logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7 : Kakampi

                    Cia POV 
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dali dali naman akong napatayo dahil sa pagtataka kung bakit bukas na ang bintana ko? Gayong ni lock ko ito kagabi.
Impossible namang si Drex. Kasi alam ko na ayaw na ayaw niyang pumasok sa kwarto ko. Dahil sa curiosity ay agad na akong nagtungo sa labas ng kwarto at doon ay naamoy ko ang isang familiar na amoy na laging hinahanap ko.
Kaya patakbo akong nagtungo sa baba. At agad na pinuntahan ang kusina ang there I saw who is behind of this smell.
" Mabuti at gising ka na anak" nakangite na bungad ni manang sa akin.
" Wahh! manang" nakapuot naman akong lumapit sa kaniya at niyakap ito.
" Naku. Di naman halata na namimiss mo ako? Baka dahil lang yan sa niluto ko" saad nito na natatawa na.
" Hehehe, isa na din yun. Pero namiss po talaga kita" nakangite na wika ko.
Kaya niyakap ko naman ito ng mahigpit. Ngunit napabitaw lang ako sa yakap nito ng marinig kung tinawag niya si Drex.
" Drex anak kumain ka na. Nagluto na ako ng makakain ninyo ni Cia" saad niya dito.
Kaya hindi ko na hinintay ang sagot nito. Kasi alam ko naman kung ako ang gagawin niya. Pero nagulat ako ng umupo siya paharap sa akin.
Hindi ko alam pero bumalik na naman sa akin yung pakiramdam nong malaman ko na nahuhulog na ako sa kaniya.
Bakit ba nagiging abnormal na naman tong puso kung ito pagdating sa kaniya!
" Anak di ka ba kakain?" tanong ni manang sa akin kaya doon na lang ako natauhan sa tanong nito.
Napansin ko naman na tahimik na kumakain si Drex kaya kumain na lang din ako.
Fast forward
Papasok na sana ako sa kotse ko ng bigla na lang huminto sa gawi ko si Drex na siyang ikinapagtataka ko.
" Sakay" tipid na wika nito.
Mataga nag process sa akin ang sinabi nito hanggang sa ramdam ko na naiinis na ito.
" Sasakay ka ba or sasakay ka!" inis na wika nito.
" Ito na sasakay na" saad ko dito.
Di man lang ako pinagbuksan. Pero at least pinasakay niya ako.
Sana naman di ito matulad noon na pinababa niya ako. Kahit ngayon lang Drex hayaan mo muna akong manatili sa pagpapantasiya na ito.
Tahimik lang kami buong biyahe. Papunta sa ospital. Alam ko na ito na ang huli naming duty sa ospital kung kaya  kailangan na sulitin na namin ang araw.
Pasimple naman akong napapatingin kay Drex. Kahit na nakabusangot ito ay gwapong gwapo pa rin ito. Nakakalungkot lang isipin na ako ang sumira sa magandang ngiti niya sana kasama si Lana.
Napaiwas na lang ako ng tingin ng makita ko na malapit na kami sa ospital.
" Drex diyan na lang ako. Wag mo na akong ihinto doon sa ma-" ngunit agad na sumabat ito.
" Pinasakay kita para doon ka na bumaba" cold na wika nito.
Napapikit pikit naman ako na di makapaniwala sa narinig ko. Hanggang sa huminto na nga ang kotse niya malapit sa entrance ng ospital.
Agad naman akong bumaba kasi naman po. Bumaba na siya. Di naman pwede na magpaiwan ako sa kotse niya. Hanggang sa napansin ko ang paglapit nito sa gawi ko dahilan para taka akong napalingon sa kaniya.
Ngunit nakikita ko na seryoso siyang nakatingin sa harapan namin kaya sinundan ko rin ang tinitingnan niya hanggang sa.
" Hi" wika sa akin ni Patrick.
" Ahm hi" tugon ko dito saka ngumite.
Akmang lalapitan na sana ako ni Patrick ng bigla na lang akong hinila ni Drex palayo sa kaniya at saka hila hila papasok ng building ng ospital.
Hindi ako makareact sa nangyayari. Naiwan na lang din namin si Patrick na gulat na gulat din. Ngunit ng tuluyan na kaming nakapasok sa ospital ay agad na niya akong binitawan at iniwan ng walang ano mang sinasabi. Kaya doon lang naman ako natauhan.
Right! Umasa ka naman masyado Cia. Alam mo naman na impossible ang mga nagyayari. Marahil ginawa niya lang ang bagay na yun para inisin si Patrick.
Hayss, pasensya na Pat. Wag kang mag alaala tutuparin ko ang pangako ko sayo. Kaya naglakad na lang ako patungo sa office namin.
                  Dana POV 
Naikuyom ko na lang ang kamay ko sa inis sa nakita ko kanina.
" Napakalandi talaga sis. Alam mo yun? Unang una nilalandi si Doc Patrick. Ngayon naman si Drex? Naku sis. Ano ang susunod nating plano? Baka gusto mong gawin ura mismo?" tanong ni Beatrice sa akin.
" Oo nga. Gusto mo ba sabunutan ulit natin yang babaeng yan hanggang sa mauntog sa katotohanan? " suggest naman ni Clara.
" No! Wag muna ngayon. Hahayaan muna natin siyang manatili sa pantasiya niya. Sisiguraduhin ko na magiging memorable sa kaniya ang pangyayaring yun " napasmirk na lang ako sa naisip ko.
" Wahh! Parang may kakaibang force akong nararamdaman sa iniisip mo. Gusto ko yan. Bitches plan" proud na wika ni Beatrice.
Napangite na lang ako. Mark my word Zachia Velliece Rivera.
                           Cia POV 
Habang abala ako sa pag check ng pulso ng patients ay napansin ko na ang tahimik nito ngayon.
" Celine. Ok ka lang ba?" tanong ko dito dahilan para mapalingon ito sa akin.
" Ahm oo naman. Bakit mo natanong?" balik nito.
" Kasi pansin ko na ang tahimik mo ngayon. Di kasi ako sanay. Kasi sa tuwing dinadalaw kita dito ay masaya ka pero ngayon napapansin ko ang pagiging matamlay mo. May masakit pa ba sayo?" tanong ko.
" Wala naman. Ok na ako. Diba sabi mo makakalabas na ako? " tanong nito kaya napatango naman ako.
" Oo. Malalalabas ka na bukas. Kaya baka di na din kita makikita "saad ko dito.
" Ikaw nga rin naman eh. Diba last day mo na dito sa ospital kasi gagraduate ka na? Congratulations " saad nito sa akin.
" Naku salamat. Ikaw rin. Kung di naman na tayo magkita nawa ay maging maayos ka na ok?" tanong ko.
" Oo. Kasi magaling ang nurse ko eh " wika niya sa akin.
" Naman. At alam ko na maaalagaan ka na ng asawa mo" nakangite na wika ko. Ngunit napansin ko ang pagkawala ng ngite niya" May problema ba? "dagdag na wika ko.
" Gustuhin ko mang sabihin na ok lang ang lahat ngunit. Ayokong magsinunggaling. Ayaw kung pagtakpan ang isang katotohanan sa isang kasinunggalingan. Kasi kahit na manatili akong pagtakpan ito lagi. Alam kung lalabas at lalabas lang din ang totoo. Kaya anong saysay diba? "tanong nito dahilan para magtaka ako sa pinopoint nito.
" Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin? "tanong ko.
Peke naman itong napangite. Kaya ramdam ko ang pait sa mga ngite niyang yun.
" Cia. Masama ba akong tao? Masama bang magmahal? Nagmahal lang naman ako eh. Kaya lang nagmahal lang pala ako sa maling tao. Alam mo yung kahit na binigay mo na lahat sa kaniya ay wala pa ring saysay kasi iba naman talaga ang mahal niya. Iba naman kasi ang pinapangarap niya. At di ako yun. Akala ko ako na talaga ang huling babaeng minahal niya. Kasi yun ang paniniwala ko. Yun ang akala ko" natawa naman ito sa sinabi niya. Ngunit alam kung nasasaktan na siya" Siya lang ang minahal ko nga ganito. Sa kaniya lang umikot yung mundo ko na halos wala na akong tinira sa sarili ko. Yung tipong nakalimutan muna na may mundo ka din" ngayon nakikita ko na ang luha sa mga mata niya.
Kaya niyakap ko na lang ito. Nararamdaman ko ang pinapahiwatig niya. Kasi kasali din ako sa mga taong umaasa na mamahalin ng taong mahal nila.
Hindi ko inaakala na ang daming pinapatama sa akin. To the point na parang pilit akong pinapagising sa katotohanan. Ang kaso ayaw ko pa. Gusto ko pang kumapit kasi naniniwala at umaasa pa din ako na masusuklian niya din ang pagpapahirap ko. Kahit di kagaya nang binayad ko.
Hinagod ko na lang ang likod nito kasi parang maiiyak na din ako.
" Celine. Alam kung matibay ka at malakas ka di tulad ko. Kaya alam ko na malalampasan mo ang bagay na ito. Naniniwala ako na sa bawat iyak at sakit na nararamdaman natin ngayon. Darating din sa punto na tayo naman ang babangon" wika ko dito.
Humiwalay naman ito ng yakap sa akin at humarap sa akin.
" Tama ka. Marahil nasasaktan tayo ngayon. Ngunit kaya naman natin na bumangon. Kaya lang di ganun kadali. Maaring sabihin ng iba na masyado lang tayong marupok kung kaya mahirap nating tanggapin. Ngunit kahit na gaano tayo  katatag o katibay ay nalulugmok din tayo. Kaya naisip ko din Cia na baka oras na para bitawan ko na siya " seryoso na wika nito.
" Handa ka na bang bitawan siya? " tanong ko.
Lumingon naman ito sa may bintana at nagwika ng.
" Minsan para makita natin ang katotohanan ay kailangan din nating magpalaya at harapin ang totoong mundo. Minsan na akong nanatili sa mundo ng pantasya. Marahil oras na rin naman para lumipad ako. Buong buhay ko sa kaniya na ako umaasa. Siguro naman panahon na para lumakad ako sa bagay na ako mismo ang gumagawa ng direction ko " nakangite na wika nito.
Should I take the same step with her? Kailangan ko na ba talagang bitawan ng tuluyan si Drex?
" Kung ano man ang tama at disesiyon mo ay nandon lang ako lagi Celine. At alam ko na tama ang pasya mo "saad ko dito.
" Salamat. Ikaw din ang dahilan kung bakit nagawa ko ang bagay na ito Cia. Ikaw din ang naging daan kung bakit nagawa kung mamulat sa katotohanan. Kaya salamat " saad niya sa akin na nakangite.
Kaya napangite na lang ako. Maaring naging daan nga ako para sayo Celine. Pero kailan kaya ako magiging daan mismo sa sarili ko?
" O siya. Mag iingat ka. Sana magkita pa tayo muli. At nais ko na sa muli nating pagkikita ay nasa mabuting kalagayan ka na at nasa tamang tao " saad ko dito.
" Makakaasa ka. Sana ikaw din. Alam ko na di ko masyadong alam ang buhay mo. Pero ang alam ko lang ay deserve mo din ang maging masaya sa isang taong kayang ipadama sayo ang isang pagmamahal na kailanman di naisukli sayo" saad nito kaya ngumite na lang ako.
Sana nga. Sana nga Celine.
Fast forward
Buong araw ay mas lalong naging abala kami dahil sa ito na nga ang huling duty namin dito. Masaya akong nagpaalam sa mga pasyente.
Naging mahalaga na din sila sa akin at tinuring ko ng pamilya kaya mahirap din sa akin ang magpaalam sa kanila.
Habang hinahanda ko na ang gamit ko ng bigla na lang nagsalita si bess.
" Hayss. Nakakalungkot naman. Kailangan na nating magpaalam sa kanila" saad nito habang nililigpit din ang gamit niya.
" Oo nga eh. Di na din sila iba sa atin. Maaring may oras naman na madadalaw natin sila dito. Kaya lang di natin alam kung kailan sila lalabas dito" saad ko dito.
" Tama ka bess" saad nito.
Ng matapos ko ng mailigpit ang gamit ko ay nagpasiya na kaming umalis doon. Habang naglalakad patingo pinto ng bigla na lang nakasabay namin si Patrick.
" Hi girls. Pauwi na ba kayo?" tanong nito sa amin.
" Ahm oo eh. Ikaw ba di ka pa uuwi?" tanong ko.
" Pauwi na din. Sumabay na kayo sa akin" aya nito.
Kaya napalingon ako kay bess na kanina pa di makatingin kay Patrick. Kaya nagtaka naman ako kaya siniko ko ito para mapatingin sa akin.
" Ahm. Ku- kung pwede?" tanong nito na nauutal pa.
" Oo naman. So tara?" aya nito kaya tumango na lang kami at sabay na naglakad palabas.
Ng makalabas na kami ay agad na kaming nagtungo sa nakaparadang kotse ni Patrick. Agad niya naman itong binuksan. Akmang sasakay na ako sa unahan kasi ayaw ni bess sa unahan ng bigla na lang may pumaradang kotse malapit sa amin, dahilan para mapahinto ako sa pagsakay.
Hanggang sa makita ko na lang ang driver nito. And it was Drex. Akala ko ba umuwi na siya? Ano pa ang ginagawa niya dito?
Nakita ko na lang ito na palapit na sa amin at agad na nagwika.
" Doon ka sasakay sa kotse ko!" wika nito.
" Sasabay na siya sa akin Drex! " tugon naman ni Patrick kaya masama itong tiningnan ni Drex.
Ramdam ko na naman ang init sa tensiyon ng mga ito kaya umawat na ako.
" Ahm, sige Patrick sa susunod na lang. Salamat sa pag aya. Sa susunod na lang siguro" saad ko dito.
Agad naman akong nagtungo sa kotse ni Drex. Ayoko nang palalain ang ang sitwasiyon" Weeh? Ang sabihin mo. Gusto mo din?" tanong ng isip ko" Yaan muna, minsan lang toh. Grab the opportunity" tugon ko dito gamit lang ang isip. Galing noh? Sarili ko lang din ang kausap ko. Hahaha.
Nabalik lang ako sa realidad ng makapasok na pala ako sa kotse ni Drex. Di man lang ako pinagbuksan. Yaan muna. Basta ang mahalaga kasama ko siya. Kahit mukhang bato itong kasama ko na walang nararamdaman.
                        Ria POV
Naiwan naman akong lutang sa nagyayari. Tama ba yung nakita ko? Magkasabay na silang umuwi? O baka sa pagod lang ito.
Pero ang mas malala ay kami na lang ang naiwan dito. Wahh help me. Baka mabaliw na naman ako.
" Ria" tawag nito dahilan para mapatulala ako.
Para naman akong nakalutang sa ere dahil sa ang husky ng pagtawag niya sa pangalan ko. Wahh! Ang landi ko.
" Hey Ria. Ok ka lang?" tanong nito habang winawagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
Dahilan para mahigop ko ang pagtulo ng laway ko. Mahirap na nakakahiya. Kaharap ko pa naman si crush. Baka minus points na.
" Ahm. Oo naman" tugon ko.
" So I guess tayo lang ang naiwan dito" wika niya.
" Oo nga. Nakikita mo naman diba? Tinangay na nang monster si bess. Kung kaya naiiwan na tayo" pamimilosopa ko dito.
Wag kang ganyan doc. Baka mas lalo akong mahulog sa ka slow mo.
                         Patrick POV 
Hindi pa rin ako makaget over sa nagyayari. Totoo ba ag pinapakita ni Drex or ginagawa niya lang yun para inisin ako? Hayss, humarap naman ako kay Ria. Ang kaso wala na ito sa harap ko dahilan para magtaka ako.
" Ria. Nasan ka?" tanong ko habang nililibot ang tingin ko.
Hanggang sa mapansin ko na lang ang pagbukas ng ibabaw ng kotse ko saka ito dumungaw na akala mo nangungumpanya.
" Hayy naku doc. Matagal ka pa ba diyan? Kasi matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kung tapos mo nang isipin ang dapat na isipin" saad nito saka agad na sinirado ito.
Kaya napailing na lang ako habang nakangite. Di ko alam na napakakwela naman pala ng babaeng ito. Kaya nagpasiya na akong sumakay sa kotse ko.
At doon nga ay nakita ko itong nakaidlip na. Kaya napangite na lang ako saka nagpasiya nang paandarin ang kotse. Ngunit napalingon ako dito kasi di ko alam kung saan ang sa kanila.
Magsasalita na sana ako ng bigla ko na lang napansin ang isang sticky note sa may upuan at doon ay nakita ko ang address nito na sinulat.
Halata ngang napagod. Kasi tulog na tulog eh. Kaya muli ko nang binalik ang tingin ko sa unahan at umalis na doon.
                        Cia POV 
Hindi ako makatulog kaya naisipan ko na magtungo muna sa veranda at mapalamig. Habang aliw na aliw akong nakatingin sa mga bituin sa langit na nagkikislapan ng biglang may tumabi sa akin dahilan para mapalingon ako dito.
" Manang ikaw pala" saad ko dito saka muling binalik ang tingin sa mga bituin.
" Akala ko tulog ka na?" tanong nito.
" Hindi kasi ako makatulog eh. Napagod ako kanina. Pero di pa yata gustong matulog ng katawan ko" saad ko dito.
" Anak may bumabagabag ba sayo?" tanong nito.
" Wala naman po" saad ko dito.
" Hayss, alam mo anak parang gusto kung " Best Actress " award ang ibigay sayo sa graduation mo" wika nito.
" Baka naman po" Best Marupok " award manang " saad ko dito.
Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa kamay ko.
" Anak. Alam kung patuloy ka pa din na nagdudurusa at umaasa. At di mo maiikaila sa akin ang bagay na yan. Alam ko na ngayon ka lang trinato ni Drex ng ganito" saad nito.
                          Drex POV 
Paakyat na sana ako sa taas ng mapansin ko na bukas ang pinto sa labas. Kung kaya ay isasarado ko na sana ito ng makita ko na nasa labas pala si manang at si Cia.
Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na makinig sa pinag uusapan nito. Ng tuluyan na akong makalapit ay doon unti unti ko nang naririnig ang pag uusap nila.
" Ganun naman talaga manang eh. Ako naman ang pumili sa landas na ito. Wala eh. Sadyang ang dali ko lang talaga maniwala sa salitang " Aasa " mahirap man. Pero hanggat kaya ko pa ay hahawak ako manang" wika niya dito.
" Hanggang kailan ka naman hahawak anak?" tanong nito.
Kaya nakita ko na tumingin ito sa mga bituin.
" Hanggang kaya ko nang gumising sa katotohanan. Hanggat kaya ko nang tanggapin na wala na talaga" saad nito.
Dapat na magsaya ako sa narinig ko. Pero bakit? Bakit gustong tumutol ng puso ko? Mali! mali ito! Tama lang na bitawan niya din ako.
Tss, pwes tutulungan kita. Tutulungan kitang ikaw mismo ang mapagod at makipaghiwalay sakin. Ng sa ganun aymasundan ko na si Lana at yayain ng kasal.
Pero bago ang lahat ng yun ay ipapadama ko pa sayo ang sakit na naranasan ko dahil sa pagiging makasarili mo.
Hahayaan kitang mahulog sa patibong ko hanggat sa makita na kitang nalulugmok. Nagpasiya na lang akong pumasok nasan loob at magtungo sa kwarto ko.
                      Cia POV 
" Anak, nandito lang ako. Alam mo naman na kakampi mo ako sa lahat ng bagay. Asahan mo. Kung handa ka na. Ako na mismo ang magpapalasamat" saad nito sa akin habang nakangite kaya napangite na lang ako.
" Salamat manang. Sa palaging nandiyan sa tabi ko" saad ko dito.
" Ano ka ba, wala yun. Basta para sayo anak gagawin ko. O siya lika na. Kanina pa tayo pinapagpiyestahan ng mga lamok" saad nito kaya natawa na lang akong sumunod dito papasok.

Comentário do Livro (69)

  • avatar
    RICAjoy

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Ruth Ybarreta Laugo

    nice story ever

    15/08

      0
  • avatar
    May Anne Bacani

    nakakaluka parang pag ibig ko to kwento ng pag ibig ko some lng

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes