logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

AZEYA
SA unang pagkakataon, ngayon ko lang napansin na may baril pala si Zack Neutron. Hindi ko na matandaan ang surname nito, e. Malay ko ba. At paki ko sa kaniya.
"Hoy!" sigaw ko sa kaniya. "Puntahan na natin yung lalaki na 'yon."
"Sige!" sigaw rin niya. Paglabas ko ay sumunod naman siya.
Hinanap pa namin sya. Aba! Saan naman kaya sumuot 'yon? Tiningnan namin ang mga estudyante sa labas. Wala rin siya ro'n.
"May pakiramdam akong nakita na niya ang hinahanap mo," saad ni Zack.
Tama. Kasi replika lang ang nakita namin kanina. Pagsaksak ko pa lang sa kanya, patay agad.
Zack closed his eyes. Hindi ko alam kung anong trip nito at papikit-pikit pa. "Tara!" Tumakbo siya sa corridor at sumunod naman ako. No choice, e.
Tumapat kami sa isang room. Actually, huminto siya sa tapat ng isang room at may gulat na expression. Dahil sa kuryusidad, tinignan ko rin ang direksyon kung saan nakatingin ang mga mata niya. At nagulat na lamang ako sa nakita.
Si Azer... Patay na siya. No... NO WAY!
Nakita naming nakalutang sa ere si Azer habang nakabaon sa tiyan niya ang isang patalim. Umaagos ang dugo sa sahig. At nakita naming nakatulala si Capricorn na parang may nakikita.
"Azer!" Tatakbo na sana ako papunta kay Azer, kaso pinigilan ako ni Zack.
"Sandali lang... May kakaiba sa kaniya. Pagmasdan mo," bulong niya.
Tumingin ako kay Azer. Biglang humaba ang buhok niya. Mga lampas balikat. Unti-unting natanggal ang patalim sa tiyan niya. Pagkatanggal niyon, naghilom ang sugat niya. Humaba ang kuko niya sa daliri at lumitaw ang dalawang sungay sa noo niya.
"Halimaw rin ba siya?" tanong sa 'kin ni Zack.
"Hindi ko... alam..." sagot ko. Hindi ko talaga alam ang nangyayari.
Lumapag sa lupa ang mga paa ni Azer—hindi. Hindi na siya si Azer. Pakiramdam ko, kilala ko siya. Nakatalikod siya sa 'min kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Argghhh!" sigaw ni Capricorn. Parang nasaksak na ewan. Sinakal ng lalaking may mahabang buhok si Capricorn.
Umangat ang paa nito sa lupa. Sa totoo lang, mas malaki si Capricorn kumpara sa lalaking 'to. Pero walang kahirap-hirap niyang napa-taas si Capricorn sa ere. 'Tapos... Nawalan na ng buhay yung halimaw. Parang papel lang nang ibalibag siya nung lalaki.
Dahan-dahan siyang humarap sa 'min ni Zack. At humarang sa harapan ko si Zack. And finally, I saw his face. His face was actually the face who broke my heart into pieces long time ago. As he looked at us now, with his blank and bloody face, I knew... And I remember him now.
"Nagkita tayong muli, Azeya," walang emosyon niyang sabi. Halos mapako ang mga paa ko sa pagkakatitig sa kanya. Kay tagal kong inasam na makita siyang muli. Ang lalaking una kong minahal...
Ngunit hindi ko inasahan na magkikita kaming muli sa ganitong pagkakataon. At hindi ko hinihiling na muli kaming magkita. Dahil pareho naming alam na hindi kami para sa isa't isa.
"Kilala mo siya?" tanong sa 'kin ni Zack. Hindi siya tumitingin sa 'kin.
"Oo..." Ang tanging naisagot ko sa kaniya. Hindi ko mapaniwalaan ang mga nakikita ko. Nananaginip ba ako? Paanong nangyaring iisa lamang sila ni Azer?
May lumabas na galamay sa likuran niya. Galamay na nasa walo. Mga matatalim na galamay iyon. At tinutukan kami ni Zack.
"Tumabi ka," sabi sa 'kin ni Zack. Nakita ko ang pagpapalit ng kulay ng mga mata niya. Naging kulay asul iyon. At naramdaman ko ang paglamig ng paligid.
(A/N: Zack's ability. :) )
***
AZER'S POV
NAKIKITA ko si Azeya at Zack! Pero bakit gulat na gulat ang mukha ni Azeya? Teka... Hindi ba nila 'ko nakikita? O baka naman... PATAY NA KO?!
Hindi pwede! Ayoko pang mamatay! Marami pa 'kong kailangang baguhin sa buhay ko! At kailangan ko pang iligtas si Sephiel!
"Pwede bang manahimik ka?! Ang ingay mo, e!" May sumigaw. Sa isip ko! Sino 'yon?
Pinilit kong ibuka ang bibig ko. Bakit walang lumalabas na boses? Ano bang nangyayari? Bakit ganito?!
"Kino-kontrol ko ang katawan mo. Simpleng sagot. okay na ba?" Sino ka bang nakikipag-usap sa 'kin?? Magpakita ka! Nasaan ka?!
Biglang lumamig... Ramdam ko ang lamig. Tiningnan ko si Zack. Kulay blue na ang mga mata niya! Ano bang—Aaahh! Bigla na lamang may sumaksak sa 'kin!
"Azeya! Traydor ka!" sigaw no'ng nagsasalita sa utak ko. Naramdaman kong gumalaw ang kamay ko. Pero hindi ko yun kontrolado. May kumo-kontrol sa katawan ko!
Tumapat kay Azeya ang kamay ko. At nagulat ako sa mga nangyari. May matatalim na tentacles ang sumugod kay Azeya! Sa bawat pag-atake no'n ay nakakailag siya!
Sinubukan niya 'kong saksakin, pero napipigil iyon ng kamay ko. "Lumayas ka sa katawan ni Azer!" sigaw ni Azeya.
"At bakit ko gagawin 'yon? Ayaw mo bang makita akong muli?"
"Hayop ka, Leo! Lumayas ka na!" Galit na galit na hinuhugot ni Azeya ang espada niya mula sa kumo-kontrol sa katawan ko.
"H'wag mo 'kong utusan, traydor!" At inihagis niya sa pader si Azeya. 'Buti at nakabangon siya agad.
Sumugod si Zack. Pinagbabaril niya 'ko! Pero may shield na ipinang-salag si Leo. Yun ang pangalan ng kumo-kontrol sa 'kin.
"Leo!!!" sigaw ni Azeya at sinaksak niya ko sa tiyan.
At doon ay may nakita na naman ako...
***
Sa isang maliit na bayan ang eksena. Isang magandang dalaga ang nakita ko. May suot siyang puting kimono na plain lang. Japan siguro 'to.
Isang matangkad na lalaki naman ang sunod kong nakita. Parang minamanmanan niya yung dalaga kasi sinusundan niya ito nang palihim. Hanggang mapunta sila sa isang burol. Nag-stay ro'n yung babae. Umupo siya sa may ilalim ng puno ng cherry blossoms. Habang yung lalaki naman ay pinagmamasdan siya.
"Alam kong kanina ka pa sumusunod." Nakangiting nilingon ng dalaga ang kinaroroonan ng lalaki. At ito ay lumabas sa kaniyang pinagtataguan.
"Pasensya na..." At namula pa siya.
"Maupo ka rito. Tingnan mo ang buong nayon," anyaya niya sa lalaki. Sumunod naman ang binata sa kaniya.
Pareho nilang tiningnan ang buong nayon. Mayamaya lang ay nagkatitigan sila. Tapos parehong natawa. Baliw lang?
"Alam mo, ang ganda mo," sabi ng lalaki.
"Matagal ko nang alam 'yan," natatawang sagot naman ng babae.
"Pero hindi sapat ang kagandahan mo para sa prinsepe. Kaya kung ako sayo, mas lalo pa kong magpapaganda."
"Hindi naman pag-aasawa ang habol ko rito." Ngumiti nang mapait ang babae. "Gusto ko lang mapatay ang hari. Yun lang."
"Bakit ka ba pumapatay ng mga halimaw, ha?" kunot-noong wika ng lalaki. "Delikado iyon, 'di ba?"
Natatawang napalingon ang babae sa lalaki. "Nag-aalala ka ba sa 'kin?"
"Oo—este bakit naman ako mag-aalala sayo? Hindi naman kita nobya para pagtuunan ko ng pansin at panaho—"
Nagulat ako sa sumunod na ginawa ng babae. Hinalikan niya sa labi 'yong lalaki!
Namula naman yung lalaki. Pero mayamaya, pumikit din siya. Naghiwalay lang sila after 5 minutes. Matindi!
"Leo... Mahal mo ba ko?" tanong ng babae. So hindi siya Japanese?
"Azeya..." sambit ng lalaki at hinawakan ang pisngi ng babae. "Kahit naman mahalin kita, wala na akong magagawa pa. Ikakasal ka na..."
Hindi ko maiwasan ang magulat dahil sa narinig. Azeya at Leo... SILA BA?
Tinitigan ko silang mabuti... At oo! Iyon yung lalaking lumabas sa tiyan ko kanina! At si Azeya... Silya nga! Walang duda!
"Tatakas ako! Gagawin ko 'to para sayo. Sasama ako sayo! Kahit saan, Leo. Kahit saan!"
Umiling si Leo at malungkot na tumayo. "Isang malaking kahibangan ang pagmamahalan natin, Azeya."
"Bakit? Bakit Leo?! Natatakot ka ba?" Tumayo rin si Azeya. "Naduduwag ka? Sumagot ka! Leo!"
"Oo! Oo, naduduwag nga ako! Dahil ayokong dumating ang araw na kamuhian mo 'ko!" Mataas na ang boses ni Leo.
Isang mahaba at nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan nila. Kung anuman ang pinag-aawayan nila, pakiramdam ko, alam ko na.
"Duwag ka..." biglang basag ni Azeya sa katahimikan. "Kung 'yan ang gusto mo, sige, ipagpatuloy mo." Tinalikuran na niya si Leo at naglakad na.
I felt the sadness within Leo's eyes. Tiningnan lang niya ang papaalis na si Azeya. By that moment, everything went black.
As I opened my eyes again, iba na naman ang scene. Isang palasyo. Nasa loob ako ng isang kwarto. I saw Azeya again. She's wearing a beautiful kimono with different kinds of accessories. Mukhang ito ang kasal na sinasabi niya kanina.
Matapos ang isang seremonya ng traditional wedding, yung lalaking kasama na lang ni Azeya ang kasama niya ngayon.
Emotionless. Her eyes seemed to cry that time. Pakiramdam ko, ayaw niya talaga nito.
Naglakad ako sa palasyo. I heard someone whispered. "Papatayin siya ng hari..." sabi ng isang katiwala sa palasyo.
"Iyon naman ang nakatakda. Ang ialay siya sa ating panginoon," wika ng isa pa. Si Azeya? Isang alay? Lumingon ako sa likuran ko, I saw him! Si Leo! Narinig niya pala!
Tumakbo siya patungo sa silid ni Azeya. Sinundan ko siya. At nagulat ako dahil maraming sumalubong sa kaniya. Mga kawal. Pinilit siyang kumawala at tinawag ang pangalan ni Azeya. Ngunit hindi niya narinig ang mga salita nito.
I entered her room. Oo, nakapasok ako. Lumampas lang ako sa pinto. At nakita kong may nilagay na kung anong likido sa inumin ni Azeya. At nang inumin niya 'yon ay nawala sa katinuan si Azeya. What the heck?!
"Lumabas ka at sabihin sa lalaking iyon na wala kang ibang mahal kun'di ako," utos ng prinsipe. Wala siyang mukha!
Lumabas ng kwarto si Azeya at sinundan ko siya. Nang makita siya ni Leo ay tumigil ito sa pagwawala. "Azeya! Makinig ka! Iaalay ka nila! Mamamatay ka!"
"Mahal ko ang hari. Hindi ako makikinig sayo," walang emosyong sabi ni Azeya.
Nagulat si Leo. "Azeya, ano ba! Sumama ka sa 'kin!"
"Hindi kita mahal."
At doon, nawala na ang lahat ng emosyon ni Leo. Hindi siya nakagalaw. Hindi makakilos. Nakatitig siya kay Azeya. Na may gulat na mukha.
Then everything went black....
***
NANG imulat ko ang mga mat ko, nakaramdam ako ng panlalamig. Ang lamig. Pero kahit ganoon, may nakayakap sav'kin. Isang mabangong babae—BABAE?!
Napadilat akong bigla. At nakita kong si Azeya pala ang nakayakap sa 'kin. Umiiyak siya.
"Aze... ya?" Hirap akong magsalita. Ang sakit ng buong katawan ko. As in para akong binugbog.
"Shh... Malapit na tayo sa hospital, okay?" puno ng pag-aalala niyang sabi. Wow... Nag aalala na siya sa 'kin?
AZEYA'S POV
NANG makarating kami sa ospital, agad naman siyang inasikaso. Habang ginagamot si Azer ay hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ayoko nang mangyari ang nangyari katulad ng kay Sephiel. Natatakot ako. Natatakot akong iwan ni Azer...
"Nahihilo na 'ko sayo. Maupo ka nga." Mukhang naiirita na si Zack Neutron. Sa bagay, dapat nga pala kong magpasalamat sa kaniya kasi siya yung katuwang ko kay Leo kanina.
"Pasensya na." Umupo ako sa tabi niya.
"Mukhang nade-develope ka na sa kanya, ah!" nang-aasar niyang sabi.
"H'wag mo nga 'kong inaasar. 'Pag ganitong naiinis ako, papatulan kita." Kainis, e. Kapag ako, hindi nakapagtimpi, sasapakin ko 'to nang wala sa oras.
"Tapang, ah?" saad niya saka tumawa si mokong. Bwisit.
"Seryoso 'ko, Zack. Kaya pwede—"
"So nai-in love pala ang mga assassin?" He smiled at me. Naging kamukha niya si smile dog sa creepypasta. At wait... Ano raw? Ako, in love sa lampang yun? Trabaho niya na rin ba ang pagiging clown?
"Joke ba yun?" sarkastiko kong sagot sa kaniya.
"Kitang-kita naman kasi sayo, e," he stated seriously. "Noong una pa lang, alam mo na ang tungkol sa pagkatao niya. Pero hindi mo siya pinatay. Tama ako, 'di ba?" I didn't respond. I don't know what to say... Dapat ko bang sagutin ang sinabi niya?
"Alam ko, h'wag ka nang mag-isip," giit niya saka tumayo. "Anyway, I have to go. Tapos na ang misyon ko rito. Sana magkita-kita tayo sa ending."
Nginitian ko naman siya. "Yeah. Thanks for the help."
Pero hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa 'kin. Tapos bigla siyang yumuko para mapagpantay ang level ng mukha namin. May sinabi siyang salita then he kissed me on the lips.
"ZACKEYA!?" Nagulat ako nang makita si Azer. Naka-wheel chair. At ano raw? Zackeya? Kami ba 'yon?
"See you again. Bye!" Tapos tumakbo na si Zack palayo. Yun na iyon?
And guess what he told me earlier? He said, "Nandiyan na yung lampa mong prince charming. Pagseselosin ko lang." Pft. Baliw lang?
Napailing-iling na lang ako. At bago pa 'ko putaktihin nitong lalaking 'to, dadalhin ko na siya sa kwarto niya.

Comentário do Livro (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes