logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Play Time

"Emma." Nanatiling seryoso si Emma sa pinapanuod niya at hindi parin siya narinig. Kaya nilapitan niya ito at kinuha ang isang headset na nakalagay sa kanyang isang taynga. "I said let's go." Pinandilatan ng mata ni Emma ang walang hiya na umistorbo sa kanya. 
Napakunot ng noo si Raul sa tingin nito dahil unang beses siya nitong pinagdilatan ng mata. Kanina pang umaga ito ganito.
Pumapasok nga sa isip niya ang kanyang asawa kaganina habang nagtatrabaho siya dahil sa kakaiba nitong pakikitungo sa kanya. "Ah, you're here?" Tanong sa kanya ni Emma na parang dismayado pa sa pagdating nito.
Totoo din namang dismayado ito, hiling nga ni Emma na sana tinabunan na ito ng trabaho niya para hindi na ito umuwi pa upang isama siya. Agad siyang tumayo at direktang lumabas, nagkibit balikat si Raul. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya at ganoon ang pakikitungo nito sa kanya.
Bumiyahe sila nang tahimik. Dahil abala si Emma sa pinapanuod nya kaya hindi siya umiimik, pasimpleng sinusulyapan siya ni Raul habang nagmamaneho. Nakapatong ang isang siko niya sa bintana ng sasakyan at hinihimas niya ang kanyang ibabang labi. Hindi siya kinukulit nito o tinatanong kung kamusta ang naging araw niya, hindi rin siya binati nito tulad ng lagi niyang ginagawa.
Hindi naman nagde-demand ng atensyon si Raul pero hindi maalis sa pakiramdam niya ang paninibago. Nakarating sila sa hotel restaurant at pinarada nila ang sasakyan. Niligpit ni Emma ang kanyang phone at headset sa pouch nito.
Inunahan ni Emma ang kanyang asawa nasi Raul na sasabay sana sa kanya papasok. Pagpasok nila sa restaurant ay kinawayan ng kaibigan ni Raul silang dalawa para makuha ang atensyon nila. Tinaasan ni Emma nang bahagya ang kanyang kilay.
Here we go again...
Kilala niya ang mga ito. Robert San Jose isang Pilot, babaero ang lalaking ito kahit mayroon nang asawa at anak, mahusay si Emma sa pagkilatis ng mga tao. Hindi lang niya sinasabi kung anong nasaisip niya para hindi mapahiya si Raul sa kinikilos niya. 
Miguel Luke Matheus CEO ng isang malaki at tanyag na furniture company, matino ito at mabait. Ikakasal na rin ito sa kasama niya ngayong babae na matalik na kaibigan din ni Raul. Si Sofia Valentina na isa ding investor at isang disenteng babae mas disente pa kay Amira, wala pa si Amira na isa ding negosyate, mayroong clothing business si Amira at sikat din ito.
Direktang naglakad si Emma pa pupunta sa kanila at mapagpanggap siyang ngumiti. "Good evening." Bati ni Emma sa mga ito at nagbeso siya sa kanila. "Wow...you look stunning." Totoong papuri ni Sofia. "Thank you, you as well." Totoong papuri din ni Emma dito.
Makikipag plastikan lang siya kapag plastic ang kausap niya ngunit totoo siya kapag totoong asal tao ang kausap niya. Hihilain sana ni Raul ang upuan ni Emma na nakadikit masyado sa table para makaupo dito pero na unahan na siya ni Emma. Nagtatakang tinignan niya ang kanyang asawa.
Nagkuwentuhan ang mga ito nang kanya-kanyang topic. Mabuti nalang at naroon si Sofia at mayroong nakakausap si Emma habang naghihintay sila sa kanilang mga inorder.
Napansin ni Emma ang malagkit na tingin sa kanya ni Robert kaya ngumisi siya. Sarap saksakin ng table knife sa mata at hindi manlang ito napapansin ng kanyang walang kuwentang asawa dahil abala ito sa pagsasalita.
Dumating ang mga order nila kasabay nang pagdating ni Amira. "Guys, sorry I'm late!" Subrang labas na ang hubog ng katawan sa suot niya ganoon din ang nag-uumbok niyang dib-dib. Hindi alam ni Emma kung pupunta ba ito sa club o sa restaurant.
Agad napatulala si Raul nang makita ito, ang ganda parin nito ay hindi kumukupas sa kanyang mga mata. Umupo si Amira sa tabi ni Raul imbis na tumabi ito sa kanilang mga babae ay maspinili nitong pagitnaan ni Raul at Robert.
Nilipat ni Robert ang malagkit niyang tingin sa dalagang kararating lang, babaero nga talaga. Tumingin si Amira kay Emma at pakunwari siyang nginitian nito. Dismayadong sumandal si Emma sa upuan niya, dahan-dahan niyang inikot ang kanyang paningin sa mga kasama niya na kumakain habang nagkukuwentuhan.
Si Sofia na masayang kinakausap ang kanyang kasintahan. Silang dalawa lang nang kasintahan nya ang totoong tao dito at hindi mababagot si Emma kahit sila lang ang kausap niya. Si Robert na babaero, si Amira na malandi, si Raul na tanga sa pag-ibig na katulad niya. 
Noong unang beses niyang makasama ang mga ito ay mukha lang siyang maamong tupa sasagot lang kung kailangan, iniingatan ang pagkilos niya para hindi siya magkamali.
Kumain si Emma habang iniisip niya kung ano ba ang pumasok sa isipan niya noon at pinagpilitan niyang makisama sa mga ito. Hindi ganoon ang normal na ugali niya. "I'm curious, matagal na kayo ni Emma bakit hindi pa kayo nagkakaanak?" Tanong ni Amira kay Raul.
Napatigil si Raul at nilingon niya si Emma na kumakain at mukhang walang pakialam sa tanong ni Amira. "Ahm...we are still young." Hindi komportableng sagot ni Raul. "Five years na kayong kasal? And dude 27 year old kana, saan ang young d'on?" Natatawang paalala din ni Robert.
Nakatingin ang lahat kay Raul na maslalong ikinabahala ni Raul. Nangalumbaba si Amari, muli niyang pinagpilitan ang kanyang tanong kay Raul habang mayroong ngisi sa kanyang labi. "See? Bakit nga ba wala pa kayong anak?" Hindi komportableng tumingin si Raul kay Amira na nakatitig sa kanya. Hindi niya magawang sabihin na ayaw niyang magkaanak kay Emma dahil mahal pa niya ito.
"You asked the wrong person." Direktang sabi ni Emma sa mga ito. Nagtataka siyang tinignan ni Raul at nang mga kaibigan nito. Pinunasan ni Emma ang kanyang labi dahil naging mapait ang kinakain niya sa kanyang panlasa. Wala pa sila sa kalagitnaan ng formal dinner ay humihirit na si Amira. Lingid sa kaalaman ni Emma ang ibig-sabihin ni Amira sa tanong nito na 'Bakit wala silang anak?'
Gusto nitong paringgan o hulihin si Raul na maaaring hinihintay pa siya nito kaya hindi pa sila nagkakaanak at halata namang mayroon paring pagtingin si Raul sa kanya.
Ito rin ang dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo ni Raul kay Emma dahil bago sila ikasal sinabi ni Raul sa kanya na ibibigay niya kay Emma ang kalayaan sa pagpapa-annul ng kasal nila dahil iniisip niya noon na baka naipit lang si Emma sa sitwasyon niya kaya pumayag ito sa kanya.
Hindi niya akalaing gusto pala talaga siya nito at hindi siya hiniwalayan. Iniisip ni Raul na baka kapag sumuko ito sa kanyang magaspang na ugali ay hihiwalayan na siya nito at alam ito lahat ni Emma dahil malakas siyang makiramdam.
How shameless.
"Ako mismo ang ayaw na magkaanak sa kanya." Sabi ni Emma sa mga ito na mayroong bahid na kaplastikang ngiti. "B-but, may we know why?" Maingat na tanong ni Sofia sa kanya.
Nagtataka paring nakatingin si Raul sa kanyang asawa. "Raul is not a father material. I deserve better." Kunwaring malungkot niyang sagot na walang pag-aalinlangan.
She will not go to hell...alone.

Comentário do Livro (38)

  • avatar
    RobertoBuquid

    salamat pu sa inyo

    18/03/2025

      0
  • avatar
    Jane Gonzaga

    nice app

    08/03/2025

      0
  • avatar
    EnriquezChaa

    so beautiful

    18/11/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes