logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

HINDI makapaniwala si Laila sa sinabi ng binatang lumapit sa kanila at natagpuan niyang nakatayo sa likuran niya.
Future wife? Baliw ang lalaking ‘yon. May sayad. Kulang-kulang,aniya sa sarili habang sinusundan niya ng tingin ang binata.
Handa na sana siyang batuhin ito ng sangkaterbang tanong at sermon kung hindi lang ito biglang tinawag ng isa sa mga mayayamang bisita roon na agad naman nitong sinalubong ng may pormal na ngiti sa mga labi. Ngunit bago ito umalis sa harapan niya ay mabilis muna nitong inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.
Binalingan niya ang kapatid na si Louise na parang nanigas sa kinauupuan nito at tulad niya ay nakasunod lang din ang mga tingin nito sa estrangherong baliw.
“What’s wrong with that guy, Louise?” iritableng tanong niya dito saka sinenyasan ang namataang waiter para bigyan siya ng tubig. Natuyo yata ang lalamunan niya sa kabaliwang ng lalaking tinawag siyang future wife kuno. Nang mabigyan siya ng waiter ng tubig ay umalis din kaagad ito sa harap nila, saka muli siyang nagsalita. “Do you know him?”
Parang wala naman sa loob na tumango si Louise sa tanong niya bilangs sagot.
“Really? How?”
Binalingan siya ni Louise. “Siya si Kuya Janus, Ate. Kapatid siya ni Jenna.”
“Mabait si Jenna, kahit mukhang maluho pero iyong sinabi mong kapatid niya mukhang mayamang palikero. I don’t like him,” komento niya matapos uminom ng tubig. Hindi naman kumibo ang kapatid niya na ipinagtaka niya. Kadalasan kasi ay mayroon kaagad itong sagot sa anumang sasabihin niya ngunit ng mga sandaling iyon ay parang tikom ang bibig nito sa hindi niya malamang dahilan. Bakit kaya? “Bakit parang tahimik ka yata, Louise? Crush mo ba iyong Kuya ni Jenna?”
“Naku, hindi Ate!” Mabilis na depensa nito sa tanong niya.
Kumunot ang noo niya. Hindi naman namumula ang pisngi kapatid pero bakit pakiramdam niya may mali. “Sigurado ka?” panghuhuli pa niya.
Agad na tumango si Louise. “Oo Ate, sigurado ako. Saka, ano ka ba? Kasing edad mo kaya iyon.”
“O ano namang kinalaman ng edad, e crush lang naman?”
“Hindi ko nga crush si Kuya Janus. Ang kulit,” parang naiinis namang sagot nito.
Napailing na lang si Laila at napagdesisyunang manahimik habang matamang pinagmamasdan ang paligid.
Malaki at maluwang ang salas na iyon ng mga Villones. Kung tutuusin ay hindi matatawag na basta bahay lang iyon kundi isang mansyon sa laki at lawak niyon. At hindi na bago si Laila sa mga ganoong lugar dahil kahit siya at ang kanyang pamilya ay ganoon din ang bahay na inuuwian sa araw-araw. Isang tirahan na para sa kanya ay hindi isang tahanan kundi isang hawla.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang dumalo sa mga ganoong pagtitipon ng mga mayayaman. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya kabilang sa mga ito kahit pa napapalamutian siya ng naglalakihan, nagmamahalan at nagkikislapang mga diyamante. Kahit na ang mga damit at sapatos niya ay pawang galing sa ibang bansa at gawa at disenyo pa ng mga kilalang tao.
Sa mga ganoong pagtitipon kasi ay nakakaramdam siya ng pagkailang. Na hindi siya bahagi ng mundong iyon at hindi siya karapat-dapat sa kinalakihan niya. Sa bawat pagtitipon, pakiramdam ng dalaga ay lumilipat lang siya ng hawla. Oo nga at maayos siyang pinakikiharapan ng mga tao ngunit kapag nakatalikod siya ay ramdam na ramdam niya ang mga mapanuring mga mata ng mga iyon na nakatuon sa kanya. Na habang nasa paligid ang mga taong iyon ay kailangan niyang itago ang sarili at lahat ng pangit na bagay tungkol sa kanya sa harap ng mga iyon. Sa madaling salita, kailangan niyang magpanggap na perpekto siya.
Ngunit batid ni Laila na alam ng lahat ang tinahak niyang buhay. Isang buhay na hindi masikmura ng mga nakapaligid sa kanya kahit pa nga sabihing marangal iyon dahil sa mga taong iyon, ang kumita ng malaki ang karangalan ng mga ito. Ang maging kilala sa larangan ng negosyo at pulitika at mailathala ang iyong larawan at pangalan sa mga dyaryo at magazine maging sa mga telebisyon, iyon ang karangalan. Hindi ang gaya niyang bumaba sa estado ng mga mahihirap.
Sa pag-ikot ng mga mata ni Laila sa paligid ay ilang beses na siyang may nakasalubong na mga tingin ng mga nag-uumpukang mga kababaihan, nasa edad niya o kaya ay mga matatanda na nakatingin sa direskyon niya. Ipinaiikot ng mga ito ang mga mata na wari mo ay kinaiinisan na magkasalubong sila ng tingin na para bang sinasabi ng mga ito na hindi siya dapat naroon.
May ilan rin siyang naririnig na pag-uusap at tawanan ng mga grupo ng mga may edad ng lalaki at ilang kilalang personalidad na nagpapataasan ng ihi tungkol sa mga nagawa at natapos ng mga ito. Ang iba ay para bang kandidato na sinisiguro sa kaharap ang ilang mga proyektong di pa man nasisimulan ay tinitiyak na nitong magiging matagaumpay. Naroon din naman ang mga taong tila kaunting-kaunti na lang ay papatulan na ang mayabang na kausap, ang iba ay pilit na ngiti ang ibinibigay at nakikisakay na lang sa usapan at ang iba ay talagang nakikipagpaligsahan rin sa bilang ng mga nagawa at magagawa pa para magparami ng kayamanan.
Mga plastic, aniya sa isip kasabay nang pagbuntong-hininga.
Hindi alam ni Laila kung paano nakatatagal ang mga tao sa ganoong klase ng mundo dahil siya ay sukang-suka na. Ang pagyayabangan at pagmamataasan ng mga tao ay sobra na para sa kanya. Idagdag pa ang sadyang pang-iinggit ng mga tao sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga suot na mga suit at gown sa gabing iyon ay nagpapasakit na rin sa ulo at tainga ng dalaga.
Sa totoo lang hindi talaga niya maintindihan kung bakit kailangang pag-usapan pa ng mga tao kung sino ang nagtahi, nagdisenyo at kung gaano kamahal ang mga suot ng mga ito. At kapag nalaman ng isa na mas mahal ang suot niya ay may hindi matatawarang ngiti ng tagumpay ang papaskil sa labi nito at ang kausap na nalamangan ng ilang libo o milyon para lang sa isang damit ay mananahimik at tila uusok na ang ilong sa galit.
What’s wrong with the rich people? Iyon ba ang mahalaga sa buhay? Ang presyo ng lahat ng bagay? She can’t relate with those things, actually. Dahil ang laman ng utak ni Laila ay hindi ang makipagsosyalan at gumastos ng malaking halaga para sa mga walang kakuwenta-kuwentang mga bagay kundi ang paano makakatulong sa mga higit na nangangailangan at kung paano ba maging mabuting tao. Ang maging mabuting mamamayan.
Minsan pa ay napabuntong-hininga siya nang marinig ang usapan ng grupo ng mga kabataang babae na nakaupo hindi kalayuan sa mesa nila ni Louise.
“I am sure, mas mahal at mas maganda ang gown na suot ni Jenna.”
“Of course, it’s her birthday! Kung sa mga normal na okasyon hindi magpapatalo iyon, lalo na ngayon na dapat siya ang maganda sa harap ng lahat.”
Mayamaya pa ay umalingawngaw na sa buong paligid ang tinig ng master of ceremony habang tsinetsek nito ang mikropono.
“Good evening, Ladies and Gentlemen!” masiglang bati niyon sa kanila “Let’s all welcome our celebrant today for her sixteenth birthday with a round of applause!”
Napuno ang buong kabahayan ng masigabong palakpakan ng mga bisita at parang wala iyong katapusan hanggang sa makita nila si Jenna na pababa na mula sa malaki, mataas at malawak na hagdan ng mansyon suot ang kulay asul na ball gown na kumikislap sa tama ng liwanag mula sa chandelier na nasa gitna ng malawak na kabahayan. Mukhang ginawang sequins ng mananahi ang mga dyamante at tiyak siyang napakamahal niyon lalo’t napalilibutan ng mga iyon ang damit ng dalaga sa napaka-artistikong paraan.
Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Jenna na may paskil na matamis na ngiti sa mga labi habang ang mga bisita nito ay kanya-kanyang bulungan kung gaano kamahal ang suot na gown ng dalaga at kung gaano kalaki ang nagastos ng pamilya nito sa handaang iyon.
At sa lahat ng iyon ay walang pakialam si Laila at mananatili na lang sana sa kinaroroonan kung hindi lang siya hinila ng kapatid.
“Sandali, Louise, saan ba tayo pupunta?” nagtatakang-tanong niya sa kapatid.
“Lalapit tayo kay Jenna para malaman niyang nandito ako. Nakatayo ang lahat ng tao, Ate, hindi niya ako makikita kaagad sa dami ng bisita,” sagot nito.
“Agaw-pansin kung lalapit pa tayo sa unahan, Louise,” pigil niya sa kapatid sa paghila sa kanya. May nababangga na silang mga bisita rin dahil sa pagsingit nila. Malayo kasi ang table nila sa unahan kung nasaan ang hagdan at kung saan naglagay ng maliit na stage para sa program.
“Hindi Ate,” kontra nito. “Tara na.”
“Hintayin mo na lang muna si Jenna na makababa sa stage saka ka lumapit. Saka bakit ba kailangang isama mo pa ako?” nagtatakang-tanong niya. Masyadong malakas ang kapatid niya na naghihilahan silang dalawa ngunit sa huli ay siya palagi ang nahihila nito.
“Basta Ate.”
Akmang magsasalita pa sana siya nang marinig na nagsalitang muli ang emcee.
“Ladies and Gentlemen, let’s give another round of applause for Smith family’s presence tonight!”
At nagpalakpakan nga ang mga taong naroon.
Kunot-noong napatingin si Laila sa make-shift sage sa unahan. “Ano’ng meron? Bakit kailangang naka-special mention ang family natin? Tayo ba o kaapelyido lang natin?” tanong niya ngunit hindi siya sinagot ng kapatid na ang higpit-higpit nang hawak sa kamay niya.
Nagpatianod na lang si Laila sa kapatid na mas may halong pagmamadali ang paglalakad kahit halata niyang nahihirapan na ito sa paglalakad sanhi ng suot na heels na hindi naman ito sanay isuot.
Mukhang hindi lang namin kaapelyido ang Smith na tinutukoy kundi kami mismo, hula niya nang mapansing nililingon sila ng mga bisita at nagbubulungan na naman.
Nang sa wakas ay makaalpas sila sa may isa o dalawang daang katao sa malawak na mansyon at makarating sa unahan ay nagulat pa si Laila nang makitang naroon ang kanyang Daddy at Mama.
What is happening?
“Ma, Dad, what are you two doing here? I thought you’re busy on some business out there,” aniyang humalik sa pisngi ng mga magulang. Ganoon din ang ginawa ng kapatid niya saka tumabi sa mga ito.
Nagtatakang nilingon niya si Louise ngunit nakayuko na lang ito ng mga sandaling iyon.
“I’m sorry,” narinig niyang bulong ng mama niya sa kanya nang gagapin nito ang isa
niyang kamay.
Agad niya itong nilingon. “For what?” kinakabahang tanong niya.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero may pakiramdam siya na may mangyayaring hindi tama sa gabing iyon. Bakit humihingi ng tawad sa kanya ang ina? At bakit pinalabas ng mga magulang na hindi ang mga ito dadalo sa okasyong iyon dahilan para samahan niya ang kapatid doon.
Noon naman lumingon sa kanya ang ama. “Be good and don’t make a scene,” anito na muling humarap sa padre de pamilya ng mga Villones na nang mga oras na iyon ay hawak na ang mikropono at mayroon nang malawak na ngiti sa mga labi.
“First, I want to say thank you to all of you for coming here and for joining our celebration,” panimula ni Mr. Arthuro Villones. “Well, our family is happy to celebrate tonight with all of you. For two reasons. The first thing we are gladly celebrating is our daughter, Jenna Villones’ sixteenth birthday. Mahirap pala talagang magpalaki ng anak.” Nagtawanan ang mga tao roon kahit na mismo si Mr. Arthuro. “Hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa o dapat maiyak dahil nagdadalaga na ang aking bunsong anak. And as you all can see, she grew into a very beautiful lady. At alam ko rin na marami nang umaali-aligid sa kanya, so for those young men, I want to tell you to back-off,” may diing sabi nito sa huling salita saka muling naging malamyos ang tinig na tumingin sa anak. “For now. Jenna is still young and she will be our baby princess, maybe until she reached her fifty’s.” Dahil sa sinabi nito ay muling nagtawanan ang mga bisita at napansin niyang napakamot naman sa ulo ang ilang mga kabataang lalaki na sa palagay niya ay nagbabalak na ligawan ang dalaga habang si Jenna naman ay napasinghap at nakita niyang napanguso at inirapan ang tatawa-tawang ama ngunit sandali lang iyon dahil muli itong matamis na ngumiti kay Mr. Arthuro.
Sweet liitle brat, komento niya sa isip.
Ilang sandali pa ay nagpatuloy na ang lalaki sa pagsasalita. “As I’ve said earlier, there were two reasons for my family to celebrate tonight. And we also want to share it with all of you. The other thing has something to do with my first born, Janus.”
Agad na nagsinghapan ang mga kababaihan at nakita ni Laila ang pagkislap sa mga mata ng ibang may edad na mga lalaki na para bang may alam na ang mga ito. Pero si Laila, hindi niya alam kung paano o kung kailan nangyari pero parang nanikip bigla ang dibdib niya. Bakit pakiramdam niya may kinalaman ang una nilang pagkikita ng Janus na iyon sa kung anumang sasabihin ng matandang Villones?
“My son, Janus Villones is going to marry Mr. William Smith’s daughter. Ms. Laila Smith!” dere-deresto, walang gatol-gatol na anunsyo ng matanda na nagpasinghap kay Laila.
I am engaged just now, am I? Hindi makapaniwalang tanong ni Laila sa sarili habang nagsasalit-salit ang tingin niya sa mga magulang at kay Mr. Villones na nasa stage pa din at tinapunan siya ng masayang ngiti at nagsasalita.
At anumang ang sinasabi nito ay hindi niya maintindihan. Bigla parang nabingi siya sa nalaman. Iniangat ni Laila ang kanang kamay papunta sa kanyang kaliwang dibdib at dinama ang napakabilis na tibok ng puso niya.
Mr. Arthuro Villones just announced her wedding with his very own son and nothing of those has known by her. She felt betrayed. Para na lang iyong bombang biglang sumabog sa harap niya na naging dahilan para magkapira-piraso siya at mamatay. Yes, Laila felt like dying inside and she felt like someone crashed her into tiny pieces that she can’t move. She can’t even cry. She felt her spine shivered and then became numb.
Gustong umiyak ni Laila. Gusto niyang kumontra sa narinig. Gusto niyang tanungin ang mga magulang ora mismo. Nagrerebelde ang puso niya ng mga oras na iyon pero wala siyang lakas na magsalita o kumilos.
Alam ni Laila na nakakulong na siya sa anino at pangalan ng mga magulang at sandali siyang nakalaya mula roon ng hayaan siya ng mga itong maging guro sa pampublikong paaralan. She thought she did well on fighting her dreams against her parents’ plan for her. But she found herself there, hopeless. Walang kalaban-laban sa nakatakdang konsekwensya pala ng pagsuway niya para sa pangarap niya.
Ng mga sandaling iyon, pakiramdam ni Laila ay hindi na lang siya basta nakakulong sa malaki at magandang hawla. Kundi kinadenahan pa siya ng mga magulang sa magkabila niyang kamay at mga paa. Pati sa leeg na sinisigurong hindi siya makalalayo sa buhay na kailanman ay hindi niya ginusto.
“Hold my hand.” Narinig niyang sabi ng isang lalaki malapit sa tainga niya. Wala sa loob na tiningala niya ito dahil napagtanto niyang mas matangkad sa kanya ang nagsalita at hindi man lang siya umabot sa balikat nito.
Si Janus iyon. Hindi niya man lang namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang mapapangasawa. Mapapangasawa, muling naramdaman ni Laila ang kirot sa dibdib niya habang nakatingin sa lalaki.
“Hold my hand, Laila,” ulit nito sa sinabi. Ngunit hindi siya kumilos. Wala siyang lakas na kumilos kahit kaunti lang.
I don’t want to get married yet. Lalo na sa taong hindi ko mahal, naramdaman ng dalaga ang pag-iinit ng mga mata niya habang nakatitig pa rin sa binata na mataman lang na nakatingin sa kanya.
Bumuntong-hininga ito. “Okay, then. I am going to hold your hand. Don’t worry, everything will going to be fine,” sabi ni Janus kasabay nang paghawak nito sa kamay niya at humarap ng may ngiti sa mga labi sa mga bisita sa mansyon ng mga ito sa gabing iyon. Mga bisitang may mga ngiti sa labi at nagpapalakpakan para sa kanila.
They are all plastic.
Napapikit na lang siya para pigilin ang sariling maluha. This thing is unbelievable. Sana talaga hindi na lang ako naging kabahagi ng pamilyang ‘to.

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    YuGabriel

    hi I love to read this coming Thursday ok lang

    18d

      0
  • avatar
    Rhydian Chan

    very noice

    06/11

      0
  • avatar
    EligarcoSetty

    very good

    05/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes