logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

AWTOMATIKONG nagsalubong ang kilay ni Cadi nang pag-uwi niya sa bahay ay nakita niya ang isang sasakyan na nakaparada sa garahe nila. It was Saturday. Wala siyang klase at kakagaling lang niya sa mall kung saan siya namili ng ilang school supplies.
Hindi siya maaaring magkamali kung kanino ang sasakyang iyon. It was Xenon’s. Ano’ng ginagawa ng unggoy na iyon sa bahay nila?
“Nandito ka na pala, anak,” nakangiting bati sa kanya ng mommy niya.
Naabutan niya ang ina sa sala habang kausap ang isang unggoy na pinangalanang Xenon.
“Hi, Cadi.” bati sa kanya ng lalaki. He was grinning at her and damn, she wanted to rub off that grin on his ugly face.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “What are you doing here?” He was wearing a white v-neck shirt and maong pants. Napairap siya nang dumako ang tingin niya sa diamond earring na nasa kanang tenga nito.
“O, nagdala siya ng seafood paella, Cadi,” ang mommy niya ang sumagot. “Pinadala ng Tita Laide mo.” Tita Laide was Xenon's mother. Hindi niya alam kung kanino nagmana si Xenon dahil pareho namang mabait ang mga magulang nito. Gusto niyang isipin na ampon ito, kung hindi lang ito kamukha ng mga magulang.
Bumalik ang tingin niya sa ina at tumango na lang. Ayaw niyang makipagsagutan sa lalaki sa harap ng ina. “Sige, Ma. Akyat na ako sa taas.” Bago pa makasagot ang mama niya ay iniwan na niya ang mga ito.
Inilapag niya ang paper bag sa study table at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Subalit ilang minuto lang ang nakakaraan ay may kumatok sa pinto ng silid.
“Cadi, papasok na ako, ah.” It was her mother.
Umayos siya ng upo nang lumapit sa kanya ang ina. Naupo ito sa gilid ng kama niya. “What is it, Ma?”
“May emergency akong pupuntahan sa firm, anak." Her mother was a lawyer. Sanay na siya na kahit alanganing oras ay umaalis ito. "Ikaw muna ang umasikaso kay Xenon.”
Nagsalubong ang kilay niya. “My, ayoko,” tanggi niya sa ina. “Pauwiin mo na lang siya. Wala rin naman si Daddy dito sa bahay." Nasa isang convention ang ama niya. Sa isang araw pa ito makakauwi.
“Cadi!” saway sa kanya ng mommy, halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Hindi ka namin pinapaki para maging bastos sa bisita."
Kinagat niya ang labi. “Sorry, My.” Bumuntong-hininga siya. “Alam mo namang hindi ko gusto ang ugali niyang anak ni Tito Arnold.”
Sa tuwing bumibisita ang pamilya ni Tito Arnold sa kanila ay babatiin lang niya ang mga ito pagkatapos ay nagdadahilan siyang maraming ginagawa at nagkukulong siya sa kuwarto. Kapag naman ang mommy at daddy niya ang bumibisita sa mga ito, nagdadahilan siya para hindi makasama.
Hangga’t maaari ay gumagawa siya ng paraan para maiwasan si Xenon. Sa tuwing nagtatagpo kasi sila ng lalaki, imposibleng hindi uminit ang ulo niya sa galit.
“Honey, wala ba talagang pag-asa na makasundo mo si Xenon?” umaasang tanong sa kanya ng ina. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses nang itanong iyon sa kanya ng ina. “Bakit ba ayaw mo sa kanya? Mabait naman siya, anak.”
She rolled her eyes. Mabait? Anong mabait sa lalaking iyon? “My, hindi mabait ang lalaking iyon. Mayabang siya, playboy at… mayabang. Basta, ayoko sa kanya. Sorry, My, hindi ko makakasundo ang Xenon na iyon! Ever.”
Bumuntong-hininga ang ina. “Alright. Hindi ko na pipiliting magkasundo kayo ni Xenon. Just entertain him for tonight. Sabay na kayong kumain ng dinner sa baba.”
Isang napipilitang tango ang isinagot niya sa ina. “Just for tonight, My.”
Nakangiting tumango sa kanya ang ina bago ito nagpaalam. Nagpalit muna siya damit bago muling bumaba. Habang bumababa sa hagdan ay sinalubong siya ng kasambahay nila.
“Ma’am, nakahanda na po ang hapunan.”
Tinanguan niya ito. “O, sige. Tawagin mo na iyong ‘buwisita’ natin.” Itinuro niya sa maid si Xenon na nakatayo at nakatalikod mula sa kanya.
“Eh, ma’am, kayo na lang po,” nahihiyang wika ng dalagitang kasambahay na si Mary.
Nagsalubong ang kilay niya nang mapansin ang pamumula ng mukha ni Mary. God! Bakit ba ang daming nabibiktima ng unggoy na ito!
Lumapit siya sa puwesto ni Xenon. Natigilan siya nang mapagtanto kung bakit nakatalikod ang lalaki. He was looking at her portrait hanging on the wall of the living room.
Tumikhim siya. “Ready na ang dinner,” walang emosyong sabi niya.
Bago pa ito humarap sa kanya ay mabilis na tumalikod na siya at inunahan ito sa dining area. Nauna siyang naupo sa dining chair habang nakasunod sa kanya ang nakangising si Xenon.
“O, smile, Cadi. Masamang nakasimangot sa harap ng pagkain,” ani Xenon sa kanya. Naupo ito sa harap niya.
Sa harap na ngumiti ay iningusan niya ito. “Hindi ako makakangiti kung ikaw ang nakikita ko.”
“You’re really hard on me, huh.” Pumalatak ito at umiling.
Umirap siya at akmang kukunin ang serving bowl ng paella. Ito yata ang bigay ni Tita Laide. Well, seafood paella was her favorite at masarap magluto si Tita Laide niyon.
Subalit naunahan siya ni Xenon sa pagkuha. Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Give that to me.”
Sa halip na ibigay sa kanya ay sinalinan nito ng pagkain ang plato niya. Bahagya siyang natigilan sa ginawa ng lalaki. Subalit nang makabawi ay pinanliitan lang niya ito ng mga mata. “Huwag ka ngang magpaka-gentleman diyan. Hindi bagay sa ’yo.”
Natawa ito. “You really amazed me. Sa halip na magpasalamat, ininsulto mo pa ako.”
Napairap siya. Nakakainis talaga. Saan kaya namana ng Xenon na ito ang ugali nito?
Sa halip na sumagot ay itinuon na lang niya ang pansin sa buong pagkain. Kahit mahirap ay in-imagine niyang siya lang mag-isa sa hapag-kainan at wala siyang kasamang unggoy.
Natigilan siya nang marinig niya ang pag-ring ng cell phone. Siguro siyang hindi kanya iyon kaya tumingin siya kay Xenon.
Pinanood niya ang lalaki nang dukutin nito ang cellphone at walang pag-aalinlangang putulin ang kung sino mang tumatawag dito.
“Bakit hindi mo sinagot?” Hindi niya napigilan ang sariling magtanong.
Nagkibit-balikat ito. “We’re eating. Besides, it’s just one of those girls I’ve dated before. It’s not important.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. God! He was really a ruthless playboy. At ipinapangalandakan pa nito na balewala lang dito ang mga babaeng nagkakandarapa rito.
“O, bakit mukhang galit ka? ‘Selos ka, Cadi?” Gumuhit ang nanunuksong ngiti sa mga labi nito.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Ha! Asa ka pa, Xenon. Kahit kailan, hindi ako matutulad sa mga tangang babae na baliw sa ‘yo. Hindi iyang mga tulad mo lang ang type ko.” Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy! Hindi porke’t kinahuhumalingan ito ng mga babae, may karapatan na itong isipin na pati siya ay may gusto rito.
Nagtaas ito ng kilay habang sinasalinan ng tubig ang baso nito. “At sino ang type mo, si Harry Salvacion?”
Natigilan siya sa narinig. Napaawang ang mga labing tiningnan niya ang lalaki. “P-paano mo nalaman?”
Ngumisi ito sa kanya. “I saw how you approached him the other day, Cadi," he said then brought his glass on his lips. Sa kabila ng ginagawang pag-inom ay nakita niya ang ngisi sa mga labi nito.
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na kubyertos. Base pa lang sa nakakalokong ngisi ni Xenon, tiyak na nakita rin nito ang ginawang pag-reject sa kanya ni Harry!
“Ano, sasabihin mo sa kanya na crush ko siya?” Inunahan na niya si Xenon. May pakiwari siyang iyon ang ideyang naglalaro sa utak nito. “Ipapahiya mo ako sa kanya?”
“No, why would I do that?" Bahagya itong ngumuso at pinunasan ng napkin ang mga labi. Napatingin siya sa mapupulang mga labi nito. Subalit lalo lang nadagdagan ang galit niya sa ginawa. Bigla kasing bumalik sa kanya ang ginawa nitong pagnakaw ng halik noon.
"Wala rin namang silbi kung sabihin ko sa kanya na gusto mo siya, hindi ka naman gusto ni Harry.” Nagkibit-balikat ito.
Sa pagkakataong iyon ay umahon na ang matinding galit sa dibdib niya. “How dare you!” Oh, God! Hindi niya gustong makipagsigawan sa harap ng pagkain pero sinasagad talaga ng unggoy na ito ang maiksing pasensiya na.
“What? I only said the truth, Cadi,” balewalang sagot nito. “You’re just wasting your time liking him because he would never like you back. You’re definitely not his type.”
Itinapat niya rito ang hawak na tinidor. “Shut your mouth, Xenon. He would like me! I would make him like me!”
Sabay na umangat ang kilay at mga labi nito. “Alright. Let’s bet on that. Invite him for a date this week.”
Pinanlisikan niya ito ng mga mata. “Wala akong balak na makipagpustahan sa ‘yo.”
“Bakit? Natatakot kang matalo?” He smirked at her.
“At bakit naman ako matatakot?” buong tapang na sagot niya. “Fine. Let's bet on that. Kapag nanalo ako, hindi mo na ipapakita iyang pagmumukha mo sa ‘kin!” Pinanliitan niya ito ng mga mata. "How about that, Xenon?"
He looked at him, his eyes suddenly serious. “At kapag ako ang nanalo, sa ‘kin ka makikipag-date.”
Her mouth hung open. The way he looked at her plus the way he said those words suddenly rendered her speechless.
“Ayoko!” nangigigil na sikmat niya sa kaharap nang makabawi. “Wala ako’ng planong makipag date sa ‘yo, ‘no!”
Umangat ang kilay nito, patuloy na nanghahamon. “Kung sigurado kang ikaw ang mananalo sa pustahan natin, wala kang dapat alalahanin, di ba?”
Right. Bakit nga ba siya magpapanic, eh, sisiguraduhin naman niyang hinding-hindi siya matatalo kay Xenon.
“Fine. Deal!”

Comentário do Livro (32)

  • avatar
    MisnayJaysan

    thank you

    10/11

      0
  • avatar
    Rose Ocampo

    sobrang ganda ng kwento mapapangiti ka nalng

    08/01/2025

      0
  • avatar
    Kurt Denver Nario

    I nes

    18/11/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes