logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3

TUMULO ang mga pinipigilang luha ni Laila nang sa wakas ay makalayo siya sa kumpulan ng mga sosyal na taong naroon sa loob ng mansyon ng mga Villones. Hindi makapaniwala ang dalaga na engaged na siya sa isang lalaking ni hindi nga niya kakilala man lang at sa gabing iyon lang niya nakita. Hindi rin niya maintindihan kung bakit kailangang gawin iyon ng mga magulang.
Everything is a mess. I am in trouble.
Nakaupo si Laila sa isang bench na nakita niya sa hardin ng mga Villones. Ni hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Ang alam lang niya ay kinailangan niyang makalayo sa mga taong mapanuring nakatingin sa kanya mula pa nang dumating siya sa party na iyon hanggang sa mai-announce ang kalokohang sinabi ng haligi ng tahanan niyon.
Laila needs to breath. Naninikip ang dibdib niya sa pagpipigil na umiyak sa harap ng mga tao kaya kinailangan niyang lumabas. Dahil kung magtatagal pa siya sa loob ng mansyon at patuloy pang makikisalamuha sa mga mapagpanggap at mga sosyal na mga tao sa okasyong iyon ay tiyak na sasabog siya.
May pakiramdam si Laila na hindi niya kayang dalhin ang pressure at tensyon na dulot ng balitang nalaman. For heaven’s sake, it was all about her. That announcement has something to do with her!
And she has no plan to sit there and do nothing. Of course, she needed to do something. She won’t just accept those bullshits!
“Ano ba kasing problema nila?” umiiyak na sabi niya habang nakatingala sa madilim na langit. Malinaw niyang nakikita ang kalangitan dahil open area ang hardin sa labas ng mansyon.
Walang buwan ng gabing iyon at tila nakikisimpatya rin ang kalangitan sa kanyang kalungkutan dahil maski ang mga bituin ay hindi rin nag-abalang sumilip. “Bakit nila ginagawa sa akin ‘to?”
Natigilan na lang si Laila nang may sumulpot na isang puting panyo sa harap niya na hawak ng kung sino. Nagtatakang ibinaling niya ang tingin sa nagmamay-ari niyon at hindi niya napigilan ang sariling mapakunot ang noo nang mapagsino kung sino iyon.
“J-Janus? What are you doing here?” maaskad na tanong niya at hindi binigyang pansin ang panyong iniaabot nito.
Ngunit sa halip na sagutin siya ay nagkibit-balikat lang ang binata at umupo sa bench sa tabi niya.
“Bakit umuupo ka? Sinabi ko bang umupo ka?” mataray niyang tanong habang umuusod palayo sa binata upang magkaroon ng distansya sa pagitan nilang dalawa ng fiance. “At saka hindi ko kailangan ng panyo mo, malay ko ba kung saan mo ginamit iyan,” dagdag pa niya na nag-iwas na ng tingin dito at muling tumanaw sa malayo. Hindi pa rin kasi tumitigil ang mga mata niya sa pagluha kahit anong pilit niyang pigilin ang mga iyon sa pagpatak. Siguro nga, sobrang nasaktan siya sa naging desisyon ng mga magulang para sa kanya. Pero buhay niya iyon. Hindi dapat siya pinangungunahan ng mga ito.
At minsan pa sa gabing iyon, kasama ang lalaking bigla na lang naging bahagi ng buhay niya ay umiyak siya. Ang tahimik na pagluha niya ay naging paghikbi na tiyak niyang dinig na dinig ng katabing binata.
“Malinis ang panyo ko” Narinig niyang sabi ng binatang katabi sa magaang tinig na naging pamilyar na sa kanyang tainga. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nito inabot pa sa kanya ang panyo nito sa halip ay ipinaharap siya ng binata dito at ito na ang nagpunas sa mukha niyang natitiyak niyang basang-basa na ng luha.
“What are you doing─”
“Sshh,” sansala sa kanya ng binata. “Huwag ka nang kumontra pa sa ginagawa ko. And please, stop crying Laila. Magiging usapan ito ng mga tao kapag may nakakita sa’yong umiiyak dito sa hardin namin,” sabi ni Janus.
“Wala akong pakialam─”
“Puwes ako meron. Look, Miss Smith, a few minutes ago, you and I were announced engaged. And now, here you are crying your heart out. Kapag may nakakita sa’yo baka isipin nilang pinilit ka lang─”
“Dahil pinilit lang naman talaga ako,” putol niya sa sasabihin ng binata. Tinabig rin niya ang kamay nitong may hawak na panyo na nasa mukha pa rin niya. “Ni wala nga akong alam na kaya pala ako nandito ay para marinig ang napakawalang kuwentang bagay na iyon!” mariin niyang sabi.
Madilim naman ang mukhang nagsalita si Janus. “Don’t you dare to cut me off when I am talking─”
“You did it to me, first,” sabi niya bago pa man matapos ang binata sa pagsasalita. “There, patas na tayo. You did it twice and I did it twice as well just now.” Hindi inalis ni Laila ang mga mata niya sa mukha ng binata kaya kitang-kita niya ang bahagyang pagtatagis ng mga panga nito na kinokontrol ang sarili habang magkasalubong ang mga kilay at masama ang tingin sa kanya.
“What’s your problem, woman?” malamig ang boses na tanong sa kanya ni Janus. Matiim ang mga titig nito sa kanya dahilan para makaramdam siya nang pagkailang sa binata ngunit hindi niya iyon ipahahalata dito. “Hindi mo ba alam na dapat ngayon pa lang ay iginagalang mo na ako? I’ll be your husband, soon.”
Wala sa loob na napapikit si Laila sanhi ng iritasyon sa narinig na sinabi ng binata. I’ll be your husband, soon, ulit niya sa isip sa sinabi ng kausap. Napailing siya.
“Mr. Janus Villones, I just want you to know something,” aniya na tumayo na at bahagyang niyuko ang binatang nakamasid lang sa kanya at nanatiling nakaupo lang sa bench.
“What is it?” tanong sa kanya ni Janus.
Inilapit ni Laila ang mukha sa mukha ng binata na alam niyang ikinagitla nito ngunit hindi nagkomento. “You. Will. Never. Be. My. Husband. Remember that,” aniya na mabilis na kinuha ang panyong hawak ng binata at saka malalaking hakbang na naglakad palayo dito.
Mayamaya pa ay narinig niyang tinawag siya nito. “Laila!”
Nagtayuan yata lahat ng buhok sa katawan ni Laila nang marinig niyang tinawag ng binata ang pangalan niya. Huminga muna si Laila nang malalim bago nilingon ang binatang natagpuan niyang nanatili pa ring nakaupo sa bench.
“Bakit mo ako tinatawag sa pangalan ko? Close ba tayo ha?” mataray niyang tanong. “Saka bakit ba, ano’ng problema mo?”
Para namang manghang-mangha sa kanya ang binata na ilang segundo pa ang pinalipas bago nakasagot. “Kinuha mo ang panyo ko,” sagot nito sa seryosong boses.
“Lalabhan ko. Hiyang-hiya naman kasi ako sa’yo.” Saka baka mamaya magamit mo pa sa pangkukulam o kung anuman, manigas ka. I don’t like to risk anything by the way. Napailing na lang si Laila sa naisip. Umiral na naman kasi ang pagiging weirdo niya. Para namang may kakilalang mangkukulam ang mayamang binata.
Tinalikuran na niya ito at muli sanang maglalakad na nang marinig na naman ang boses nito.
“You will do that?” gulat na tanong sa kanya ni Janus.
Kunot-noong muli niya itong binalingan. “Yes and what’s your problem with that? Huwag kang mag-alala Mr. Villones alam ko at marunong akong maglaba,” aniyang iningusan ang binata.
Nginitian naman siya ni Janus na ikinataas ng kilay niya.
“Well, thank you in advance. Ibig sabihin magkikita pa tayo uli bago ang kasal dahil ibabalik mo pa sa akin ‘yan,” anito na inginuso sa kanya ang hawak niyang panyo. “It’s quiet a progress.”
Napahigpit ang pagkakahawak ni Laila sa panyong hawak niya. Wala siyang balak na makipagkita uli sa fiancé niya. Kung ibabalik niya ang panyo ay sisiguraduhin niyang hindi siya ang magbibigay nito dito.
“I hate you,” aniya sa lalaki at pinukol ito ng masamang tingin.
“Hindi mo naman ako kailangang mahalin para matuloy ang kasal natin. You hate me is fine. Atleast may feelings ka para sa akin. And I appreciate that,” balewalang sagot nito. Sa lahat nang nakilala niya personal man o hindi, at mga narinig niyang mga lalaking nakikipag-usap, si Janus na ang pinakamadaldal. He even more talkative than my male characters!
“I don’t need your appreciation,” mariing sabi niya na ikinawala ng ngiti ni Janus.
“My bad. My fiancé is really rude. And by the way Laila, I don’t need you, too.” Malamig at mariin ang bawat pagkakabitaw nito sa mga salitang iyon na nagdulot sa kanya ng kaba.
Pero walang balak si Laila na ipakita sa binata na naaapektuhan siya sa biglang pagbabago ng boses at reaksyon nito sa kanya. Ilalaban niya ang kalayaan niya. Baka sakaling, ito na mismo ang umayaw sa kanya at umayaw sa kasal nila.
“Then, why agreed to this?” Pinantayan niya ang malamig at seryosong anyo ng binata.
“Dahil wala naman talaga akong pakialam sa kasal at kung sa kahit kanino pa ako ipakasal. I am just going to give my future wife─ which is you my surname. Having good time with you like sex with you and for you to bear my child in the future as my successor.”
Napamaang si Laila sa binata. Parang wala lang talaga dito ang pagpapakasal sa kanya. “S-sex with me? Bear your child?” Wala sa loob na ulit niya sa mga sagot nito. Mayamaya ay tumawa siya nang nakakainsulto. Tawang walang laman. Damn her life! Damn this man! “This is a big joke, Janus,” aniya nang tumigil sa pagtawa kapagdaka. Saka marahang ngumiti sa binata na nang mga sandaling iyon ay gulong-gulo na nakamasid sa kanya. Iniisip siguro na baliw na siya. “Sinisiguro ko sa’yong walang kasalan na magaganap. Itaga mo ‘yan sa bato.” Kahit ano’ng mangyari hindi ako papayag sa fix marriage na ‘to. Hinding-hindi ako magpapatali sa isang lalaking hindi ko kilala at lalong hindi ko naman mahal. Pagkasabi niyon ay agad na niyang tinalikuran ang binata at tuluy-tuloy na naglakad palayo.
Paglabas na paglabas niya ng bakuran ng mga Villones ay agad siyang sumakay sa backseat ng kotseng dala na minamaneho ng kasama nilang driver nang magpunta roon.
“Ma’am, uuwi na po ba tayo?” tanong sa kanya ni Mang Kulas, ang driver nila.
“Opo, uuwi na tayo,” aniyang sa labas ng bintana nakatingin. Ayaw niyang makita nang matanda ang namumula niyang mukha at ilong sanhi ng pag-iyak.
“Si Ma’am Louise po ba hihintayin natin?”
Natigilan si Laila nang marinig ang pangalan ng kapatid. Agad siyang nakaramdam ng pinong sakit sa kanyang kaliwang dibdib nang maalala ito. Louise betrayed her. And it was so damn hurt.
“H-Hindi na Mang Kulas. Kasama niya sina Mommy at Daddy sa loob,” sagot niya at hinayaan na lang ang matandang driver na imaniobra na ang sasakyan. Kailangan na niyang makauwi. Kailangan na niyang makalayo sa lugar na iyon. Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal.
“NASAAN ANG MA’AM LAILA NINYO?” Dumadagundong ang malakas, galit at nakatatakot na boses ng ama ni Laila sa buong mansyon.
Nanatili naman si Laila sa pagkakaupo niya sa sofa kahit na nakaramdam siya ng magkahalong kaba at takot nang marinig ang tinig ng ama. Naririnig rin niya ang kandautal-utal na sagot ng mga katulong na itinuturo kung nasaan siya kasunod ang mabibigat na hakbang at ingay ng mga sapatos patungo sa family room kung saan niya hinihintay ang mga ito. Bahagyang bukas ang pinto niyon kaya naririnig niya ang ingay mula sa labas.
“Laila!” galit na tawag sa kanya ng ama ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi siya sumagot sa pagtawag nito sa kanya. Ni hindi rin siya tumayo mula sa pagkakaupo para salubungin ang mga ito.
Nang sa wakas ay makapasok na sa family room ang Mama at Daddy niya kasama ang kapatid na si Louise ay agad na isinara ng mga ito ang pinto. Tulad nang inaasahan niya, sabay-sabay na umuwi ang mga ito nang marahil ay mapansing wala na siya sa party ng mga Villones.
“Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa amin na uuwi ka na? Kung hindi pa kami nilapitan ng fiancé mo ay hindi pa namin malalaman na wala ka na sa party. You should not left that party in the first place. It’s your engagement party!” sunud-sunod na sabi ng ama niya.
So, alam pala ng fiancé ko na umuwi na ako. Buti hindi niya ako pinigilan, napailing na lang si Laila.
“How rude you can be Laila? Ni hindi ka man lang nakipag-usap sa mga magiging in-laws mo,” sabi pa ng ama dahilan para lingunin niya ito.
Tumayo ang dalaga at hinarap ang mga magulang. “Kayo, bakit hindi ninyo sinabi sa akin na may ganito pala kayong plano para sa akin? Na ipakasal ako sa kung sinong poncio pilato? How rude you can be Dad?” balik niya sa mga magulang.
Natigilan ang ama sa inasta ni Laila ngunit sandali lang iyon. Galit na galit ang ama niya at dinuduro siya habang nagsasalita. “Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan Laila. I am your father!”
Hindi siya nagsalita subalit tinignan niya nang masama ang ama. Hindi niya mapigilan ang sarili at ilang sandali pa ay naramdaman na lamang niya ang malakas na pagtama ng kamay ng ama sa kanyang pisngi na nagpayanig sa mundo niya ng ilang sandali.
“William!” saway ng Mama niya sa Daddy niya. Kasunod niyon ay ang mahinang pag-iyak ng kapatid na nakatayo pa rin sa tabi ng pintuan ng silid.
“Don’t stop me Eleonor. Your daughter deserves that. Masyado nang matigas ang ulo niya at masyado na ring mahaba ang mga sungay niya para bastusin ako sa loob ng pamamahay ko!”
Nakagat ni Laila ang pang-ibabang labi nang marinig ang mga sinabi ng ama. Dahan-dahan siyang humarap dito at sinapo ang pisnging tila namanhid sa lakas nang sampal na natamo niya.
“Don’t say that William,” ani ng ina na inaalo ang ama niya at pilit pinakakalma. “Nagulat lang si Laila sa nalaman niya. Isa pa, kasalanan din naman natin dahil hindi natin sinabi sa kanya nang mas maaga.”
“Wala tayong kasalanan, Eleonor. Magulang niya tayo kaya tayo ang masusunod. Isa pa, kung naging masunurin lang iyang anak mo sa lahat ng gusto ko, hindi naman siya mapapasok sa ganitong arrangement,” sabi ng ama na mataas pa rin ang boses saka bumaling sa kanya. “Wether you like or not, you are going to marry Arthuro’s son,” sabi nitong may pinalidad sa boses.
Agad na tumutol ang puso at isip ni Laila sa narinig sa ama. “No way!” mariing sagot niya. “Sa pagitan nating lahat, ako─ ako ang may karapatang magalit. It’s my life Dad. I am your child, yes but you both don’t own me. It’s me who should choose and decide everything that has something to do with me and my life. Only me!” Hindi na kontrolado ni Laila ang sarili, sumisigaw na siya sa samu’t saring nararamdaman para sa mga nakalipas na taon, sa sariling pinagdadaanan bilang indibiduwal at sa sitwasyon niya. Umiiyak na rin siya at mariing kuyom ang mga kamay huwag lang siyang magwala sa harap ng mga magulang. “I don’t want to marry a man that I don’t love.”
“Then, love him Laila if that is what you want,” walang kagatol-gatol na sabi ng ama. “Love Janus Villones and marry him afterwards.”
Napatanga si Laila sa Daddy niya. Hindi siya makapaniwalang iyon ang isasagot nito sa kanya. Napatingin siya sa ina para sana humingi ng tulong ngunit nag-iwas lang din ito ng tingin sa kanya. Na para bang sinasabi nito sa pamamagitan niyon na sumunod na lang siya sa gusto ng Daddy niya.
Naiiling na napahawak si Laila sa ulo niya. Pakiramdam niya ay sumakit iyon dahil sa mga nangyayari at mga hindi kapani-paniwalang naririnig niya. “I can’t believe this,” aniya na naglakad at nilampasan ang mga magulang.
“Laila, don’t you dare turn your back on me! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Ganyan ba ang itinuturo mo sa mga estudyante mo sa public school?” Napapalatak pa ang ama bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi na kataka-takang kaya marami ang mga walang modong kabataan sa lipunan ay dahil sa mga gaya mong guro na wala ring modo sa katawan,” nang-iinsultong sabi pa nito.
Agad na nagpanting ang mga tainga ni Laila sa narinig. You don’t know even a little thing about those children you are talking about, Dad. Kung tutuusin mas tao pa sila kaysa sa’yo. Kaysa sa inyong lahat na nandito at may sosyal na buhay. You are all idiots comparing to those poor people you are insulting right now! Gusto sanang sabihin ni Laila ngunit pinigil niya ang sarili.
Taas-baba ang dibdib niya sa pagpipigil na sagutin ang matapobreng ama. Nagbilang din siya hanggang sampu para pakalmahin ang sarili pero hindi iyon nangyari. Kaya sa huli ay nagdesisyon na lang ang dalaga na iwan ang mga magulang at naglakad na palabas ng silid na iyon. Saglit lang siyang natigilan nang makita sa tabi ng pinto ang kapatid na umiiyak na nakaharap sa kanya.
“Ate,” tawag sa kanya ni Louise at pilit inaabot ang kamay niya ngunit tinabig niya lang ito.
“Of all people Louise, I’ve never expected it from you,” mariin niyang sabi. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha habang nakatingin sa kapatid na tila sising-sisi. “You betrayed
me. And I don’t want to see your face,” aniya na pinihit pabukas ang pinto ng family room at dere-derestong lumabas mula roon kahit naririnig niya ang galit na galit na pagtawag at pagmumura ng ama niya sa kanya.
She’s already alone. And now, Laila felt like she was left behind all the more. Just great!

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    YuGabriel

    hi I love to read this coming Thursday ok lang

    18d

      0
  • avatar
    Rhydian Chan

    very noice

    06/11

      0
  • avatar
    EligarcoSetty

    very good

    05/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes