Narinig ni Emma ang sasakyan ni Raul na paalis na. Nakaupo siya sa kanyang vanity sa loob ng kanyang walk-in closet. Nakabukas ang laptop niya ngayon at tinitignan niya ang mga iba't ibang klaseng litrato ng mga tanyag na wildlife photographer na hinahangaan niya, ang iba dito ay kanyang kilala. Marami siyang nakakausap na photographer sa tuwing pumupunta siya sa wildlife photography exhibition o kaya naman ay sa museum. Mayroon siyang nakitang komento na nagsasabing grupo sila ng mga wildlife photographer. Binisita niya ang website ng mga ito at tinignan niya ang mga larawan dito. Ilang oras niya itong pinag-intrisang tignan nang muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Dinalaw siya ulit ng lungkot at ano mang oras ay baka tumulo muli ang kanyang luha. Kaya naman tinawagan ni Emma ang kanyang kapatid nasi Layka at sinagot naman siya nito kaagad. "Hellow sis, ba't napatawag ka?" Masiglang tanong ni Layka sa kanya. "Bibisitahin kita mamaya, mayroon lang akong kukunin. Busy ka ba?" Tanong ni Emma dito. "Not really, I'm actually here doing nothing. Stress ako sis! I need my beauty rest." "Then I'm on my way over there." Agad pinatay ni Emma ang kanyang phone. Kahit paano ay sumigla siya. Naghalungkat siya nang kanyang itinabing damit sa kahon at dito siya naghanap ng kanyang maisusuot. Nagbihis siya ng simpleng sweatshirt, leggings, at sport shoes. Inipitan niya ang kanyang buhok ng pasimple at nilagay niya sa kanyang crossbody bag ang kanyang mahahalagang gamit. Tiniyak ni Emma na nakasarado ang lahat at walang nakasaksak bago siya umalis. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at bumyahe papunta sa bahay ni Layka na dating tinitirhan din niya. Mabilis na nakarating si Emma dahil walang traffic, pinagbuksan siya ng security guard at ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa garahe. "Thank you Mr. Garnon!" Pasalamat ni Emma sa security guard na matagal na sa kanila nagtatrabaho. Tumatanda na ito pero nagagawa parin nitong magtrabaho sa kanila. Tinanguhan lang siya ni Mr. Garnon at binati din. Agad na pumasok si Emma at mabilis siyang nagtungo sa kusina para uminom dahil nauuhaw siya, nang makasalubong niya si Layka na naka night gown pa habang mayroong beauty mask sa mukha. Lumabas ito sa kanyang kuwarto dahil narinig niyang dumating si Emma. Napasinghap si Layka nang makita nito ang suot ng kanyang kapatid at ang walang make-up nitong mukha. "Oh. My. Gosh...Oh. My. Freaking. Gosh." Natatawang unimon ng tubig si Emma dahil sa reaksyon nito. Hindi makapaniwala si Lyka sa pustura nito. Hindi nakabestida, hindi naka make-up, at magaslaw kung gumalaw. Ang dating Emma na kilala niya. Napatakip ng bibig si Layka. Nagtungo si Emma sa sala at umupo sa couch habang hindi parin makapaniwala ang kanyang kapatid na sumunod sa kanya. Kinross nya ang kanyang mga paa habang naka-upo sa couch at naghalukipkip siya. "First time?" Biro ni Emma sa kapatid niyang nakatulala lang sa kanya. Madramang tinabihan siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Em...is that you? My Em, ang captain ng girls basketball team natin noong high school tayo? Ang astig na skateboarder ng section B? Ang traightforward kung kapatid? Si Em na electrician slash mekaniko slash chef slash photographer slash--Mph!" Tinakpan ni Emma ang bibig ng kapatid niya dahil bumibilis na naman ito kung magsalita. "Iyang bibig mo rumaratrat na naman. Well..masanay kana." Taas noong sabi ni Emma sa kapatid. Napanganga si Layka at niyakap ang unan na dekorasyon ng couch. Kinalas ni Emma ang kanyang crossbody bag at nilapag din ito sa couch. "Annul na ba ang kasal?" Napangiwi ang mukha ni Emma sa tanong nito. "Judging by your appearance, that is the only rational explanation. Ilang taon mong binago ang sarili mo para sa asawa mong manhid, tinulungan pa nga kitang demonyita ka. I can't even recognize you this past five years kaya hopefully naman annul na?" "No." Dismayado si Layka sa sagot ng kanyang kapatid. Kaylangan na nitong magising sa katotohanan. Her freaking dumbass husband doesn't care about her...even just a little. "Tsk." Dismayadong bulong ni Layka nang hindi niya narinig ang gusto niyang marinig mula dito. "Not yet." Nanlaki ang kanyang mata at sumigla siya muli sa dugtong na sinabi ni Emma. "Seryoso? Wee? Baka pina-prank mo lang ang beauty ko?" "I'm telling you the truth. Hindi pa time kaylangan kong paghandaan 'no." "Paghandaan ang alin?" Sumandal si Emma sa likod ng kanyang inuupuan. "Alam mo naman ang dream ko diba?" Tumango si Layka at inayos nya ang kanyang Beauty mask. Kilala niya ito mula nang inampon siya ng kanyang mga magulang kaya alam niya ang nais nitong maabot na hindi niya inabot dahil nag-asawa siya. "Plano kung ituloy ang pangarap ko bilang wildlife photographer. There was a group of wildlife photographer online, they travel all over the world and I was planning to join them." "Travel around the world? Plano mo ring iwanan na ako dito? Ahg!" Maktol ni Layka. "Mula nang tinanggihan mong patakbuhin ang negosyo ni Dad at Mom naging miserable na ang buhay ko Em." Dugtong niya. Nangalumbaba si Layka. "Si Mom and Dad hanggang ngayon wala pang balak umuwi. Hindi ko na alam kung saan na napadpad ang mga iyon baka nasa tuktok na sila ng Mount Everest. Now, you also want to leave me?" "Stop it Lyka, you are their biological daughter I have no inclination to take anything that supposed to be yours." Pahayag ni Emma kay Layka. Ayaw lang ni Emma na isipin ng ibang tao na kinakawawa niya ang kanyang kapatid at ayaw din niyang dumating ang araw na maisip ni Lyka na nasa kanya na pala ang lahat na dapat ay pagmamay-ari niya. Marunong siyang lumugar kahit mahal siya nang mga umampon sa kanya, ayaw niyang abusuhin ang mga ito. Niyakap ni Lyka ang braso ng kanyang ate. "Don't say that, you are my sister no matter what but aren't you shameless?" "Why?" "Mayroon ka paring share sa mga negosyo ni Dad and I'm the only one working? Do your part my indolent sister!" Muli nitong maktol. Tumawa silang dalawa at hinimas ni Emma ang ulo ng kanyang kapatid. "Lyka mag-asawa ka na kaya para hindi kana bugnutin. 24 year old kana pero hopeless romantic kaparin." Nandidiring lumayo si Lyka sa kanya nang sabihin niya ito. "Are you referring to yourself? I have witnessed all your struggles as a martyred wife and that's Em, changed my whole perspective about marriage. So no, thank you, I'm fine." Tumawa si Emma sa nandidiri nitong reaksyon. Kahit paano ay napapatawa siya nito, hindi siya nilalamon ng lungkot sa pagkawala ng kanyang anak. Hindi pa niya nasasabi kay Layka na nakunan siya dahil walang nakakaalam na buntis siya maliban sa kanya. Nag-usap lang silang magkapatid ng ilang oras at pinagkuwentuhan ang lahat ng bagay-bagay. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kanyang kuwarto para hungkatin ang mga luma niyang gamit. Kinuha niya ang mga dati niyang kasuotan at inilagay ito sa kanyang sasakyan ganoon din ang mga luma niyang camera na napaglipasan na nang taon. Dinala niya ang mga ito pauwi. Nilabhan ni Emma ang mga damit niya at hinalungkat niya ang kanyang mga camera. Sira na ang iba niyang camera at pinagkakalas niya ang mga ito dahil wala siyang magawa. Mahilig siyang maghalungkat ng mga bagay-bagay kapag trip nya. Sinubukan niyang ayusin ang mga ito habang nanunuod ng tutorial kung paano niya ito maaayos, ilang oras niyang iginugol ang pagbubusi sa mga camera at hindi niya namalayang gabi na pala. Ganito siya kapag ginagawa niya ang bagay na kanyang gusto, naka tutok lang siya dito at hindi pinapansin ang oras. Nakaupo si Emma sa sahig habang nakakalat ang mga piraso ng kanyang camera sa sahig. Tinignan niya ang orasan at nakita niyang 6:50 Pm na. Hindi siya natuwa nang makita ang orasan dahil hindi ito nakikisama sa kanya. Nagdesisyon na si Emma na tumayo at maligo, nagbihis siya ng floral dress at nagmake-up pagkatapos kahit ayaw niya. Kung puwede lang ibahin ang suot niya ngunit hindi maaari. Kaya nga formal dinner ang pupuntahan nila dahil formal. Dismayado niyang inilingan ang kanyang sarili nang tumingin siya sa salamin. Nagsuot si Emma na hikaw, sing-sing, at porselas. Kulay puti ang kanyang high heels. Inipitan ni Emma ang kanyang buhok na naaayon sa kanyang pustura. Bumaba siya nang hagdan hawak ang kanyang pouch sabay naupo sa sofa. Muli niyang nilabas ang kanyang phone at nagcross ng mga binti. Nag-search si Emma at gumamit ng headset, nanood na naman siya ng mga video ng mga wildlife photographer para malibang. Dumating si Raul at hindi niya pinasok ang kanyang sasakyan sa loob ng garahe dahil aalis din naman sila. Lumabas siya nang kanyang sasakyan upang pumasok sa loob nang bahay saka niya nakita si Emma na seryoso ang mukha habang nanood sa kanyang phone. "Emma let's go." Hindi siya narinig nito. Tinignan niya ang pustura nito habang nakaupo. Maganda si Emma at mayroong karisma, puwede niya ito magustuhan kung gugustuhin niya ngunit binakuran ni Raul ang kanyang sarili ng isang mataas na pader. For him, Emma was his biggest mistake.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
salamat pu sa inyo
18/03/2025
0nice app
08/03/2025
0so beautiful
18/11/2024
0Ver Todos