logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

Third person POV
Four years ago
Isang dalaga ang nahihirapang huminga sa kanyang kwarto, at hindi nya alam kung saan sya kukuha ng hangin. Nahihirapan na din syang magsalita para tawagin ang kanyang magulang. Unti unti na ding pumipikit ang kanyang mga mata, at hirap na din syang idilat ito ng maayos. Nagawa nya pang makatayo, pero nakakailang hakbang pa lang ang nagagawa nya, nang bigla syang natumba at mas lalong lumala ang nararamdaman nya. Pabigat na nang pabigat ang kanyang nararamdaman, at hirap na syang ibangon ang sarili. Kahit imulat ang mga mata, hindi nya na din magawa.
"LAXHAINNNNNN!!!!" Isang sigaw ang huling narinig nya bago sya tuluyang mawalan ng malay.
Masaya at pagkanta kanta ang isang binata, habang nagmamaneho sya patungo sa bahay ng kaibigan, para sabihin ang isang magandang balita. Sa gitna ng kanyang pagmamaneho, bigla na lang syang nakaramdam ng sobrang kaba sa kanyang dibdib, at bigla nyang naisip ang kanyang kaibigan. 'sana mali ang nararamdaman ko, sana ayos ka lang Xhain. Sana…. Sana' sambit nya sa kanyang isip, at mas pinabilis nya pa ang kanyang pagmamaneho, para makarating sya kaagad sa bahay ng kanyang kaibigan.
Mabilis syang nakarating sa bahay ng kaibigan. Hindi na din nya pinarada ng maayos ang kanyang sasakyan, at nagmadali syang bumaba. Sa bawat hakbang na ginagawa nya, mas lalong lumalakas ang kabog sa kanyang dibdib at pakiramdam nya may hindi talaga magandang mangyayari.
Pagpasok sa loob ng bahay, nakita nya ang mag-asawa kaya binigyan nya ang mga ito ng isang ngiti, at tinanong nya kung nasaan ang kaibigan nya. Sinabi ng ina nito na nasa kwarto pa ito, at hindi pa lumalabas mula pa kanina. Nagpaalam sya sa mga ito, at nagmamadali syang naglakad papunta sa kwarto ng kaibigan. Nasa kalahati pa lang sya ng hagdan, nang makarinig sya ng malakas na tunog galing sa kwarto ng kaibigan, at parang may malaking bagay na bumagsak. 'Xhain' isang pangalan ang agad na pumasok sa kanyang isip.
Ang lakad nya kanina ay naging takbo na, at mas mabilis ang ginawa nyang pagtakbo. Hindi na din nya naiisip pa ang pagod, dahil ang gusto nya lang makarating kaagad sa kwarto ng kanyang kaibigan. Walang katok katok, at bigla na lang nya binuksan ang pinto ng kwarto. Pagkabukas nya, nakita nya ang kanyang kaibigan na nakahandusay sa sahig, at nakahawak sa dibdib nito.
"LAXHAINNNN!!!!" Sigaw nya, at dali dali syang pumunta sa gawi ng kanyang kaibigan para daluhan ito. "Titaaaa!!!! Titoooo!!!" Muli nyang sigaw para tawagan ang magulang ng kanyang kaibigan.
Saktong pagbuhat nya sa kanyang kaibigan, ang pagpasok ng mga ito. "Bakit ka ba sumisigaw--" natigil sa pagsasalita ang ina ng kaibigan nya, nang mapansin nito na buhat-buhat nya ang anak nila. "Anong nangyari sa kanya?!!" Gulat na pagtatanong ng ginang sa kanya.
"Hindi ko po alam, tita. basta nakarinig na lang po ako ng malakas na tunog, kaya nagmadali akong pumunta dito. Naabutan ko na lang po si Xhain na nakahiga sa sahig, at walang malay." Mahinahon nyang sambit sa ginang, habang dahan dahan nyang hinihiga ang kaibigan.
"Hon, tumawag ka kay doc. Jenny at sabihin mo bilisan nya. KILOS NA!!!" Sigaw ng ginang sa kanyang asawa, nang makitang hindi ito gumagalaw. Nagulat ito sa kanyang pagsigaw, at dali daling kinuha ang cellphone para tawagan ang doctor ng kanilang anak. Kinuha naman ng binata ang inhaler ng kaibigan, at inayos nya muna ito, bago nya nilagay sa bibig ng kaibigan para bigyan ito ng hangin. Matapos gawin iyon ng binata, Tumayo sya at nagpaalam sa ginang na may pupuntahan sya, kahit na wala naman talaga. 
"Sige, iho. Tatawagan ka na lang namin kapag gising na ang kaibigan mo." Sambit sa kanya ng ginang. Tumango na lang sya, at lumabas na sa kwarto ng kaibigan.
Nadaanan nya pa sa labas ng pinto ang ama ng kaibigan nya, kaya nagpaalam na sya dito. Inalok pa sya nito ng pagkain, pero tinanggihan nya at sinabi na lang na may pupuntahan pa sya. Matapos magpaalam, nagmadali na syang lumabas at sumakay sa kanyang kotse. Pagpasok nya sa loob, kaagad nya itong pinaandar palayo sa bahay ng kaibigan. 
Nakarating sya sa may Parke, at doon nya hininto ang sasakyan nya. Nakayuko lang sya, at pinaghahampas ang manibela ng kanyang kotse."bakit?!!" Diing sigaw nya na sya lang ang nakakarinig, dahil sound proof ang kanyang kotse. "Bakit?!! Bakit wala akong magawa?!! Bakit ang kaibigan ko pa?!! Bakit ganito ang nangyayari sa kaibigan ko?!! Bakit kilangang parusahan sya ng ganoon?!! Mabit naman ang kaibigan ko, pero bakit parang pinaparusahan sya?!! Bakit?!! Sabihin nyo, bakit?!!!" Sigaw nya, habang patuloy sya sa paghampas sa manibela.
"Walang ginawang masama ang kaibigan ko!! kaya….. Kaya bakit?!! Kung may magagawa lang ako para iligtas siya, gagawin ko!! Kaso Wala akong magawa!! And I hated myself for being such a worthless friend, and can't do anything to save her life!! If only… If only I can give my life to her, i will gladly do it!!! I will give my f*cking life in order to save her!! But I can't because I'm inlove with someone else! F*ck this life!!! Ahhhh!! He saved me, but why can't I do same thing she do for me?!! Why?!! Ahhh!!" Umiiyak nyang sambit habang patuloy sya sa kanyang ginagawa.
Dalawang minuto ang lumipas, bago dumating ang doctor ng kanilang anak. Pagdating nya doon, kaagad nyang tinungo ang kwarto ng kanyang pasyente at tiningnan ang kalagayan nito. Pagbukas ng kwarto nakita nya ang mag-asawa na nakatitig sa anak nila. Kumatok sya sa may pinto kahit bukas na iyon, para kunin ang attention ng mag-asawa.
"Nandyan ka na pala doctora. Pasensya na at hindi ka namin nasalubong sa labas, masyado kasi akong nag-aalala sa kalagayan ng anak ko." Sambit ng ginang, nang makita sya
"Ayos lang po iyon, Mrs. Delquentes." Nakangiting sambit nya sa ina ng pasyente nya.
"Hon, kukuha muna ako ng maiinom at makakain ni doctora." Sambit ng lalaki sa kanyang asawa.
Tumango naman ang ginang sa asawa, at ginawaran sya nito ng halik sa noo sa tuwing magpapaalam ito sa kanya. Pagkalabas ng kanyang asawa, binalik nya ang tingin sa doctora ng kanyang anak.
"Doc. Sa tingin nyo, kamusta ang kalagayan ng anak ko? Magiging  maayos naman po ang kalagayan, hindi ba?" Pagtatanong nya sa doctor ng kanyang anak, pero tiningnan lang sya nito ng tinging alam nyang hindi nya magugustuhan ang sasabihin nito sa kanya, at alam nyang ikakasakit nila ito ng kanyang asawa kapag narinig nya ang sasabihin ng doctor.

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    07/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes