusina. 
"Ma, anong ulam?" Tanong ng isang dakilang palamunin sa bahay. 
Lumabas si mama mula sa cr na katabi lamang nitong aming kusina. 
"May pritong itlog sa ref." Tugon nito. Wala na naman sa ayos ang mukha ng mama ko. Alam ko na kung ano ang dahilan. "Hoy, sabihan mo yung papa mo yung ipanghuhulog sa naghuhulugan. Wala na rin tayong bigas." Utos nito sa akin. 
Hindi pa nga ako nakakakuha ng plato sa lalagyan ehh.
"Ma, tatawag naman sayo si papa. Ikaw na lang magsabi." 
"Ang tamad-tamad mo talaga. Sabihin mo na lang kapag tumawag sayo. Aalis kami ng tita mo, pupunta kami sa bahay ni tita Allisa mo may birthday doon. Dalhan kita mamaya ng pagkain kung kakain ka ng hating gabi." 
"Okay." Simpleng tugon ko. 
>Ma, alam mo na ang dadalhin, ang pambansang bring home pagkain, master lumpia!<
Umalis si mama ng bahay. Naiwan na na naman ako rito ng mag-isa. 
Kumain ako at pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko. Humiga sa aking folding bed na kinatatamaran kong iligpit tuwing umaga. 
Binuksan ko ang cellphone ko at nag open ng facebook account. 
Tatlong araw na rin, tatlong araw na rin akong hindi nakakapag chat sa kaniya. Ganoon din siya sa akin. Talagang tanga akong umaasa sa kaniya na magbalik loob sa akin. Umaasa na mangungulila ito at hahanapin ako.
Marupok ako, nasasaktan at umaasa parin.
Kaya naman nag-message ako sa kaniya. Kinamusta ko siya, nakita kong delivered ang message ko pero inabot ng ilang minuto walang reply ang bumalik. 
Hindi ko na inasahan na sasagot siya sa pagkamusta ko. Nagbukas nalang ako ng YouTube at nanood ng mga videos patungkol sa paborito kong isa sa mga kaganapan sa kasaysayan ng mundo, ang 'World War 2'. 
>Mabuti pa si Austrian painter...nagawang tapusin...<
Hindi ko namalayan ang takbo ng oras. Inabot na ako ng hating gabi kakanood ng mga YouTube shorts. 
Kailangan ko ng tapusin yung 'Rrl' na ginagawa ko para sa research namin. Papagalitan ako nito ni Nova. 
Speaking of Research, may kagrupo kaming isang kaklase namin na naka homeschool dahil sa nangyari sa kaniya.
Na-hospital siya sa sakit na hernia. Naging kritikal ang kaniyang kondisyon noong siya ay na operahan, hindi lang 'yon, napag-alaman na mayroon natuklasan din ng mga doctor na mayroon siyang tumor sa utak. Tumor na hindi pa malala kaya kanilang naagapan.
Na comatose siya ng isang buwan. Sa kaniyang pag-gising at pagpapagaling, humiling siya sa kaniyang magulang na kahit anong mangyari gusto niyang ituloy ang kaniyang graduating high school year at makahabol. Kaya naman ang mga magulang niya ay nagmakaawa sa university namin at pinagbigyan siyang mag modular learning. Sumangayon na ang university na hanggang pag graduate na namin ito ngunit gusto na nitong pumasok sa third quarter ng pasukan na ito. 
Sa kaniya nakasasalay ang paggawa ng questionnaire. 
*****
Panibagong araw na naman. 
Puyat akong umupo sa armchair ko. 
Tinignan ko ang unti-unting nagkakaroon ng mga nakaupong armchair sa classroom na ito ng '12 HUMSS-D'.
Pumasok si babaitang Rain na katabi ko ng upuan. Ang aga-aga niyang nakasimangot.
>it's her damn boyfriend again!?<
"O, anong mayroon? Ang aga mong may problema 'tol." Pabiro kong tanong sa kaniya. 
Nagbitiw siya ng buntong hininga at padabog na umupo.
"Pano, yung gagong boyfriend ko hindi parin tinitigilang i-chat yung pangit niyang ex!" Galit niyang pagtugon. "Bakit ang lalandi niyong mga lalaki?" 
Napakamot ako sa aking ulo sa narinig ko. "Pinagsasabi mo? 'Wag mong nilalahat. Ang epal ng boyfriend mo pati kaming mga inosenteng lalaki nadadamay." 
"Sus." Ngumuso siya. 
>It hurts to hear the truth, damn.<
"Hay nako." Hinawakan ko ang kaniyang ulo at hinimas. "Pinsan, ikaw kasi ang tanga. Alam mong ganiyan ang ugali hindi mo pa lubayan." 
"Ang angas mo din kuya!" Tinapik niya ang kamay ko. "Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong parehas tayong grumaduate ng single. Ang sama ng ugali mo parang hindi tayo lumaki sa iisang bahay kasama si lola nung elementary!" Angal niya. 
Napasalo ako sa aking baba gamit ang aking kanang kamay. "Tsk!" Reklamo ko sa kaniya.
"Kita mo na. Bakit kasi hindi ka humanap ng jo-jowain?"
"Hindi naman 'yan hinahanap." Madiin kong sabi saka ko mahina na inuntog anh ulo ko sa kaniya.
"Pano mo nahanap yung ex mo? Teka aray! Bat ka nang-uuntog?"
Napapikit ako at napabuntong hininga. "Hindi ko siya hinanap. Natagpuan ko lang siya. Nagtagpo ang mga mata namin sa lilim ng mangga isang araw dito sa campus tapos tinanong ko sa kaibigan kong kilala siya kung ano ang panga-" Hindi ko natapos ang paliwanag ko.
"Ano ka nasa Novelah?" Nang-aasar na sabi nito na talagang magaling magpigil ng kaniyang pagtawa.
"Yun ang totoong nangyari. 'Inaneto!" 
"Nga pala, kamusta yung 'Rrl'? Nakagawa kana?" Kaagad niyang iniba ang usapan. Talagang noon paman, mayroon na siyang lihim na hindi pagka-gusto kay Jovenyl. 
"Sampu palang nahanap ko. Kulang pa, ang hirap kaya maghanap ng rrl. Ikaw mag-browse sa google scholar tignan natin kung hindi ka mahirapan maghanap ng naangkop na rrl 'dun para sa topic natin na 'Masturbation effects in well being'." Paliwanag ko naman agad sa kaniya. 
Sa dinami-dami ba naman kasi ng gagawing research ganito pa.
"Lagot ka ni Nova." Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko panandalian. Well, she's the quiet type of a person pero masamang magalit. "Ang dami mong oras tapos hindi ka parin nakakatapos hanggang ngayon?" 
>Ang daldal kasi. Hindi ka na lang ba manahimik natatakot na ako.<
"Alam mo namang hindi ako masyadong nagpapakalunod sa pag-aaral!" Sumbat ko sa kaniyang pananakot. 
"Sus. Nanonood ka lang ng hentai eh." Sabi nito pero itinulak ko ang aking balikat sa kaniya. "Tigil-tigilan mo na 'yan. Sakto lang talaga sayo yung topic ng research natin. Nangangayayat kana. Alam mo ba 'yun? Hindi ka din palatawa. Pag tumawa ka sigurado na napipilitan, mukha kanang matanda kakasimangot, parang kaaway mo na ang buong mundo sa ekspresyon mo. Ni hindi ka nga magkaroon ng kasundong lalaking kaibigan dahil naaangasan sila sayo. Look, may dalawang linya kana sa magkabilang tabi ng ilong mo, ano ka si Itachi Uchiha?" 
Mabilis kong pinitik ng mahina ang kaniyang ilong. 
"Huy, inaneto hindi iyan salitang dapat sinasabi ng isang babaeng dalaga!" Reklamo ko sa kaniya. 
"Aray naman kuya. Walang hiya ka talaga!" 
"Well, tama ka naman..." 
I went silent for a while. Napatingin pa ako sa sahig. 
"Pero alam mo kuya, napansin kong parang tumangkad ako." Iniba na naman niya ang topic na paguusapan. "Baka mas mahabol pa kita sa taas?"
Napagitgit ako aking mga ngipin at nagtaas ng kilay. "Excuse me? Marites na uminom na ng isang galon ng cheriper pero pandak parin!"
"Sinong pandak ang tinatawag mo!" 
Sinampal niya ako. 
>Ouch!<
"Ang aga niyong naglalampungan." Napalunok ako sa narining kong nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
"N-Nova..." Pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Nakangite siya ngunit halatang peke ang kaniyang pinapakita na ngite sa akin. 
"Nova, si Jow sampu palang-" Hindi ko hinayaan ang pinsan kong pabibo na tapusin ang tangka niyang pagsusumbong sa leader namin na si Nova. 
"Alam kong hindi kapa tapos sa rrl na pinapagawa ko Jow." Sabi ni Nova.
"Tapusin ko mamama-" Hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil hinawakan niya ang balikat ko nang mahigpit. 
Nova, ang vice president ng 'Karate Club'. 
"Jow. Samahan mo ako mamaya." 
Napadami pa ang paglunok ko na ginawa. 
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay ng isa pa nating kagrupo. May kailangan akong ikunsulta sa kaniya about sa research natin."
"O-okay." 
"Good." Tinapik pa ni Nova ang balikat ko at nasaktan ako. Pinigilan ko ang sarile kong sumigaw dahil karate chop ang ginawa niya. 
Animal!
Walang hiya!
*****
A very quiet walk. 
A very quiet moment. 
Full with worrying thoughts. 
How to handle silence? How to voice out something? 
Mayroong mga butil ng kanin na nakalagay sa buhok ni Nova na hindi niya pansin. 
Gusto kong tanggalin, pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya kung bigla ko na lang hawakan ang kaniyang buhok. Nakakahiya ding sabihan siya na mayroong kanina na nakalagay sa buhok niya. It's afternoon close to sunset, ibig kaninang magsimula at matapos ang afternoon class nasa buhok na niya ang mga butil ng kanin.
Naglalakad kami ngayon papunta sa tinitirhan ng kagrupo namin. 
>I wonder if Nova can get married despite her scary personality?<
"Peek at it! Your destiny!" Isang boses ang narinig kong nagsalita sa aking isipan. 
>Huh?<
Kusang ginamit ng mga mata ko ang aking kakayang makakita ng pulang tali ng kapalaran. Kaagad kong pinikit ang kanang mata ko. 
Nakita ko ang tali ng kapalaran ni Nova, ang kabilang dulo nito ay nakaturo sa kabilang direksyon ng tinatahak namin ngayon. So she do have someone destine for her?
Tumingin ako sa malikot na tali ng kapalarang nakatali sa aking hinliliit. Patuloy ito sa paggalawa na animo'y sumasayaw. To my surprise, ang tali ng kapalaran sa aking dalire ay nakaturo sa harapan. 
>Saan nga ba makikita ang hangganan nito? Sino ang taong nakalaan para rito?<
Kinutuban ako nang mapansin ko ang tali na gumagalaw habang nakaturo sa tuwid na direksyon na mat taas lamang na hanggang sa aking dibdib ay umangat ng umangat sa ere at umabot ng hanggang ilang metro ang paglutang nito sa ere. 
Tumigil ito sa paggalaw, naging tuwid ito na tali. 
Indikasyon ba ito na malapit lamang sa paligid ang...hindi lang iyon, hindi nangangati ang mata ko.
"N-Nova? Yung pupuntahan natin na bahay ng kagrupo natin, malapit naba?" Hindi ko maiwasan na mapatanong kay Nova. Tumango ito sa akin. Mas lalo akong kinutuban.
>Don't tell me...<
Ilang saglit pa kaming naglakad na dalawa hanggang sa masipatan namin ang isang gusali. 
"We're here. This is an apartment building." Sabi ni Nova sa akin. "Hintayin mo na lang ako dito sa labas ng building, bumili ka ng snack. O heto!" Pagbilin niya, inabutan niya ako ng 50 pesos. 
"Anong bibilhin ko?" 
Kumunot ang kaniyang noo. "Kung anong gusto mo. Sira kaba?" Inis niyang tugon. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng gusali habang ako naman ay naiwan sa labas. Umupo muna ako saglit sa upuan ng isang shed na nasa tapat lamang ng gusali. 
I can't believe it. 
Ang tali ng kapalaran ay naka-angat patungo sa mataas na bahagi ng gusali. 
Nasa gusaling ito ang taong nagmamay-ari ng kabilang dulo ng tali na nakalagay sa aking hinliliit.
Pinagmasdan ko pa ng ilang minuto ang pulang tali bago ako tumayo sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa mga food stalls. 
Bumili ako ng 20 pesos na halaga ng shomai at kumain. 
Nabalot ako ng pagtataka sa aking pagkain na ginawa. Hindi ko na naiwasan na isipin. Bakit ako ang pinasama ni Nova? Bakit hindi ako pinasama pati sa loob ng gusali?
Inubos ko ang 50 pesos na ibinigay niya sa akin. Hindi ko siya tinirhan ng kahit piso. Wala siyang sinabi na tirhan ko siya o bilhan ng makakain. Hindi niya ako pwede na tawaging buraot dahil ang sinabi niya bumili ako ng meryenda.
Bumalik muli ako sa shed at umupo. Hinintay ko si Nova na lumabas sa gusali.
Hindi ko alam, bakit ganito. Nasa gusaling ito ang nagmamay-ari ng kabilang dulo ng tali ng kapalaran. Ngunit wala akong motibasyon na magtungo at harapin kung sino ito. 
Wala akong pananabik na nararamdaman.
Ilang minuto akong naghintay, nagsimula na din akong mabagot. 
Hanggang sa lumabas na rin siya sa wakas. 
Kapansin-pansin sa kaniyang paglapit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi. 
>Ano kayang nangyari?<
Naging pagtawa ang kaniyang ngiti nang siya ay makalapit na sa akin. 
"Confirmed!" Sabi nito na talagang wagas na kung tumawa.
"Anong nangyari?"
"Okay na yung kinunsulta ko sa kagrupo natin. But, may isa pang dahilan kung bakit kita isinama rito." 
"Great, I'm also curious. Tell me the reason then?" 
Nabigla ako sa ginawa niya dahil hinawakan niya ang dibdib ko. Tumagal ito ng sampung segundo. Randam ko sa maiksing sandali na pagdapo ng kaniyang kamay ang bigat at init nito.
"Ginagawa mo?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya.
"Tama nga ako." Sabi niya. Pinigilan niya ang sobrang tuwa na kaniyang nararamdaman. Ilang beses din siyang nag-inhale at exhale.
Sa pagkalma ng masaya niyang ekspresyon, sumeryoso siya at tinignan ako ng mata sa mata.
"You two are, meant for each other." 
>Huh? Two?<
Napatapik ako sa aking noo. "I don't know what's going on with your brain right now. I probably should go. Baka kung ano pang gawin mo sa akin, leader. Tatapusin ko na yung rrl ko." Sinubukan kong magpaalam sa kaniya. 
Naguguluhan ako at nagalala sa sinabi niya. Nakakatakot na hindi ko maintindihan. 
Ngumite ulit si Nova, ngunit sa pagkakataon na ito, iba ang naging dating ng kaniyang ngiti sa akin. Ngiting nakakatakot.
"You are going to run away? Aren't you interested in knowing what I've meant about the words I said earlier?" 
Umiling ako sa kaniya. 
>You're being too weird.<
"Nah." Tugon ko. "Sumama ako sayo para sa research. If you have different agenda here, wala akong alam dun at hindi na yun ang problema ko o bahagi ng problema ko."
Hindi na muling nagsalita si Nova. Hindi ako nagdalawang isip na magsimulang maglakad palayo. Iniwan ko siya sa kaniyang kinatatayuan.
Hindi niya ako hinabol kaya hindi ako lumingon sa direksyon niya.
Kakaibang tao talaga 'yun. 
*****
[Nova]
The beat of his heart was soothing. Such wonderful sound. The letters, the name of the destined one to his soul is partying with that beautiful beat.
Nothing gives me joy except listening to beautiful heartbeats of human beings. 
The two of you will definitely meet Jow. 
The two of you will be together.
Itutuloy. 

Comentário do Livro (15)

  • avatar
    MarkJune Pinuela

    it's so good ❤️❤️❤️

    06/05/2025

      0
  • avatar
    Lance Matthew Sumbillo

    its so fun

    23/02/2025

      0
  • avatar
    FloresEvangielyn

    sobrang Ganda

    23/01/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes