PAALALA: PURONG KATHANG ISIP LAMANG, MULA SA PANGALAN, LUGAR, AT MGA PANGYAYARI. MAYROON DING MGA MALING PAGBAYBAY NG MGA SALITA, AT HINDI KA AYA-AYANG MGA KATAGA. --Narrator-- Malakas ang buhos ng ulan habang nakatayo si Emma sa labas ng San Rosario Hospital, nakatulalang nakatanaw siya sa malayo. Madilim ang paligid ngunit natatanaw niya ang mga ilaw ng poste at mga sasakyan. Hawak ng kaliwa niyang kamay ang kanyang itim na mamahaling handbag at nakasuot siya ng pulang bestida hanggang tuhod, mataas ang kanyang takong na nagpatangkad sa kanya ng bahagya. Blangko ang isipan ni Emma habang nakikinig sa buhos ng ulan. Ilang minuto siyang nakatulala at bahid sa mukha niya ang nakatarak na kirot sa kanyang puso. Hindi nya iniinda ang matinding lamig na dala ng ulan, ngunit paano nga niya ito mararamdaman kung manhid na ang kanyang pakiramdam. She was enervated from this sudden accident. Kinuha niya ang kanyang phone at wala sa sarili niyang tinawagan ang kanyang asawa. Lumunok si Emma habang hinihintay ang pagsagot nito sa kabilang linya, dumaan muna ang apat na pagtunog ng phone bago siya nito sagutin. "What?" Matigas na tanong ng asawa niya at halata ang pagkairita nito sa kabilang linya. "Uuwi ka ba?" Nanginginig na tanong ni Emma na mayroong pagsusumamo. "Maybe no, naghanda ang mga kaibigan ko ng selebrasyon for my birthday, don't call me again." Pinatayan sya ng kanyang asawa nang ganon-ganon lang. Maslalong sumama ang pakiramdam niya sa pagpatay nito. Nais marinig ni Emma na sabihin nitong uuwi siya ngayong gabi. Kahit isang beses, kahit ngayon lang...nais niyang maramdaman na siya naman ang bigyang halaga nito. She needed him the most right now but he didn't give a damn. Hinakbang nya ang kanyang mga paa at naglakad siya sa kalagitnaan ng ulan. Nakatitig lang siya sa basang sementong daan na kanyang nilalakaran habang patuloy siyang nababasa. Hindi niya mapigilang tumawa sa nangyayari sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa kamalasan niya sa buhay. Bakit laging siya? Lagi siya ang nauunahan, lagi siya ang nagsasakripisyo, lagi siya ang nawawalan, at lagi nalang siya ang kawawa? Tumawa si Emma ng ilang beses hanggang nauwi ito sa paghikbi. Patuloy siyang naglalakad habang humihikbi at ginawa niyang pantakip sa kanyang mga luha ang patak ng ulan. "I'm sorry Mrs. Salvacosta, you lost your baby." Ito ang mga salitang umiikot sa pandinig ni Emma. Ito ang sabi ng Doctor sa kanya kanikanina lang. Parang gumuho ang kanyang mundo. Ang kanyang magiging anak nalang sana ang makakapitan niya para lumaban sa relasyon nilang mag-asawa ngunit pati ito ay kinuha sa kanya. Patuloy siya sa pag-iyak at yakap niya ang kanyang tiyan habang naglalakad. Ni hindi pa nga niya nasasabi ito kay Raul dahil naghahanda pa siya ngunit bigla siyang nakunan. Sumakay siya sa taxi habang nanlulumo parin. Hindi na niya ininda ang kanyang hitsura dahil alam niyang hindi na kaaya-aya ang kanyang mukha. Pagdating ni Emma sa village kung saan sila nakatira ay agad siyang bumaba mula sa taxi pagkatapos niyang magbayad dito. Medyo malaki ang bahay nilang mag-asawa para sa kanilang dalawa dahil mayaman si Raul ngunit wala kahit isang katulong dito dahil para kay Emma, 'Ang mabuting asawa ay kayang pagsilbihan ang kanyang asawa na mag-isa tulad ng isang normal na pamilya.' Raul Fernando Salvacosta ang buong pangalan ng kanyang asawa, anak siya ng isang Gobernador at ngayon ay isa ng tanyang na Business man. Isang Business investor at ang nagtatag ng multinational cosmetic company, Dulcequiel. 27 taong gulang at masmatanda kay Emma nang dalawang taon. Ang buong pangalan ni Emma ay Emma Lou Piralta, 25 taong gulang. Ampon ng isang negosyateng pamilya na Piralta. Mayroon siyang Art Degree ngunit noong mag-asawa siya ay sinuko niya pati ang kanyang pag-ibig sa photography para sa kanyang asawa. Limang taon na silang kasal pero nanatiling mayroong malaking pader ang nakaharang sa pagitan nilang dalawa, pader na mismong ang asawa niyang si Raul ang lumikha. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Naging mabigat ang katahimikan ng buong bahay at maski si Emma hindi alam kung kaylan ba naging magaan sa pakiramdam ang bahay na ito. Binuksan nya ang ilaw at tumambad ang dekorasyon na siya mismo ang gumawa para isupresa si Raul sa kanyang kaarawan kung sakaling umuwi ito. Nakahanda rin ang mga pagkain sa lamesa na niluto niya na ngayon ay nilalamig na. Nanatiling walang emosyon ang mukha nya habang nakatingin sa paligid. Pinaghirapan niya ang mga ito kahit na alam niyang buntis siya, hindi niya napagtanto na mahuhulog sya sa ladder habang nagkakabit ng dekorasyon. Ang nakikita niya ngayon sa kanyang mga mata ay ang dahilan kung bakit siya nakunan, para lang mapasaya ang asawa niya na walang ibang ginawa kung 'di tratuhin siyang estranghero. Binitawan ni Emma ang kanyang handle bag nang muling tumulo ang kanyang luha. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa nagawa sa salamin at tinignan ang mga niluto niyang pagkain ganoon din ang cake na mismong siya ang gumawa. Aaminin sana niyang buntis sya ngayon araw na ito. Pumikit siya sa matinding kirot na kanyang nararamdaman, walang mapagsidlan ang galit niya sa sarili. Alam niyang kasalanan niya kaya sya nakunan. "Why?..Why?...Why?! Why?!!" Paos niyang tanong nang paulit-ulit at galit na galit niyang pinaghahagis ang mga pagkain sa sahig. Matinding pagkapuot ang namumutawi sa kanya puso. Nagsisisigaw siya habang humihikbi maibsan lang ang sakit na kanyang nararamdaman hanggang sa mapagod ito at umupo nalang sa sahig, sumandal si Emma sa malamig na pader. Tinakpan niya ang kanyang bibig at nanlulumo siyang umiyak nang tahimik. Nanatili siyang miserable ng ilang oras. Kalat na ang kanyang make up at magulo na ang kanyang buhok, binigyan niya ang kanyang sarili upang huminahon, maya-maya ay tumayo na siya at nagtungo sa kanyang kuwarto. Magkaiba ang kuwarto nilang mag-asawa mula pa noong ikinasal sila. Nagtatabi lang sila sa tuwing nalalasing si Raul. Tuwing lasing ito ay napagkakamalan siya nito bilang si Amira at hindi niya ito nakukontrol na nauuwi sa pagtatalik. Hindi rin naman ito pinagsisisihan ni Emma dahil mahal niya ang asawa kaya madali siyang napapasuko. Kahit pa laging nakakalimutan ni Raul ang mga nangyari kinaumagahan. Tuwing umaga ay agad ding bumabalik si Emma sa kanyang kuwarto sa tuwing nauuna siyang nagigising habang tulog si Raul dahil baka magalit ito dahil alam niyang ayaw ni Raul na mayroong mangyari sa kanila. Ito ang dahilan kaya hindi pa nasasabi ni Emma na buntis siya dahil baka isipin ni Raul na nagpabuntis siya sa iba dahil hindi pa sila nagtatabi nito. Nagtungo siya sa kanyang walk-in closet at umupo si Emma sa kanyang vanity, tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin. Naawa siya sa kanyang kalagayan. Suminghot siya dahil sinisipon na ito sa kanyang pag-iyak. "Aren't you tired? Hanggan kaylan ka magiging miserable? Wake up, nakunan ka na. You need to wake up." Pangangaral niya sa kanyang kaawa-awang sarili. Nanginginig ang kamay niya nang punasan niya ang kanyang mukha. Tapos na siyang magpakamartir, limang taon na ang nakakalipas nang simulan niyang maging tanga para kay Raul. She's done. Tired, enough is enough. Binuksan ni Emma ang kanyang aparador. Tumambad ang kanyang mga mamahaling mga bestida. Natatandaan niya noong dalaga pa siya ay ang lagi niyang suot ay panglalaki dahil maypagka-boyist siya noon. Pinag-aralan niyang magsuot ng magagandang damit at binago ang mga kilos niya para mahalin siya ng kanyang asawa na mahilig sa babaeng-babae. Ayaw niyang mapahiya si Raul. Ngumisi si Emma sa kanyang sarili at kinuha niya ang mga bestida sa aparador, hinagis niya ang mga ito sa kanyang kama. Useless.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
salamat pu sa inyo
18/03/2025
0nice app
08/03/2025
0so beautiful
18/11/2024
0Ver Todos