logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

LOSING YOU AGAIN

LOSING YOU AGAIN

Zeirah Aize Porrez


Prologue

L.A POV
"Love bakit tayo nandito? Ang ganda pa rin pala ng lugar na ito, dito tayo unang nagkita, naalala ko pa na muntik na kitang mabangga ng bike ko pfftt, dahil sa nagmamadali ako nang araw na iyon tapos--" humarap ako sa kanya pagtingin ko walang emosyon ang kanyang mga mata. "Bakit" iyan ang sinabi nya nang hindi nagtatanong, pero anong bakit? hindi ko naman alam kung ano ang ibig nyang sabihin. "anong bakit di ba anniversary natin ngayon tapos dito tayo magdadate kasi niyaya m--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, nang hawakan nya ang dalawa kong braso ng sobrang higpit.
Naiiyak na ako, hindi dahil sa masakit ang pagkakahawak nya sakin, kundi dahil pakiramdam ko anumang oras ay makikipagbreak sya at iiwan ako. "Kasalanan mo ang lahat!! Nawala sya sakin nang dahil sayo! Ikaw ang dapat na nawala at hindi sya!! Alam mo kung anong pagkakamali ko?!! Ha?! Isang pagkakamali na minahal ko ang taong pumatay sa taong mahal ko!! Isang pagkakamali na minahal kita!!" Sinasabi nya yan, habang nakatingin sa aking mga mata at puno na ng galit ang kanyang mga mata, na dati ay pag-aalala at pagmamahal ang makikita sa mga mata nya.
"Simula sa araw na to wala nang tayo! dahil hindi ko kayang ipagpatuloy ang relasyong ito!" Kasabay nang pagbitiw nya ng mga salitang sobrang nagpasakit sa aking dibdib, ang pagtalikod nya paalis sa akin. Hindi ko kaya, nagmahal lang namn ako pero bakit ganito? sobrang sakit, sobra akong nahihirapan.
Hinabol ko sya at "l--love h--hindi naman totoo yon di ba, prank mo lang ito. Hahaha naprank mo ako love, grabe ang saya ng surprise m--" xhain
"Hindi. At lahat ng sinabi ko totoo, dahil sayo wala na si aixz!! Ikaw ang pumatay sa kanya at!! akala ko din mahal kita! pero hindi pala dahil nakikita ko lang sya sayo, nakikita ko lang ang aixz na patuloy kong minamahal!! Akala ko nakalimot na ako pero hindi pala! Akala ko kaya ko nang magmahal ulit pero sa nalaman ko! Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin! pero iisa lang ang alam ko! HINDI NA KITA MAHAL, HINDI KITA KAYANG MAHALIN!!" Tairoh
"Hindi…. Hindi ayokong maniw--" xhain
"Hindi mo pa ba alam?!! Iyang puso mo, hindi sayo yan kay aixz yan!! Kaya ikaw ang pumatay sa kanya! Alam mo mahal na kita pero--" Tairoh
"Pero nasa akin ang puso nya, na ako ang may kasalanan ha! Ganon ba?! Kung hindi ba ako ang dahilan mamahalin mo pa ba ako?! kung ako ang nauna mananatili kaya ang pagibig mo sakin?! kung hindi nangyari ang lahat kaya mo pa ba akong patawarin?! kaya mo pa kaya akong mahalin?! At higit sa lahat tayo pa rin kaya hanggang ngayon?!" Xhain
"Hindi ko alam angel, hindi ko alam!! kung kaya ko! pero sa ngayon kailangan na nating maghiwalay, hindi na kita mahal! hindi na kita kayang makasama pa knowing that you're the reason why he's gone! and i couldn't, no I shouldn't loved you! because it was wrong to love a person who killed the one that i love the most!" Tairoh
"Kung sasabihin ko bang hindi ko alam ang lahat, mapapatawad mo ba ako?!" Xhain
"Hindi ko alam." Tairoh
"Pero kaya pa nating ayus--" xhain
"Hindi ka ba makaintindi!!! Ang sabi ko, HINDI NA KITA MAHAL!! kaya pwede bang tantanan mo na ako, at Kalimutan na natin ang isa't isa! hindi tayo pwede angel at hanggang dito na lang ang lahat satin!!" Tairoh
Pagkatapos nyang sabihin iyon tuluyan na syang sumakay sa kotse nya at pinaandar iyon paalis sa lugar, sa lugar na especial sa amin nga ba? o sa akin lang? "TTTTTAAAAAAAIIIIIIRRRRRROOOOHHHHHH!" sigaw ko pa baka sakaling marinig nya ako at bumalik sya. pero hindi nya ginawa dahil tuluyan na syang nakaalis.
Tuluyan na nga bang magwawakas ang lahat sa amin? hindi na ba maibabalik ang dati? ang dating pagmamahal at mainit na pagsasama namin. Wala na ba talaga ang lahat? hanggang dito na nga lang ba talaga ang lahat sa amin?
Naglalakad ako pauwi sa amin, at kasabay ng paglalakad ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. "ano bang kasalanan ko?! nagmahal lang naman ako! Pero bakit naging ganito?! Ang sakit isipin na sa unang beses akong nagmahal ganito ang nangyari! Akala ko kami na hanggang dulo, pangarap ko pa na sya ang maging asawa ko at ikakasal din kami. Pero hanggang pangarap na lang ata iyon. hahaha ang ilusyonada ko talaga, kaya ako nasasaktan kasi ang hilig kong mangarap ng hindi naman mangyayari, na hanggang drawing lang ang lahat na kahit kailan hindi mangyayari ang mga pangarap na gusto kong matupad.
Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko sa sala sina mama at papa. Nasa kanilang mukha ang pag-aalala nang makita nila ang hitsura ko.
"Anak! Anong nangyari sayo bakit basang basa ka? Teka nagpaulan ka ba? hon, kumuha ka ng towel sa kwarto. Anak ano ba kasing nangyari? sabihin mo kay mama." Mama
"Hon. Ito na ang towel." Papa
"Magpunas ka muna anak." Mama
Pinigilan ko si mama na punasan ang basa kong buhok." Totoo ba?!" Xhain
"Ha? Ang alin?" Papa
"Nasan si aixz?! Nasan ang best friend ko?! Totoo bang wala na sya?! Ano totoo ba na ako ang may kasalanan ng lahat?!" Xhain
"A--nak sa tingin ko pagod ka l--" mama
"sabihin nyo sakin ang totoo!! TOTOO BA O HINDI ang lahat ng nalaman ko?!!" Xhain
"Totoo anak. Patawad hindi din naman namin alam ang lahat nung una pero--" Mama
"Pero nalaman nyo, kailan?! Kailan nyo nalaman ang lahat?!!" Xhain
"Dalawang buwan matapos ang operasyon mo anak." Papa
"D--dalawang b--uwan?! Ganoon na katagal iyon. Pero bakit hindi nyo sinabi sakin ang totoo! Ang daming oras at panahon na pwede nyong sabihin, pero bakit hindi nyo ginawa?!! Bakit hinayaan nyo pa akong magmahal at masaktan?!! bakit!! SUMAGOT KAYO MA, PA BAKIT?!!" Xhain
"Patawarin mo kami anak kung hindi namin agad sinabi ang totoo sayo, natakot lang naman kami na baka may masamang nangyari sayo kapag nalaman mo ang totoo." Mama
"Masamang nangyari?! Haha… Heto na nga ma, pa dahil hindi ko alam ang totoo! dahil wala akong alam sa mundong ginagalawan ko! At dahil sa lihim nyo nasasaktan ako!! Nasasaktan ako!! dahil wala akong kaalam alam na wala na pala ang best friend ko! na ang lalaking minamahal ko ay boyfriend pala ng kaibigan ko! at ang pinakamasakit pa, ako ang may kasalanan ng lahat! kasalanan ko dahil sakin wala na ang best friend ko! wala na ang boyfriend nya! dahil sakin!! Ma, pa sana sinabi nyo sakin! para naman naiwasan ko ang ganitong sakit!! kung una palang sinabi nyo na, sana hindi na masakit! Sana hindi ko sya minahal! sana naging aware ako sa mangyayari! Pero hindi! Hindi nyo sinabi sakin ang totoo, nilihim nyo parin!!" Xhain
Patuloy lang sina mama at papa sa pag-iyak, habang ako hindi ko alam kung may luha pa bang lalabas sa mga mata ko. Pakiramdam ko nagtaksil ako Kay aixz kahit hindi naman, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi na lang nangyari iyon, sana hinayaan na lang nya akong mawala. Siguro kung sya ang nabuhay masaya siguro sya ngayon, at kung hindi siguro nangyari iyon baka hanggang ngayon magkasama pa rin sila.
Ang sakit-sakit lang, dahil akala ko buhay pa ang best friend ko. Ang hirap at sobrang sakit, na ang akala mong kaibigan na hindi ka iiwanan, pero iiwan ka padin ng hindi mo nalalaman, at sobra-sobra ang sakit dahil akala ko pag-ibig na wagas na, iyon pala pansamanatala lang ang pag-ibig na akala ko ay nakamit ko na.
Tinitingnan ko sila mama at papa na umiiyak, at nagmamakaawang patawarin ko sila. Kasalanan ba talaga nila ang nangyari? o ako ang may kasalanan? Kung wala siguro akong sakit siguro masaya pa kami ngayon, siguro hanggang ngayon nandito pa din ang best friend ko.
Patuloy lang kami sa pagiyak ng makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko, bigla na lang sumakit ang puso ko at nahihilo ako, 'anong nangyayari sakin?' tanong ko sa aking isip.
"M--ma, p--pa nahihirapan po akong huminga at nahihilo din po ako." Xhain
"Ano?! Bakit anak anong nararamdaman mo?! hon bilis yung sasakyan iparada mo na!!" Mama
Dito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Handa ba akong tanggapin ang katapusan ko? Handa na ba akong iwan ang lahat? Pero paano sina mama at papa? Paano naman sya hindi nya pa ako napapatawad? Hindi nya pa alam ang lahat, ang dahilan kung bakit wala na si aixz ang boyfriend nya? at kung bakit nasa akin ang puso nya? Sana hindi pa ito ang huli, sana bigyan nya ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang totoo, sana maintindihan nya na hindi ko gusto ang nangyari, at sana mapatawad nya ako sa kasalanang hindi ko alam kung ako ba talaga ang may kasalanan.
'patawad love kung hindi dahil sakin sana kasama mo pa sya hanggang ngayon, sana hanggang ngayon masaya ka pa rin. Patawad dahil inalis ko iyon sayo at patawad dahil hindi ko kayang isuko ang lahat. Mahal pa rin kita love, kaya sana magawa mo kong patawarin at mahalin muli' saad ko sa aking isip, bago tuluyang pumikit ang aking mga mata.

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Ri Ca

    Oki

    07/05/2024

      0
  • avatar
    Johnmicheal Bilbao TP

    thks

    06/04/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes