logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3

"Ba't ako ba may kasalanan?" Iritadong tanong ko. Ako ba? Grabe naman 'to. Aksidente ko lang naman s'yang naitulak, 'di ko naman sinasadya. Besides, ginulat din naman n'ya ako.
Sinamaan n'ya ako ng tingin na may bahid na pagmamakaawa dahil nakahawak s'ya ngayon sa braso n'ya.
"Ang sakit ha!" Singhal n'ya habang nakahawak do'n. Napangisi ako at napa-crossed arms.
"Akala ko ba, sa paa ang sugat mo? komedyante ka ba?" Pang-iinis ko. Napamaang naman siya at humakbang nga ilang beses palapit sa'kin. Dahan-dahan naman akong umatras.
"Look at this. Kung hindi 'to sugat, ano 'to?" Sarkastiko n'yang sabi saka n'ya itinaas ang kaunting bahagi ng damit. Napangiwi naman ako at sinundan ng tingin pababa ang bahagi ng tagiliran n'yang namumula at may dugo pa ro'n. Akala ko ba, hanggang bewang lang ang tubig ng fishpond? Ah Oo nga pala, hindi naman siya literal na nakatayo no'ng nahulog s'ya.
Itinuro ko 'yung sugat n'ya na nasa tagiliran. Tama ba 'to? napaiwas ako ng tingin nang inangat pa n'ya ang kan'yang damit, tinitingnan ang sarili n'yang sugat. Sus maryusep, nakikita ko ang t'yan mo!
"Ayan? ba't naman gan'yan? tinulak lang naman kita." Saad ko at napakamot sa ulo. Para 'yun lang.
Binalik ko na ang tingin sa kan'ya nang ibaba na n'ya ang kan'yang damit. Nakahinga tuloy ako ng maluwag.
Hinawakan n'ya ang kabilang parte ng kan'yang pajama at pinakita sa'kin ang sugat n'ya sa paa. Talaga? nakuha n'ya 'yan dahil sa pagtulak ko sa kan'ya?
"See? dalawang sugat." Saad n'ya na tila kinukumbinse ako. Para bang isang lawyer sa court na nakapagpakita ng matibay na ebidens'ya.
Napairap ako.
"So...Anong gagawin ko d'yan?" Nagtatakang tanong ko habang nakaismid. Sinimangutan n'ya naman ako.
"Kating-kati na ako dito. Gamutin mo'ko, pwede ba?" Demanding na utos niya. Pinapa-sweldo ba niya ako? Tutal, ako naman ang may kasalanan n'yan, Tutulungan ko s'ya.
Mabilis kong hinila ang pulsuhan n'ya hanggang sa makapasok na kami sa bahay. Mabilis kong kinuha ang towel na nakasampay sa may lalagyan at binigay sa kan'ya.
"Sige na, linis ka na." Saad ko at umupo sa upuan.
"Nasa'n ba ang banyo?" Naguhuluhang tanong n'ya. Tinuro ko agad ang banyo sa kan'ya.
Mygash! Sino ba 'tong lalakeng 'to?
Nasapo ako sa noo habang nakahawak ang kanang kamay ko sa lamesa, hinihintay s'yang lumabas ng banyo. Sino naman ba kasing 'di magugulat sa ginawa n'ya?
Habang hinihintay s'yang lumabas ng banyo ay kinuha ko na lang ang first aid kit na nasa cabinet at prinepare ang pang-gamot sa sugat n'ya at inilapag ito sa lamesa. Nang mapansin ang cup noodle na nakakalat sa sahig ay niligpit ko na lang din ito. Napaisip-isip ako. Sa'n ba kasi galing ang isang 'yun?
"Meow~ Meow~ Meow~" Napalundag ako ng bahagya nang marinig ang tunog ng pusa. Nilingon ko ito at naglalakad lang siya malapit kung sa'n ako nakatayo. Mukhang may hinahanap ito.
"Meow~ Meow~ Meow~" May hinahanap na naman ba itong pagkain? Patay gutom 'tong pusang 'to ah! Lagot talaga 'to sa'kin.
Mabilis akong naglakad palapit sa kan'ya at naka-posisyon na ang kamay ko na akmang hahablutin s'ya nang biglang may biglang nagsalita mula sa likod ko.
"'Wag...Dei?" Mabilis akong napalingon sa lalakeng nasa likuran ko na ngayon. Tapos na pala s'ya. Nakabalot ang towel sa may bewang niya, umiwas tuloy ako ng tingin sa bandang t'yan n'ya. Namumula pa rin ang tagiliran n'ya. Teka, sinong Dei?
Nakatingin lang s'ya sa pusa habang sinusuklay ang basa niyang buhok. Masyado ata akong napatutok sa kan'ya, hay nako!
"Dei here you are..." Tiningnan n'ya muna ako bago lumapit sa pusa. Nag-bend ito ng dahan-dahan sa tapat ng pusa. Napangiwi tuloy ako dahil baka mahulog ang towel na nakabalot sa bewang niya. Ehhhh. Tinatawag n'ya ba ang pusa? Dei?
Lumapit na lang muli ako sa lamesa at inayos ang mga gamit dito, 'yung mga pinrepare kong mga gamot para sa kan'yang sugat.
"Kilala mo ba ang may-ari ng pusang 'yan?" Tanong ko. Nilalaro na kasi niya ito ngayon, aba malay ko ba.
Napaka-awkward naman na towel lang ang nakabalot sa katawa n'ya? mag-bihis kaya muna s'ya? Ah—teka ano bang ibibihis n'ya, wala naman s'yang ipambibihis? Napangiwi ako.
"Dei is my pet." Napalunok ako at napatingin muli sa kan'ya nang magsalita s'ya. Dahan-dahan s'yang tumayo habang hawak-hawak ang pusa at palapit ng palapit sa'kin. "Anong plano mong gawin sa kan'ya?" Tanong nito. Napaatras ako dahil sa kakaibang titig n'ya. Para bang binabantaan ako na kung ano. Akala naman n'ya matatakot ako.
"A-alam mo ba kung anong ginawa ng pusang 'yan sa'kin? dalawang beses na ako pinerwisyo." Saad ko at tinuro ang pusang hawak-hawak n'ya.
Hinawi naman n'ya ang daliri ko.
"A-ah ok, sorry for that... Minsan talaga makulit 'to kaya nga sinundan ko na s'ya dito..." Hinimas pa niya ang ulo ng alagang pusa. "Teka—hahayaan mo na lang ba talaga akong ganito?" Nagtataka nitong tanong at kunwari pang tiningnan ang sarili pababa.
Hindi naman sa tinitingnan ko pero napansin ko lang 'yung abs sa t'yan n'ya. Umiwas ako ng tingin. Hindi naman ako manyak.
"A-ah eh sandali kunan lang kita ng damit sa kwarto." Sabi ko at agad na hinakbang ang mga paa.
"Tapos gamutin mo na din ang dalawang sugat ko." Tila dagdag n'ya sa sinabi ko. Patago akong napairap sa hangin bago tumungo sa kwarto. Hindi ko naman sinasadyang masugatan s'ya.
"Oh! ayan, suotin mo na." Sabi ko at agad hinagis sa kan'ya ang aking damit. Oversized na plain black kaya pwede naman n'yang gamitin dahil walang kahit na anong design na pambabae. Nakaupo naman s'ya sa isang silya dito sa dining.
Nagtataka naman n'ya akong tiningnan nang mahulog iyong damit sa sahig. Hindi man lang n'ya sinalo? Hay nako. Panay kasi s'ya hawak sa pusa n'yang 'yan.
Lumapit ako at kinuha 'yung damit saka inabot sa kan'ya. Nagsukatan pa kami ng tingin bago n'ya kinuha 'yon gamit ang kanang kamay n'ya.
"'San 'yung undergarment ko?" Tanong n'ya habang nakatingin sa'kin.
"A-ah eh, may dryer ako d'yan. Madali lang naman 'yun matutuyo." Sagot ko habang napapakamot sa ulo.
"Ok," Sambit n'ya at tumayo habang hawak hawak ang pusa sa kanyang kaliwang kamay at nakasandal sa dibdib n'ya at ang damit naman ay hawak n'ya sa kanang kamay. "Hawakan mo muna si Dei," Lumapit s'ya sa'kin ng unti-unti at inabot sa'kin ang pusa n'ya. Myghad! Inis pa naman ako sa pusa na 'to.
Inabot ko na lang din 'yung pusa. Teka, anong pangalan? Dei?
Naglakad naman na 'yung lalake palapit sa may washing machine.
"Palaba na lang ako ng damit at pajama kong nabasa, pagkatulak mo sa'kin huh." Sambit n'ya habang naglalakad palapit sa washing machine.
-
"Aww... Medyo masakit." Pinisil ko ang sugat n'ya sa tagiliran. Nakakainis kasi, kanina pa reklamo ng reklamo. Sobra pa sa babae eh, sus.
"Sandali na lang 'to no," Saad ko.
"Anong sandali? kanina pa nga ako namimilipit sa sa'kit." Sinimangutan n'ya ako.
"Kasalanan mo naman 'to eh, hindi naman kita kilala. Ba't ka ba napadpad dito ha?" Inis na tanong ko sa kan'ya. Itinaas n'ya ang paa at ayun naman ang inumpisahan kong gamutin.
"Hinahanap ko kasi si Dei, okay? and I just want to walk at night." Seryosong sambit nito. Napasinghap siya sa hangin at inilahad n'ya ang kanang kamay na ipinagtaka ko. "My name's Deiver. D'yan lang 'yung bahay namin." Sabi n'ya.
Napangiwi ako saka kinuha ang isang bubog na nasa paa n'ya.
"Ako naman si Xhecie... Tingnan mo 'to, ba't may bubog sa paa mo?" Tanong ko at agad na kinuha 'yon.
"Aww!" Sigaw n'ya.
"Ang liit lang nito no... Pero baka maimpeksyon ka." Saad ko at iginaya sa harap n'ya ang bubog na nakuha ko. Medyo maliit lang ito. "Bakit nga pala may bubog sa fishpond?" Tanong ko sa sarili.
"Alam mo, sa mga fishpond kasi—madaming maduduming bagay no. Mukhang 'tong sugat ko sa tagiliran ay dahil sa tinik ng isda." Sambit n'ya at tinaas taas pa ang kilay. Sinandal n'ya ang isang kamay sa lamesa.
Pinagpatuloy ko naman ang paggagamot sa paa n'ya.
"Mmm. If you don't mind, pwede bang magtanong?"
"Sige." Tipid na sagot ko.
Tinaas ko naman ang tingin ko sa kan'ya at nakatingin na rin pala s'ya sa'kin. Tinaas ko ang kilay na tila naghihintay kung ano ang tanong n'ya.
"Ikaw ba ang may-ari ng bahay na 'to?" Tiningnan n'ya ang palibot ng bahay at binalik ang tingin sa'kin. "Ikaw lang bang mag-isa dito?" Dagdag pa n'ya.
Binalik ko na lang ang panggagamot sa paa n'ya.
"Oo, ako lang mag-isa dito. Pamana na ng Lola ko 'to bago s'ya namatay. Akin na din ito." Sagot ko sa katanungan n'ya.
"Ah, gano'n ba?" Nabigla ako nang ibaba na niya ang paa n'yang ginagamot ko. "Okay na 'to, 'di na masakit..." Sabi n'ya at sinilip ang paa. Nagulat naman ako nang ilapit n'ya ang mukha sa akin. Napaatras naman ang ulo ko.
"Bakit 'di kita nakita dati no?" Tanong n'ya sa'kin. Tumawa naman siya. 'Yung labas ang ngipin. "Sorry ang dami ko namang tanong. By the way, kukunin ko na 'yung boxer ko sa dryer. Baka tuyo na." Sabi n'ya at tumayo na.

Comentário do Livro (17)

  • avatar
    PatinoJovelyn

    maganda naman ang kwento ng mga kabataan

    05/05/2025

      0
  • avatar
    DomingoDevone

    good 👍🏻

    15/10/2024

      0
  • avatar
    BehingLovely

    buto mo

    01/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes