logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

HABOL-HABOL NI Cassius ang dalaga na nagtungo sa ikalawang palapag ng palasyo. Sa dulo ng hagdanan ay napahinto siya at tinanaw ang dalaga na dire-diretso na tumungo sa kanilang teresa.
Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamao nito sa mahabang kasuotan na halos mamuti na. Sa palagay niya ay galit ang dalaga sa mga narinig kanina. Kahit siya ay hindi makapaniwalang nasabi iyon ng kaniyang ama sa harap ni Emira na tila ba wala lang.
Tinignan niya ang dalaga na walang hinto sa pabalik-balik na lakad sa malawak na teresa. Halata ang pagkabalisa at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Napabuntong hininga siya at naglakad palapit sa dalaga.
“Mayroon akong kasintahan mula sa Grebanio,” aniya ng marating ang dalaga.
Sinubukan niyang tignan ang dalaga nang igilid ang mga mata ngunit hindi man lang ito nagtapon kahit isang tingin sa kaniya. Kahit kanina sa lamesa ay hindi niya masilip ang mukha ng babae. Tila napakailap nito sa kaniya.
“Mahal ko ang babaeng iyon. Kaya kung gaano mo kaayaw na maikasal sa akin, ganoon din ako,” patuloy niya ngunit nanatili namang tahimik ang dalaga.
Napabuntong hininga siya. Hindi niya nais na sabihin dito ang estado ng kaniyang puso ngunit sa kaniyang nakikita ay katulad siya nito, hindi nais maikasal sa kaniya. Kitang-kita niya iyon sa kung paano manahimik ang dalaga hanggang sa piliin nitong umalis.
“Disgusto,” malamig na turan ng dalaga. “Disgusto ang tamang salita para maipabatid ko na hindi ako sang-ayon sa kasal na ito.”
Nagulat si Cassius sa sinabi ng dalaga. Sa pagkakabigkas nito ay punong-puno iyon ng bigat na hindi niya mawari kung saan nanggaling.
“Ganoon mo kaayaw na maikasal sa akin?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Sa Grebanio, maraming babae ang nais na makuha ang atensiyon niya, na tapunan niya kahit pa konting tingin. Halos lahat ng makilala niyang prinsesa ay handang ibigay ang lahat ng mayroon sila makuha lamang siya. Ngunit ang prinsesa ng Aldepania ay iba. Sa palagay niya ay tila ikamamatay ng prinsesa kung matatali siya rito habang-buhay.
“Ganoon ko kaayaw sa pamilya mo. Maliit ang salitang ayaw para sa inyo, at kung mayroong mas hihigit sa disgusto, mas pipiliin kong gamitin ang salitang iyon.”
Tila mas lumamig ang hangin matapos sabihin iyon ni Emira sa kaniya.
Hindi maintindihan ni Cassius ang pinanggagalingan ng galit ng kausap. Sa pagkakaalam niya ay ngayon lamang sila nagtagpo. Hindi niya maalala kung minsan na ba itong nagpunta sa kanilang bansa at nagkaroon ng hindi magandang unawain sa pagitan nila.
Muli niyang tinignan ang dalaga. Hindi malinaw sa kaniyang mga paningin ang emosyon na nais nitong ipabatid. Hindi sapat ang buwan upang magbigay liwanag sakanila, ngunit sapat ang kaniyang pandinig para makuha ang nais na iparating ng dalaga. Sa sunod-sunod nitong paghinga ay malinaw sa kaniya na hindi talaga maganda ang impresyon ng prinsesa sa kanila.
Napapitlag siya ng umikot ang dalaga kasabay ng kaniyang mahaba at mabigat na kasuotan. Tila handa na umalis at iwan siya mag-isa roon.
“Huwag ka ng magpanggap na tila ba ayaw mo ang kapangyarihan na makukuha mo kapag naikasal ka sa akin. Alam nating dalawa na ang kapasidad mo na magpatakbo ng isang bansa ay isang malaking katanungan sa inyong nasasakupan. Ang sinasabi mong pagkadisgusto ay alam kong salamin mo lamang upang hindi ka magmukhang sabik sa kapangyarihan na maaari naming maibigay sa inyo.
“Maraming gahaman sa kapangyarihan, Emira. At alam kong isa ka roon. Hindi mo kailangan magpanggap sa aking harap. Alam din ng aming pamilya ang pakay mo sa amin.”
Hindi niya gustong sabihin ang mga salitang iyon pero tila ba mayroong nag-uudyok sa kaniya na pilitin na magsalita ang dalaga tungkol sa galit nito. Naisip niya na kung pipitikin niya ang natitiranv pasensiya ng dalaga ay maaari nitong masabi ang dahilan.
Muli niyang napansin ang mga kamao nito na tila gustong magpakawala ng suntok. Napaatras siya ng bahagya, natakot sa maaaring gawin ng prinsesa. Alam niyang ang bawat prinsipe at prinsesa ay marunong dumepensa para sa sarili. Hindi siya kampante na hindi siya kayang saktan nito.
“Kailangan lamang nating magkasundong dalawa at magiging tahimik ang pagsasama natin.” Halos hindi niya magawang tapusin ang nais sabihin.
Tila mali na inudyok nito ang natitirang pasensiya ng dalaga.
“Walang pagsasama, Cassius. Matuloy man ang kabaliwan na ito, dito ako sa Aldepania at doon ka sa Grebanio, gagawin ang sarili nating interes para sa ating bansa. Kung gusto mong maging intima sa kapareha mo na nasa inyong bansa, walang tutol kong ibibigay sa'yo iyon. Ngunit tandaan mong irespeto mo ako sa sarili kong bansa. Kahit iyon lang ay ibigay mo sa aking bilang susunod na reyna ng Aldepania."
Hindi kaagad nakasagot si Cassius. Hindi niya akalain na imbes na mahulog sa pag-udyok sa kaniyang pasensiya ay tila mas ginuwardiyahan nito ang sarili na huwag magsalita tungkol sa bagay na kaniyang ikinagagalit. Nagawa pa nitong bigyan siya ng laya na ipagpatuloy ang relasyon sa kaniyang kasintahan.
Tila tama ang kawal na nakausap niya kanina, matalino ang prinsesa.
"Sa tingin ko ay isa kang malaking hangal para sabihing hahayaan mo kong maging masaya sa aking nais,” pahabol niya bago tuluyang umalis ang dalaga
Napansin niya ang biglaang pagkatahimik ng dalaga at pagtigil nito sa pag-alis.
“Isa kang amba ng panganib sa Grebanio.” Hindi niya alam kung saan galing iyon ngunit ang dalang galit ng prinsesa sa kanila ay siyang magsilbing babala sa kanila.
Sabi nga nila, nakakabulag ang talino ng isang tao. Nakakabingi ang mga malulusog ng halakhak. Ngunit nakakaumid din ng dila ang ganda ng isang tao.
Mabilis ang naging pagharap ni Emira sa tinuran ng binata. Malalim ang pagkakakunot ng noo nito ngunit bakas na bakas ang kagandahan ng prinsesa.
Alam ni Cassius na ang bawat prinsesa ay mayroong taglay na kagandahan ngunit hindi kayang ikaila ang ganda ng prinsesang kaharap niya ngayon. Kahit pa alam na niya na mayroong gandang kayang ibigay ang dalaga ay tila hinuli pa rin siya ng kaniyang sarili sa paghanga niya rito. Sa maikling oras, walang mga salitang nahapuhap ang binata. Ang kaniyang madudulas na dila ay walang panama sa kung paano siya pinatahimik ng ganda nito.
“Ako ba ang amba ng panganib?" sandaling huminto ang dalaga at hinuli ang mga tingin ng binata na muntik ng makapagpalambot ng kaniyang mga tuhod.
“O ang iyong pamilya ang mas dapat kong isipin?"
Nakagat ni Cassius ang ibabang labi sa kung paano sumagot ang prinsesa sa kaniyang harap. Tama ang kaniyang mga narinig habang nag-iikot-ikot kanina sa palasyo, matalino at hindi basta-basta magpapahuli sa sariling dila ang dalaga. Alam nito kung paano gamitin ang mga salita at gamitin iyon laban sa kaniyang kausap.
"Tunay kang matalino. Hindi na ako nagtataka kung bakit mabilis para kay ama na ikaw ang piliin na maging asawa ko," namamangha niyang sabi at muling ibinalik sa madilim na kalangitan ang paningin.
Hindi sumagot ang kaniyang kausap kaya naman nagpatuloy siya.
"Sa tingin ko, kung ano man ang iyong interes para ituloy ang kabaliwan ng dalawang hari ay maisasakatuparan mo. Parati mong inuuna ang takbo ng iyong isip kahit pa matabil ang iyong dila,” totoo niyang sabi.
Napansin niyang pinag-iisipan mabuti ng dalaga kung ano ang isasagot nito sa kaniya. Talagang hindi nagpapahuli.
Narinig niya ang mahabang buntong hininga ng prinsesa. Napangiti siya. Sa wakas ay nagawa ng kumalma ng dalaga. Tila siya’y mawawalan ng malay kung ipagpapatuloy ng prinsesa na ganoon ang pakikitungo sa kaniya.
Muling tumalikod si Emira sa maliwanag na buwan. Ramdam na ramdam niya ang haplos ng malamig na hangin sa kaniyang likuran dahil walang tela na tumatakip doon.
“Iisipin ko na lamang na may mas magandang plano ang aking ama para sa aming bansa," kalmado nitong sambit dahilan para muling lingunin ni Cassius ang prinsesang kausap.
Sa pagkakataong iyon, nakayuko ang prinsesa at natatakpan ng mahabang kulay kayumangging buhok ang kaniyang mukha. Kapansin-pansin din na ang kamaong kaninang mahihigpit ang hawak sa kaniyang kasuotan ay naglalaro na lamang doon.
Muling umiwas ng tingin si Cassius. Pakiramdam niya, bawat pagtitig niya sa dalaga ay hinihila siya nito sa ibang dimensiyon ng mundo na hindi niya alam kung saan patungo.
Bahagya siyang napatango at napaubo upang linisin ang lalamunan, "Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy sa gusto ko. Gaya ng nasabi ko, parehas tayong may hangarin kaya pumayag tayo na magkita ngayong gabi, ngunit —"
Hindi makapaniwalang tumawa si Emira habang inaangat ang kaniyang ulo, "Alipin ang iyong kasintahan, hindi ba?"
Kung matutuloy man ang pagpapakasal niya sa isang prinsesa, ito ang naisip niyang unang gagawin. Ang magawan ng paraan kung paano sila magsasama ng kaniyang kasintahan na si Angela.
"May nakakatawa ba sa bagay na iyon?" kunot ang noo ngunit bakas ang inis sa boses ng binata. Hindi maganda sa kaniyang pandinig na tila pinagtatawanan nito na isang alipin ang kaniyang kasintahan. Ngunit ang inis na kaniyang nararamdaman ay tila isang inisiyatibang emosiyon na maaari niyang maramdaman dahil sa paraan ng pagtawa nito ngunit habang pinanunuod niya ang prinsesa na tumawa ay hindi na ganoon ang nararamdaman niya. Tila nakahanap ng sandaling kapayapaan ang kaniyang puso.
Umiling si Emira, "Hindi ba't nakakatawa na tungkol sa malayang pag-ibig ang unang batas na gusto mong maisabatas sa pag-upo mo bilang isang hari?
“Walang masama sa nais mong isabatas. Tutulungan kita," pinal na sabi ni Emira bago tuluyang iwan ang prinsipe.
Sandaling napahinto si Cassius sa paghinga matapos marinig ang tinuran ng dalaga. Nais niyang habulin ito ngunit pinanuod na lamang niya ang paglisan nito.
Ibig sabihin, payag na ba ang prinsesa na maikasal sa akin?

Comentário do Livro (31)

  • avatar
    NicaFarah

    for just an money

    6d

      0
  • avatar
    Harry Velasco

    ang Ganda ng kwento

    24d

      0
  • avatar
    Vianne Mae Provido Calauod

    nice story and i like it

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes