logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Reply

FLASHBACK
"Sir, please help my husband. He has been working in your company for more than 5 years now," rinig kong pakiusap ni mama sa kausap niya sa phone paglabas ko ng kwarto.
I really don't like to eavesdrop, but I accidentally overheard her while passing by the other room. Pupunta sana ako ng kusina para uminom ng tubig hindi kasi ako makatulog sa sinabi ni Adrian kanina.
Curiosity really kills and instead of walking away I leaned my ears closer to the door pero wala na akong narinig. Gusto ko na ring tanungin si mama tungkol kay papa. Wala na kasi akong natatanggap na chat mula sa kanya ever since the first day of school. Mas lalo lang akong nag-aalala kasi wala ding sinasabi si mama sa amin. Since wala na naman akong napala, umalis na ko papuntang kusina at uminom ng tubig.
"Anak?"
Natigilan ako sa pag-inom ng tubig at nilingon si mama.
"Bakit po?" I carefully placed the glass on the table nang sumenyas si mama na umupo ako.
Hinawakan niya ang kamay ko habang umiiyak. Hinihintay ko lang ang sasabihin niya habang hinahanda ko ang sarili sa kung ano man ang malalaman ko ngayong gabi.
"Sofia anak, 'yo-yong Papa mo kasi," utal-utal niyang sabi trying to stop herself from sobbing. May kinalikot muna siya sa phone bago niya ito ibinigay sa akin.
Napatakip ako sa bibig ko pagkakita sa litrato at naglipat-tingin kay mama at sa litrato. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko kasabay ng panginginig ng mga kamay kong nakahawak pa rin sa phone. Humagulhol ng iyak si mama while I'm trying to sink in everything. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko pero totoo lahat ng nakikita ko.
"Is this the reason why I transfer?" Tumango si mama sabay bitaw sa kamay ko.
Hindi ko lubos maisip na papa ko 'yong nakaratay sa hospital bed. Madaming sugat at mga tubes na naka-attached sa katawan niya. Halos hindi ko siya makilala dahil sa mga natamo niyang sugat sa mukha. Humugot ako ng hininga bago sabihin lahat ng katanungan sa isip ko. Pinikit ko ng marahan ang mga mata sabay ibinalik kay mama ang phone.
"Ma, bakit ga-nito si Papa? Ba--bakit siya nandiyan? Hi-hindi ko maintind-dihan."
Niyakap ako ni mama para pakalmahin. Hindi ko na nakontrol ang sarili at napahagulhol na ko ng iyak at napahawak sa braso ni mama.
"Sabi ng boss niya, nagkainitan daw sa trabaho... pagkatapos ay sinet up daw sila sa road test ng inaayos na truck. Nawalan ng preno 'yong truck at naaksidente ang papa mo kasama ang helper niya. Patay ang helper at comatose ang papa mo. Hanggang ngayon hindi pa siya nagigising," hirap na hirap sa pagkuwento si mama sa akin.
Bakas sa boses niya ang pagkawasak ng puso habang kinukuwento ang kinahantungan ni papa sa abroad. Kaya pala balisa siya these past few weeks at abalang-abala sa panininda. Akala ko natanggalan ng trabaho si Papa at naghahanap ng part time job kaya hindi siya nakakachat sa amin.
Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang nangyari. Ang hirap na OFW ang isa sa parents mo, hindi man lang namin siya mapuntahan agad o maalagaan man lang. Wala kaming pwedeng gawin kundi ang magdasal at maghintay ng balita.
"Ma, pa'no na tayo ngayon? Ano ng gagawin natin?"
Mas hinigpitan ni mama ang yakap sa 'kin habang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko.
"Gagawa ako ng paraan anak. You have to stay strong for Mary." I nodded then she kissed the top of my head.
END OF FLASHBACK
"SOFIA!" they shouted in unison kaya natauhan ako at napagtantong kanina pa pala ako nakatulala.
"Okay ka lang? Kanina pa kami nagkukuwento dito oh. Hindi ka ata nakikinig eh," reklamo ni Jonnah and they give me that concern-look.
"Pasensya na, marami lang akong iniisip." I weakly answered.
Napahawak ako sa sintido ko sabay tayo. Tumalikod ako sa kanila at babalik na sana sa upoan ko nang maramdamang nanghina ang mga tuhod ko. Imbes na babagsak ako sa sahig, someone caught me before I fell on the floor and supported me to stand. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa balikat ko at inangat ang tingin sa mukha ng sumalo sa'kin.
"May sakit ka ba?" Christian carefully asked with those worried eyes.
Hindi ako agad nakapagsalita and he even placed his palm on my forehead to check my temp. I looked away sabay umalis sa pagkahawak niya.
"I'm fine." Then I walked away from him.
Lumapit naman ang mga kaibigan ko halatang nag-aalala.
"Alam mo kung ano man 'yang problema mo, kailangan mong kumain. Hindi ka nga naglunch kanina eh." Gale sternly said but I know she's just worried.
"Oo nga girl, baka himatayin ka sa practice mamaya," singit naman ni Judy mula sa likod.
"Tatawanan talaga kita swear. Ang bigat mo kaya hindi kita bubuhatin nu," pabirong sabi ni Queenly.
"Kumain ka na oi." Jonnah pleaded pero ayaw ko talagang kumain.
"Wala akong gana," I almost whispered but they insisted.
They clasped their hands together then gave me puppy eyes. Ang cute nilang apat kaya napangiti ako ng kunti.
"Sige na nga." I gave up and they jumped and exclaimed na para bang nanalo sa isang team competition.
Sabay kaming lumabas at pumuntang canteen at binilhan nila ako ng napakaraming pagkain. Parang sari-sari naman 'tong kakainin ko hindi ko ata maubos. Buti nalang at may mababait akong kaibigan sa school kahit na bago pa ko. It's true na mahirap talaga ang adjustment pero dahil nandiyan sila, tinutulungan nila ako, kahit papano mas madali akong nakapag-adjust. Tinuruan nila ako sa mga do's and dont's sa school para hindi ako maculture shock pero hanggang ngayon naninibago pa rin ako.
"Girls, ang dami naman ata nito. Hindi ko 'yan maubos," reklamo ko pero nagpanggap lang silang hindi 'yon narinig.
From: 0912678****
Ako na ang bahala sa practice mamaya.
Hininaan ko agad ang brightness ng phone ko pero huli na ko dahil nabasa na pala nilang lahat.
"Char! Concern ang playboy sayo girl." Judy giggled and mahina akong hinampas.
"Grabe ka girl, minsan naiisip ko ang harsh mo. Ganyan ka ba talaga o manhid ka lang talaga?" Napatingin naman ako sa sinabi ni Jonnah at ngayon ko lang siya nakitang seryosong-seryoso.
"Hoy! Bakit mo kinakain yan? Para kay Sofia 'yan!" Gale exclaimed at napatigil sa paglamon si Queenly.
"Binili ko 'to sa sarili ko oi! 'Wag ka ngang ano," depensa agad ni Queenly sa sarili at patuloy sa pagkain habang naglalakad kami papuntang rooftop.
"Hindi mo ba siya bibigyan ng chance? Sa totoo lang, 'yong nakita namin kanina, ngayon pa namin nakita si Christian na nag-alala para sa isang babae," seryosong sabi ni Jonnah sa 'kin.
"Oo nga girl! Bigyan mo kaya ng chance, malay mo 'di ba sayo lang siya magseryoso?" suggest naman ni Judy pero wala talaga ako sa mood para pag-usapan ang tungkol kay Christian.
Nawala na rin sa isip ko 'yong binanggit ni Adrian no'ng nakaraan dahil nalugmok ako ng sobra sa sitwasyon ng Papa ko.
"Hindi naman siya nanliligaw sa 'kin ha?" Sabay silang napasapo sa noo na para bang ang stupid ng statement ko.
"Girl! Ang inosente mo naman! Para malaman mo, kaya siya nag-eeffort magtext dahil gusto ka niya. May lalaki bang nagtiyatiyagang magtext kung wala siyang gusto sayo, gets mo ba?" mahabang paliwanag ni Jonnah sa amin pero hindi ko naman masyadong pinagtuonan ng pansin kasi hindi 'yon ang priority ko sa ngayon.
"Pa'no kung modos lang o trip-trip lang niya 'yon? Tapos 'di ba nga quote na quote pa nga ninyo na playboy siya. Pa'no kung next victim niya 'tong kaibigan natin?" sabi ni Queenly sabay irap.
May point rin naman siya mahirap na kapag nagkataon. Eventually, I felt my stomach growling, so I decided to take a bite of ube and palitaw.
"See? Nagutom ka rin eh nu," pabirong sabi ni Judy and I nodded as a response, a little shy. Nagtambay lang kami sa rooftop at nagform ng circle.
"Kilala ko si Christian, kapag tipo niya ang babae pinopormahan niya agad at kapag nasesense niyang hindi naman siya gusto, swear hindi siya nagsasayang ng oras para lang do'n. 'Yong pagkaplayboy niya ay para lang 'yon sa mga babaeng patay na patay sa kanya. 'Yong kulang nalang sila pa 'tong manligaw, gets? " Jonnah continued explaining na parang super expert niya pagdating sa mga gano'ng galawan. Kami naman patango-tango lang, dami niyang alam eh.
"Umamin ka nga, bakit parang ang expert mo pagdating k--" Naputol naman ang sasabihin ni Queenly when Jonnah inserted.
"Ex ko siya."
Napanganga kaming apat sa rebelasyong 'yon at napaubo naman 'tong katabi ko. Pagtingin namin nabulonan pala si Queenly. Ang takaw-takaw kasi para bang ngayon pa nakakakain sa loob ng isang taon. Binigyan naman siya agad ni Gale ng tubig.
"Hinay-hinay lang kasi maawa ka sa bituka mo oi," sabi ni Gale habang hinimas-himas ang likod niya. Nakarecover rin naman siya agad.
"Ex mo siya? No joke? Bakit hindi namin alam?!" Gale exclaimed, late reaction.
Mas nauna siyang sumaklolo sa nabulonang Queenly kaya delayed ang reaction niya. Nagtaka rin ako kung ex nga niya 'yong playboy eh bakit hindi alam nila Gale at Judy? Judging from their reaction, ngayon pa talaga nalaman iyon.
"Ex-bestfriend," paglilinaw ni Jonnah kaya't napabuntong-hininga kaming apat.
"Kumpletuhin mo kasi," sabi ni Judy sabay irap.
"'Yon naman pala. Akala ko pa naman ano na." Queenly let out a frustrated sigh and flipped her long, straight, black hair.
"Teka, bakit naman naging ex-bestfriend mo 'yong playboy na 'yon?" mataray na sabi ni Gale na nakaekis pa ang kamay sa dibdib.
"Nalaman niya kasing crush ko siya kaya ayon lumayo siya sa 'kin," malungkot na pahayag ni Jonnah sa amin.
"Hanggang ngayon ba may gusto ka pa rin sa kanya?" Tumango naman si Jonnah bilang sagot sa diretshahang tanong ni Queenly.
Bumalot ang katahimikan sa rooftop at naningkit ang mga mata nila nang marinig na nagring ang phone ko. Hindi ko pa nabuksan ang cp ko at biglang hinablot ni Judy iyon sa kamay ko sabay pinanlakihan ng mata pagkakita ng caller sa screen. Napatingin siya sa 'kin sabay tap sa phone ko at ibinalik.
"Hoy! Bakit mo sinagot?" Nagpanic ako nang malamang si Christian ang tumatawag.
Answer call pa talaga ang pinindot ni Judy, eh ayoko ngang kausapin ang lalaking 'to. Hindi ko kasi alam ang sasabihin o ano bang dapat gawin ‘tsaka ang gulo-gulo pa ng isip ko eh. I'm emotionally unstable.
"Sagutin mo, sige na!" atat na ata na suggest ni Queenly.
Nagdalawang isip ako pero nilapit naman ni Queenly ang cp sa tenga ko pinupush talaga ako.
[Hello?]
Inilayo ko agad ang tenga sa cp dahil ang lakas ng volume at hindi lang pala ako ang nakarinig kundi kaming lahat. Sinamaan ko ng tingin si Judy pero nakangising aso lang ang bruha. Hindi lang niya tinap ang answer button niloudspeak pa talaga. Pahamak talaga siya pero nandito na eh. Inagaw naman ni Jonnah ang phone at hinawakan para madinig namin lahat. We heard his deep sigh on the line, and it took a long time for him to finally speak.
[Tama si Jonnah, gusto kita.]
END CALL
After that call, mas naging awkward kami ni Christian. The subsequent days, iniiwasan ko pa rin siya at nagfocus nalang sa practice at follow up ng mga contestants. Nagtetext pa rin siya sa akin, mas may sense na though. No reply pa rin naman ako, nagmamatigas talaga ako until the judgment day of the Nutrition Month came.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"AND the Champion for this year's Nutri-Jingle goes to... the Grade 9 - Venus!"
Naghiyawan ang mga kaklase ko pag-announce ng school principal na kami ang panalo. Dumiretso akyat naman ako sa stage para kunin ang trophy namin kasi nga class president ako. Charot! Kinareer ko na ang pagiging class representative.
Nakipagshake hands ako sa mga teachers and guest na nagsibatian ng Congratulations sa akin. Hawak-hawak ko ang trophy sabay ngiti sa camera for documentation kasama ang principal at adviser namin.
Pagbalik ko sa bleacher namin ay sinalubong agad ako ng mga classmates ko at naggroup hug kami. Ang saya-saya! Nagpicture-taking kami kasama ang whole class at adviser, sobrang dami ng pictures at halos kalokohan ang mga post especially the boys. Ganito pala ang pakiramdam nu. Pagkatapos ng sakit sa ulo, bulyaw, hindi pagkakaintindihan ay worth it rin lahat ng pagod namin. The feeling was very satisfying.
Enough with the drama ay kainan na. Dumiretso kami sa long table at nagsimula ng kumain. Halos fruits ang nakalatag sa long table eh kasi nga dapat nutritious dapat ang dalhin namin. The celebration is similar to my previous school, but the enthusiasm level was higher and more fun was highlighted.
On the other hand, kasi nga officer kaming lima ay huli kami kakain. Of course, kami pa ang magdidistribute sa plates and utensils and server na rin. Gutom pa naman ako pero madali lang naman siguro 'to matapos since mga 30 students lang naman kami sa section namin.
Naglalaway na nga ako sa squash pudding na dala ni Gale. According to her special recipe daw ng mama niya kaya natatakam ako. Kunti nalang at malapit rin namang matapos. Katabi ko si Christian na nagseserve, tahimik lang kami at hindi ko pa rin siya pinapansin.
Dinukot ko ang phone ko sa back pocket ng pants ko to check the time. Malapit na pala mag 12 pm, nagugutom na talaga ako. 9 am kasi nagstart ang program instead of 8 am. Napakafilipino time talaga. I bit my lower lip when I received another message.
From: 0912678****
Congrats sa 'tin Miss Beautiful = )
This time I replied.
To: 0912678****
Thank you for helping me last time.

Comentário do Livro (115)

  • avatar
    SantosXia

    thank you so much

    2d

      0
  • avatar
    Earl Yohann Kyle Alday

    it's a nice story life of after breakeup

    27d

      0
  • avatar
    Henry Malbacias

    okayy

    29d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes