Tiningnan ko ang relo ko habang hawak hawak ang isang mabigat na bag. Buti mapapa-aga ang pag-uwi ko ngayon. Alas-kwatro pa lang. Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, naghihintay ng jeep. Nakaka-stress pala talaga maging college. Kahit 19 pa lang ako, pakiramdam ko ay 30 na ako dahil sa stress sa buhay. Nako! Mabuti na lang at hindi ako masyadong nai-stress sa pera. Mabuti na lang at andyan si tito na nagpapadala sa'kin ng pera kada week. Kahit may pamilya na s'ya do'n. Kapatid s'ya ni Mama at siya na rin ang nagpapa-aral sa'kin kahit ang mahal ng tuition fee. Nakatulong na din 'yung bahay na pinamana sa'kin ni Lola bago siya namatay. Nang may humintong jeep sa harap ay mabilis akong kumilos upang makasakay agad. - Nang makauwi sa bahay ay agad akong nagbihis at ginawa ang mga homework ko at ang mga projects. Kahit na 'di pa naman malapit ang deadline, tinatapos ko ang mga ito para wala ng pressure. Para chill na lang din. Nasanay na akong maging inependent. Masaya naman maging independent. 'Yung ikaw lang umaasa sa sarili mo. Nang matapos ko ang lahat ng kailangang gawin ay naisipan kong magpahinga muna at mag-relax, kaya naman ay pumasok sa isip ko na manood ng mga random videos sa youtube. May wifi connection din naman dito sa bahay. Humilata ako sa kama at kinuha ang ipad na mag i-isang buwan pa lang sa'kin. Pinadala lang ni tito. Hindi ko naman kaarawan o ano, basta! mapag-bigay lang talaga s'ya. Naisipan ko ding humigip ng mainit na sabaw kaya tumayo ako at pumuntang kusina. Hinalungkat ko isa isa ang cabinet at may nakita nga akong dalawang cup noodles do'n. Napatango-tango ako nang mahablot ko ang dalawang iyon. Tamang-tama, pwede ko pa kainin ang isa mamaya. Mahilig pa naman ako sa mga noodles. Kahit ano pa 'yan basta related sa noodles. Mapa-pancit canton man o may sabaw. Matapos kong malagyan ng mainit na tubig ang isang cup noodle ay iniwan ko ang isa sa may lamesa, sealed pa ito. Bumalik ako sa kwarto at nagsimula ng manood habang nasa hita ko ang laptop at naka-indian seat sa kama. Natatawa tuloy ako sa mga random videos na napapadpad sa newsfeed ko sa youtube. Marami kasing funny at prank videos dito. Marami nga akong sinave na movies and episodes sa 'Watch later' dahil napukaw nito ang interest ko. Siguro, manonood na lang ako ng movie. Tapos naman na 'yung mga kailangan kong gawin na school stuffs. It's time for me to watch a movie! Sa neflix ko na lang 'yun papanoorin. Ise-search ko lang ang movie title. Ilang oras na din ang nakalipas at nakatapos na ako ng isang movie, halos mag to-two hours din 'yun. Rom-com, maganda siguro kung tragic o nakakaiyak naman na movie ang panoorin ko? Hindi pa kasi ako inaantok. Kanina ko pa rin naubos 'yung noodle cup. Tiningnan ko ang oras, 12:03 na. Umaga na pala. Nag-unat unat ako bago binalik ang tingin sa ipad. Lumabas 'yung movie na 'Through Night And Day' sa recommendation dito sa neflix. Agad kong binasa ang movie description ay natuwa ako dahil do'n. Ito na nga ang pinagku-kuwentuhan ng iba kong kaklase. Medyo bago pa ang movie pero pamilyar ako sa dalawang main lead. Si Paolo Contis at Alessandra De Rossi. Nakakaiyak daw. Kaya naman ay sinimulan ko na itong panoorin. Habang nasa kalagitnaan ng panonood, bigla akong nakaramdam ng pagka-ihi kaya pinause ko muna ang pinapanood. Tumayo na ako at dumaan dito sa kusina. Nakita ko 'yung cup noodles na naka-sealed pa kaya binuksan ko ito at nilagyan ng mainit na tubig. Tama nga pala, kainin ko na lang 'to ngayon. Iniwan ko muna ito sandali sa lamesa at agad na pumunta ng banyo. Nang matapos at makalabas sa banyo ay nahagip ng mata ko ang isang pusang kulay itim na may dilaw ang nasa ibabaw na ng mesa, hindi ko alam kung anong nangyari pero 'yung cup noodles ko ay natapon na at nasa sahig na ang lalagyan. Ang ibang noodles ay nasa lamesa. Kumukulo na ang dugo ko! Tinulak lang naman ng pusang 'yan ang cup noodles ko! Kahapon kinain n'ya 'yung dapat ulam ko! "Walangya ka!" Sigaw ko. Mabilis kong sinundan ang pusa hanggang sa makalabas siya dito sa bahay. Huhulihin kitang pusa ka! - Deiver's PoV As usual, Umalis na naman si Dei. Susundan ko na nga siya kung saan s'ya pupunta. baka mapahamak pa iyon. Kakaiba naman ang kulay n'ya kaya mare-recognize ko s'ya agad. At isa pa, alam ko ang mga lugar na kaya niyang puntahan at hindi. Hindi ko kasi s'ya nahabol kanina pero alam ko kung sa'ng direksyon s'ya tumungo. Naka-pajama lang ako, 'yung pantulog talaga. Asan na naman ang pusang 'yon? Hinawi ko ang kurtina ng balkonahe dito sa kwarto ko at agad na binuksan ng marahan ang sliding door. Baka magising si Mom and Dad sa kabilang kwarto. Sumilip ako sa baba, 'di naman masyadong matataas kaya madali na lang 'to. Ikukulong ko na nga si Dei sasusunod. Hindi na ako panatag na lumalabas s'ya kada hating-gabi. Lumundag ako pababa ng balkonahe. It's just a piece of cake for me because I'm already used to. Sanay na akong lumundag dito gabi-gabi kapag gigimik kasama ang mga kaibigan. May mga bakod naman sa gilid ng bahay namin kaya walang makakasumbong na kapitbahay. I'm already fond of doing this. Dahan-dahan akong naglakad sa damuhan para 'di makagawa ng anumang ingay. Asan na kaya si Dei? Gusto kong malaman kung saan siya pumupunta at the same time, I also want to mesmerize the night. Mabilis akong naglakad-lakad sa paligid. - Xhecie's PoV Natawa ako sa utak habang naglalakad ng dahan-dahan papunta sa pusang nakatalikod ngayon. Huli ka balbon! akala mo makakatakas ka sa'kin? hindi ah! hindi ka makakatakas dahil dalawang beses mo na ako pinerwisyo ha! Kumukulo na ang dugo ko sa'yo! Nakakarindi ka! Hahablutin ko na sana siya nang bigla naman siyang tumakbo. Tiningnan ko kung sa'n siya pumunta. Nasa dulo ng fishpond. Medyo madilim na din do'n pero sinundan ko pa din siya ng dahan-dahan, baka tumakbo kasi siya palayo kapag nakita niya ako. Ibabalik ko sa may ari at sabihin kong bantayan n'ya ng maayos ang alaga n'ya. Nakakaperwisyo eh! Napa-bend ako ng mga paa habang unti-unting lumalapit sa kan'ya. Nakatalikod muli ito at tila may tinitingnan kung saan. Akmang hahablutin ko na siya nang naglakad na naman ito ng ilang hakbang. Nakakasagad na 'tong pusang ito ha! Hay nako! Ayan na naman, lumayo na naman s'ya. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakabend upang humakbang muli pero laking gulat ko nang may tumambad na mukha ng lalaki sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat at mabilis s'yang naitulak. "Whoy!" Gulat na saad n'ya. Na-shock ulit ako nang mapagtantong naitulak ko s'ya sa mismong fishpond na ang tubig ay hanggang bewang. Shocks! Sino ba kasi 'tong lalakeng 'to? Tiningnan ko s'ya nang may pagtataka, napakunoot noo naman siya sa'kin at binigyan ako nang what-did-you-do-look at tiningnan n'ya ang mismong damit. Mabilis siyang umahon pero ang pajama niya ay maputik na. "Sorry!" Nag-peace sign ako. Sino ba kasi 'to? biglang nanggugulat eh, 'yan tuloy! Napalunok siya habang nakatingin sa'kin at napapailing. "Ang sakit ng paa ko, mukhang nasugatan dahil sa ginawa mo." Sambit n'ya na may halong panunumbat habang pinapagpagan ang sarili.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
maganda naman ang kwento ng mga kabataan
05/05/2025
0good 👍🏻
15/10/2024
0buto mo
01/10/2024
0Ver Todos