logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 6

Kadyo's POV
Ano ba talagang meron sa lugar na ito?!
Bakit tila maraming pagbabago?
Alam kong walang masyadong ala-alang bumabalik sa aking isip ngunit alam kong hindi ito ganito dati!
At ano ang nakita ko?!
Ang dalawang paa ng taong tila hinihigop ng lupa pailalim..
At ang mga uka?!
Oo! Ang mga uka?!
May nabanggit nga pala sa akin ang aking mag-inang meron din kami sa kubeta at sa likod ng bahay!
Kailangan kong magmadali!
Medyo may kalayuan pa naman na ang aming inabot ni Magda!
***
Nang maghiwalay ng landas ang dalawa ay agad bumalik si Magda kay Ka Lino.
"Pasensya na Magda, nabigla lamang ako.."  Ang paumanhin ni Ka Lino.
Si Ka Lino ay isa ring aswang.
"Hindi maaring malaman ni Kadyo ang lahat, hindi pa --- maaari.."
"Ngunit alam ng lahat na siya ang dahilan kung bakit nakararanas nang takot ang ating mga kalahi, sinanay kami ng iyong mga magulang na iwasan ang nakagawian kung kaya't naging mapupurol ang aming mga matatalas na pangil at kuko.."  Ang malungkot na turan ni Ka Lino.
Ang ibig niyang sabihin sa naging mapurol ang mga kuko at pangil ay ang karuwagang nadarama nila ngayon. Karuwagang naging dahilan kung kaya at naging mahinahon na ang lahat. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas na hindi na lumalabas ang kanilang pagkamabagsik.
At iyon ay dahil sa patakarang ipinatupad ng mga magulang ni Magda, na siyang namumuno sa kanila dati. Si Kanora na ubod ng bait sa mga normal na tao at wala namang kasing bagsik sa kanyang mga kalahing nagkakamali.
"Huwag kayong mag-alala Ka Lino, kahit pa buhay ko ay iaalay ko mailigtas lamang kayong lahat!"
"Ngunit Magda --- alam nating hindi mo kakayaning mag-isa! Alam naman nating kahit pa ang mga nasirang mga magulang mo ay hindi kinaya ang dami ng puwersa ng mga taga-tubig kung kaya at ---" natigilan si Ka Lino ng barahin ni Magda.
"Kung kaya at ikinulong niya ang mga ito sa gubat! Sa gubat kung saan sila nagmula! Sa ilog ng Sanana!"  Ang may galit nasalita ni Magda. "At doo'y nagtayo siya ng munting kubong nagsilbing silungan nila ng aking ama upang mabantayang mabuti ang mga taga-tubig! Upang mabantayan at masigurong ligtas kayong lahat! Ngunit ano'ng ginawa ng iba sa inyo? Nang dahil lamang sa karne ng tao na ipinagbawal sa inyong tikman ay tinraydor n'yo ang aking mga magulang at pinagtulung-tulungan! At alam mong  isa ka sa kanila Ka Lino! Kayo na ipinagtatanggol nila, kayo pa ang sumira sa kanila!" malungkot na wika ni Magda. "Ngunit ano ang ginawa ko sa iyo nang magbalik ka rito dahil sa hindi mo na sila matagalan?"
Napayuko ang matandang Lino sa sobrang kahihiyan.
"Tinanggap kita ng hindi ka nagdalawang salita!"
"Ngunit Magda, tapos na 'yon...pinagsisihan ko na ang lahat...ang sa akin lang naman ay talagang wala kaming maitutulong..Tingnan mo ang ating paligid, wala nang mga kasing bata at kasing lakas mong nananahan kasama natin! Sumama na silang lahat kay tandang Miyo at nagpakalayo-layo, dahil sa ayaw din nila ng patakaran mo, maging ang iyong dati'y matatapat na kaalyadong mga kababata ay iniwan ka na rin.. At saka isa pa Magda, ang inay Kanora mo rin ang pinagmulan ng lahat...ang mga taga-tubig? Sila ay dating magkakaibigan.. Pinagdamutan niya nga lang ang mga ito ng dahil lang sa  pangarap niyang mamuhay tayo ng normal kasama ng mga normal na tao..at si Kadyo? Siya ang bukod tanging bagay na ipinaglalaban niya dati!"
Si Magda naman ang nanahimik.
"Ngayon sa tingin mo Magda? Ano'ng nararapat nating gawin? Ang batang ipinaglalaban ng iyong ina ay narito na muli, ikaw naman ba ang mag-aaruga sa kanya? Obligasyon mo ba siyang ingatan? " pahabol pa ng matandang Lino.
Totoo ang mga sinabi ng matandang Lino. Wala na silang kasama ngayon kung'di ang mga matatandang aswang na lamang na pinahina na ng panahon. Mga matatandang aswang na nagbuhay normal na tao tulad ng kanilang nakagawian.
Tulad nang matagal na pangarap ng kanyang inay Kanora.
Kasalukuyang walang kumikibo sa dalawa ng dumating ang isang matandang babae. "Magda! Magda!"  Ang humahangos pang salita nito.
Sumalubong namang agad si Magda. "Nana Juana bakit?!"
Nangangatog pa ang matanda.
"Ma -- Magda! Si Insyong nawawala!"
"Ho?! Kailan pa?!"
"Nakita ko lamang siya sa tapat ng kubo niya kaninang umaga at nakaupo sa hagdan!"  Ang gulat na banggit ni Ka Lino.
"Wala siya sa kanyang kubo Lino, at alam naman nating walang paningin si Insyong kung kaya at hindi ito maaring makalayo!"  tugon ng matandang babae.
Si Insyong ay isa sa pinakamatandang aswang sa kanila. Bulag ang dalawang mata nito dahil sa simula at sapul ay tanging karne ng hayop ang kanyang kinakain.
Sa kanilang dugo kasi ay nararapat na kahit paano ay titikim ng karne ng tao, nagkakasakit kasi sila kapag puro dayuhang pagkain para sa kanilang sikmura ang natitikman, isa pa rin ito na naging sanhi nang pagkakasakit at pagkamatay ng ilan sa kanila. Sa karne kasi ng tao na marapat nilang tikman ay nakukuha nila ang sapat na bitaminang para lamang sa kanila. Ngunit dahil sa matapat silang mga tagasunod ni Kanora ay ginawa nilang talikuran ang lahat.
Hindi rin naman nila kasi inakalang, darating ang araw at kakailanganin pa nila ang todong lakas.
At ito na nga ang araw na hindi nila inaasahan. Ang muling pagtungtong ng mga paa ng normal na taong anak ni Kanora.
Mabilis na kumilos si Magda.
Lumakad ito nang mabilis patungo sa kubo ni tandang Insyong.
Pagdating ay agad niyang napansin ang ilalim ng silong na may pinanggalingan pa ng mga uka ng lupa.
Yumuko siya rito. "Hmmn.." nilanghap ang hangin at ang natitira pang amoy, ngunit.. "Hindi ko na masagap ang amoy, ngunit amoy ko pa rin ang kanilang malansang katawan...Dito, dito sinunggabang ng isa sa mga taga-tubig si tandang Insyong..." iginawi ang kanyang tingin sa itaas ng silong. Kita agad ang butas kung saan hinablot ang matandang bulag . "Ang mga uka.." bulong ni Magda.
Alam naman niya na ang mga ukang iyon ay ang ginagawang lagusan papalabas ng mga taga-tubig. Ngunit hindi niya nga lang alam kung paano ito matatakpan. Hindi kasi nabanggit sa kanya na may ganitong kakayahan ang mortal na kalaban ng kanyang mga magulang. At napakatagal na rin kasi talagang walang nagaganap na alitan sa magkabilang panig.
Naupo si Magda sa hagdan ng kubo ni tandang Insyong.
Malalim ang iniisip.
Napakalaki ng kanyang suliranin.
At sa ngayo'y walang magandang plano ang nakahanda sa pagsugpo nito.
***
Nang makarating si Kadyo sa kanilang kubo ay hindi pa muna ito pumasok.
Binitiwan ang dalawang latang balde at naunang bumisita sa kanilang kubeta.
"Huh?!"
Wala na ang uka na sinabi ng asawa, ngunit may bakas pa ring naiwan dito.
Pagtapos ay sa likod naman ng kanilang bahay humangos, sa lugar kung saan niya nakita ang anak na si Aleli na nakadukwang pa.
"Wala na rin.."
Wala na rin ang uka ngunit may bakas ding naiwan.
Siya mismo kanina sa kanyang sarili ay nakita ang sinasabi ng anak, ngunit hindi niya nga lang ito pinansin.
Lumuhod siya sa lupa.
Hinawakan ang mga lupa kung nasaan ang butas na kanina lamang ay malaki.
"Umn!"
Ibinaon ang kanyang kamay.
Sinisiguro niya kung wala na ba talaga ang butas.
"Wala na nga.."
Hindi na nagawang lumubog ng kanyang kamay dahil mababaw na ang bakas ng uka.
Sandali siyang natigilan nang umihip ang hangin mula sa gubat. Malakas ito at maging ang lawiswis ng mga nakatagong kawayan ay dinig niya ang nagngangalit na tunog.
Tumayo ito at tumanaw sa gubat.
Ang hindi niya alam ay tinatanaw lang din siya ng mga taga-roon.
"Heeeer...Konti pa, at matitikman na kita anak ni Kanora...he-he.."
Ang nananabik na nais ng pinuno ng mga taga-tubig. Ang kanilang pinuno na minsa'y naging kaibigan din ni Kanora.
"Kadyo!" Ang biglang tawag ni Emma. Nakita nito si Kadyo pagdungaw niya sa bintana.
"Emma..ang mga bata?"  May pag-aalala sa kanyang pagtatanong.
"Tulog sila Kadyo, kanina ka pa ba? Ano ba'ng ginagawa mo riyan?"  tanong ni Emma.
Lumakad na si Kadyo.
"Ah wala, tinabunan ko lang ang butas dito.."  tugon nito.
Ngumiti ang asawa.
"Ang sa kubeta? Tinabunan mo na rin ba?!"
"Oo Emma, tinabunan ko na.."
"Halika na at ng makapagpahinga, masyadong mainit ang araw.."
Sumunod namang agad si Kadyo.
Nang nasa hagdan na siyang papasok ng kanilang bahay ay natigilan pa ito.
Tumayo sandali at naisipang silipin ang kanilang silong.
"Haah.."
Nakahinga siya nang maluwag dahil sa nakita niyang walang bakas ng uka ang mga lupang naroon.
Nang makatiyak ay umakyat ng agad ng kanilang kubo.
Magda's POV
Ano'ng nangyayari?
Wala kaming makuhanan ng tubig ngayon sa kahit saan sa tatlong baryong ito. Ang lahat ng bukal ay kinontamina na ng mga taga-tubig, kinalkal nila ang lagusan ng mga ito upang magsilbing kanilang daanan, kung kaya at nagsilabo ang tubig. At isa pa ay humalo na rin ang kanilang malansang amoy.
Kakailanganin naming tumawid sa bungad, sa lugar ng mga normal na tao upang makapag-igib.
Ngunit ang aking ikinatatakot ay ang makarating sila sa mga tao..
Alam naman naming lahat na puros pangkaraniwan na ang nananahan sa bungad..
At alam din ng lahat nang naroon na kami rito'y mga aswang..
Kapag may hindi magandang nangyari ay siguradong mapag-iinitan nila kami. Mahirap din kalaban minsan ang mga tao, lalo pa at sila ay nagkakaisa. Manganganib kaming lahat dito.
Magulo masyado ang isip ko, mas mabuti na sigurong ipaalam ko kay Kadyo ang lahat..
Baka siya lamang ang makatutulong sa akin..
***
Hapon na.
Inabot na ng maghapong walang nakuhang tubig si Kadyo.
"Kadyo, wala na talaga tayong panggamit mamaya.."  sabi ni Emma.
"Pasensya na Emma pero talagang walang makuha.."  sagot nito.
"Di ba Kadyo sa gubat ka lang kumuha dati, ang sabi mo ay may ilog doon?"
Napatingin si Kadyo.
Mula pa lamang kaninang umaga ay nasa isip niya na iyon. Ngunit nagtatalo ang kanyang pakiramdam. Naisip niya kasi ang mga sinabi ni Magda, at isa pa ay ang mga kakaibang ingay na narinig niya kaninang madaling araw.
Sandali siyang nag-isip.
Hindi kasi puwedeng wala silang tubig sapagkat kailangan nila itong talaga.
Tumayo ito at nagtungo sa kanilang banggerahan.
"Kadyo? Bakit kailangan mo ng tabak?!" nagtatakang tanong ni Emma.
Isinuksok ni Kadyo ang kanyang matalas na tabak sa tagiliran.
"Pupunta ako sa ilog Emma, magdadala lang ako nito baka kailanganin ko...marami raw kasing mga ligaw na hayop doon eh.."  sagot namang agad ni Kadyo.
Lumabas na ito at dinampot ang kanyang dalawang latang balde.
"Emma, padilim na...bantayan mo ang mga bata at huwag mo palalabasin ng bahay.." paalala ni Kadyo sa asawa.
Tumango-tango naman si Emma.
Lumakad na si Kadyo.
Tiningnan muna ang langit dahil sa padilim na.
"Dapat kanina ko pa ginawa 'to! Nagpadaig ako sa takot!"  bulong niya.
Kahit kumakabog ang dibdib ay tumuloy pa rin ito.
Malalaki ang kanyang mga hakbang at mabilis ang kilos. Maging mga mata ay alisto. Masyado na kasing nakakikilabot ang gubat sa ganoong oras.
Wala ka nang maririnig kung'di mga huni ng kakaibang mga hayop at ang agos na lamang ng ilog sa ibaba.
Ang ilog kung saa'y pag-aari ng mga taga-tubig.
Lumalakad pa lamang siya papasok ay ramdam niya na ang kilabot. Tila nagtutulak sa kanya ang kakat'wang pakiramdam kung kaya at agad nang binunot ang matalas na tabak na nasa kanyang tagiliran.
Muling sumabay ang malamig na ihip ng hangin.
( Shhhhii..  Shhiii.. )
Nagsasayawan ang mga dahon ng puno. Ang matitining na lawiswis ng kawayang nagtatayugan na nakapaligid sa ilog na kanyang pupuntahan.
Sa sandaling pagkakatayo ay muli siyang humugot nang malalim na hininga.
"Haaah.."
At nang matapat sa balo'y napatingin pa ito.
Muli niyang tinanaw ang mga ulap. Mas may kadiliman na sa gubat dahil sa natatabunan ito ng madadawag na mga puno at nagtatangkarang mga kawayan.
Nagmadali na siya sa kanyang paglalakad.
Lingid sa kanyang kaalaman ay may mga nakaabang na pala sa kanya.
Dalawa ang agad na dumukwang papalabas sa matandang balon at agad na gumapang papunta sa ilog. May putikan itong mga mapuputing katawan na sing puti ng papel at buhok na lampas talampakan, may malalapad na mga kamay at paa na may matatalas na kuko at may mga mapuputing dilat na mata at malalapad na mga bunganga. Nakikilabot ang kanilang mga itsura.
Habang si Kadyo ay nagmamadaling isalok sabay ang kanyang dalawang latang balde ay hindi alintana ang mga nakakatakot na nilalang na nagsisilubog na pala sa tubig ng ilog at nasa likuran niya na ang mga ito.
Nang makasalok na ay nagmamadaling binitbit ang dalawang latang timba at halos takbuhin na niya ang daanan papalabas ng gubat.
Ngunit..
Heeer..
Heeer..
Dalawang babaeng taga-tubig ang mabilis na gumapang pasunod sa kanya.
Heer..Heer..
Mabilis ang kanilang paggapang.
Ngunit mas mabilis ang takbo ni Kadyo. Tila nararamdaman niyang may nakasunod na lagim sa kanya.
At konti pa ay mararating na ni Kadyo ang matandang balon.
"Ah! Hah!"
Ngunit hindi niya na ito tinapunan nang tingin at mas binilisan pa ang kanyang pagtakbo.
Heer..
Ngunit nang matapat na ang dalawang taga-tubig sa kanilang balon ay nagsitigil na ang mga ito dahil sa may nagmamasid pala sa kanila.
"Hayaan n'yo muna siya.." awat ng kanilang pinuno. Mas mabuting hindi niya malamang may nakaabang pala sa kanya.." wika nito.
Tila nadismaya ang dalawang babaeng humabol kay Kadyo.
"Babalik pang muli rito iyan dahil sa wala naman siyang ibang pagkukunan ng tubig..ang lahat ng kanilang bukal ay nilason na natin, maging ang mga aswang at si Magda ay walang magagawa roon.."
Pinabayaan na nilang tuluyang makalayo si Kadyo, dahil sa may mas maganda pala silang pinaplano para rito.
"Iisa-isahin natin sila, uunahin nating tikman ang mga anak niya..he-he-he.."
Ang nakakikilabot na hagikgik ni Balka. Ang pinuno ng mga taga-tubig.
June_Thirteen

Comentário do Livro (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes