logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 88.

Thrizel's POV
Nandidito ako sa dati naming hideout. Kung tatanongin, sumama ako kila Nafe, Isla at Faru. Hindi ko alam ang pakay nila kung bakit gusto nila akong makausap. Sigurado naman wala silang gagawin sa akin, kahit bihasa ang tatlong 'to. Kaya kong idepensa ang aking sarili. Kita kong binato ni Nafe ang isang darts, tumama iyon sa puntos na walo. Pansin kong napailing-iling siya.
Ako naman ay nakaupo sa sofa, bukod sa nakikiramdam. Umiinom din ako ng tubig. Yes, mas magandang tubig nalang. Lasunin pa ako nitong mga 'to. Sa mata ng mga tao, mahahalatang mababait sila pero sa ganitong lugar, doon mo nakikita ang totoo nilang ugali. Kung sutil ako, mas malala sila. Kung hindi ko nakasama ang mga 'to, isa rin sigurado ako sa mga natatakot.
"Why is cide so mad at you?" Panimula ni Isla. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Pakiramdam kong inaalam niya lahat ng bawat kilos ko.
"I rejected him, you didn't know?"
"Hindi naman na ako nakikibalita tungkol sa 'yo simula nang magkaaway tayo nila Aevie. Aevie and you versus Nafe, Faru and me, right? Bakit hindi natin ulitin?" Sa likod ng magaganda niyang ngiti, alam kong naiinis ito sa kaloob-loobam niya. Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to kung ano talagang gusto. May mga oras na mahinahon, mahinhin at mabait. May mga oras din naman na dapat ay matakot ka.
"Pinasama niyo ba ako..." Pabitin ko sa aking sasabihin. Uminom ako ng tubig at muling humarap kay Isla. "Para pag-usapan 'yang kakitiran ng utak mo?" Natigilan siya sa aking sinabi. Halatang hindi inaasahan iyon. Matalas pa rin ang aking dila, sasabihin ko ang mga gusto kong sabihin. "Hindi ko pinagsisihan ang tumaliwag sa grupo." Sa aking sinabi, nakuha ko na rin ang atensyon nila Nafe at Faru. "Thankful pa nga ako. I realized na naiiba kami ni Aevie. Hindi ba kapag naiiba, dapat hinihiwalay? Kahit ganito ang ugali naming dalawa, may respeto kami. Check yourself baka kasi nauubusan na kayo." Ngumisi ako sa kanila at kusang natawa. Napailing ako dahil bakas sa mukha nila ang pagkapikon.
"Talas pa rin ng dila, ah." Rinig kong bulong ni Nafe. Inaayos niya ang mga darts, binabalik sa lalagyan. "Mind your own bussiness, alam mo 'yon, Thrizel?" Humarap ito sa akin para pagtaasan ako ng kanang kilay.
Sumagot ako ng walang pag-aalinlangan. "Respect the elders, alam mo 'yon, Naf-" Natigil ako sa pagsasalita nang batuhin niya ako ng darts. Alam kong magiging kilos niya iyon dahil hindi niya ginagalaw ang kaniyang mga kamay. Salamat naman dahil agad akong nakailag dahil kung hindi, madadaplisan ang aking pisngi.
Humarap ako kay Nafe, kahit blanko ang kaniyang mukha. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pagkainis. "Don't tell us disrespectfully! You have no conscience, Thrizel! Dahil kung mayroon, kusa kang tutul-"
"Seriously?" Kalmado kong tanong at tumayo. Kinuha ko ang darts na tumusok sa frame. "In the morning, in the other village. Three women tripped an old man. These are ruthless. The old man begged but they didn't stop." Tiningnan ko silang tatlo. Seryoso ang kanilang mukha. "I tried to help, Aevie and I. Pinigilan naming kayong tatlo pero anong sagot niyo? 'Matanda na rin naman 'to, mawawala rin sa mundo' while laughing."
"That's right!" Sabat ni Faru. "May mali ba roon? Mamamatay din naman siya, bakit hindi padaliin? Gosh, Thrizel. Hindi mo nga nagawang tulonga-"
"Dahil nangblackmailed kay-"
"So natakot kayo sa blackmail namin, really?" Pagsasalita ni Isla. "What's wrong with that? Masaya kami sa aming ginagawa. Hindi ba kapag may nagmamakaawa dapat matu-"
"Lolo ni Z iyon!" Buong lakas kong sigaw sa kanilang tatlo at binato ang darts na hawak ko kay Nafe nang hindi siya tinitingnan. "Putangina." Napahilamos ako ng mukha. Ang kanilang mga matang naiinis ay nagtataka. Ngayon lang nila ako nakitang nagalit ng ganito. "Oo, nakokonsensya ako dahil hindi ko man lang iyon natulungan. Magkakaibigan tayo that timeeeee! Nag-iisip ba kayo? Walang ibang ginawa iyong matanda kun'di magmakaawa! For fucking fuck's sake ni hindi niyo man lang ginagamit 'yang isip niyo." Hinihintay ko silang magsalita pero walan kumontra sa akin kaya nagpatuloy ako. "Porque sinabi niyong huwag akong mangialam, hayaan ko gagawin niyo at manood nalang ako. God, may sarili akong isip. Then nagtataka kayong tatlo kung bakit ako tumiwalag? Nag-iisip ba talaga kayo? Ganito ako tumrato dahil katangahan 'yang pinaggagawa niyo."
Huminga nang malalim si Nafe. Kinontra ang aking sinabi. "So pinapalabas mong kinakampihan mo 'yong mahinang babaeng 'yon?" Tukoy nito kay Z. Nagpatuloy siya. "Mahina ka rin naman. Magsama kayong tatlo."
Napaamang ako. Natawa dala ng iritasyon. "Talaga, Nafe? Akala ko ba matured ka mag-isip? Nasaan ang maturity mo? Alam niyo ba sinasabi ko rito? Matanda 'yon, lolo pa ni Z. Mabait 'yon e. Mabait 'yon sa akin, tinutulungan ako n'on. Alagang-alaga at tinutulungan. Tapos sasabihin niyo sa aking hindi ko natulungan? Naiisip niyo ba nararamdaman ko kapag pinagtitripan niyo 'yon? Hindi porque bato ako sa paningin ng lahat. Sa gano'ng tao, nasasaktan ako. Naisip niyo ba mararamdaman ni Z? Naisip niyo ba kalagayan ng matanda? Nag-iisip ba kayo?!" Huminga ako nang malalim para huminahon. "Didiretsuhin ko kayo, huh?" Lumunok ako dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Thrizel, huwag mo nang ipakita ang kahinaan mo. Tama na 'yong nakita ka nilang nagalit. "Nagsisisi akong sumali ako sa grupo natin. Nagsisisi akong nakilala ko kayo. Nagsisisi akong sa inyo ako nanggaling. Pakiramdam ko kapag kasama ko kayo, sirang-sira ang pangalan ko. From now on, huwag niyo nalang akong kausapin o kahit tingnan man lang. Hindi ko kailangan ng tulong niyo, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tao sa aking likuran, kaya kong i-angat ang sarili ko ng mag-isa. Huwag nalang tayo magpakialaman. Huling pag-uusap na 'to. Wala na akong pakialam sa friendship, natuto akong unahin ang aking sarili." Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako. Wala naman akong narinig na salita mula sa kanila. Iniwan ko silang nakatulala.
Pumunta ako sa aking motor, nagsuot ng helmet at mabilis na pinaandar. Malapit lang naman ang hideout ni Brooks sa hideout ng mga 'yon kaya mabilis agad akong nakauwi. Pinarked ko sa gilid ang aking motor, pumasok ako sa loob na nakahubad na ang helmet sa ulo. Ilalapag ko na sana nang marinig ko ang boses ni Brooks.
"May gagawin ka ba?" Pagtatanong nito. Tiningnan ang aking kabuoan. May i-uutos ba siya?
"Wala naman na, bakit?"
"P'wede ka bang pumuntang gown botique?" Gown botique? Kakagaling ko lang kanina roon kasama si Aevie. Pansin niyang nagtaka ako kaya nagsalita muli. "Nakaabang sa akin si Cide, sa kabilang village kung saan doon lang ang daanan. Sigurado akong gaganti siya sa pagpapahiya ko sa kaniya. Hindi sa takot ako, kakagaling ko lang sa away. Marunong akong maawa sa aking sarili."
Bigla namang lumabas si Blue galing kusina. May burger sa bibig nito at may hawak din siyang spatula. "Edi itong asawa mo ang pagtitripan, Brooks. Paano kapag nakita siya? Sigurado rin akong haharangin siya nila Cide." May punto itong lalaking 'to. Saka ang ayos ng sagot ngayon, huh.
"Kayang magshort cut ng motor sa eskinita, kaya ba ng kotse ko?"
"Edi bawasan mo dalawang gilid." Bigla akong humalakhak nang sabihin iyon ni Blue. Nilapitan naman siya ni Brooks, kinuha ang spatula at pinalo. Dahil doon ay napapasok ulit ng kusina si Blue, kahit kailan talaga.
Humarap sa akin si Brooks. "So ano?"
"Sandali, bakit gown botique? Men's botique dapat, hindi ba? May pagbibigyan ka ba ng gown?"
"Dalawa ang gown botique, baba at taas pero sa taas ka pupunta. Sa loob n'on ay men's botique." Kalmado niyang sabi. "Sinukatan niya na ako. Kunin mo nalang. Maling address kasi ang nabigay ko, itong address nito."
"Okay." Simpleng sagot ko. Ilang oras na ang nakalipas, sigurado akong wala na si Thrale sa mall. Hindi nagtatagal ang lalaking 'yon sa gano'ng lugar kaya muli ko ng sinuot ang aking helmet.
Lalabas na sana ako ng bahay nang magsalita si Blue. "Asawa ni Brooks, sasama ako!" Tiningnan ko ito. Kakatapos lang nito maligo. Nagmadali ba siya? Kinuha niya ang isang helmet at sinuot sa kaniyang ulo.
"Bilis mo naman maligo." Puna ko sa kaniya nang nakalapit sa akin.
"Nilublob ko na katawan ko sa drum." Ngisi-ngisi niyang sagot sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ito. Mabango naman.
"Tara na." Saka na ako tumalikod. Sumunod naman siya sa akin.
Sumakay na ako sa motor, gano'n din naman siya. Pinaandar ko na ito. Tahimik lang naman si Blue habang nagmamaneho ako. Pinagsasalamat ko iyon baka mawala ako sa focus, kapag kami nadisgrasya, dadagdagan ko pa sugat niya sa katawan.
Nang nakarating, bumaba na kaming dalawa. Sabay kaming pumasok sa loob. Sa escalator sana ako pupunta nang hatakin ako nito papunta sa elevator. Iyon nalang daw ang gamitin namin paakyat. Wala naman akong naging sagot, pumayag din naman.
Kaming dalawa lang ang tao sa elevator kasama itong elevator assistant. Tahimik lang kaming dalawa ni Blue, nang huminto sa isang floor ay may isang lalaking pumasok. Nang muling huminto, doon na kami lumabas. Hinanap ko ang men's botique. Bakit naman kasi nasa taas iyon? Hindi ba dapat nasa ibaba? Nandodoon ang mga clothes.
"Uhm, Asawa ni Brooks. Kita nalang tayo sa parking lot. May titingnan lang ako." Paalam sa akin ni Blue na tinanguhan ko naman.
Pumasok na ako sa men's botique. Agad naman akong inasikaso ng staff papunta sa may-ari. Kinausap ko ito at sinabi ang real name ni Brooks. Hindi naman ako nahirapan kunin ang kaniyang tuxedo. Nilagay ito sa paper bag, pansin ko ring may card doon. Ngumiti ako sa kaniya, nagpasalamat sabay labas.
Naglalakad ako habang nililibot ang aking mga mata ngunit wala akong Blue na nakita, baka bumaba na siya kanina. Sumakay na akong elevator, tahimik lang akong nakatayo sa gilid. Napatingin ako sa bakal, nakita ko ang aking mukha roon. Nang mabaling sa iba ang aking paningin, bigla akong nanigas. Hindi ko na tinangkang tingnan siya. So noong pumasok ako, nakita niya na ako? Dalawang beses ba talaga kami magkikita sa isang araw? Bakit nandito pa ang lalaking 'to? Pakiramdam ko nakangisi siya dahil alam niyang natahimik ako. Nag-iba rin ang temperatura dito sa loob ng elevator. Para akong naiilang pero ayokong ipahalata iyon.
"Men's botique? For your boyfriend?" Seryoso niyang pagtatanong. Tiningnan yata ang aking dalawa. Nakatayo lang siya ng diretso.
"No."
"E, para kanino iyan? Ah, for your partner. Sinong partner mo sa debut ni Aevie? Aevie is Anissa's bestfriend." Kaya pala kilala rin sila ni Aevie. Hindi ko naman alam na kaibigan ni Aevie si Ate Anissa. Never ko pang nakitang may kasamang kaibigan si Ate Anissa. Sa burol naman ng nanay niya, hindi ko rin nakita si Aevie.
"Wala akong partner." Malamig kong sabi.
"Then why are you here?"
Diretso akong sumagot. "Wala akong nakitang Thrale's Mall bago ako pumasok para tanongin mo ako kung bakit ako nandidito."
Ramdam ko ang kaniyang pagbuntong hininga. "What happened to your lips? Bakit may sugat ka? Saan galing iyan?"
"None of your business."
"Really?" Nagpamulsa siya. "Kahit anong oras, kaya kitang pabalikin sa bahay." Bigla siyang tumingin sa akin. Iyon bang tinging kinukuha niya ang aking atensyon. "So what happened to your lips? Namumula at may sugat. Maputi ang mukha mo, Thrizel. Bakit hindi ko makikita?"
"Stop acting na may pakialam ka sa akin." Madiin na pagsasalita ang nilaan ko. "Wala ka sa circus para magpatawa."
"I'm worrie-"
"I don't need that." Agad kong sabi. Sasabihin niyang nag-aalala siya sa akin? Ayoko nang maniwala sa kaniya. Simula nang umalis ako, sinabi ko sa aking sarili na hindi-hindi ko papakinggan lahat ng mga sinasabi ni Thrale.
Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako. Pansin ko naman nakasunod siya sa akin. Ano pang dahilan niya para sundan ako? Kapag nakita muli ako nila Anissa at Arella, siguradong haharangin ako ng mga iyon.
"Thrale, stop following me!" Inis kong utos. Hindi ko siya nililingon. Patuloy lang ako sa paglalakad.
"I just want to ask you, ikaw ba 'yong pumunta sa bahay noong umuwi si dad? Nakikipaglaro ka ba sa akin?"
"It's none of your business! Hindi ka ba makaintindi?" Palabas na ako ng mall. Sigurado akong naghihintay na sa akin si Blue roon.
Natigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Thrale ang aking baywang. Nagulat ako roon, inaamin ko. Tinatanggal ko ang kaniyang pagkakakapit, para hindi ako makawala, nilapit niya ang kaniyang katawan sa akin para ikulong ako.
Sumigaw ako. "Rape!" Hindi ko nakuha ang atensyon ng mga tao kaya muli akong sumagot. "He raping me! He seducing me! Please get this man away from me!" Kita ko ang mukha ni Thrale na nagulat sa aking sinigaw.
"What are you saying, Thrizel?" Mahinang bulong niya.
Hindi niya pa rin tinatanggal ang kapit niya sa akin kaya muli akong sumigaw. "Please, pakitanggal ng lalaking 'to! Binabastos niya akoooo!"
"Asawa ni Brooks! Asawa ni Brooks!" Rinig kong sigaw ni Blue. Huminto ito sa entrance at nilibot ang paningin sa loob. Nang makita niya ako, tumakbo siya papalapit sa akin. "Asawa ni Brooks! Iyong asawa ni Brooks!" Dahil sa kaniyang sigaw. Nagsilapitan ang mga guards. God, kailangan pang si Blue ang sumigaw?
"Hoy!" Pinalo niya ang kamay ni Thrale. Nang matanggal niya, pinagpagan niya ang aking baywang. "Huwag na huwag mong babastusin ang asawa ni Brooks! Wala man si Brooks dito, ako ang babanat sa 'y-" Natigil siya sa kaniyang sasabihin nang makilala niya kung sino ito. Humarap sa akin si Blue. "'Di ba tatay mo 'to?"
Sumimangot si Thrale dahil doon. "I'm her brother." Matapos niyang sumagot. Pinuntahan na kami ng guards.
"May nangyayari po ba rito, ma'am?"
Si Blue ang sumagot. "Pakilayo itong tatay ng kasama ko, guard."
Nangunot ang noo ng guard doon. "Huh? Bakit ko po ilalayo 'tong tatay niya?"
"E, kasi, sir. May gagawin iyang masama sa asawa ni Brooks. Kapag may nangyaring masama rito." Tinuro niya mismo ang aking mukha. "Lagot ako sa boss ko!"
"Mawalang galang na, sir. Mas mukha kasing ikaw ang may gagawing masama rito kay miss. Kausapin muna natin ang tatay niya."
Kita kong napanguso si Blue sa sinabi ng guard. Binangga niya ako nang mahina at nagsalita. "Pigilan mo ako, tanggalan ko 'to ng trabaho."
Ako na ang nagsalita. "Pakilayo nalang po ang lalaking 'to." Tingin ko kay Thrale na nakatingin sa kaniyang sapatos. Nakapamulsa ito. "He's my stalker. Sunod nang sunod." Napaangat siya ng ulo dahil sa aking sinabi.
"Tara na, Asawa ni Brooks." Hinawakan ako ni Blue sa kamay at parang bata kung akayin.
"Sino si Brooks?!" Inis na sigaw ni Thrale.
"Asawa niyaaaaa!" Balik na sigaw ni Blue rito. Tuluyan na kaming nakalabas ng mall.
Itutuloy...

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Thresia_writes

    i really love the story tells,ang ganda nya grabe May halong kilig,tawa, lungkot,iyak,the way threzil and thrale love each other mapapa sana all Kana lang talaga,5 stars for you author mwuahhh

    15d

      0
  • avatar
    BermasKathlyn

    :< ...

    02/06

      1
  • avatar
    NERZARECHELLE

    ❤️❤️❤️

    30/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes