logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

MAY mali nga yata.
            Iyon ang pakiramdam ni Mutia habang nakahiga siya sa kama. Hirap naman siyang itanggi sa sarili na attracted na siya kay Karl. Iyon din ang alam niyang paliwanag kung bakit hindi niya nasampal ang lalake on those occasions na hinagkan siya. At kung ibabatay sa mga reaksiyon niya pagdating sa lalakeng iyon, alam niyang sa mas malalim pang damdamin iyon mauuwi. Susugal ba siya? Paano kung kagaya rin ng mga magulang niya ang maging kapalaran niya sa pag-ibig?  Tama nga marahil ang pasya niyang umiwas na lang habang maaga pa. 
            Pero gusto na niyang mainis mayamaya. Lalo na nang humayon ang kanyang mga mata sa may pinto. Magsisisi ba siya na hinayaan niyang mawala ang tsansa’ng mahagkan muli ni Karl? Ang makulong sa mga bisig nito?
            Mixed emotions siya. May mga pangyayari talaga sa buhay ng tao na minsan, iyong ayaw mong mangyari ang mangyayari. Pero mahirap din niyang itanggi sa sariling naghintay siya na totohanin ni Karl ang sinabi nito. At nang hindi nangyari, nanghihinayang siya.
            Naglalaban na rin sa agang iyon ang puso at isipan niya, she knew it. Inconsistent na siya, eh.
            “Naman…”
            Napuyat lang siya sa kakaisip kaya paggising niya kinabukasan, nangangalumata siyang humarap sa salamin para maghilamos.
            Nakatok ang pinto. “Apo, gising ka na ba?”
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabosesan si Lola Matilda. Paano kaya siya natunton gayong sinabi din niyang magkikita sila sa parking-an ng jeep pa-Calanasan ngayon?
Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili at halos patakbong tinungo ang pinto. Binuksan iyon kaagad.
“Paano niyo nalaman dito? Ginulat niyo naman ako!” bati niya agad sabay yakap dito.
“Hay naku, apo. Huwag ka nang magtaka. I just discovered a while ago na kilalang pamilya pala ang mga Alcantara dito, hija. Nagtanong-tanong lang kami ni Ricky hanggang sa nakarating nga kami dito. I miss you, apo. Hindi sapat ang tawag at text lang. Gusto kitang makita nakaya napasugod  na ako rito nang ora-orada. And I surprise you, right?”
“Oo naman, Lola. I miss you, too”
 “So, he’s your friend. I like what I see,” namimilyang dugtong pa nito na lumingon sa likuran.
Bigla siyang napabitiw ng yakap sa kanyang abuwela sabay hayon ng tingin kay Karl. Hindi niya ito napansin na kasama pala ng lola niya dahil sa kasabikan dito. “H-hi. Good morning,” kiming bati niya na kagyat iniwasang tignan ang mga mata nito. May dumudungaw sa kanyang dibdib. “Thank you sa pagsama kay lola dito.”
“No problem,” sagot nito na bumaling sa kanyang lola. “If you don’t mind po, Lola, hihintayin ko na lang po kayo sa dining room. Gusto ko kayong makasama sa agahan kung okey lang po sa inyo.”
“That would be great, iho. Sayang at napaaga namang umalis ang mga magulang mo.”
“May ibang pagkakataon pa naman, Lola. Sabik kay Tito Rommel, eh. Bunso kasi iyon at paboritong kapatid kaya hindi pa man nagbubukang-liwayway, nag-convoy na sila papuntang Isabela para sumama muna sa kanila.”
“Ah…” Tumango-tango ang lola niya. “Close family ties,” tahimik na dugtong nito.
Napansin ni Mutia ang paglamlam ng mga mata ni Lola Matilda. Napatungo siya. Halos nahuhulaan na niya ang dahilan. She cannot bear to see those haunting eyes. It broke her heart and reminded her time and again about her own parents and their betrayal.
“L-lola, halika muna sa loob. Magbibihis lang po ako at sabay na tayong bababa mamaya,” yakag niya, trying hard to dispel the gloomy vibe. “Sige, Karl. Thank you ulit,” sulyap niya rito.
“Sure.”
 
“LIKE what I have said earlier, I like what I see. At durugtungan ko naman ngayon na gusto ko siya, apo.”
            Natigil siya sa pagsusuklay sa buhok na napatingin kaagad sa kanyang lola sa repleksiyon nito sa vanity mirror. “Ano’ng ibig niyong sabihin, lola?”
            “Hindi na masama kung siya ang mapapangasawa mo,apo. ‘Di ba?” prankang sagot nito.
            “’Yong survey na naman.” Bumuntong-hininga siya. “I respect their opinion about it, Lola. Pero kagaya na ng naisip ko minsan, may biasness iyon. Hindi ho sa civil status nakadepende ang kakayahan ng isang pinuno. Ang dapat tignan ay ang kakayahan niya sa pamamalakad ng gobyerno’ng ipinagkatiwala sa kanya ng sambayanan, kung gaano siya kaepektibo sa kanyang pamumuno, kung ano ang magagawa niya para sa kabutihang panlahat, kung meron ba siyang sense of justice, ‘yong hindi kurakot, may takot sa Diyos, may pagmamalasakit at pagmamahal sa tungkulin.
            “Hindi man ako perpektong lider para sa kanila, hindi po tamang i-judge ako agad dahil lamang dalaga ako. Suffice it to say that I will do my best to serve the town and its people as a whole kapag ako ang naihalal,” determinadong saad niya na nakipagtagisan ng tingin sa kanyang lola.
            Ito ang unang nagbaba ng tingin. May panggigipuspos na tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at nilapitan siya. Yumakap ito sa kanyang likuran. “I have no doubt that you can do it, apo. Ano pa’t nananalaytay sa iyong mga ugat ang dugo ng iyong Lolo kung hindi? That survey may bluntly say that you needed to get married soon. But look at it this way: they wanted you to be happy, too.”
            “Naisip ko na din po iyan before, Lola. At gusto ko po’ng maniwala doon…” Mangiyak-iyak siyang yumakap na rin dito.
 
“SO, paano? Aalis na kami ni Lola. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan niyo sa akin. Pakisabi na rin kina Tita Linda at Tito Marlon. And to Erlyn, too. Maybe, I will come back soon to personally thank them. Sa ngayon, I needed to go back home muna.”
            Napabuntong-hininga si Karl, trying to arrest Mutia’s eyes pero tumungo iyon habang nagsasalita. Obviously, iniiwasan na siya nito. Kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang aalis pa ito. Gusto niyang malapit lang ito sa kanya. Pero alam niyang wala siyang karapatang sabihin iyon dito. May sarili itong buhay na kailangan nitong harapin din. At may ambisyon itong nais marating. Ayaw niyang maging hadlang pa siya. Ang mga nagdaang halos dalawang linggo na nasa kanila ito ay parang panaginip lang. At ngayon ang araw ng reyalidad. Back to their own world.
            “Don’t mention it.” Napalunok siya. Ngayon, alam na niya ang damdamin ng iniiwan. That feeling of helplessness, that void that seem to engulf him—masakit pala.
            At ang kaharap, kahit pabalat-bunga, hindi man lamang yata maalalang imbitahan siya na dalawin niya ito. Dahil kahit sa ituktok pa ng Mt. Solo—ang pinakamataas na bundok sa Apayao— ito nakatira, excited pa siyang pupunta.
            Ipinamulsa niya ang dalawang kamay. Baka bigla na naman niya itong mayakap at kintalan ng halik gaya ng nais niyang gawin sana kagabi. But she rejected him.
            Well and good, he thought sadly. He can’t have it all.
            Nang kumaway na ito sa mga kasambahay nilang nagsihileraan sa may pinto, hudyat na iyon para lumulan na rin ang dalaga sa naghihintay na sasakyan.
            “Sige,” madaliang sulyap nito sa kanya saka na ito tuluyang lumulan.
            Tumango na lang siya. Kumaway sa kanya si Lola Matilda na nasa backseat.
            “Ingat po!” kaway niya rin.
Naisunod niya ang tingin sa sasakyan nang magsimula na itong umusad. Pero bago pa ito nakalagpas sa gate, bigla iyong huminto at dumungaw si Lola Matilda.
“Iho, I forgot something. Kung may oras ka, dalaw ka sa amin, ha?”
“Opo, Lola. Salamat po!” Nakangiti na siya. That saved his day, at least.
 
“ANO’NG plano mo, apo?”
            “P-plano po, Lola?”
            Napailing sa kanya si Lola Matilda sabay buntong-hininga. “Plano sa birthday mo. It’s only three weeks away.” Pinakatitigan siya. “Nasa malayo na naman ang isipan mo. May problema ba, apo?”
            “Wala po ito, Lola.” Pinilit niyang ngumiti. “I can manage. Don’t worry.”
            “Look at me.” Tumabi si Lola Matilda sa inuupuan niyang sofa at iniharap siya nito. “Hindi man ako ang ina mo, I have my blood in you. Saying that, I can deduct that you do really have a problem. Is it Karl?”
            Bigla siyang napatayo at lumayo rito. Gumawi siya sa bintana at nanungaw. Kailangan na niyang umamin. “Halos anim na linggo na ang nagdaan simula nang manggaling tayo roon, Lola. Iniwan ko naman kay Aling Myrna ang phone number ko and discreetly told her na ibigay sa lalakeng iyon. Katetext din ni Aling Myrna kanina confirming na ibinigay niya iyon dito noong kaaalis natin. I can’t believe that he never bother to call or text me hanggang ngayon. What eats him?
“At heto pa, ako naman si tanga, naghihintay. Nakakatawa. Siguro dapat na akong idiretso sa mental hospital.” Sumimangot siya.
            Napahagikgik bigla si Lola Matilda. “No, normal ka pa, apo. Iyan lang ba ang rason kung bakit absent-minded ka at hindi mapakali ever since o may iba pang dahilan?”
            Lumingon siya rito. “Hindi ko mai-deny ang totoo, Lola. And I don’t have to. Pero nami-miss ko ang mokong na iyon.”
            “Hmmm…iyon lang talaga?” Namimilya na ang Lola Matilda niya. “Sa una pa lang, sinabi ko na sa iyon na gusto ko siya, apo. So, wala kayong alalahanin sa akin. At sa nakikita ko, higit pa sa pagka-miss mo ang totoong dahilan. Tumanggi ka na hanggang gusto mo. Itanggi mo na ang lahat-lahat. Pero naranasan ko na din iyan, apo. At sasabihin ko na ngayon sa iyo: mahal mo na siya.”
            “L-lola—“ Nagsimula siyang magprotesta. Pero tumaas sa ere ang kamay nito para patahimikin siya.
            “At hindi sa haba o ikli nalalaman kung mahal mo ang isang tao,” pagpapatuloy ni Lola Matilda. “Iyon kung ano ang nasa damdamin mo. Iyong kung ano ang nararamdaman mo. Iyong kung ano ano ang sinasabi ng puso mo at huwag ‘yong kung ano ang sinasabi ng utak mo.”
            “Pero paano siya, Lola? Naniniwala ako na ang pag-ibig ay dapat mutual iyon sa pagitan ng dalawang tao at hindi iyong iisa lang ang nagmamahal. Hindi ko siya dapat mahalin, Lola. Kailangan ko’ng pigilin kung kinakailangan. Ayokong ilagay ang sarili ko sa isang sitwasyon na alanganin ang tayo ko. Ang hirap masaktan.” Naniim siya, nanungaw at tumingin sa malayo.
            “Loving someone means risking yourself to get hurt. Ganu’n lang iyon, apo. Ang gawin mo, sumugal ka. At kapag natalo ka, wala kang dapat ipagsisi. Live with it. Kailangan nating intindihin na ang paghahanap sa kaligayahan ay may dalawang mukha: panalo at talo. You can’t have it any other way.”
            “Kaya naghiwalay sila,” mapait na naiusal niya. Gumaralgal ang tinig.
            Naintindihan kaagad iyon ng kanyang lola. “Ang naging mali ng papa mo, hindi niya binigyan ng mama mo ang tsansa’ng mahalin ito. Naghanap siya ng ibang kandungan. At ang pag-ibig, nangangahulugan din iyon ng pagpaparaya. Iyon ang ginawa ng mama mo. Kinailangan niya itong pakawalan. Sa bandang huli, pinalaya niya rin ang kanyang sarili. At maligaya na sila ngayon, hindi nga ba?”
            “I…I was their sacrificial lamb.” May luha nang nalaglag sa kanyang mga mata. “Hindi man lamang ba nila naisip pagkatapos na may isang kaluluwang nagdurusa sa naging kapasyahan nila? It felt like a betrayal. I was there, seen everything and still alive to tell the tale. Hindi naman ako makasarili sa lagay na ito, Lola. Pero apektado ako simula noon. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit parang may kahungkagang hindi nakayang punuan ng pagmamahal niyo ni lolo.” Humarap siya rito at itinuro ang dibdib. “Nandito. At patawarin niyo ako, Lola. Patawarin niyo ako. Hindi ko naman sinasadya o hinahanapan kayo ng higit pa sa kaya niyong ibigay.
“At ngayong natututo akong magmahal sa isang tao na hindi ko rin alam kung ano ang maging kahihitnan, lahat ng sakit, lahat ng pait ay muling nanariwa. At hindi ko alam kung paano haharaping muli. Natatakot ako, Lola…natatakot ako. Pero iyon nga, hinalikan ako. Hinayaan ko lang dahil pakiramdam ko iyon ang tama. Pero kahit ganu’n, may iba’t ibang kahulugan din ang halik. And oftentimes, it lies.”

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes