logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Six

Hays kanina pa ako humihikab sa subject na ito. Sakit ng ulo ko at pakiramdam ko gusto kong matulog.
Pwede ba?
"Miss Pilapil, stand up!" Kainis naman!
Tumayo na lang ako kagaya ng utos ni Prof.
"Mukhang hindi mo binibigyan ng atensyon itong subject ko, Miss Pilapil." Humikab lang hindi na kaagad nag-pay attention? Humingi na lang ako ng sorry.
"I won't let it pass. 'Di ba antok ka? Then go! Tumakbo ka sa hallway for four times."
What the! Seryoso ba si Ma'am?
"Labas! Simulan mo na ang pagtakbo. Hindi ka titigil hangga't 'di mo natatakbo ng apat na ulit ang fifth floor." Badtrip!
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at aalis na sana sa pwesto ko nang may humawak sa wrist ko. Tiningnan ko ito at napakunot ang noo ko.
Problema ng mokong na 'to?
"Ano ba?" mahinang saway ko sa kaniya habang hinihila ang kamay ko.
"Miss Pilapil, ano pa'ng tinatayo-tayo mo riyan?" Pilit ko pa rin hinihila ang kamay ko pero 'di pa rin niya binibitiwan.
Ano ba'ng gusto mangyari ng mokong na 'to? Mas lalo akong malilintikan nito kay Ma'am.
Nagulat naman ako nang tumayo siya.
"Mister O'neil, what's the matter?" sapilitan kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Hay salamat.
"Nothing, Ma'am. I just realized that your punishment for Miss Pilapil is not appropriate." Biglang kumunot ang noo ni Ma'am sa sinabi nito. Ako naman ay napatingin sa kaniya habang pinanlalakihan siya ng mata.
"Ano ba'ng ginagawa mo?" mahina kong tanong sa kaniya na may halong gigil.
Gusto yata nitong madamay.
"She's not paying attention in my class, and also yawning while I'm discussing. I'm being disrespected by her actions. So, I don't see anything wrong with my punishment to her." Bumaling sa akin si Miss Aguilar at sinenyasan akong lumabas na.
Pero muli na naman akong hinila nitong si Payton.
"Miss Pilapil just yawn yet she got a punishment? While most of us are sleeping but you never punished us. Seems like you are being unfair, Miss Aguilar. And it's not good for you as a professor." Nagulat naman siya sa sinabi ni Payton at tila naputulan ng dila.
"Miss Pilapil is a working student. She study and work after class, may be she's just tired that's why she yawn. Everyone yawns when tired, even you, Miss Aguilar." Grabe rin mangatwiran itong si Payton. Pero hanga ako sa tapang niya ha.
May point naman kasi talaga siya. Pakiramdam ko rin talagang may something itong si Miss Aguilar sa akin. Para bang may inis o galit. Bakit naman kaya? Hindi ko naman siya kilala.
"If you really think she's not paying attention, then test her. Give her a quiz about what you've just discussed. Be fair, Miss Aguilar. Professor ka pa man din."
Wow! Gusto kong pumalakpak sa speech ni  Payton. Pero baka mas lumala ang galit ni Ma'am sa akin.
"Okay! You two may take seat. And Miss Pilapil, get one-half sheet of paper." Bumalik na si Ma'am sa pwesto niya. Kami rin naman ni Payton. Kumuha na lang din ako ng papel. Okay na sana, Payton! Bakit pina-quiz mo pa ako?
Mabuti na lang nakapag-advance reading ako tungkol sa topic namin ngayon. At siyempe nakinig naman ako kahit naaantok ako.
Pero napapaisip pa rin talaga ako. May galit nga kaya si Ma'am sa akin? Fresh graduate si Ma'am, at talaga namang bata pa. Siguro mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Naabutan kasi ako ng K to twelve at siya ay hindi.
Hindi kaya...
May gusto rin siya sa grupo nila Dylan? Patay! Kapag talaga bumaba ang grades ko rito kay Miss Aguilar ay magrereklamo ako sa nakakataas. Aba! Nag-aaral ako ng mabuti sa subject niya kahit tinatarayan niya ako tapos ibabagsak niya ako? Hindi pwede 'yan!
***
Hay salamat! Natapos na rin ang klase rito kay Miss Aguilar. Tungkol sa quiz ko? Perfect naman! Pero nakakainis kasi karamihan sa tanong ay wala sa ini-lesson niya kanina. Halatang gusto ako ipahiya.
Pasalamat siya Prof siya.
"Hoy! Ba't mo ginawa 'yun?" tanong ko kay Payton. Magkasabay kami ngayon sa paglalakad.
"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama." Whatever!
Wala talagang kwenta itong kausap.
"Is that so? Okay! Salamat pa rin." Matapos ko iyon sabihin ay nauna na ako sa paglalakad.
Grabe! Akala ko talaga mapapatakbo ako sa hallway kanina nang wala sa oras. May dulot din naman pala snobber na 'yun.
Puno ang cafeteria pero may iilan pa rin namang pwesto na walang laman. Kaya naman bumili na kaagad ako ng pagkain tapos naghanap ng mauupuan at kung mamalasin ka nga naman, isa na lang ang natitirang pwesto. Nagtungo na ako ro'n at umupo.
Sisimulan ko na sana ang pagkain nang may biglang naglapag ng tray sa table. Pag-angat ko ng tingin ay napasimangot ako bigla.
Bwisit na 'yan. Sila na naman?!
"What is it again?!" Nakataas ang kilay nila sa akin habang may hawak na tray.
"That's our place, so better get out and find another table. Or you can just find your place outside the cafeteria, where a poor like you belongs." Here they go again.
As if I'm affected.
"Inyo 'to? Nasaan ang palatandaan?" May kinuha siya sa bag niya at nag-labas ng...
Marker? Is she trying to vandalize this table? Gosh! She's a crazy bitch.
"Now, pwede ka na ba umalis sa pwesto namin?" Umiling-iling na lang ako at tiningnan sila na para bang nababaliw na sila sa paningin ko.
"Crazy bitches." mahina lang 'yun sakto nang marinig nila.
Nang simulan ko na ang paghakbang paalis ay may pumatid sa akin.
Shit! No way...
Pero nang babagsak na ako ay mabilis pa kay flash nang saluhin ng isang lalaki ang tray ko at kasabay nito ang pagsalo niya sa akin gamit ang isa pa niyang kamay.
Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang magkadikit ang dibdib namin at nakakapit ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. Pakiramdam ko huminto ang paligid dahil sa posisyon namin ngayon. Nakatingin ako sa mukha niya, gano'n din siya sa akin.
Ang haba pala ng pilik-mata niya at brown pala ang kulay ng mata niya. Infairness naman, mas gwapo siya sa mal—
"Done fantasizing me? Alam ko namang gwapo ako." Tila naman napabalik ako sa realidad nang marinig ang kayabangan na 'yun.
Putek! Agad akong napabitaw at lumayo sa kaniya.
"Hoy! Anong..." Aba! May pag-smirk pa 'tong unggoy na 'to. Sarap sapakin nakakabwisit.
Ano ba kasing ginawa mo, Avlyn! Mag-fi-feeling na naman 'yan.
"Avs! You okay? Nasaktan ka ba?" Hindi ko alam kung tatango ako o iiling sa sinabi ni niya.
Bakit kasi two question with different answer at a time ang tanong nito?
"I'm okay, Dy." Muli akong napatingin sa unggoy na sumalo sa akin kanina at ngayon ay nakangisi na siya.
Bwisit!
"Let's go, Avs." Hinila na ako ni Dylan at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Taena talaga! Bakit ba rumerehistro pa rin sa utak ko ang mukha ng unggoy na 'yun?
"Hey! Okay ka lang ba talaga? Namumula ka kasi." Tumingin ako kay Dylan pero nahagip pa rin ng tingin ko si Raven. Kainis! Napaka-feeler talaga ang unggoy na 'yan.
I just gave Dylan a smile and nod.
"Of course, Dy." Inabot  na ni Raven ang food ko. Oo nga pala sinalo niya ito bago pa ito mahulog.
"Thanks." Ngayon ko lang napagtanto na nandito pala kami sa usual place nilang lima.
Oo! As in naka-reserve na sa kanilang lima. Grabe talaga ibang klase.
"Sumusobra na talaga ang grupo nila. They have to learn their lesson. If we just let it pass, they won't stop." Hindi na ako nagsasalita at kumain na lang. Pero naririnig ko pa rin naman ang pinag-uusapan nila.
Kainis talaga! Bakit palagi kong naiisip ang mukha niya? I need distractions.
"Iisipin ko kung ano'ng magandang punishment para sa kanila. Hindi ko na papalagpasin ang ginagawa nila. H'wag ka nang kumontra pa, Avs." Napalingon ako kay Dylan.
"May magagawa pa ba ako? Bahala na kayo sa gusto niyo gawin sa kanila. Basta ba hindi ako madadamay ha?" Nagtinginan naman silang lima tapos nagtanguan saka muling bumaling sa akin.
Mukhang planado na yata?
"Don't worry, Avlyn! Hindi naman labag sa rules ng school ang gagawin namin. Kaya h'wag kang matakot na ma-involve," sabi ni Payton na agad namang ginatungan ni Gavin nang, "But don't worry, as much as possible we will not involve you. Baka mas lalo kang pag-diskitahan ng bullies."
That's what I'm thinking, Gavin. Pero alam ko na kahit hindi ako ma-involve ay involve na ako sa umpisa pa lang.
"Anyways, have made up your mind? Sasama ka na ba sa amin sa Saturday?" Napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanila na ngayon ay naghihintay ng sagot.
"Mas magiging masaya kapag pupunta ka." Sumang-ayon naman silang lahat maliban na lang kay Raven na ginagawang busy ang sarili.
Mabuti naman at nanahimik na siya.
"I can't decide yet. You know naman how busy I am, right?" Tumango naman at sila at tila bakas ang pagkadismaya sa narinig.
Bakit ba gustong-gusto nila akong isama? Hindi naman kami close para ganito na lang sila ka-eager na isama ako sa party nila.
"May apat na araw pa naman, Avs. Just let me know if you already made up your mind." Teka! Bakit apat na araw? Akala ko ba saturday.
"Saturday ang party 'di ba? So dapat mga limang araw pa. Bakit apat na lang?" Bahagya naman silang natawa.
May nakakatawa ba?
"Friday night kasi ang alis papunta sa resort nila Raven." Okay. Kaya naman pala.
Sa totoo lang wala namang masama kung sasama ako dahil kasama naman si Dylan. At tungkol naman sa magulang ko, sa lakas ng lalaking ito sa kanila ay isang salita lang at wala nang explain-explain pa. Paniguradong payag kaagad ang mga 'yun.
Oo! Binebenta na ako ng magulang kay Dylan simula pa noon. Pareho sila ng magulang ni Dylan. Minsan na nga nilang tinawag na balae ang isa't-isa.
So ayun nga, wala namang masama kung sasama ako.
Kaya lang...
Hindi ko alam kung bakit biglang napunta kay Raven ang tingin ko. Marunong naman pala siyang manahimik. Mas malakas ang dating niya kapag tahimik siya.
Gosh! Pinag-iisip mo ba, Avlyn? Ubusin ko na nga lang itong pagkain ko. Nababaliw na yata ako.
"Ito ba 'yung bracelet na binigay ko when I migrated to States?" Napatingin ako a wrist ko kung saan hawak niya 'rin upang tingnan ang bracelet.
Ngumiti ako saka tumango.
"Yeah! Naalala mo pa pala." Napaangat ang tingin niya sa akin tapos tinulak ang noo ko.
"Bakit ko naman makakalimutan?" Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon.
"Malay ko ba? Ulyanin ka pa naman," sambit ko na may halong pang-aasar. Pinanliitan naman niya ako ng mata at akmang kukurutin ako sa ilong. Kaya naman ginamit ko ang kamay ni Gavin bilang pangharang.
Sensya na, Gavin. Ikaw kasi ang katabi ko at  mas malaki ang kamay mo kaysa sa akin.
"Close talaga kayo 'no? We rarely see Dylan smiling and laughing like that since then." Napatingin ako kay Dylan matapos marinig iyon kay Calvin.
Ibig sabihin bugnutin pa rin siya?
"So, bugnutin ka pa rin pala?" Bahagya naman siyang natawa at nagkibit-balikat.
"Yeah! Tinatawag nga namin 'yan na Grumpy. Minsan hindi pa 'yan namamansin at laging tulog sa base. Tumatawa at ngumingiti naman siya minsan, pero madalas ganito." Nag-make face si Gavin na tila ginagaya ang grumpy face ni Dylan. Kaya naman nagtawanan kaming lahat at inasar si Gavin. Pero knowing him, hindi naman siya mabilis mapikon.
Ang difference ng pagiging Grumpy namin, siya natural na sa kaniya kasi may pagka-seryoso siya. Pero ako kapag pikon lang dahil aaminin ko, pikunin ako.
Sa totoo lang ang table namin ang pinakamaingay. At aaminin ko, masaya silang kasama. Pero hindi pa rin magbabago ang isip ko, sa parehong rason.
I don't want to repeat myself.
"Avlyn, sabay na tayong pumasok," aya ni Payton sa akin at pumayag na lang ako. Same class lang naman kami, tsaka ayaw ko muna nang away.
I'm referring to the clowns.
"Bro, Avs, pasok na ako sa next class ko," paalam ni Dylan at pati ang iba ay nagpaalam na rin sa amin.
At muli, mayroong exception. Sino? Malamang ang mayabang na si Raven na nauna nang umalis.
"Ayaw mo ba talagang sumama?" tanong ni Payton habang naglalakad kami patungong classroom.
"Hindi naman sa ayaw. Ano lang..."
"Is it because of Raven? Don't worry kahit naman gano'n 'yun ay hindi naman 'yun masamang tao." Natawa naman ako at umiling-iling.
Bakit ba sa lahat na lang desisyon ko ay si Raven ang naiisip nilang rason? Hindi man lang ba nila naisip ang effect ng pagsama ko sa kanila ang pinakarason ko? Grabe! Si Raven kaagad.
"Baliw! Raven has nothing to do with my decisions. Busy lang talaga ako."
"You know what, Avlyn? Hindi naman masamang mag-enjoy paminsan-minsan. You also need to rest." Yeah he has a point. But I have to stick with my decision.
Pero kagaya nga ng sabi ni Dylan, may ilang araw pa naman to decide. Malay nila magbago bigla ang ihip ng hangin at makapag-decide ako na sumama.
Malay lang naman.

Comentário do Livro (74)

  • avatar
    Romel Arquisola

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

    10d

      0
  • avatar
    Josef Patryk Mandac

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Lykamae Yu

    love the friend

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes