logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Blade X

Blade X

AngeMayao


Chapter 1

FRIENDLY, timid, introvert. My name is Azer Zarften. A simple college student studying in Monport University. And I used to wear a mask on my face everyday. This is me, yet fake.
Mula pa noong makapasok ako sa school na ito, hindi na ako naging matino sa paningin ng iba. I'm just a weak little lamb. Uto-uto at walang paki-alam sa mga bagay; minsan cool, minsan baliw. Pero ang hindi alam ng marami, I'm a lonely person. Parating gustong solohin ang problema, parating mag-isa.
Isa lang ang nakaka-kilala sa 'kin: si Sephiel Montelvana—ang best friend ko. Ngunit hindi pa niya 'ko lubusang kilala from the inside even though she's been my best friend for almost four years. Sephiel is a cheerful girl. Napapasaya niya ang mga tao sa paligid niya nang walang kahirap-hirap. Nakakainggit nga kasi may talent siyang gano'n. Ako? Wala.
Siya lang yung taong natatawa sa mga corny jokes ko. At siya yung tipo ng babae na malambing at maalaga. Maybe because I'm her best friend. But one day, biglang nagbago ang lahat sa pagitan namin ng best friend ko.
May nalaman ako. Tungkol iyon sa kaniya at sa mundong kinagagalawan niya. That happened when I attended my aunt's wedding. Ang isang simple at masayang okasyon ay mapapalitan pala ng pighati sa bawat isa sa 'min.
"Hey!" Lumapit sa 'kin ang pinsan kong si Lockie. Well, siya lang ang ka-close kong pinsan.
"Ikaw pala. So, how was the party?"
"Dude, ako dapat ang nagtatanong n'yan," baling n'ya sa 'kin. "Bakit nananahimik ka rito sa sulok?" Sabay inom niya ng wine.
"Hoy! Masobrahan ka ng wine," saway ko sa kaniya. Hindi kasi siya pwedeng masobrahan sa alak. Bawal sa kaniya.
"Tsk! KJ!" sabi niya sabay tawa. "Teka—Iniiba mo ang usapan, e! So, bakit ka nga nandito?"
"Wala lang," simpleng sagot ko tapos ay tiningnan ko sina Aunti at Uncle na masayang sumasayaw sa stage. Nagwo-waltz sila.
"Don't worry, Ace, magkakaroon ka rin ng ganyan. In the future!" Sinabayan na naman niya ng tawa. Napailing-iling na lang ako. Lasing na nga siya.
Nilingon ko ulit sina uncle at bigla akong napatingin sa isang babae na pamilyar ang mukha. "Sephiel?" Napatayo ako bigla. At nakita niya 'ko. Siya nga! Naka-long gown siya na kulay blue. Bakit siya nandito?
Agad ko siyang sinundan. Tumakbo siya papunta sa garden. "Sephiel, sandali!" Halos mapagod ako kakasiksik sa mga tao para lang masundan si Sephiel.
Huminto naman siya. Humarap siya sa 'kin. "Hi, Ace." She smiled. I smiled back.
"What're you doing here? Ang alam ko, nasa bahay ka ngayon at nanonood ng anime?" biro ko sa kaniya.
"W-well... Uhmm... Invited ako rito," she said with an unexpected look. "Friend pala ng aunt mo ang tito ko."
"Oh? I see... Kaya pala naka-gown ka."
"Oh!" Para siyang bata na nagulat. Marahil ay hindi niya napansing naka-gown siya. "How do I look, Ace?" Umikot pa siya sa harapan ko. She's totally a childish chick.
"Hmmm..." Kunwari nag-isip pa 'ko. But honestly, she's pretty with that blue gown.
"'Di mo type?" She pouted at nag-blush pa na nagbigay sa kanya ng cute looks.
Lumapit ako sa kanya and I held her hands. "You look great, Sephiel," I answered her sincerely then she smiled.
"Ayiiieee... Kinilig naman ako ro'n, best friend!" Tapos tumawa siya nang malakas. "Gusto mo bang makilala ang parents ko? Nandoon lang sila."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Sephiel. I don't know why but it bothered me a lot. "Tara! Samahan mo na muna ko ro'n!" Hinigit niya 'ko papunta sa may pool side. She removed her sandals and sat down.
"Hoy, ano ka ba! Baka mapasma ang paa mo n'yan!" sabi ko sa kaniya. Kasi naman, kagagaling niya lang sa pagsusuot ng sandals tapos bigla siyang maghuhubad? Malamig pa naman ang semento.
"You think so?" Nilaro ng kamay niya ang tubig mula sa pool.
"Yes. At dahil d'yan, isuot mo na yung sandals mo," utos ko naman sa kaniya.
"No. I don't like high heels," saad niya at pinagpatuloy lang ang ginagawa. "Isa pa, mas masarap suotin ang flat shoes kaysa heels. You know... Madaling makatakas."
Kakaiba ang pagbitiw niya ng linyang iyon. Makahulugan. May mali sa eksena, e. Ngunit hindi ko na inintindi pa 'yon dahil ang alam ko, trip niya lang mang-good time ngayon.
Umupo ako sa tabi niya. "Are you enjoying the party?" tanong ko sa kaniya.
"No," she replied. "Lahat ng tao ro'n—including you... They're wearing their masks..." Then she looked at me deeply na parang may sine-send sa'kin na message.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapag-react agad. Paano niya nalaman ang bagay na iyon? At ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang lahat ng tao ro'n ay nakasuot ng maskara?
"Ace..." She broke the silence. "I'm hungry." At sa 'di ko maipaliwanag na kadahilanan, we both laughed. Kung minsan, loka-loka talaga siya.
"Okay, dito ka lang. Ikukuha kita ng food." Tumayo na 'ko kaso hinila niya yung braso ko, dahilan para humarap ako sa kanya at... m-mahalikan ko siya!
I know, I'm blushing. This was my first time to kiss a girl. At hindi ko ine-expect na sa best friend ko pa!
W-what should I do? Tatawa? Yuyuko? Magagalit? Pakiramdam ko, anumang oras ay mababaliw na ako. H-hindi ko alam ang dapat kong gawin.
"HAHAHAHA, Ace! HAHAHAHA," tumatawang ani niya. After that incident, may pahampas-hampas pa siya sa semento. Nakahawak din siya sa tiyan niya.
She kissed me na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya?! Best friend niya 'ko for Pete's sake! Bakit niya ginawa yun sa best friend niya? At naatim pa niyang tumawa! Grabe... As in grabe!
"Ace, that was... HAHAHA! Overwhelming! Pft!"
"Are you satisfied of teasing me, Seph?" Nakakainis! Ni hindi pa nga 'ko nagkaka-gf, may nakahalik agad sa 'kin? Juice colored!
"I'll take responsibility, okay?"
"Like what? You'll act as my girlfriend? Psh."
"Yun agad? Hindi ba pwedeng ililigtas lang kita?" Bigla siyang sumeryoso. Ayan na naman siya. Mahiwaga na naman ang mga tingin niya sa 'kin.
"What do you mean?"
But then a loud bang was heard. We're both froze. Isang tunog ng baril ang narinig namin. Sa loob nanggaling ang tunog at kasunod noon ay ang pagsigaw ng mga tao.
"Stay here. Titingnan ko kung anong nangyayari," sabi ko but she grabbed my hand. "Sephiel! Let me go! Nandoon ang uncle ko at mga kapatid ko!" Nag-panic na 'ko.
"Calm down, Azer," she said calmly. How could she be this calm? Putok ng baril iyon!
"Sephiel! I said let me go!" Hinahatak ko na ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin.
"I assure you, they're safe. Okay?"
"Paano mo naman nalaman, ha? Nakita mo ba?"
"Stop panicking!" She slapped me. Hard as rock. Heck! Ganito pala kasakit ang masampal? "Calm down. I'll get 'em." Tapos tumakbo siya papasok.
"SEPHIEL!"
"Stay there!"
Pero hindi. Ayokong tumayo lang doon. I don't want to be a weak man this time. I have to be brave. Ang mommy at daddy ko, even my brothers are all in danger this time. I have to bring them all safe.
So, sumunod ako. At nakita ko si Sephiel. She's not wearing her gown anymore. She's wearing a black suit and a black mask na ang tanging natatakpan ay ang bibig nya. May hawak siyang sword. At ilang iglap lang, sa isang kurap ng mata ko, humagis ang ulo ng lalaking nakahandusay sa sahig.
Kumalat ang dugo. His blood continuously flowed on the floor. And his head... it rolled on my feet... And I saw his bloody face and his eyes in shock... looking at me.
My uncle... Is dead. And the one who killed him... is my best friend whose staring at me with a blank bloody face.
As our eyes met, naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito kay uncle na namatay o dahil ang mismong best friend ko ang pumatay sa taong nagpahalaga sa 'kin.
"Umalis na tayo." May biglang sumulpot na lalaki sa likod niya. Naka-hood ito kaya't 'di ko agad nakita. As she turned around, may inangat siya mula sa likuran niya.
"Kuya!" Umiiyak na tumakbo sa 'kin ang mga kapatid ko. Dalawa silang lalaki; isang ten years old at isang six years old.
"S-Seph..." Gulat pa rin ako at nanginginig. Pero kinuha ko mula sa baba ang isang baril at itinutok iyon sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ko.
"As I've said..." she stated without turning her back. "I'll make sure they're safe."
"P-pinatay mo ang uncle ko, Seph!"
"Kalabitin mo.," saad niya.
"A-ano?"
"Yung baril, iputok mo." Humarap siya sa 'kin pagkatapos ay iwinasiwas niya ang puro dugo niyang espada. "KILL ME."
Napa-iling ako. Hindi ko alam ang lahat ng mga nangyayari. Hindi ko maintindihan.
"H'wag, Kuya! Niligtas niya kami!" sabi ng ten years old kong kapatid. Nagulat ako sa sinabi nya. At pagtingin ko sa gawi ni Sephiel, she's already gone.
LUMIPAS na ang tatlong araw subalit wala ni isang bakas na makapagsasabing si Sephiel ang pumatay sa uncle ko. Ang sabi ng mga pulis, may witness daw na nakakita. At ang sabi nito, isang lalaki raw ang pumatay kay uncle. And I don't believe that person. Baka binayaran siya, kasabwat. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Si Sephiel ang pumatay kay Uncle. And that's all I believe.
"Good morning." Isang masayang boses ang narinig ko. Nasa school ako ngayon. Nilingon ko ang bumati sa 'kin. Si Sephiel.
Napatayo ako at nanlaki ang nga mata. Paano niya nagagawang ngumiti gayong pinatay niya ang uncle ko? Balewala lang ba sa kaniya ang pumatay?!
"Ace?" Sumulpot si Lawrence—one of my friends. "Okay ka lang ba?"
"May lagnat ka ba—" Tinapik ko ang kamay ni Sephiel nang hahawakan niya sana ko. At ikinabigla ng lahat ang ginawa ko.
"Hoy, Ace! Ano ka ba!" biglang saway sa 'kin ni Lawrence but I don't understand what I am doing.
Agad kong kinuha ang kamay ni Sephiel at mahigpit ko siyang hinawakan. Wala na 'ko sa sarili ko that time. "You... MURDERER!" I screamed at lahat ng tao sa room ay nagulat.
"Azer! Stop!" Bigla akong hinila ni Rabie, isa sa mga kaklase ko. "Nababaliw ka na ba?! Best friend mo 'yan!"
"SHE'S NOT MY BEST FRIEND! SHE KILLED MY UNCLE! SIYA! SiYA ANG PUMATAY SA UNCLE KO!"
"Stop it, Ace. Wala kang proof. Isa pa, kasama ko siya nang araw na iyon," Paulo said. Her ex.
"W-what?"
"Ang sabi ko, kasama ko siya that time. Noong bandang 11 pm na siya naka-uwi kasi hinatid ko pa siya. Pumunta kami sa bandmates namin." I froze. Paanong nangyari iyon, e kasama ko siya? Binitiwan na ko ni Rabie at napa-iling na lang ako sa sinabi niya.
"No... that't not true..."
"Don't you remember?" Paulo said. "Birthday niya nang araw na 'yon. At wala ka sa tabi niya. Tapos ngayon, sinisisi mo siya? How rude." Inakbayan niya si Sephiel. "Rabie, take care of him."
"Oo, sige," sagot naman ni Rabie. Then Rabie looked at me. "Alam mo, nagulat ka lang sa mga nangyari kaya pati best friend mo, napag-iisipan mo ng masama. Umuwi ka muna, Azer. Pagod ka na." Then he walked out.
Pagod nga lang ba ko? Am I dreaming? Pero hindi! Totoo ang mga nakita ko! Lahat 'yon. Ang mga nangyari nang gabing iyon ay totoo. At gagawin ko ang lahat malaman lang ang buong katotohanan...

Comentário do Livro (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes