logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

IKALAWANG SULYAP

ANG BATANG NAGTITINDA NG DIYARYO
Inutusan ako kinabukasan ni Kuya Jigs na bumili ng aming almusal sa ilang kanto lamang na layo ng tindahan. Kailangang magsanay na raw ako sa aking mga daraanan upang kapag pumapasok na ay kabisado ko na sila.
Nakatuon ang aking mga mata sa mga bahay na aking binabaybay, tinatandaan ko ang bawat posteng madaanan upang 'di ako mawala. Pagtapat ng aking mata sa daan ay nagulat pa ako sa batang biglang harang dito at..
"Ate..bili ka diyaryo?"   sabi ng bata sa akin.
Isang batang lalaki ang may bitbit ng isang bungkos ng diyaryo, sigurado akong nasa siyam na taon lamang ito. Sandali ko siyang hinintuan at muli ay..
"Sige na Ate, sampu lang isa."  muling sabi niya sa akin habang inilaladlad ang hawak niya.
Nginitian ko lamang siya at sinabing.. "Pasensya ka na, walang sobra sa pera ko..."
Nalungkot ang bata sa sinabi ko. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting awa sa kanya, sabay nakita ko pa na iisa lamang ang suot niyang tsinelas at napakarungis ng kanyang mga paa.
Nakatitig lamang siya sa akin.
Natuon ang aking pansin sa diyaryong hawak niya. Nagulat ako dahil nakita ko na 2010 pa ang taon na nakapetsa sa kanyang diyaryo, samantalang 2015 na ngayon.
Napangiti ako dahil mukhang nanloloko lamang ang bata, naisip ko tuloy na siguro ay palaboy lamang ito na nagtitinda ng mga lumang diyaryo upang makapanlimos. Nakonsensya naman ako at..
"O sige sandali lang.."  sandali kong inalis ang aking tingin at dinukot ko sa aking bulsa ang dala kong pera na may sampung pisong barya at..
"E--eto o.."  aking tigil.
Ang batang kanina lamang ay kaharap ko at nangungulit ay naglahong bigla.
"Saan dumaan 'yun?"  nagtatakang tanong ko. Hinanap ko pa nang tingin kung saan siya nagtungo ngunit, ngunit sadyang napakabilis niyang nawala.
"Sumabit na siguro sa jeep.."  sambit ko.
Nagtuloy na muli ako sa paglakad para bumili ng aming almusal. May isang kanto pa lamang ang aking nabaybay.
***
Matapos kumain ng almusal ay agad ng gumayak si Kuya Jigs upang ayusin ang lahat para sa akin. Kasama niya si Ate Elena at ang ibig sabihin ay ako ang maiiwang mag isa.
"Mag-lock ka na lang Luisa..sandali lang naman kami.."  sabi ni Kuya Jigs.
Tumango-tango naman ako at pumayag ding maiwan.
***
ANG AKING BISITA
"Alis na kame Luisa! Bahala ka na muna riyan.."  sigaw ni Kuya Jigs.
Pag-alis nila ay naisipan kong magwalis ng bakuran. Nagtungo ako sa likod bahay kung saan may maliit na kuwartong imbakan ng mga gamit. Pumasok ako rito upang kunina ang pandakot at walis tingting, papalabas na sana ko nang biglang..
Blag!
Bumagsak pasarado ang maliit na pinto.
"Huh!"
Natakot naman ako dahil sa gulat dito, agad akong lumapit upang kabigin ito pabukas dahil napakadilim sa loob. Mabuti na lamang at isang hatak ko lang ay bumukas din ito agad. Paglabas ko ay tiningnan ko kung paano ito sumarado. Maging ang pagbukas sara ay aking ginawa upang malaman kung ano ang nagtulak dito.
Ngunit..
Ngunit walang palatandaang maari siyang sumarang mag-isa. Eto na naman ang aking kaba, kabang aking nadama na tulad nang sa kagabi. Ayokong mag-isip, ayoko ring maniwala.
Tumuloy na ako sa harap upang walisan man lang ang nagkalat na mga tuyong dahon. Kahit paano ay kailangan kong kumilos at makisama, at mabuti na lamang rin at kaming tatlo lang ang nakatira rito.
Nagwalis ako nang nagwalis hanggang mapadako na ako sa likuran ng bahay. Sa likod na katapat ng aking silid na tinutuluyan ay may 'di naman kalakihang punong langka. Nagkalat na ang mga bulok na bunga at tuyong dahon na nalulusaw na ang iba dahil sa pagkakababad na sa lupa. Kinayod ko ang mga ito ng pandakot at winalis. Napadako bigla ang aking mga mata sa kurtinang puti na kagabi lang ay pilit akong inaabot. Nakatakip ito sa bintana ngunit tanaw ang loob dahil sa malinaw lamang ito. At pagdapo ng aking paningin ay..
"Huh?!"
Isang babaeng mahaba ang buhok ang aking namataang naka upo sa gilid ng kamang aking tinulugan.
"Hmn?"
Marahan akong lumakad papalapit dahil sa tiyak na ako ay namalikmata lamang.
Pilit kong sinisipat ang aking nakita mula sa labas ng puting malinaw na kurtina. Ngunit wala naman, wala akong nakita nang ako ay makalapit.
"Haay.."  malalim kong paghinga.
Nakatayo lamang ako at hawak pa rin ang walis at pandakot ng biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
Tututut!
Low bat na pala ako. Hindi sana muna ako papasok upang magcharge nang naisip ko biglang tatawagan ko nga pala ang aking mga magulang. Binitiwan ko ang walis at pandakot at papasok muna ako sa loob.
Pagpasok ay nagtungo ako sa aking silid, napahinto pa ako nang makita ko ang kama. Biglang sumagi sa isip ko ang kanina lang ay nasilayan ko. Ngunit..iwinasiwas ko ang aking mukha upang mabura ang laman nito.
Dinampot ko ang aking charger at isinaksak na iyon sa saksakang nasa tabi ng maliit na cabinet sa gilid ng kama, pagtapos ay lumabas na ako ng silid.
Pagdating ko sa sala ay may naalala akong bigla at bumalik agad sa aking kuwarto. Kukuha nga pala ako ng barya upang bumili ng biskwit sa malapit na tindahan.
Paghugot ko ng drawer ay may napansin ako..
"Bakit? Maayos naman pagkasaksak ko ah!"  sambit ko.
Nakita ko kasi na natanggal ang charger sa pagkakasaksak nito. Nagtatakang ibinalik ko naman sa saksakan at marahan ng tumalikod, ngunit..
Tsik!
Nang marinig ko ang tunog ng pagkakahugot ng charger sa saksakan ay agad ko itong nilingon. At laking gulat ko nang..
"Huh?!!"
Nang makita ko ang isang babaeng nakatayo at hawak ang aking charger. Nakayuko ito at 'di ko sipat ang mukha.
"Hah!! Agh!"
Napa-atras ako sa kilabot. Ayoko sanang maniwala sa aking nakikita ngunit..
"Haaaah..."  nanginginig na ako sa takot. Palapit nang palapit sa akin ang babaeng marungis na may mahabang buhok.
Gusto kong ipikit ang aking mga mata upang 'di siya makita ngunit, bigla ko na namang naalala ang sabi ng inay na 'wag na 'wag kang kukurap dahil kung 'di ay..
"Eeeeeeeeeeeee!!!!"
Kitang-kita ko kung gaano siya kabilis nakalapit sa aking mukha at..
Unti-unting nililihis ang kanyang mukha na patungo sa aking tenga ang bibig.
"Hah! Hah!"
Ramdam ko ang malamig na hangin sa aking harapan na sinasabayan nang pag-ngatog ng aking mga tuhod.
Nangingilabot na ako sa aking nakikita ngunit 'di ko pa rin maikurap ang mga mata, naluluha na ako sa sobrang pagtitig sa kanya kung kaya at nakarehistro na sa aking utak ang kanyang itsura. Punong-puno siya ng dugo at napakarumi. Kasabay ng kanyang paglapit ang pagdaloy ng tubig. Konti pa at..
At..
"Tulungan mo ako.."  bulong niya sa akin. Sabay ang..
"Eeeeeeeeeeeee!!!!"
Paghawak ng malamig na kamay niya sa aking braso ay tila nabulunan ako.
Matapos ay..
Blag!
***
"Mabuti at gising ka na.. Ano ba'ng nangyari sa iyo?"  tanong ni Ate Elena.
Pagtingin ko ay nasa kama na ako.
"Huh! Ate Lena! May babae!"  tarantang salita ko.
Naupo sa aking tabi si Ate Elena at..
"Luisa... Bakit parang takot na takot ka? Ano ba iyon? May nakita ka ba? E! Ikaw pa ba!"  mataray na sagot naman ng Ate Elena.
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Ngunit totoo naman ang sinabi niya, ayoko lang talagang maniwala, ayoko talaga maging abnormal ang buhay ko.
"Sabi ko na nga ba at kaya ka nakahandusay diyan eh.."  muling sabi ni Ate Elena.
Niyakap ko ang aking sarili. Malamig pa rin ang aking pakiramdam. Paghaplos ko sa aking kanang braso ay may naramdaman akong, tila may mahapdi.
"Huh?! Tingnan mo Ate! Ito yung hawak niya sa akin kanina...Bago ako mawalan ng malay!"  sambit ko.
Hinawakan ni Ate Elena ang aking braso at..
"Tawagan natin ang inay mo mamaya...s Sgurado akong alam niya ang nangyayari sa iyo Luisa.."  sabi niya.
Tumango lamang ako at muling hinaplos ang mahapdi kong braso. At iniwan muna ako ni Ate Elena mag+isa. Ngunit sana nga ako ay mag-isang talaga. Nilibot ko pa ang aking mga mata. Naroon pa rin ang takot sa aking nakita. Hindi ko nga nagawang ikurap ang aking mga mata dahil ayokong malapitan niya, ngunit..mas lalo lamang napabilis ang kanyang paglapit nang mga sandaling nakatitig lamang ako sa kanya. Naalala kong bigla ang tubig na umaagos sa kanyang katawan.
Agad akong bumaba sa kama at lumuhod sa sahig upang tingnan ang mga bakas ng paglalawa kanina. Ngunit..
Ngunit wala naman akong nakita ni patak ay walang naiwan.Umupo muna ako sa sahig na nakasandal ang aking likod sa paanan ng higaan. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking mga tuhod.
Ano kaya ang susunod?
***
Samantala sa probinsya...
Hawak-hawak ang cellphone at malayo ang tanaw sa kanilang pintuan.
"Ate Andrea bakit po?"  tanong ni Sonia.
Si Sonia at si Abel na lamang ang kasama ni Andrea. Si Sonia ay dalaga na rin. Si Abel naman ay 'di pa maisipang mag asawa, dahil ayaw niya pa raw malayo sa piling ng kanilang Ate Andrea. Nakapagtapos na rin sila ng pag aaral, kahit na high school lamang.
"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko Sonia, kahapon pa 'di tumatawag sa akin si Luisa at ni 'di ko rin siya makontak.. Kamusta na kaya ang aking anak?"  may pag aalala sa kanyang pananalita.
"Ayos naman po siguro sila, baka nataon lamang po na naging abala na siya sa pag-aayos para sa eskwela niya.."  sagot ni Sonia.
"Sana nga ay ganoon.."  sambit niya.
May edad na rin si Andrea. May mga puti na rin siyang buhok at kulubot nang kaunti banda sa kanyang mga mata. Tila napakabilis ng kanyang pagtanda nang magkaroon na ng anak. Ngunit talagang ganoon pala ang manggagamot na tulad nila, kapag mayroon nang masasalinan ng kanilang kakayahan ay tila malapit na magpaalam.
Ang tanging isang bagay lamang na 'di nagbago sa kanya ay ang kanyang pakiramdam. Ganoon pa rin iyon katalas tulad ng siya ay nasa murang edad pa.
Muling sinulyapan ang cellphone.
" Ramdam ko ang pagbubukas ng iyong nakatagong mata Luisa, sana'y iyo na itong akapin dahil sa hindi ka makakaiwas pa. "
Ang tangi niyang hiling para sa nag-iisa niyang tagapag-mana.
June_Thirteen

Comentário do Livro (81)

  • avatar
    SebastianCarlo

    5000

    26/07

      0
  • avatar
    Allesh Ledesma

    surprising but scary story

    25/07

      0
  • avatar
    CasipitCielo

    ddyy

    20/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes