logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ng may naramdamang may humahaplos sa buhok ko. Puting kisame ang bumungad sa'kin at iginiya ang mga mata sa paligid.
"Finally nagising ka na Mira!" Rinig kong sigaw ni Sam nang makitang bumangon ako ng kaunti sa kamang hinihigaan at bahagyang tumagilid upang mayakap ako. Siya pala ang humahaplos sa buhok ko, I sighed in disbelief for being thinking of someone else.
I looked at every corner of the room, searching for someone that I owe the most.
"Andito ako." His baritone voice filled the whole room and I slowly looked at his side, intently looking each other like we're the only person here. I watched him as he made a face worriedly.
"You're still clumsy, hindi ka nag iingat. How are you?"
I ghost a smile at the side of my lips. He sounded like he really is my boyfriend. Minsan akala ko talagang may feelings 'to sa'kin, kung 'di ko lang talaga kilala ang lalaki ay baka iisipin ko na talagang may something sa ikinikilos niya, but I know him that well, alam kong never niya akong makikita as his woman. 
Hays, ate niyo Mira sadgirl na.
"So dim! Okay lang ako ano ba kayo." Ipinakita ko ang braso to indicate na malakas ako but I groaned nang maigalaw ang kanang paa at nakitang may bandage na iyon.
Now this is unsettling!
Nag peace sign nalang ako sa dalawa ng mapansing napahiya talaga ako sa ginawa.
Narinig kong umismid si Sam at pilit na pinipigilan ang tawa. Alam kong para na akong lumpo sa naging kalagayan and I hate this! Bigla ko tuloy naalala kung paano ko ito ipapaliwanag sa pamilya ko dahil kahit na gano'n sila they're still my family who needs my explanation with this matter.
Tumingin ako kay Grey at walang ka emo-emosyon man lang ang naging mukha nito.
"Tsk, tyanak ka talaga."
Ani pa pero tinawanan nalang namin iyon ni Sam. Napako ang tingin ko sa pinto at iniluwa no'n si Mang kiko na may dala ng mga pagkain. Ngayon ko lang pala napansin na dito pala nila ako dinala sa hospital at nang tanawin ko ang bintana ay laking gulat ko nang napagtantong gabi na pala. Ilang oras pala talaga akong nakatulog.
Inilapag ni Mang Kiko ang mga dalang pagkain sa lamesa upang ihanda ang isa pang lamesa sa gilid. Iginiya ko ang mata sa buong paligid at napansin kong gaano ito kalaki for a one person only. Kumbaga private room ito. Sadness began to fill me.
"Hindi niyo na lang sana ako dinala dito sa private room, gumasto pa kayo dahil sa'kin." Mahinang sabi ko at tumingin sa ibaba. It caught them off guard that they stopped what they're doing. I can't look at them directly at their eyes. I felt like pabigat lang talaga ako sa lahat.
I sarcastically scoffed, pabigat na nga ako sa bahay pati ba naman sa kanila na mga kaibigan ko. At nadamay pa dito si mang Kiko na dapat ay kanina pa naka uwi, paniguradong nag aalala na ang asawa niya.
Kung sana ay hindi ako nagpabaya.
I heard Sam sighed at lumapit sa'kin. Akala ko ay kung ano na namang ka sweetan ang gawin niya but it caught me off guard nang binatukan niya ako ng malakas. I looked at her surprisingly.
"Mamamatay ka na nga't lahat-lahat 'yong perang pinagastos pa talaga namin ang inaalala mo Almira!?" Lakas loob nitong sigaw. Eh? Ibang klase talaga itong kaibigan na'to.
Gusto ko na lang 'yong Samantha na clingy kaysa ganito na nagiging violent na sa akin!
Tinignan ko si Grey, hoping that he will take my side and scold Samantha for hurting me pero tinawanan lang ako nito.
"Batukan mo pa para sa'kin Sam at nang matauhan pa sa pinag gagagawa niyan."
I grasp in disbelief. Mga kaibigan ko ba talaga ito? Tinawanan lang ako ng mga mokong na akala talaga nila ay nagbibiro ako. I sighed.
Alam ko naman na concern lang naman sila sa'kin pero 'di na nila pa sana ito ginawa dahil parang kinakawawa ko lang ang sarili ko.
Matapos maghapunan ay may inutos si Sam kay mag Kiko at agad naman itong tumungo palabas. Si Grey naman ay tumawag sa mama niya to have an update. He's just a baby. Gano'n din si Sam.
Ilang minuto rin ang lumipas ay nakita kong bumuka ang pinto at iniluwa no'n si Sam. She smiled and I did too.
"Okay ka na ba talaga? Magsabi ka lang kung hindi. We can extend our stay here naman basta sabihan mo lang kami."
She gently touched my hand and starting squeezing it.
Isa ito sa nagustuhan ko kay Sam. She knows how to comfort everyone with her voice, most especially me. Naalala ko noon nang minsang tinanong ko siya kung bakit she's too kind to everyone at parang naiintindihan nito ang lahat ng sitwasyon when anyone can't. Tinawanan niya lang ako no'n at sinabing ano pa't naging psychology student siya kung 'di rin lang daw niya magagamit in the future.
That simple belief of her changed my perspective in life dahil since the beginning ayoko naman talagang mapunta sa psychology department. Iba ang gusto ko.. Noon.
Samantha made me love this course even if sa ibang tao ang tingin nila ay kapag nag aral ka ng psychology we will read other's thinking daw. No. A psychologist can't read their minds. No one can. Natatawa na lang ako minsan dahil ginagawa ng komunidad na maging manghuhula kami.
I was taken aback on my senses when Samantha sobbed. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng nagsimulang tumulo ang mga luha niya. She's more emotional than me but she's one of my weaknesses kaya hindi ko rin nakakayang makita ito na nasasaktan.
"H-huwag mo n-na uulitin 'yon a-ah?" She said between her cries. Nanlumo ako nang makita kung paano siya naapektuhan sa kalagayan ko and seeing cry like this makes me crumble. She really treasures me a lot, that's why wala na akong mahihiling pa, Grey and Samantha, they are enough for me. Talikuran ko man ang lahat, 'wag lang sila mawala sa'kin. Huwag sila. Sila na nakasama ko sa lahat-lahat.

Comentário do Livro (192)

  • avatar
    Steven Bantilan

    thank you

    1d

      0
  • avatar
    AmilhasanJameson

    salamat po

    4d

      0
  • avatar
    Justine Joel Higona Rodriguez

    100

    8d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes