logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

After thirty minutes and on this part of the sea ay naging medyo kalmado na ang tubig.
“Grabe lang talaga! Buti buhay pa tayo. Bad driver! Kung traffic enforcer lang ako ay kanina pa kita tiniketan, Merced!” atungal pa rin ni Liza. Daming reklamo ng babaitang ito, nakikisakay lang naman.
“Oo nga. Hoy Jane. Kung may galit ka pa kay Miguel, huwag mo naman kaming idamay. Kasi naman Bez eh. Talon ka na kaya!” Ani Vangie naman at tumingin pa kay Miguel.
Gusto ko sanang tignan ng masama si Vangie pero di bale nalang. Instead ay ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagda-drive. Deadma is the greatest form of ignoring art.
I stopped the engine somewhere in the middle of the sea na may mga neighboring islands. Medyo malapit kami sa isang malaking isla na may matayog na bundok. Walang buhangin o seashore ang isla na ito at puro malalaking tipak ng bato lang ang pwede mong tapakan para makarating ka sa isla.

“Jane, bakit tayo tumigil? Wala ng gas? Magtutulak este magsasagwan na ba kami?” tanong ni Mary.
“Nasaan na ang resort mo? Dito na ba yun somewhere?” tanong naman ni Ruth. “Paano tayo dadaong?”
“Nope. Hindi pa dito yun. Hininto ko talaga. May gusto lang akong ipakita sa inyo.” As I told them these things ay dumungaw ako sa gilid ng speed boat at itinuon ang paningin sa ilalim ng tubig, “ Guys, tingin kayo sa ilalim ng dagat,” I demanded them.
At nagsidungawan na rin sila. Hello sa inyo, mga uto-uto kong friends. Joke lang. Alam ko namang hindi nila pagsisisihan ang pagsunod sa akin.
“Woah.” Napatakip pa ng bibig si Ruth.
“Wow, Dads. Tignan mo oh. Grabe.” Ani Vangie.
“Oo Mams. Nakikita ko, hindi ako bulag.” Tumatawang biro ni Martin sa girlfriend.
“Uhm!” Nakatikim tuloy siya ng batok mula kay Vangie.
“Super amazing.” Bulalas naman ni Marlon, “Can you see that Baby Michael? That’s a big wrecked boat.”
“Daday, that’s a ship.” Kontra naman ni Mary sa sinabi ng asawa.
“That’s a big wrecked whatever, Baby.” Si Marlon ulit.
Natatawa na lang din ako sa mag-asawang ito.
“Ang ganda!” Ang tahimik na si Mirasol ay napagsalita rin dahil sa nakikita nila.
“Mas maganda ka, Hon.” Banat naman ni Miguel habang naka-akbay sa kanyang fiancé.
“Boom banat!” bara naman ni Rich kay Miguel.
“Nakaka-goosebumps naman ‘to.” Komento naman ni Liza. “Mababaw lang ba yan?”
Alam kong matutuwa sila sa nakita nila kaya sinadya kong dumaan at huminto muna dito.
“That’s a sunken Japanese vessel.” Sa sobrang linaw ng tubig ay hindi na namin kinailangang mag dive pa sa dagat para lang makita ang isang lumubog na barko noong kasagsagan ng World War II.
“Nope, Liz. Nasa 20 feet na ang lalim niyan but as you can see the water is so clear kaya mula rito sa boat ay nakikita pa rin natin ang lumubog na barko,” Sagot ko sa kanya.
Oh, ‘di ba. Nag-ala tour guide na ako. The first time I saw this, which was almost two years ago ay sobrang na-amaze rin talaga ako. Lalo na nung nag-scuba diving ako dito at nahawakan ko mismo ang barkong iyan.
“Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit kasali ang Palawan sa top 10 world’s best diving spot in the world!” Proud ko pang imporma sa kanila.
“Ang galing!” Vangie.
“Don’t tell us, sideline mo na rin ang pagiging tour guide Jane?” ani Ken sa akin. Medyo pabiro lang naman ang tonong ginamit nito.
“Well, paminsan minsan, sumasama ako sa mga guests.” Sagot ko naman sa kanya at napatingin na naman ako sa suot kong wrist watch, “Let’s go na. From here ay twenty minutes na lang ay nasa resort na tayo.”
We passed through several big and small islands bago namin tuluyang narating ang Apo Island kung nasaan nakatayo ang resort ko.
“That’s the Apo Island,” Turo ko sa malaking isla na nilalapitan namin. Among nearby islands ay ito lang ang bukod tanging isla na may fine and white sand on its shoreline.
“Welcome to Jane’s Mystical Resort,” sabi ko sa kanila as I stopped the engine of my speed boat on front of the seashore of the Apo Island. I also dropped the anchor at mula rito ay tanaw na nila ang arko na may malaking signage ng resort.
“Bakit may ‘Mystical’?” tanong ni Liza. “Sana naman walang mga kung ano ano dito tulad nung sa lugar nila Rich.” Kinakabahang sabi pa niya.
Natawa naman daw ako sa kapraningan ng best friend ko. “Wala noh! Pangalan lang yan. I’ve been living here for a not so long time ago but considered long already at wala pa naman akong na-e-experience na kung anu-ano so far.” I assured her. “Walang anything out of this world dito. Ganda lang talaga. Pang-world class na ganda.”
Gaya ng may-ari. Charot.
“Ay, ayoko na ng ganun ha.” Singit naman ni Mary. “Please lang, huwag ngayon. Kasama pa naman si Baby Michael. Wala naman sigurong ‘Lola’ dito noh?”
Napangiwi ako, “Actually dati merong ‘Lola’ dito. Kaya lang namatay na siya.” Malungkot kong sabi sa kanila.
“Ano? May fairy din dito?!” React naman ni Rich. “Baka kamag-anak ni Lola ko yun ah.”
“Shit! Ayoko na. Uwian na ‘to.” Vangie.
“Ano yun? Sinong Lola? Anong fairy? Bakit uwian na? Teka ang gulo naman!” Nagugulumihanang sabat ni Ruth.
Ikinabit ko ang detachable na metal stair sa may gilid ng nguso ng speed boat at nauna na akong bumaba, “Huwag nga kayong praning! Ang tinutukoy kong Lola ay si Lola Mystica. Hindi siya fairy. Tao siya. Okay? Siya yung dating may-ari ng resort na ito pati na rin ng buong Apo Island.”
“Bakit siya namatay?” tanong ni Ruth at siya ring sumunod sa akin na bumaba ng speed boat.
“Cancer.”
“Dito rin siya nakalibing?” Liza.
“Nope. Pina-cremate siya ng relatives niya at inilagak sa isang Chinese mausoleum sa Manila.” Base yon sa pagkakaalam ko.
“Sigurado ka Jane ha. Walang mga lamang lupa dito. Quota na tayo dun sa lugar nila Rich.” Kinuha ko si Baby Michael mula kay Mary at kasunod niyang bumaba ang asawa.
“Wala nga. Ano ka ba? Hindi ko naman kayo papupuntahin kung may mga ganun man dito.”
“Naninigurado lang naman.”
“Ha-ha! Huwag kasing pairalin ang ka-praningan. Wala tayo sa Tarlac. Sige na tuloy na kayo sa
loob.” Muli kong binigay si Baby Michael sa mag-asawa.
“Hindi rin ako maka-relate dun sa mga pinag-uusapan niyo kanina.” Sabi naman ni Ken pagkababa niya.
“Wala lang yun. Mga praning lang yan. He-he.” Sagot ko sa kanya. Kasunod niyang bumaba ay si Ruth. Then sila Rich, Alex, Mirasol at panghuli ay si Miguel.
“Nice. Big time ka na talaga. Pati buong isla sa’yo na din ba?” tanong niya.
“Yupp. Kasama sa kasunduan yan.”
“Donya Jane, ikaw na talaga ang big time.”
“Haha, thanks to you!”
“Thanks sa akin?” Kunot noo niyang tanong.
“Oo, thanks to you. Kasi kung hindi tayo nag-break noon, hindi ako mapapadpad dito at hindi magiging akin ang resort na yan.”
“Yun pala ang naging advantage nun sa’yo.” Nangingiti niyang komento.
I shrugged my shoulders, “Sort of.”
Bumaling ako kay Mirasol na matamang nakikinig lang. Panaka-naka ay ngumingiti ito. Malaya rin nitong pinagmamasdan ang buong paligid na parang may malalim siyang iniisip. Hindi ko alam pero parang ang dami niyang gustong sabihin pero nakapatahimik lang niya.
“Uy, Mirasol,” Tawag ko sa kanya. “Friends na lang kami nito ni Miguel ah. Wala ng bitterness yun, promise. Pasensya ka na sa mga biruan ng barkada. Medyo masanay ka na rin sa mga pang-aasar nila sa amin.”
Ang defensive ko ba? Hindi naman, pro-active lang. He-he. Mamaya, ma-issue pa kami eh. “Tropa-tropa lang talaga. He-he! We’re already matured enough for this.”
As usual, nginitian niya lang ako.
Yung totoo, ilang words lang ba talaga ang kaya niyang bigkasin?

Comentário do Livro (70)

  • avatar
    Jed Cabalida

    wow nice

    3d

      0
  • avatar
    Matias Talleres Toto

    ididkd

    10d

      0
  • avatar
    Rica Calzado

    super happy and beautiful for me

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes