logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"I NEED YOUR BLOOD." Bigla akong nanlamig. Ano raw? Kailangan niya ang dugo ko!? Ano bang nahithit nito at ganyan ang sinasabi niya?
"Ano ba? Pakawalan mo sabi ako, e!" Nagwawala na 'ko sa kama ko. Kainis! Ang higpit naman ng tali nito! Argh!!
Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Ang cute mo naman. Grabe!" At talagang nag-blush pa siya, ha? Kainis talaga!
"Ano bang kailangan mo, ha? Isa pa, bakit mo ko kilala? Isa ka ba sa mga pinadala para patayin ako?!"
"Hindi." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Hindi mo pa rin pala maalala ang lahat, ano?"
"A-anong maalala? Anong ibig mong sabihin?" Matapos kong sabihin 'yon ay may bigla na lamang lumitaw sa harap ko. As in nahulog siya mula sa langit! Bumagsak sa... bubong.
"Blade X!" may halong pang-uuyam na saad ni Freeda. "The humanoid girl." Humanoid? Ano yun? Experimental subject? Parang gano'n?
"Wala akong panahong makipag-chikahan sayo, Freedy." Sa isang wasiwas niya lang ng espada niya, natanggal ang mga lubid na nakakabit sa 'kin.
"F-R-E-E-D-A! Hindi Freedy! Ew!" mariing pagtatama niya sa pangalan niya.
"Whatever." Matapos niyon ay mabilis niyang sinugod si Freeda. Grabe! Ang astig talaga ni Aze—
"Tabi!" sigaw niya nang humagis si Freeda sa direksyon ko. Wow! Action pala 'to!
"Lampa! Huwag kang tumunganga!" Hinila niya 'ko patakbo pababa ng bahay. Tatakas kami kay Freeda?
"Sandali! Bakit tayo aalis? 'Di ba natin siya lalabanan?" Pumasok na kami sa itim na kotse.
"Natin? Baka ibig mong sabihin, lalabanan ko?" may diin niyang saad sa huling salita niya habang pinapaandar ang makina ng kotse niya. Kaso, ayaw mag-start. "Shit!"
"Stop saying the S word, Azeya. Hindi maganda sa pandinig, e. Lalo na't babae ka," concern kong sabi.
"Will you please shut your mouth first? Naii-stress ako lalo, e. Ang ingay mo."
"Bakit ba galit ka sakin, ha? Ano bang ginawa ko sayo?"
"I said shut up!"
"Why don't you just answer me para matahimik ako?"
Itinutok na niya ang espada niya sa leeg ko. "Kapag hindi ka pa tumahimik, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, Zarften. Naiintindihan mo?" Then she went out of the car saka hinarap ang kalalabas lang na si Freeda.
"Akala ko pa naman tatakasan niyo na 'ko." Freeda smiled at her devilishly. Lumabas naman ako ng kotse para marinig ko sila.
"Hindi mo rin naman kami titigilan, 'di ba? So why don't we finish it here?"
"Alam mo, 'yan ang problema sa 'yo, Blade," giit ni Freeda. "You're too confident with yourself. Kaya minsan, nagiging selfish ka na!" At mabilis na sinugod ni Freeda si Azeya gamit ang matatalas niyang mga kuko. Buti na lamang at nasangga iyon ni Azeya gamit ang espada niya. Napaatras man si Freeda, sumugod pa rin ito. Ilang ulit ding tinangka ni Azeya na masugatan ito ngunit mabilis masyado ang babae kaya hindi siya makabwelo.
"Ano, Azeya? Okay ka pa ba?" pang-aasar ni Freeda sa kaniya.
"Oo naman." At muli, iwinasiwas niya ang espada niya. "Lagi akong okay." Si Azeya naman ang sumugod. At nagbuno pa sila.
Kadalasan, paa ang gamit ni Azeya na panlaban. Si Freeda naman sinasalag iyon gamit ang kamay niya. Pero may isang pagkakataong nasipa ni Azeya si Freeda sa tiyan nito. Tapos ay nasiko niya pa. Nasugatan niya rin ang kaliwang balikat nito. Kaya naman napaluhod ang babae.
Itinaas ni Azeya ang espada at handa nang itarak iyon kay Freeda. Pero natigilan siya sa sinabi nito. "Sige! Sige, Blade! Patayin mo rin ako. Gaya ng ginawa mo sa kanila noon!" sigaw nito. "Pati ang lalaking 'yan! Papatayin mo rin siya. Yun naman ang misyon mo, 'di ba? Ang pumatay!"
"Aaaah!" Sa muling pagtaas ng sword niya, tumakbo na ko at pinigilan siya. Kasunod ng pagluhod niya sa lupa ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nawalan na ng malay si Freeda. At tanging iyak na lamang ni Azeya ang narinig ko nang mga oras na iyon.
***
Nakakuha kami ng kotse at pansamantala. Nag-check in kami ni Azeya sa isang hotel na pagmamay-ari ng dad nila habang si Freeda naman ay nasa pangangalaga na ng agency ng dad nila. Until now, hindi pa rin kanina nag-uusap si Azeya. Siguro nagulat siya kanina. Ako rin, e. Ramdam ko siya.
"Uhm, Azeya—"
"I want to take a bath." Ayun lang at pumasok na siya sa loob ng banyo. Ang bait niya talaga. Ni hindi niya 'ko pinatapos sa sasabihin ko.
Ako naman, ito at may binabasang libro. Libro for the agents. Ang sabi kasi ng dad nina Seph ay may talent daw ako sa pag-i-spy. Well, nakakatuwa na malaman iyon.
"Baliw." May cold na naman na boses akong narinig. Sino pa ba e 'di si Aze—the heck!
Napatalikod ako bigla at namula. Ikaw kaya makakita ng babaeng nakatuwalya lang? 'Di ka ba magugulat no'n? Tapos dalawa lang kami rito sa kwarto. Ano bang nasa isip niya't talagang nagpakita siya sa 'kin nang nakatuwalya lang? B-baliw ba siya?
"Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nakatapis lang?" rinig kong sabi niya.
"H-ha? O-oo," alanganin ko pang sabi. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko.
"Oh, I see. Anyway, pakiabot ng bag ko. 'Andiyan sa may tabi mo."
Kinuha ko naman yung itim na bag. "H-heto, o."
Pagharap ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Like hell! Naka-bra l-lang siya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng beat nito. Pero natigilan ako nang makita ko ang malaking scar niya sa likod. Parang sinaksak ng espada.
"Ano, satisfy ka na sa nakikita mo?" kunot-noo niyang sabi.
"H-ha?" At bumalik na ako sa ulirat. "M-mali ka ng iniisip! A-ano! K-kasi!"
"Forget it." Nagsuot na siya ng t-shirt 'tapos ay dumiretso na siya sa kama. "Magpapahinga na 'ko."
"O-okay, sige... Dito ako sa sahig."
Nilingon niya 'ko. "And who the hell told you na sa sahig ka matutulog?"
"Ako..." Namula pa ako.
"Hindi ka naman rapist. Isa pa, isang sipa ko lang sayo, laglag ka na. Kaya tumabi ka na," she casually muttered.
"P-pero lalaki pa rin ako... At—"
"Matutulog ka nang matiwasay o patutulugin kita sa bugbog? Pili ka lang." Okay. At dahil mahal ko ang buhay ko, ayan, at mabilis pa sa alas kwatrong humiga ako patalikod sa kanya.
"Azeya?" Ang kulit ng bibig ko!
"Kung itatanong mo ang peklat ko sa likod, nasaksak 'yan ng isa sa mga beast."
"Nakakabasa ka ng isip?"
"Halata naman sa mata mo na yun ang itatanong mo, e."
"Experimental subject ka ba? Narinig ko kay Freeda yung... humanoid thing."
"Oo, gano'n na nga." Ramdam kong tumihaya siya kaya napatihaya na rin ako. "I'm Sephiel's replica."
"Meaning... you're not a human?"
"Yeah." She closed her eyes. "Ginawa ako ng daddy ni Sephiel para pumatay ng mga halimaw. Yun ang misyon ko sa mundong 'to. Pero noong dine-develope pa lang nila ang system ko, may nilagay na kung ano si Sephiel sa katawan ko."
"Ano naman iyon?"
"Dunno. Hanggang ngayon kasi, hindi niya sinasabi sa 'kin kung ano ang bagay na yun. Ang sabi niya lang, kakambal niya raw ako at yun lang ang dapat kong paniwalaan." Napangiti ako. Kahit kailan, si Seph, she never fails to make me smile.
"Akala ko, wala na 'kong pag-asang mabuhay. But Sephiel told me about her life. At nagulat ako sa sinabi niya, that she's just an orphan..." Tumingin siya sa 'kin. "From that moment, sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya. And I did."
"Seph is a good person. Kahit naman ako, ililigtas ko siya. I will do anything just to save her."
"Pareho pala tayo ng goal, e." Hinampas nya ko sa dibdib pagkatapos ay tumawa siya.
"Ano namang nakakatawa ro'n, ha?" Ang sakit kaya ng hampas niya.
"Mukha ka kasing ewan." Sabay tawa ulit.
"Maiba ko..." sabi ko. Seryoso ang tanong na 'to. "Azeya, size B ka ba?" At isang malakas na suntok ang sagot na nakuha ko.

Comentário do Livro (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes