logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Dalawang araw ko ng iniiwasan si Joziah Kyro. Last na pag-uusap namin ay noong sabay kaming kumain pero hanggang doon na lang 'yon. Kahit pa nakikita ko siya sa school at kaklase ko siya ay mas pinili kong iwasan siya. Hindi naging mahirap para sa akin dahil hindi naman niya din ako kinakausap.
Paano nga naman pala kasi ako kakausapin kung maghapon siyang tulog sa klase?
Ang swerte pa nga niya e, kahit halata sa itsura n'miya na magaling na siya sinabi pa rin ng prof namin na pwede siyang umabsent dahil may kaunting lagnat pa siya pero ang sira ulo, pumasok pa rin tapos wala din namang gagawin kundi ang matulog. Hindi sa gusto kong lagnatin ah, pero kung ako siya? Baka kinuha ko na 'yong chance na 'yon para makapagpahinga at gawin 'yong mga hindi ko pa natatapos gawin. At least excuse ako non ta's bibigyan pa ako ng time para gawin ang mga projects ko.
Kakatapos lang ng break namin kanina. Tapos ang pasok ko pa ay mamayang 2 pm kaya pumunta muna ako sa field. Doon ako naglilibang o kaya sa library kapag gusto kong magbasa ng tahimik. 'Yong ibang kaibigan ko may klase sila sa ganitong oras kaya mag-isa ako minsan.
Tumingin ako sa paligid ko para maghanap ng malilim na pwesto 'yong pwede kong mapanood 'yong mga naglalaro. Napangiti ako nang may makita sa hindi kalayuan na may bakante na upuan kung saan may malaking puno na natatakpan nito. Halatang presko at wala rin masyadong naka-upo.
Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang ipalibot ang mata ko sa kabuuan ng field. Sobrang laki 'to kumpara sa college roon sa probinsya namin. Grabe pa nga 'yong pagkamangha ko nung unang nakita ko ito. Sa pictures at balita ko lang nakikita kasi kaya hindi ko in-expect na ganito kalaki.
Scholar ako pero hindi mismo dito sa school. Syempre may tumutulong sa akin na makapag-aral ako sa ganitong school, hindi namin kakayanin ng pamilya ko na bayaran 'yong isang  semester pa lang. Sobrang mahal kaya! Nanay ko nga wala pang isang libo 'yong babayaran namin sa kuryente pero grabe na kung makapagreklamo, paano pa kaya ito?
May boyfriend kasi si Ate na may kaya 'yong pamilya nila tapos sobrang bait pa dahil nung minsan na pumunta kami dito, sinama ako ng kapatid ko sa bahay ng boyfriend n'ya.
So ito nga, nabanggit ko na  mag-aapply ako bilang scholar sana sa school na papasukan ko pero nagulat ako nung inalok ako ng magulang Ng boyfriend ni Ate na sila na ang magpapa-aaral sa akin pero syempre tumanggi ako. Nung sinabi naman nila na naghahanap din sila ng scholar ay hindi na ako tumanggi at sinubukan kong pumasok kaya 'yon umayosn sa akin ang tadhana ay nakuha akong isa sa mga scholar nila.
Sandali akong natigil sa paglalakad nung may nakita akong pamilyar na bulto.
Teka, si Joziah Kyro 'yon, ah?
Kahit sa malayo alam kong siya 'yon dahil sa suot niyang kulay blue na jacket. Ewan ko ba sa kanya, nilagnat lang nagkaroon na yata ng saltik. Ang init kaya sa pilipinas tapos naka jacket siya.  Siya lang din ang may lakas ng loob na mag civilian dito sa school maliban sa kaibigan niya.
Pero nangunot ang noo ko nang may makitang kausap siya.. isang babae? Hindi ko masyadong kita 'yong babae dahil kalahati ng katawan niya ay nahaharangan ng pader, naka cap din ito. Bakit diyan sila nag-uusap? Kung titigan kasi para silang nagtatago. Pati 'yong babae pamilyar sa akin pero sigurado akong hindi si Hazel 'yon.
"Ay!" Napatalon ako nung may tumama sa paa ko. Bigla akong kinabahan kaya agad kong tinignan 'yon. Muntik na akong atakihin sa puso. Akala ko palaka, bola lang naman pala 'yong tumama sa akin.
"Sorry miss." sabi nung kadarating lang na lalaki.
Nag-angat ako ng tingin para tignan siya kaya lang napanganga ang ako ng makita 'yong lalaking nasa harap ko. Galing ba siyang langit? Gagi, bakit ang hot niyang tignan kahit pawisan na siya. Tapos ang presko niyang tignan nung nakangiti siya. Wah! Nakakahawa.
"Miss okay ka lang?"
"H-hindi." wala sa sariling sabi ko. Totoo naman kasing hindi okay 'yong puso ko.
Nawala 'yong ngiti niya kaya nataranta ako.
"I mean ayos lang ako hindi naman malakas 'yong pagkakatama pero para kasi akong magkaka-heart attack." paliwanag ko habang nakangiti.
Bumaha sa mukha niya ang pag-aalala. Mabilis ang lakad niyang nilapitan ako at hinawakan sa kamay. Pumunta kami sa benches na dapat kong pupuntahan kanina.  Inalalayan niya ako papunta saka pinaupo.
"Alvin dalhin mo 'yong tubig ko dito!" sigaw niya.
Shet! Bakit gano'n? Ang bango niya samantalang halos maligo na siya sa pawis. Baka naman pabango, hindi pawis 'yong nasa katawan niya?
May tumatakbong lalaki palapit sa amin. May dala itong bottled water tulad ng sinabi ni..
"Jack 'to na o," bigay nung nagngangalang Alvin.
O my gosh! Jack 'yong name niya! Jack Roberto? Nope! Malayo doon eh. Baka 'yong Jack sa titanic?
Mabilis na humarap sa akin si Jack. May pag-aalala pa rin mukha niya pero nakangiti na siya ulit. Bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. Bakit ang bilis? In love na ba ako? 'Di ba dapat crush muna?
"Drink this," aniya saka nilahad 'yong hawak niyang bottled water."Nabuksan na 'yan pero hindi ko pa nainom." dagdag niya kumamot pa sa ulo na parang nahihiya. Cute!
Hala ang bait niya! Alam siguro niyang nauuhaw ako kaya nag-alok siya. Tinanggap ko 'yon at nginitian su
siya pabalik.
"Salamat. Hehe."
"About earlier I'm sorry." aniya saka umupo sa tabi ko.
Ngumuso ako."Wala 'yon, nagulat lang ako. Akala ko palaka, takot pa man din ako roon."
Tumawa siya sa sinabi."Akala ko may sakit ka sa puso."
Gosh! 'Yong tawa niya! Bakit ang sarap pakinggan? Parang 'yong favorite kong music.
"Ang totoo niyan hindi dahil sa palaka kung bakit feel ko magkaka-heart attack ako." Pag-amin ko.
Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin kaya tiningnan ko rin soya. May pagtataka sa mukha niya. Ngumuti ako at pumikit.
"Crush yata kita," mabilis kong sabi.
Dahan-dahan kong minulat ang mata para makita ang reaksyon n'ya. Tulala lang siya habang laglag ang panga niya; ni kumurap hindi na niya yata magawa. Saka lang siya kumurap nung tinaas ko ang kamay ko para igalaw sa harap ng mukha niya.
"Okay ka lang?" Ako naman ang nagtanong.
"You're weird." saad niya habang nakatitig lang sa mukha ko..
Natawa ako."Hindi ah. Siguro para sa'yo. Pero siguro naman hindi lang ako 'yong umamin sa'yo, 'di ba?"
Posible kasing ako pa lang 'yong umamin sa kanya na crush ko siya lalo na sa istura niyang 'yan. Matangkad siya, tapos 'yong ngipin niya pang commercial nga ng colgate eh. Siguro kung papasok siya sa isang agency ng model pasok agad siya lalo na hindi lang mukha ang ibubuga n'ya kundi katawan din.
"May mga ilang umamin naman pero hindi sobrang bilis tulad ng sa'yo. Karamihan palihim e, thru letter kasi nila ginagawa."
Napanguso ako. Sanaol may pa letter. Ang romantic naman ng taga hanga niya.
"Mabilis ba? Sorry, gano'n talaga ako kapag nagkacrush lalo na kapag ngayon ko lang nakita 'yong  tipong alam mong  hindi na ulit kita makikita o kaya naman para mawala agad 'tong maramdaman ko. Alam mo 'yon para hindi na lumalim?"
Tulala na naman siya. Hayst!Napakamot ako ng pisngi ko. Siguro masyado talagang mabilis. Ngayon lang rin na naman kasi ako umamin ng ganito. Last na amin ko nung grade six ako. Tagal ko nang crush 'yong dati kong kaklase tapos hanggang sa grumaduate kami ng elemtary crush ko pa rin s'ya kaya sinubkan ko umamin baka mawala at viola! Naka move-on din ako sa limang taon kong naging crush.
"Ano bang course mo? Alam kong maraming studyante dito pero bakit hindi kita nakita kahit isang beses?" Edi sana may inspiration akong mag-aral.
"Malapit lang naman 'yong building ng piloto dito. Ikaw?" nakangiting ani Jack.
Nagningning ang mga mata ko ng may maalala
"Flight attendant dapat 'yong kukunin ko kaso pinili ko 'yong business, mas nakakayaman raw iyon eh." pagkwento ko.
Bigla kong naalala nung nasa high school ako. Balak ko talagang maging isang flight attendant kaso lagi kong naririnig sa mga kaklase ko na kukunin nila ang kursong business dahil mas mabilis kang yumaman ro'n. Dahil sa kuryoso pinag-aralan ko ang business management hanggang sa magustuhan ko naman 'yon kaso medyo hirap pa rin talaga ako minsan pero keri naman kaya iyon ang kursong kinuha ko.
"You know what, I like you."
Namilog ang mga mata ko. Tama ba 'yong narinig ko? Gusto n'ya ako?! As in? Tiningnan ko siyang nanlalaking mata ko. Alam kong pangit 'yong reaksyon ng mukha ko pero wala akong mababakasan ng pagkadisguto bagkus nakikita ko ang tuwa sa mata n'ya.
"Ikaw ah! Sanasabi mong mabilis ako mas mabilis ka pala eh!" Tukso ko, kiniliti ko pa ang tiyan n'ya pero kaagad siyang umiwas. Natatawa siyang lumayo sa akin.
Napangisi ako. Aha! May kiliti pala siya sa tagiliran. Tawa lang kami nang tawa. Ewan ko ba, sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi naman talaga ako ilag sa mga lalaki, actually kaibigan ko nga noong elementarya at karamihan sa high school ay lalaki. Masyado kasing inggitera at mapanira 'yong mga kaklase kong babae sa baryo, puro pasosyalan at yabangan ang inaatupag. Tapos hindi ko inaasahan na mas makakaramdam ako ng totoong kaibigan sa lalaki.
Natigil lang ang tawanan namin nung may tumawag sa kanya.
"Jack! Practice na!"
Napatingin ako sa relo ko. Halos malaglag pa ako sa upuan ko nang makita ang oras. 5 minutes na lang, late na ako. Tumayo ako at nagmadaling kinuha 'yong bag ko. Nataranta naman si Jack sa bilis ng galaw ko kaya siguro pati siya ay napatayo.
"Bye, Jack! Next time na lang, malilate na ako eh!" Nakuha ko pang kumaway nang hindi nakatingin sa kanya.
Mabilis ang takbo. Takbo at lakad ang ginawa ko ng medyo malapit na ako sa room namin. Hindi ko alintana ang pawisan kong mukha. Nung malapit na ako sa room namin ay namataan ko si Joziah Kyro, ang isang kamay ay nakapamulsa habang cool na naglalakad papuntang ding room namin.
Isang beses ko munang pinunasan ang pawis ko bago inubos ang lakas para tumakbo. Ayoko siyang makasabay! Nang makarating ako mismo sa harapan ng room kaagad kong nakita ang prof. namin na sinesermunan niya ang mga kaklase ko. Ilang beses akong napalunok ako habang hinihingal sa sobrang pagod.
"G-good afternoon po, Sir." kinakabahang bati ko.
Lumingon siya sa akin, nanlilisik ang mata n'ya para bang handa na niya akong bugahan ng apoy ano mang oras perp nawala agad 'yon na parang bula nang may dumating sa likod ko.
"Good afternoon." Matamis siyang ngumti na parang hindi nagalit kanina."Pasok na kayo para makapagsimula na ako."
Kayo? Tsaka ko lang naramdaman ang presenya ng lalaking iniiwasan ko kanina sa likod ko. Yumuko ako at tahimik na naglakad sa upuan ko. Ramdam kong nakasunod si Joziah Kyro sa akin dahil nga tabi lang naman kami ng upuan. May silbi din pala 'tong lalaking 'to e, kahit papaano hindi ako pinagalitan.
Habang nakikinig sa teacher hindi ko maiwasang sumulyap sa katabi ko. Nakasandal ang likod niya sa upuan habang ang kanyang bag na parang wala namang laman ay nasa ibabaw ng lamesa n'ya. Nang mapatingin ako sa mukha niya bagot siyang nakatingin sa harap.
Ano kayang problema nito? Salubong kasi 'yong kilay tapos nakasimangot pa. Eh 'yong laging signature niya, nakangisi na lagi niyang ginagamit sa kalaban o kaya normal lang, hindi 'yong parang galit. Hindi ko alam kung galit na siya sa lagay na 'yan o ano kasi hindi ko pa siya nakikitang magalit.
"Mr. Villanueva, ayos na ba ang pakiramdam mo?" mahinahon na tanong ng prof namin.
Hindi sa judgemental ako ah, pero ang unfair kasi, halatang iba 'yong trato ni Sir kay Joziah Kyro kumpara samin. Nagpapalakas yata e. Akala mo mamahaling babasigin kung makatanong 'yong mga teacher namin kay Joziah Kyro.
"Yeah," tamad niyang sagot, hindi pa nakatingin sa teacher.
See? Ganyan siya kung sumagot pero parang traffic sa edsa 'yong pasenysa ng teacher namin sa kanya.
"Since wala ka ng ilang araw sa klase ko, kailangan mong habulin 'yon Mr. Villanueva."
Luh?! Wala sa klase o tulog sa klase? Ang unfair talaga! Gusto kong umangal kaso baka sa akin ibunton ni Sir 'yong galit n'ya mamaya. Panigurado kasing kapag wala 'tong katabi ko magiging dragon na naman 'yong Sir namin.
Hindi umimik si Joziah Kyro kaya nagpatuloy ang Sir namin sa pagsasalita. Pumangalumbaba na lang  ako habang nakitingin sa harap.
"Dahil katabi mo si Ms. Perez siya na ang aatasan kong magturo sa ilang lecture na hindi mo naubutan." sambit n'ya.
"Ano sir?" Dahil sa gulat naisigaw ko 'yon.
Nawala 'yong ngiti ni Sir. Patay! Eh kasi nakakagulat naman talaga 'yong sinabi nya. Ako? Magtuturo kay Joziah Kyro. Never! Ang swerte naman ng lalaking 'to!
"May problema ba tayo Ms. Perez." Pekeng ngumiti si Sir."Ayaw mo ba ng plus?"
Napakagat ako sa labi ko. Nag-ingay ang mga kaklase ko at marami ang nagprisinta na sila na lang raw ang magtuturo nang marinig nila ang plus lalo na sa grade. Bigla tuloy akong nagdalawang isip. Kung isasantabi ko ang pride ko, madadagdagan 'yong grade ko.
Tumingin ulit ako kay Sir na naghihintay pala sa sagot ko.
"Sir, baka po ayaw nya."
Bago pa makapagsalita ulit si Sir, naunahan na siya ni Joziah Kyro.
"Alright, I want her to be my tutor."

Comentário do Livro (138)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    DapidapMeriam

    ........

    06/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes