logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 86.

Thrizel’s POV
“Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? You already move on, Thrizel.” Nakatingin lamang ako kay Brooks na nagsasalita. Kanina pa nito ako sinesermonan. “Umuwi ka na sa inyo, natulungan naman na kita. Dadami lang ang kaaway mo, hindi ko gusto makaaway si Cide. Hindi dahil sa takot ako, umiiwas lang ako sa gano’n. Intindihin mo naman ang aking sinasabi, may nadadamay.”
“No, I won’t. I don’t want to. Kung kailangan kong layuan si Cide. I wil—”
“Siya mismo ang lumalapit sa ‘yo.” Napahilamos ito ng mukha. Potek, bakit ba kasi lapitin ako ng gulo? Ako ba ang may problema o sila? “You rejected Cide in public. Malamang mapapahiya siya, iyon ang ikinagagalit ng lalaking ‘yon. Alam mo namang sikat—”
“It’s not my fault!” Angal ko agad at biglang napatayo sa upuan. “He asked me in public. For what para magpasikat? Sana bago niya ginawa ‘yon, alam niya ang kakahinatnan. Hindi porque sinasabi ng mga tao na oo ang isasagot ko, mapapa-oo na rin ako. May sarili akong isip, may sariling sagot. Siya ang problema rito. Kung napahiya siya, bakit sa public nagtanong? Kung tinanggap niya nalang ang sagot ko, walang ganito. Hindi porque nakukuha niya lahat ng babaeng gusto niya ay kasama na ako roon. God, Brooks, kilala mo ako. Si Cide ang problema hindi ako. Si Cide ang isip bata kaya siya ang mag-adjust. I-adjust niya ang mindset niya papuntang mature. Argh.” Napairap ako ng mga mata roon. Binagsak ko ang katawan ko sa sofa. “Hinding-hindi ako babalik kay Thrale. I’m okay now? Hindi ‘yan sapat na dahilan para bumalik ako sa bahay. That’s good, right? Ayos na ako, bakit mo pa ako binabalik doon? I have own decision. I know you helped me but respect what I want, please?”
Napahinga nang malalim si Brooks sa aking sinabi. Umalis ito sa aking harapan, binato niya ng libro si Blue dahil nakanganga itong nakikinig sa amin. Timang talaga. Pansin kong pumunta siya sa cabinet. May kinuha siyang boquet of flowers at binigay sa akin.
Kinuha ko ito at inamoy. Agad akong napaharap sa kaniya. “From you?”
Nangunot ang kaniyang noo. “Basahin mo muna kaya ang card bago ka magsalita.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Binuksan ko ang card. Napakunot ang noo ko dahil doon. Humarap ako kay Brooks, tinaasan niya ako ng kilay. Nagtatanong kung ano ang nakasulat. Mukhang hindi niya tiningnan ito.
Nagsalita ako. “Good morning, Thrizel Wrent. Have a nice day from Mr. X.” Nang matapos kong basahin ‘yon. Napatutok sa akin si Brooks gano’n na rin si Blue.
“Who’s Mr. X?” Blue asked. Stared at me. Obviously also wondering who sent this flower.
“Kilala mo ‘yan?” Brooks asked. He took the card and read what was written on it. Next he took was the flower. Tiningnan niya ang loob nito, wala namang kahit anong nakalagay.
“Mr. X? Kilala ‘to ni Dominic.” Sabi ko sa kanila. “Ito ‘yong nakasolve ng case kay Kristina Altejano noong school year.”
Tumayo si Brooks. Halata sa kaniyang nag-iisip siya. “So he helped you?” Tumango ako rito. “E, anong pakay niya ngayon? May atraso ka ba, Thrizel? May gusto ba siya sa ‘yo? Ang tagal na ng pangyayaring ‘yon. Bakit ngayon siya nagpaparamdam?”
“Baka sinisingil niya ako sa paglinis ng aking pangalan dati.” Wala sa sarili kong sabi dahil iyon naman ang pumapasok sa isip ko. Baka nanghihingi siya ng bayad. “What do you think?”
“Siguro nga. Nakita ko lang iyan kaninang umaga bago ka lumabas, sa mismong motor mo. Hindi ko muna binigay sa ‘yo dahil pupunta ako sa bahay. Maghintay ka nalang kung magpapadala pa siya ulit. Baka nga may sinisingil sa ‘yo.” Tamad itong nagpamulsa. “Ang daming lalaking umaaligid sa ‘yo, hindi ka ba nagsasawa? Puro gulo at palaisipan lang naman ang binibigay nila.”
“Edi iwanan ko na kayo.” Natawa ako sa naging reaksyon niya. Sumama ang tingin nito sa akin. Mabilis lang naman ‘yon dahil lumabas na siya ng hideout. Ang naiwan nalang ay kaming dalawa ni Blue kaya tiningnan ko ito. Tulog.
Nilapag ko ang bulaklak sa lamesa at pumuntang kusina. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagluto ako. Marunong naman ako magluto, hindi lang halata sa akin. Private person, e. Joke. God. Bakit ba ako nagbibiro? New personality na ako e.
Nang matapos ako magluto, umupo na ako sa upuan para kumain. Mag-isa lang ak—hindi pala, pumasok si Blue na kakagising lang. Hinihimas niya ang kaniyang tiyan. Kita ko pang humikab ito.
“Respeto naman.” Inaantok niyang sabi.
Hindi ko ‘to maintindihan kaya nagtanong ako. “Saan naman?”
“Kapag natutulog ang tao, huwag magluto. Akala ko nakahiga pa rin ako, naglalakad na pala ako papuntang kusina.” Pumunta siya sa ref at uminom ng tubig. Nagsandok din ito ng kanin at kumuha ng ulam sa aking niluto. Umupo siya sa aking harapan. “Ganda natin ngayon, ah?”
“Kumain ka na nga lang. Nang-uuto pa e.” Irap ko sa kaniya. Bigla naman itong natawa. Ganiyan iyan lagi kapag sasabay sa akin kumain. Ewan ko rito sa lalaking ‘to.
“By the way, Thrizel.” Iyan na naman siya. Wala na namang katapusan ang aming pag-uusap. “Nagmumukha kang suso.”
“Pakain ko sa ‘yo ‘yang plato mo.” Seryoso kong sabi. Natawa na naman siya. Likas talaga sa lalaking ‘to ang pagiging masayahin.
Natahimik kaming dalawa nang magsalita muli ako. “Kaano-ano mo si Ryke?” Iyan ang matagal ko nang gustong itanong sa kaniya. Nang magkita kami ni Blue sa fast food with Ryke. Parang may iba sa kanila, inobserbahan ko iyon pero hindi ko makuha that’s why I’m asking him.
Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain. Tumitig ito sa akin. Ang labi niyang kaninan nakangiti ay biglang naglaho. “Ryke?” Tumango ako. “Katulong ko siya dati.” Ang pagiging seryoso niya ay napalitan ng loko-loko. Humalakhak ito, nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan. Hindi ko pa ito nakikitang magseryoso. Wala bang balak baguhin nito ang kaniyang sarili? God.
“Wala ka talagang kwenta kausap.” Tumayo na ako sa upuan. Tapos na ako kumain kaya nilagay ko na sa sink ang ginamit kong plato. “Ikaw na ang maghugas.” Kinuha ko ang aking sepilyo. Nag-umpisa na akong linisin ang aking ngipin.
“Bakit ba kasi si Ryke ang tinatanong mo? Ewan ko ba roon sa lalaking ‘yon. Nanliligaw ‘yon sa ‘yo, doon ka dapat magtanong.”
“Shh.” Pananahimik ko. Ang ganiyang awra niya ngayon, kapag nagtanong muli ako, mapapalitan ‘yan ng abnormal. Sigurado akong tatawa na naman ito.
“Thrizel! Thrizel!” Napatingin ako kay Blue dahil may kumakatok sa aming pintuan. Nagpunas ako ng kamay at pinuntahan ito. Sinalubong niya ako ng yakap. “Wahhhhh! I miss you!” Agad din naman siyang bumitaw para harapin ako. “Come with me now?”
Kunot noo akong nagtanong. “Saan ka ba pupunta? Ngayon ka lang nagyaya.” Pinapasok ko siya, pagkatapos ay pinaupo sa sofa. “Good mood ka pa ngayon.”
“Ah, yes, because I’m turning 18 this year!” Napapikit ako dahil sa tinis ng kaniyang boses. “Kakausapin ko lang ang designer ng gown ko ngayon. Please, come with me.” Ngumuso siya, halatang nagpapaawa na samahan ko siya ngayon. Inisip ko naman na baka may gagawin ako pero wala naman.
“Ngayon ba? Osige.”
“Yeheyyyyy!”
“Lower your voice, Aevie.”
“Okay, fine. So tara na?” Kita ko sa kaniyang mga mata na sabik na sabik siya. “Attend ka sa birthday ko, huh! Hindi p’wedeng wala ka roon!”
“Oo na.”
Inayos ko muna ang akig damit. Sinabi ko rin kay Blue na aalis ako, tumango naman siya kaya sumama na ako kay Aevie. Kanilang kotse ang gamit namin, tahimik lang kaming dalawa. Kung pagkukumparahin silang dalawa ni Amira, mas madaldal si Amira. Iyon kasing babaeng ‘yon, mala-Blue, walang tigil ang bibig.
Nakarating din naman kaming mall. Pumasok kami sa gown botique. Sinalubong si Aevie ng isang staff at dinala sa designer. Naupo lang naman ako, tinitingnan ang kanilang ginagawa. Habang pinagmamasdan ko sila, napatingin sa akin ang babae.
“Thrizel.” Napaharap ako sa designer. Gano’n nalang ang gulat ko nang makita ang nanay ni Link. Designer pala si tita? Hindi ko alam.
“Hi, tita.” Kaway ko sa kaniya. Ngumiti ako ng pilit dito at yinakap. Gumanti naman siya pabalik.
“You’re here, kumusta ang mommy mo? Magaling na ba siya?” Tumagilid ang aking ulo sa kaniyang tanong. Anong magaling? Ayos naman ang aking nanay.
“She’s okay, tita. Kakatawag niya lang sa akin last week to check me.”
“Good to hear.” Humarap siya kay Aevie. Sumenyas siya ritong sandali lang dahil kausap pa ako. Ngumiti naman ang aking kaibigan.
“Anyway, tita.” Huminga ako nang malalim. Nag-iisip kung itatanong ba. “How’s Link?” Simula nang umalis siya, wala na akong bagong balita rito. Kahit text message, call or what, wala talaga.
“Si Link?” Nangunot ang noo niya. Parang iniisip niya pa kung saan pumunta ang kaniyang anak. “He went to your parents, iyon ang paalam niya sa akin for your mom, I guess.”
Ngumiti ako rito. “Thanks po.”
Sumaglit siya sa akin at nilapitan ang aking kaibigan. Tinuloy na nila ang kanilang pag-uusap. Mukhang hindi pa tapos ang gown ng babaeng ‘to. Sinusukatan pa rin kasi ang ibang parte ng katawan niya. Nang matapos silang mag-usap, pumunta sa akin si Aevie.
“Thrizel, let’s eat muna. Break time nila tita at may kailangan pa siyang gawin. Balikan nalang natin.” Tatango na sana ako nang magsalita na naman siya. “You? Won’t you choose what to wear to my debut? I’ll pay. May dance floor doon, Thrizel. Hindi naman ako papayag that you’re not wearing gown.”
Agad akong tumanggi sa kaniya. “No, I have one then I have money. Kaya ko namang bumili kung gugustuhin but thank you.”
Ngumiti siya sa akin, ginaya niya na ako sa isang resto dahil iyon ang napili niyang pagkainan. Kaunti lang naman ang aking inorder dahil kakatapos ko lang kumain. Mukha ring hindi pa nagtatanghalian ang babaaeng ‘to.
“Saan pala ang venue ng debut mo?” Panimula ko ng pag-uusap namin.
“Nasa invitation card siya, hanging gardens venue. Si mom ang pumili.” Sagot nito habang nagpupunas ng bibig. Napatango naman ako. “You know what, Thrizel? I like dance floor. I want dad to dance me.” Muli akong tumango sa kaniyang sinabi. Ang debut ko ay next year pa. Malayo pa.
“Oh? Ang tahimik mo naman, may problema?” Sinuri nito ang kabuoan ko. Nakailang naman ako roon kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natawa ito. Kailangan pa ba n’on?
“Not related.” Simpleng sagot ko.
“I forgot, you’re just 17 years old. Poor woman.” Pang-aasar pa nito sa akin. Tinarayan ko siya.
Nang nakapagpahinga, naglakad na kami pabalik sa gown botique. Tahimik na naman kaming dalawa. Matangkad ‘tong si Aevie, hindi siya maganda, hindi rin pangit, sakto lang ang kaniyang itsura. Makulit at sweet. Nilulugar ang kaniyang pagiging talkative. Nakarating na kami, siya ang unang pumasok dahil nakasunod ako sa kaniya.
May bagong costumer. Yinakap niya ang isang babae roon. “Wahhh, you’re here! What a small world.”
Tinitigan ko ang babae. Namutla ako nang makilala ko kung sino, it’s Anissa. Nilibot ko ang aking paningin, nakita ko si Arella na nagtitingin sa mga gowns. Abot-abot naman ang kaba ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko si Thrale pero wala. Sigurado akong nandidito rin ang lalaking ‘yon dahil hindi niya maiiwan ang dalawang babaeng importante sa kaniya. Bago niya pa ako makita, dapat makalabas na ako rito. Tumingin ako sa pinto, may isang staff na nakatayo roon. Maglalakad na dapat nang may bagong magsalita.
“Anissa, come here. Choose yours.” Ang gusto ko ay makaalis dito pero bakit ‘yong siya ang nagsalita ay natigilan ako?
“Uhm, I forgot.” Napapikit ako nang hawakan ako ni Aevie sa braso. Huminga ako nang malalim para humarap sa mga ‘to. “Here’s my friend, her name is Thrizel.” Sa kaniyang sinabi, nakuha ko ang atensyon nila Anissa, Arella at Thrale na nakatingin sa akin.
“Yes, Thrale. Thrize is here.” Sabi pa ni tita.
Natahimik ang loob ng botique, ako ay nakikiramdam, gano’n din naman ang tatlo. Wala akong balak magsalita. Nakatingin lang ako sa kanila. Matapos ang isang buwan, wala na akong balita sa mga ‘to.
“Hi, Thrizel, I miss you.” Basag ni Arella sa katahimikan. Ngumiti ito sa akin at kumaway, wala akong naging reaksyon dito. Nakatingin lang ako sa kaniya.
“How are you, Thrizel? You look good, mas gumanda ka.” Nakangiting pamumuri sa‘kin ni ate Anissa. Wala rin akong naging reaksyon doon.
Humarap ako sa aking kaibigan. “Hintayin nalang kita sa kotse.”
Agad namang hindi sumang-ayon sa akin ang aking kaibigan. “No, Thrizel. Sasamahan mo ako plus nandito ang aking mga kaibigan. You can join us, I’m here if you feel awkward then parang kilala mo naman sila.”
Muli akong napahinga nang malalim. Tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib. “Hintay—”
“Aevie is right.” P’wede bang huwag ka nang magsalita, Thrale? Ayokong ikaw ang kaharap ko. “You can join us.” Aevie is right. What a small world.
Humarap ako sa kaniya. “No need, I’m not friendly.” Tinanggal ko ang kamay ni Aevie. Naglakad na ako pero may humawak sa aking balikat. “What?” Hinarap ko si Thrale. Alam kong siya ‘yon dahil gawain niya ‘to.
“You didn’t know me?”
“Nagtanong na nga ako ng ano. Nangangahulugan ba ‘yong hindi kita kilala?” Matabang kong tanong. Walang emosyon, blanko. “Puti ang damit ko, pakitanggal ng kamay mo.” Nagulat pa itong tinanggal ang kamay niya sa aking balikat. Humarap ako kay Aevie. “Una na ak—”
“Iwas na iwas ka sa amin.” Iyan na naman si Thrale sa pagiging seryoso niya. Kung dati nadadala niya ako sa ganiyan, ngayon hindi. “Hindi ba p’wedeng sumama ka nalang sa ami—”
“Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng ayoko?” Pasimple akong umirap at saka ngumisi. “I don’t associate with such people.” Mahinahon kong sabi. “Especially you. Sorry. I need to go. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nakikipag-usap sa ‘yo. O baka kaya lang ako nakipag-usap dahil hindi ka makaintindi.” Ngumiti ako ng pilit sa kanila. “I’m leaving, huh? Ingat nalang kayo sa pag-uwi.” Dire-diretso akong naglakad sa paglabas. Nang mawala ako sa paningin nila, akala ko ay manghihina ako pero hindi, wala akong naramdaman. Kalmado lang.
Itutuloy...

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Thresia_writes

    i really love the story tells,ang ganda nya grabe May halong kilig,tawa, lungkot,iyak,the way threzil and thrale love each other mapapa sana all Kana lang talaga,5 stars for you author mwuahhh

    15d

      0
  • avatar
    BermasKathlyn

    :< ...

    02/06

      1
  • avatar
    NERZARECHELLE

    ❤️❤️❤️

    30/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes