logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

"Sinong Buknoy," tanong naman ni Gabriel na tinawag na Gaboy.
Palihim naman akong natawa sa tinawag niya sa kaibigan. Naririnig pa namin ang usapan nila mula rito.
"Si Burn."
"Gago ka! Kurt!" singit naman ng isang lalaki. Siguro ay siya si Burn. Mahaba ang buhok niya at nakatali iyon mula sa likod.
"Oh! Nasipa ulit si Cap," natatawang sabi ni Gabriel.
Mabilis akong tumingin sa dalawa. Totoo ngang nasipa siya dahil sapo na naman ang kaliwang pisngi.
"Ang galing naman ni Lucas!" narinig ko pang sabi ni Clymene. Nasa dalawang naglalaban ang buong atensiyon niya. Parang hindi naririnig ang usapan sa harap nila.
"Sabi ko sayo nandito yung crush niya. Hanapin mo, Gaboy," nag-uutos na sabi ni Kurt sa kaibigan.
"Tado!" ani Gabriel pero ginawa naman ang sinabi ng kaibigan. Inilibot nga niya ang tingin sa paligid sa mga nanunod.
May crush si Luigi? Pero bakit parang dismayado pa ako ng marinig iyon.
Erase. Erase!
"Ang hirap namang hanapin. Mahirap hulaan kung sino," nagkakamot na sabi ni Gabriel.
"Gamitin mo kasi 'yang utak mo. Dito nakaharap si Cap. Kaya sigurado di'ng isa sa mga 'yan." Itinuro nga niya ang direksyon namin.
Nang tignan ko ay nasa anim lang kami sa bandang iyon at kami pa ang nasa pinaka gitna. Ang iba ay nasa gilid at sa taas sa likod namin nakaupo.
"Right," pumitik sa ere si Gabriel
"Bumabawi si Cap," sabi ni Burn na nanunuod na sa kaganap. Nailock ni Luigi si Lucas sa mat. Kaya natapos ang laro. Pawisang umalis sa gitna ang dalawa. Pumalit naman si Gabriel at Kurt na tinawag ng coach. Patalon talon pa si Gabriel sa parang sa wrestling sasabak at hindi sa taekwondo.
"Ayos ka lang Cap." Tinapik bi Burn si Luigi na tumango lang.
"Nadistract kanina akala ko maiiwasan niya kaya nasipa ko," hinihingal na sabi ni Lucas
"I'm fine."
"Sigurado ka Cap? Parang wala ka sa sarili mo kanina. Dalawang beses pa kitang nasipa."
Hindi sumagot si Luigi at tahimik na nagpunas ng mukha gamit ang towel na inabot sa kanya.
"Usapan nga namin kanina na nandito yung crush mo, Cap e," tumatawang sabi ni Burn
"Talaga, Captain! Yun ba yung binigyan mo daw ng lemom square? "
"Yung bagong tsismis?" kumpirma ni Burn
"Oo. Legit," sabay silang natawa pero natigil ng magsalita si Luigi.
"Yes."
"Ha!" sabay na sigaw ng dalawa. At tulalang tumitig kay Luigi na parang wala lang sa kanya ang sinabi.
Ako rin ay nagulat sa sagot niya.
Napatingin pa tuloy sa kanilang tatlo ang mga juniors at coach nila. Pati na ang dalawang naglalaro ay lumapit na.
"Totoo nga?!"
"Captain! True na true na? Eklavo!" ani Gabriel na itinulak ang kasama na nasa harap niya.
"Captain. Who's the unlucky girl,"
"Cap, Sino nga?"
"Nasaan siya Captain. Nandoon ba siya," nagulat ako ng ituro ni Gabriel ang direksyon namin. Sakto pa naman sa akin ang hintuturo niya.
"Oops, parang kilala ko na." Sinulyapan ako ni Clymene. Nagsimula na naman ang mapang - asar niyang ngiti.
"Captain kaya pala may cheesecake kasi Cheesy ka," sabi ni Burn na siya lang 'ata ang tumawa sa biro niya.
"Corny mo," ani Kurt sa kaibigan.
"Pero totoo yun, Captain. May crush ka dito. Binigyan mo ng cheesecake. Nadistract ka kasi nandito siya. Totoo? Nandito ba si Miss Cheescake, Cap?" makulit na tanong ni Gabriel.
Napahigpit ang hawak ko sa libro.
"Yes."
"Ohhhhhh," they said in unison after hearing what he just said.
Tumayo ako bigla at tumakbo palabas ng Gym.
Nakaagaw ako ng pansin lalo na sa mga Seniors.
"Cassandra. Wait!" tawag sa akin ni Clymene na hindi ko pinansin.
"I think it's her. Nahiya sa inamin mo Cap," narinig ko pang sabi ng isa kanila bago ako tuluyang lamunin ng lupa. I mean lumabas ng gym.
Tumakbo ako papunta sa Comfort room para maglabas ng katangahan.
Mas lalo ko lang pinapakita na ako nga ang tinutukoy nila. Tsaka wait lang ha. Malay ko bang hindi lang ako ang binigyan niya ng cheesecake. Nag assume lang ako na ako yung tinutukoy nila ng marinig ko ang usapan nila. Ayoko na tuloy magpakita kay Cly. She'll never stop teasing me again.
Pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap sa lahat kahit na konti lang ang nakakita at nakarinig sa nangyari. Napatalon ako bigla ng biglang kumulog na may kasama pang kidlat.
Umuulan pala sa labas. I didn't even bring my umbrella. Naiuwi ko rin ang extrang payong ko na nasa locker. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa nakasarang toilet. Sinandal ko ang ulo sa gilid. Doon ako nag palipas ng oras. Ayoko munang makita si Clymene ngayon. Nahihiya talaga ako sa kabaliwang ginawa ko.
Bakit ba kasi ako tumakbo kanina. Asar!
Paniguradong hinahanap na ako no'n. May dala naman siyang sariling sasakyan kaya siguradong makakauwi siya. Nasabi ko pala kay Mang Elias na hindi na niya ako kailangan sunduin dahil ihahatid ako ni Clymene na hindi na matutuloy.
I checked my phone. Nakita ko ang ilang missed calls and texts from Cly.
Binuksan ko ang huling dalawang mensahe niya.
'Where are you, Cass?'
'Let's go home na. I promised I won't tease you'
Sinungaling.
Nireplayan ko siya. Sinabi kong umuwi na ako kanina.
Mabilis naman siyang magreply.
'Okay. See ya' tomorrow. Mrs. Yllarde' - with laughing emoji pa
See. Pati rito inaasar ako.
Nakatanggap na naman ako ng mensahe sa kanya. Kaya binuksan ko at binasa.
'By the way. Sinundan ka kanina ni Luigi. Ayiiieee,'
She's just teasing you, Cass. Sabi ko sa sarili.
Lumabas na ako ng cubicle. I look at myself in the mirror before finally going out.
Malakas pa rin ang tila ng ulan sa labas. Madaming stranded na studyante na :gaya kong walang dalang payong. Swerte na lang iyong may kotse. Ilan na lang ang sasakyan na nasa parking na nadaanan ko. Yakap ang sarili dahil sa lamig ay tumayo ako sa labas ng building. May mga kasama akong nakatayo pa rin doon at hinihintay tumila ang ulan.
Kalahating oras ay patuloy pa rin ang pag - ulan. Nawala na rin ang mga kasama kong nakatayo. Siguro ay iniisip nilang useless ang pagtayo roon dahil hindi naman tumitigil ang malakas na ulan.
Nagulat na lang ako ng may magtakip ng kung ano sa ulo ko at hinawakan ako sa pulso.
"I'll take you home. Hindi titigil ang ulan baka gabihin ka," sabi niya Inayos niya ang jacket siguro niya sa ulo ko bago niya ako hilahin.
Natulala na lang ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan iyon. Bigla na lang itong susulpot at sasabihing ihahatid daw niya ako.
Nakaalalay ang braso niya sa likod. Sinigurong hindi ako mababasa. Pinasakay niya ako sa passenger seat. Malapit lang iyon sa kinatatayuan ko kanina. Hindi ko siguro napansing huminto sa harap ko.
Tumakbo siya paikot. Nang makasakay na siya ay medyo basa na ang suot na damit. Nagkatinginan pa kami. Ako ang unang nagbawi ng tingin.
What the hell am I doing ! Sana tinanong mo iyan bago ka sumama sa sasakyan niya, Cass. Sabi ng isang baliw na bahagi ng isip ko.
It's to late. Alangan namang lumabas ako at magpabasa sa ulan para iwasan siya.
Ibinalik ko sa kanya ang jacket niya ng hindi tumitingin sa kanya. Kinuha naman niya iyon. Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko. Ginamit niya iyon pamunas sa basang buhok.
Nakonsensya naman ako dahil ipinahiram niya ang jacket para hindi ako mabasa at siya pa ang nabasa.
"I'm fine," sabi niya na hindi naman nakatingin pero parang alam ang nasa isip ko. Umiwas pa uli ako ng tingin at sa mga studyante tumatakbo sa ulan ang tinignan ko.
Napalunok ako. Nakakaramdam na kasi ako nang pagkailang. Hindi naman kasi kami close. Hindi ko rin siya kilala. Kilala ko lang siya bilang seryosong Captain ng Taekwondo Club.
"Are you cold?"
Umiling ako.
"Sure?"
Tumango ako.
"Why did you run?"
Doon na ako napatingin sa kanya ng tanungin niya iyon. Hindi ko akalaing tinatanong talaga niya ang kahihiyang ginawa ko.
"A-Ano?" sumiksik ako sa pinto na parang napapaso ako sa klase ng titig niya.
"Bakit ka tumakbo kanina?"
"A-Ano kasi na C-cr ako" nakayukong sabi ko.
"Hmm," halata namang hindi siya kumbinsido sa klase ng ngiti niya.
Atleast wala siyang sinabing iba.
"What I said is true," nakangiting sulyap niya sa akin.
"H-Ha?" anong totoo sa sinabi niya. Wala akong naaalala. Wala. Wala. Wala.
Yes, lang naman ang sinabi niya kanina.
"Your Address? Please," hindi ko namalayang nakalabas na pala kami ng Campus. Natulala na naman ba ako.
Sinabi ko sa kanya ang Address ng Subdivision namin.
Agad kaming nakarating sa harap ng bahay. Mahina na ang ulan sa labas.
Nahihiyang nagpasalamat ako sa paghatid niya.
Nagulat ako ng ipasuot niya ang jacket sa ulo ko. Para raw hindi ako mabasa papasok ng bahay kahit malapit lang naman na.
"Susunduin kita bukas," sabi niya ng akmang lalabas ako.
"H-Ha" okay. Ilang beses ba akong mabibingi sa kanya. Nakakagulat kasi ang mga lumalabas na salita sa bibig niya.
"Susunduin kita bukas," ulit niya. "Anong oras ang pasok mo bukas?"
"9AM," wala sa sariling sagot ko.
"I'll fetch you at eight thirty then."
Napakagat labi akong lumabas ng sasakyan niya.
Bumusina muna siya bago tuluyang umalis. Ako naman ay tulala pa rin hanggang sa makapasok ng bahay. Nang makarating sa kwarto ang naghihina akong napaupo sa kama.
Napatili nalang ako ng malakas. I'm crazy. I'm crazy.
Sinabi ko ang oras ng unang klase ko parang pumayag na din akong sunduin niya nga ako bukas.
***

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    Mica Fontanilla

    I love it

    04/08

      0
  • avatar
    Joyliz Blanquera Valiente

    so good

    15/07

      0
  • avatar
    JunmardjunmardJunmardjunmard

    wow

    07/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes