logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

IKA-TATLONG SULYAP

MULING PAG-DALAW
Wala pa rin akong gana sa pagkain. Pakiramdam ko ang lahat ay walang lasa para sa akin. Maging ang tubig ay ayokong tikman. Dahil sa aking nadaramang takot ngayong mga oras na ito ay pilit isinisigaw ng utak kong..
"Gusto ko nang umuwi ng probinsya.."
Pakiramdam ko kasi ay wala akong kasama, na ako lamang talagang mag isa. Ngunit paano na lamang ang lahat ng aking mga pinangarap kung susuko rin akong agad.
Madilim ang ang silid kung nasaan ako. Alasingko pa lamang ng umaga ay mulat na ang aking mata. Wala kasi ako sa kondisyong matulog pa. Pakiramdam ko ay kapag ipinikit ko pa ng matagal ang aking mata ay 'di na ito muling makakakita.
Kasalukuyang nasa kawalan ang aking utak ng may maramdaman akong kaunting paggalaw sa kamang aking kinauupuan.
"Hmp!" 
Hindi ko nakuhang lumingon dahil wala akong intensyon. Tuloy lamang sa paglalakbay ang aking pag iisip nang muling..
"Hah!"
Muling umuga ang aking kinauupuan. Tila may kumislot sa aking higaan dahilan upang ito ay mauga.
Nakakaramdam na naman ako ng takot. Takot na aking naramdaman kahapon at paulit-ulit pa rin hanggang sa ngayon.
Sandali pa at nag-umpisang lumamig ang aking pakiramdam. Pagyakap ko sa aking sarili ay nadampian ko pa ang aking brasong medyo mahapdi. Sa pagkakadama ko noon ay biglang sumagi sa aking isip ang marungis na kaluluwa ng babaeng nasa harapan ko kahapon.
"Hmm..hmm.."
Impit ang aking tinig. Natatakot akong ako'y kanyang marinig. Hinawakan ko ang aking mga tuhod na nag-uumpisa na namang umalog.
At muli..
"Haaah..Haaah.."  pigil ang aking hininga.
Dalawang magkasunod na pag uga ng aking kama ang naramdaman. Tila papalapit na siya sa akin. Nanatili akong nakayuko at nakatuon ang tingin sa sahig.
Maya maya lang ay..
"Hah!"
Napa-usog ako sa aking nakita. Ang mga tubig na nakita kong dumaloy mula sa babaeng marungis ay nariyan na. Kahit 'di maipaliwanag ang aking nararamdaman ay marahan kong ipinihit ang aking mukha upang sulyapan ang dahilan ng pag uga.
Nagimbal ako sa aking nakita at tila nalunok ang aking dila. Nakita ko ang babaeng marungis na nakaupo rin sa gilid ng aking kamang inuupuan at nasa aking likuran.
"Aaah...Aghh.."  takot kong pagsinghap.
Naroon siya at nakaupong nakayuko. Basang- basa ang kanyang napakaruming suot na damit. Siya ay nakapaldang kulay itim at puting blouse. Damang- dama ng aking mga paa ang malamig na tubig na dumadaloy mula sa kanya.
Pilit kong iniiiwas ang aking mga paa upang 'di ako madaan. Ngunit... 'di na ako makagalaw pa. Damang-dama ko ang pagtaas ng aking mga balahibo na umaakyat sa aking ulo. At ang aking mga mata ay nais magsipikit na parang may humihila sa mga talukap nito.
Ngunit..
Naalala ko ang 'di pagkurap. Ang 'di pagkurap na akin ring ginawa kahapon ngunit mas lalo niya lamang akong nilapitan.
Hidi na ako nakatiis, kusang bumuka ang aking bibig at naunang magsalita.
"Si--si--sino ka?"  nangangatal ko pang pananalita.
Ngunit mas malamig na ihip ng hangin lamang ang aking nadama. At muli ay..
"A---anong kailangan mo sa akin??"
Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari. Ako na pilit lumilihis sa abnormal na daloy ng aking pinanggalingan ay heto ngayon at nagsasalita na sa isang kakaibang nilalang.
"Ano'ng kailangan mo sa aken?!"  sigaw ko na.
Sandaling katahimikan at..
"Tulungan mo ako.."  malamig na bulong ng babae sa aking likuran.
"Hah!"
Ayan na naman ang aking takot. Hindi ko inasahan na tama nga ang narinig kong ibinulong niya sa akin kahapon.
"Hinde!! Ayoko!!"  sigaw kong pagtanggi.
"Parang awa mo na...gusto ko nang umuwi.."  muling sagot niya.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at nanatiling nakatalikod pa rin sa kanya.
Dahil ayoko siyang makita.
"Hindi kita matutulungan! Wala akong magagawa!"
"Pinadpad ako ng hangin patungo sa iyong puting ilaw.. Matagal na akong naghihintay sa pagdating ng tulad mo.."  sagot niya.
Pinigilan ko na ang aking sarili sa pagsasalita upang 'di na ito humaba. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit iniisip na ito ay panaginip lamang na sa aking pagmulat ay naglahong lahat.
Ngunit..
"Eeeeeeee!!"  aking tili nang pagdilat ko ay tumambad ang marumi niyang itsura. Kitang- kita ko ang lubid sa kanyang leeg at ang duguang mukha niya. Nakayuko siyang nakatayo sa aking harapan.
"Hah! Hah!"
Nandidilat ang aking mga mata na tila luluwa na. At muli ay..
"Tulungan mo akong makauwi.."  muling bulong niya.
Nagsasaputan na kami nang tingin. Kitang-kita ko ang mapuputi niyang walang buhay na mata. Habol pa rin ang aking hiningang nakatunghay lamang sa kanya. Nang biglang..
Tok Tok Tok!!
"Luisa?! Luisa?!"  katok ni Ate Elena habang tawag sa aking pangalan.
"Huh?! A-ate Lena.."
Paglingon ko sa pintuang kumakalabog ay naglaho ang lahat. Ang kilabot at ang lamig ng buo kong paligid. Maging ang kaluluwa ng babaeng marungis ay wala na rin.
Muli kong ibinalik ang aking mga tingin sa sahig. Walang basa.
Lumapit ako sa aking kama at kinapa ito, wala rin kahit patak na naiwan rito. Gusto kong maniwala na 'di tunay ang lahat dahil wala man lamang akong makita kahit isang ebidensya. Ngunit..
Naramdaman kong may hawak ako sa aking kamay. Iniangat ko ang aking palad at tiningnan kung ano ang bagay na kapa- kapa ko.
"Huh! Saan galing ito?!"  sambit ko.
Isang i.d. ang nasa aking kamay. Isang i.d. ng babaeng maganda. Sa aking panantiya ito ay mula sa isang trabaho. Nakasulat dito ang kanyang tirahan at number na maaring kontakin kapag kinakailangan.
Gulat at 'di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng aking nakita. Ngunit paano ko naman maipaliliwanag ang aking hawak-hawak. Ni 'di ko namalayan kung paano ito napunta sa aking mga palad. Napakabilis ng mga pangyayari.
Kumakatok pa rin si Ate Elena sa pinto at tinatawag ako upang kumain na.
Muli kong pinagtuunan ng pansin ang aking hawak na i.d. , at nakita ko..
Na ang babaeng nasa larawan, ay ang babaeng marungis na kanina lamang ay nasa aking harapan.
ANG MULING PAGKIKITA
Lumulutang ang aking isip habang naglalakad. Patungo ako sa bilihan ng almusal. Medyo mainit na para sa akin ang sikat ng araw, at dahil na rin sa puyat kung kaya at naniningkit na ang aking mga mata. Isang kanto na lamang at naroon na ako, sandali akong kumubli sa malaking punong nakatayo sa gilid ng kalye na may katabing poste. Ipinupungas ko pa ang aking mga mata nang..
"Ate bili ka diyaryo?"  tanong ng isang batang lalake. Batang lalake na nakasalamuha ko no'ng nakaraan.
Ang batang nagtitinda ng mga lumang diyaryo. Naroon siyang muli sa lugar na aming pinagtagpuan at bitbit na naman ang isang bungkos ng kanyang mga lumang paninda.
Napangiti akong bigla at..
"May tatanong ako sa iyo boy.."  sambit ko.
Hindi naman nakibo ang bata.
"Alam mo ba na luma na ang mga diyaryo mo?"  tanong ko.
Tiningnan niya ang kanyang mga dala at..
"Gusto ko na po kasing umuwe... Baka hinahanap na ako ng aking lola.."  sagot niya.
"Wala ka pang benta? Iyon ba ang ibig mong sabihen? Eh wala na kasi talagang bibili niyan dahil luma na.."  tugon ko.
Nalungkot ang kanyang mukha sa sinabi ko. Kinurot naman ang aking puso dahil sa nasaktan ko yata ang damdamin niya.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Saan ka ba nakatira?"  tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Hindi niya ako sinagot, ngunit nabigla ako sa kanyang tinanong.
"Ate puwede mo ba akong tulungan?"
Nang marinig ko ang kanyang tinuran ay napatayo akong bigla. Ayokong muling isipin na 'di tao ang batang ito ngunit..
Unti-unting lumabas ang kanyang tunay na anyo. May bitak ang kanyang mukha at may dugo ang kanyang damit. Maging ang kanyang isang nakayapak na paa ay pilipit. Napa-atras ako sa aking natuklasan.
"Ate tulungan mo akong makauwe.. Baka kasi 'di pa kumakaen ang aking lola.."  muli niyang pakiusap sa akin.
Sa aking pagkakatulala ay napansin ko ang dalawang ale na nakatingin sa akin.
"Sino kaya 'yung kausap niya? Itinaas pa ang kanyang mga kamay na parang may akbay.."  sabi ng isa.
Tila napahiya ako sa aking narinig. Marahan akong humakbang papalayo sa batang aking kausap at bumaybay na sa kalsada.
Iniwan ko na lang basta ang batang nagtitinda ng diyaryong nakatayo mag-isa at nakatanaw sa aking pag -alis. Ngunit ibinubulong ko sa aking sarili na sana ako ay mapatawad niya dahil wala akong magagawa para sa kanya.
Idiniretso ko na ang aking tingin at 'di ko na siya nais pang lingunin. Naglakad akong nakayuko dahil nahiya ako sa dalawang aleng nakakita sa akin kanina.
Damang-dama ko ang lihim na pagtatawanan nila.
Ito na nga ba ang aking sinasabi.. Tila 'di ko na yata magagawang umiwas pa.
Lumuwas ako ng Maynila upang maging iba.
At hindi ang maging kakaiba.
June_Thirteen

Comentário do Livro (81)

  • avatar
    SebastianCarlo

    5000

    26/07

      0
  • avatar
    Allesh Ledesma

    surprising but scary story

    25/07

      0
  • avatar
    CasipitCielo

    ddyy

    20/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes