logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3: Mona Lisa

KIELY'S POV
“You’re wrong.”
I looked behind me when I heard that familiar baritone voice. And then I saw River standing there while both of his hands were inside the pockets of his faded jeans.
“What?” Nakakunot noong tanong ko.
“Tinanong mo sa sarili mo kung hindi ka maliligaw pagnilibot mo ang buong mansion ninyo ng mag-isa ‘di ba? That’s why I answered you that you’re wrong,” sabi niya at dahan-dahang naglakad habang nililibot ang paningin sa buong sala.
“How did you say so?” nakataas na kilay na tanong ko.
Akala ko ba first time niya pa lang dito? Bakit niya alam na maliligaw ako? Nakakakita ba siya ng future or what?!
“Honestly, this isn’t the first time I’ve been here,” he said.
My eyes widened. “Ano? Ibig sabihin nakapunta ka na dito?”
Ang tanga mo naman Kity, natural!
He chuckled. “Yeah, when I first went here I got lost, so that, I told you that you can get lost. I heard that you were here for the first time?”
“Um… parang ganon na hindi sabi kasi ni Kuya Kendrick pumunta na daw ako dito pero bata pa ‘ko no’n hindi ko nga maalala eh kaya parang first time ko na rin naman.” Tumatango-tangong kwento ko.
“I see.”
“Teka nga ‘di ba sabi mo nakapunta ka na dito ano ba kasing ginagawa mo dito sa mansion namin that time?”
Sino ba naman kasing bobo ang maglilibot ng mag-isa sa ganito kalaking mansion lalo na’t hindi pamilyar at hindi pag-aari?
“Pinatawag kasi ako ni Manang Ninita, nakiusap siya sa akin kung pwede daw ba akong umakyat sa puno ng niyog, balak daw kasi nilang ipagluto ng ginataang gabi si Doña Asuncion, nagkataon namang wala ang lahat ng lalaki dito sa mansion ninyo dahil linggo no’n kaya ako ang nilapitan dahil ako ang alam nilang magaling umakyat sa mga puno tapos no’ng palabas na ko ay doon na ‘ko naligaw,” paliwanag niya.
“Paano ka nakalabas?” tanong ko, hindi niya siguro nakuha ang tanong ko dahil kumunot ang noo niya. “I mean, dito sa mansion paano ka kako nakalabas ‘di ba sabi mo nga naligaw ka.”
“Ah, that Margarita saw me getting lost so she accompanied me out.” He shrugged. “I've been in here a few times and I've been around a bit. Hindi na ulit ako naliligaw,” he said while chuckling.
Kaya pala feel at home.
Madaldal naman pala ang lalaking ‘to akala ko napipi na siya eh hindi kasi siya nagsasalita kanina n’ong nasa dining kami kung hindi pa siya kinausap ni Mamit hindi siya magsasalita.
“Tch. Kung ganon eh ‘di kay Margarita na lang rin ako magpapa-tour bukas,” nakangiwing sabi ko.
“Why?”
“Kasi tinakot mo ko, ayokong maligaw ‘no gabi pa naman mabuti kung umaga, marami akong oras para hanapin ‘yong kwarto ko.” Umupo ako sa single sofa dahil medyo hindi ako komportable pagmasiyado kaming malapit sa isa’t-isa.
Mahina na naman siyang natawa.
Bakit ba tawa siya ng tawa riyan?! Ano bang nakakatawa? May nakakatawa ba? Muka ba akong clown? Kanina pa siya ah!

“Matatakutin ka pala,” sabi niya. Nakatayo pa rin siya doon sa dati niyang pwesto tumingin siya sa wristwatch niya. “May oras pa naman bago kami umuwi. Do you want me to tour you here? ‘Yong mga alam ko lang ang pupuntahan natin, promise hindi tayo maliligaw.”
Did he just volunteer to tour me in our own mansion? For Pete’s sake, bisita siya tapos siya pa talaga ang maglilibot sa akin? Pero nag volunteer naman siya wala naman sigurong masama kung tanggapin ko.
“Sige.” Tumayo ako at saka sumunod sa kaniya.
Galing sa sala ay unang naglakad si River papunta sa kaliwang bahagi ng mansion, sumunod ako sa kaniya. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa malawak na hallway. May mga nakasabit na mamahaling paintings sa dingding.
“Sinabi sa akin ni Margarita na iyang mga paintings daw na yan ay binili pa ni Doña Asuncion sa ibang bansa iyan rin ang mga original na paintings ng mga tanyag na pintor sa ibang bansa,” napaatras ako bigla sa isang abstract painting na hinahawakan ko ng sabihin niya ‘yon.
What the hell? Original?! As in lahat ‘to? Sa unang nadaanan namin kanina ay may nakita akong The Lady with an Ermine artwork kahit ‘yon original?! Oh, don’t me!
“Seryoso ka ba? Sobrang tagal na ng mga paintings na ‘to pwede ‘tong i-repaint, huwag ka ngang magpauso riyan.”
“Auction…” Humarap siya sa akin. “Pina-auction ang mga paintings na ‘yan, my grandmother also has an original painting by Leonardo da Vinci.”
Eh? Meron rin sila?
“At anong painting naman ‘yon?”
Medyo lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Anong gagawin niya?! Pinigilan ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa kaliwang tainga ko. Naamoy ko na ang mabango niyang pabango dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.
“The famous Mona Lisa 1503,” he whispered huskily. My almond eyes widened.
“Mona Lisa?!” bulalas ko, umatras siya.
Oh my god! Akala ko ba nasa Paris ‘yon? Bakit nasa kanila?! Iyon ‘yong painting na una kong nakilala. Napag-aralan kasi namin ‘yon no’ng high school ako. So, ibig sabihin ‘yong nasa Paris fake?
Tinakpan niya ang bibig ko kaya pilit ko naman ‘yong tinatanggal.
“Don’t be noisy.”
Paulit-ulit akong tumango habang tinitingnan siya ng masama. Nang tuluyan niya nang tanggalin ang kamay niya sa bibig ko sinipa ko siya sa paa niya pero kaagad siyang naka-iwas.
“Kailangan mo ba talagang takpan pa ‘yong bibig ko?” tanong ko at umirap sa kaniya habang nagpapahid ng bibig gamit ang likod ng palad ko.
“Yes because you’re so noisy.”
“Siyempre kasi nagulat ako. Bakit anong ine-expect mong magiging reaksyon ko pag nalaman kong Mona Lisa ‘yong na sa inyo? Magpra-pray?! Duh!”
He chuckled. “Okay, I’m sorry.”
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Muli kaming naglakad sa malawak na hallway.

“So, paano nga napunta sa inyo ‘yong Mona Lisa? Sa auction rin ba?” interesadong tanong ko.
He nodded. “Lola said it was being auctioned in Paris, many people bid high amounts but she won,” he said. “Kaya iniingatan talaga namin ang painting na ‘yon dahil sabi ni Papa ‘yon ang huling habilin ni Lola bago siya mawala.”
“How much did your Lola bid for the Mona Lisa?” I curiously asked.
I bet ten billion pesos!
“I think 500 million Euro or so, hindi ako sigurado narinig ko lang na pinag-uusapan ‘yon nina Papa.”

What? 500 million Euro?! Where on earth did his grandmother get that?!
Nang makalabas na kami sa mahaba at malawak na hallway ay bumungad naman sa amin ang malawak na open space sa loob pa rin mansion. Naka-dim ang ilaw dito. Lumingon ako sa kanan, sa medyo dulong bahagi ay nakita ko ang mahabang bar counter na merong kulay blue, pink at ultraviolet na LED light. Mas tumingkad ang kulay nito dahil sa naka-dim na ilaw ng lugar. The back bar was full of expensive liquor and wines.
Dahan-dahan kaming naglakad patungo doon. Hindi pa kami tuluyang nakakarating ay may nadaanan kaming thin black glass wall, sa kabilang bahagi nito ay may indoor swimming pool na may kulay asul na LED light.

“Gosh, unang beses ko pa lang makakita ng ganito kagandang interior,” bulalas ko, walang-wala ‘to sa bahay namin sa Manila.

“We have a same reaction, ganiyan rin ‘yong reaksyon ko no’ng unang beses akong makapunta sa parteng ito ng mansion ninyo,” sabi ni River habang nakupo sa isang steel stool sa harap ng bar counter. “Your mansion si unique ‘yong labas ay Spanish style habang sa loob ay modern,” namamanghang sabi niya.

“Iyong wallpaper sa mga hallway ay Spanish style pa rin naman.”
“Yeah, pinarenovate lang ‘to ni Doña Asuncion, right?”
I nodded.
Tama siya, pina-renovate ni Mamita ‘tong mansion one month after mamatay ni Lolo sabi ni Daddy. Naaalala daw kasi ni Mamita si Lolo sa kahit saang sulok ng mansion kaya gusto niyang baguhin, so they let Mamita spend a lot of money just to fix this mansion. Marami-rami rin naman daw dapat ayusin sa mansion no’ng mga oras na ‘yon.
Hindi ko mapigilang titigan si River habang nakaupo siya sa steel stool. Sa loob ng maikling oras hindi ko namalayang marami na pala kaming nalaman tungkol sa isa't isa. Akala ko no’ng una hindi kami magkakasundo dahil muka siyang mayabang at masama ang ugali, hindi naman pala.
Pareho kaming tahimik. Bumalot sa amin ang nakakabinging katahimikan hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya. He took it out of his pocket and answered the call. Hindi niya man lang inabala ang sarili niya na tumayo.
“Mom…” sagot niya sa kausap. “Yeah, okay…I’ll be there in a minute…I’m with Kiely… Tch, Mom… yeah yeah, bye.”
Nang binaba niya na ang hawak na cellphone ay tumingin siya sa akin.

“Let’s go, they’re already looking for us,” he said, and stood up.
“Okay.”
Mabilis kaming naglakad kaya mabilis rin kaming nakabalik sa sala. Naabutan namin silang papalabas na ng malaking double door. When Tita Nyssa saw us, she smiled widely.
“Naku, Kennedy mukang magiging magkumare pa tayo ah,” she said to Mama in a teasing voice. Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya. Sabi ko na nga ba hindi magandang ideya na sumama ako kay River.
“Mom!” saway ni River sa Mama niya.
“What?” patay malisiya sagot nito.
“Walang malisiya ‘yon.”
“I’m just kidding napaka-defensive naman ng binata ko.”
Pinigilan ko ang matawa dahil halata ang inis sa muka ni River habang bini-baby siya ng Mommy niya.
“Paano ba yan mauuna na kami maraming salamat sa pag-imbita sa amin Doña Asuncion,” nakangiting sabi ni Tito Russel.

“Walang anuman hijo maraming salamat rin mag-iingat kayo,” tugon ni Mamita.

“Salamat po.”
Sumakay sila sa isang itim na SUV, bago tuluyang umalis ay bumusina muna si Tito Russel ng isang beses.
“Mga anak magpahinga na kayo alam kong may jetlag pa kayo dahil sa mahabang biyahe natin kanina,” Mama said.
“Yes, Ma good night.” Kuya Kendrick and Kuya Kyrus kissed Mama and Mamita’s cheeks, I did the same.
“Good night po.” Humalik rin ako sa pisngi ni Daddy at ni Mamita.
I went up to my room and immediately went to the bathroom to take a half bath. After I took a half bath, I did my night routine. Habang naglalagay ako ng facial mask ay bigla na namang pumasok si River sa isip ko.
Ewan ko ba pero kanina no’ng lumapit siya sa akin at bumulong parang may kung ano sa tiyan ko na nagwawala. Sure naman akong hindi ako natatae dahil alam ko naman ‘yong feeling kapag tinatawag ako ng kalikasan. ‘Yong kanina iba eh mahirap i-explain.
No’ng tinawag niya ko ng Kiely kanina no’ng kausap niya ang Mama niya gano’n rin ‘yong naramdaman ko. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ko siya sinaway o tinarayan. Ayoko kasi na tinatawag ako sa unang pangalan ko kapag hindi ko ka close o hindi ko kilala mas komportable ako sa Kity lang.
Humiga ako ng malalim.
“Baka pagod ka lang Kity masiyadong mahaba ‘yong byahe kaya ka nakakaramdaman ng ganiyan.” Kausap ko sa sarili ko sa salamin.
Tinanggal ko ang suot kong facial mask at saka naghilamos. Pagkatapos ay nilugay ko ang buhok ko at saka humiga sa kama. Pinatay ko ang dalawang lamp shade at saka tuluyang nagpalamon sa antok.
I hope my first day here tomorrow will be good.

NIKEINKSHA | SUSHI

Comentário do Livro (2)

  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes