logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: His Beautiful Subject

I didn't get the chance to stroll around my villa last night because I immediately took a bath and slept. I was so tired not just because of the trip, but with that guy too. Ugh! I still fvcking remember and felt his erection behind me. Yes, until now.
The first thing I did this morning was to grab myself a cup of coffee at Kadlawon Cafe. Nakaupo ako sa pandalawahang lamesa habang nakatanaw sa asul na dagat at puting buhangin. The wind blew softly and my white flowy maxi dress dances a little. I captured a photo of the breathtaking scenery and sent it to Angelique. Tumawag naman sa akin si Mommy kanina. Kahit na tinatamad akong sagutin ay sinagot ko pa rin para lang masiguro nila na maayos ako.
My parents were both cool. I mean, yes, they would allow me to go out with Angelique or alone. But they always call me like every now and then. Minsan nakakainis na rin.
"Good morning, kapitbahay."
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses. At ayon na nga. The guy on the plane and the same guy who used to call me 'kapitbahay' was here in front of me, holding a tray of pancake and a cup of coffee.
"If you will just going to ruin my beautiful morning, then go away. Doon ka sa ibang lamesa umupo," I said and sipped on my drink.
I heard him chuckled a bit. "Wala akong intensyon na sirain ang umaga mo, kapitbahay--"
"Stop calling me kapitbahay, I have a name."
Umupo naman siya sa harap ko at ngumiti. Sinusungitan ko na nga siya para umalis pero hindi pa rin siya nasisindak ng kasungitan ko. Ano ba 'yan! Andito nga 'ko para mapag-isa at makapagmuni-muni pero mayroon namang asungot dito!
'Gwapong asungot, Sab.' a little voice at the back of my mind said.
I mentally rolled my eyes. Whatever. 
"Sige, hindi na kita tatawaging kapitbahay basta sabihin mo lang sa akin kung ano ang pangalan mo."
Umiwas ako ng tingin at sumimsim sa aking kape. In my peripheral vision, I saw him looking at me, waiting for my answer.
"Sab. Sabrina. That's my name."
"Hmm. Okay. Ako nga pala si Xavier."
Tumango lang ako at hindi na umimik. Hindi ko naman tinatanong, eh. Nang mapansin niyang tahimik lang ako ay nanahimik na rin siya. I sighed and stared at the horizon. While staring at it, I realized something . . .
"Kahit kailan talaga hindi sila pinagtatagpo," bulong ko.
"Baka kasi hindi sila ang para sa isa't-isa," wika ni Xavier.
Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nilalantakan ang kanyang pancake. He smiled at me, and as usual, his eyes were narrowed. 
"What?"
"Sabi mo kasi na kahit kailan hindi sila pinagtatagpo. Kaya sabi ko baka kasi hindi sila ang para sa isa't-isa."
My brows arched. "Bakit? Lahat ba ng pinagtatagpo, hanggang sa huli sila pa rin?"
For a few seconds, he lost his tongue. Nakatitig lang siya sa akin at parang iniisip niya ata ang tanong ko. I shook my head and averted my gaze to the horizon. Pero kahit na hindi sila pinagtatagpo ay maganda pa rin silang tingnan. The blue sky was almost kissing the torquise seas. Although they're just an almost, they're still beautiful.
Almost . . .
I heard him sighed. "Iyon na nga 'yong masakit, eh. Kahit alam na ng tadhana na hindi kayo ang para sa isa't-isa, pilit niya pa rin kayong pinagtatagpo. Alam mo? Hindi ko nga ma-gets 'yong punto na 'pinagtagpo pero hindi itinadahana' kasi alam mo 'yon? Nakakagago lang talaga. Pwede naman na hindi na pagtagpuin ang dalawang tao kung hindi rin naman sila hanggang sa huli, 'di ba?" Umiling siya at humalukipkip. "So fvcking complicated."
I smirked. "You know what? Sometimes I believe that people met not because of tadhana or something. Nagtatagpo ang dalawang tao dahil iyon ang desisyon ng mundo. Maybe that person was meant for you to meet. I also believe that our life is like a book. Sometimes, we tried to write or revise it through our decisions. But God was the editor of that book. Tinatanggal niya 'yong hindi mahahalagang karakter sa buhay mo kasi mas alam niya kung ano ang mas makabubuti sa 'yo. Kaya kahit gaano mo pa ipilit ang isang bagay kung hindi 'yon ang nakasulat sa libro mo, hindi talaga 'yon ang para sa 'yo kahit gaano mo pa kagusto ang isang tao."
Nilingon ko si Xavier na ngayon ay nakanganga lang sa harap ko. Tumikhim ako at napagtanto na iyon na pala ang pinakamahabang sinabi ko simula noong nagkausap kami. Although nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness dahil nga sa nangyari noong nasa bus kami pero mukhang hindi naman siya apektado. Tss. Siguro marami na siyang kinandong kaya hindi siya apektado ngayon.
Tumayo ako at dinampot ang cellphone nang makita kong tumatawag si Angelique sa akin. I heard him calling my name but I ignored him. Lumabas ako ng cafe na iyon at naglakad papunta sa dalampasigan. Inayos ko muna ang suot na beach hat bago sinagot ang kanyang tawag.
"Hala! Ang fresh mo naman po!"
Inirapan ko siya. "Ako lang ito, Angelique."
Humalakhak siya at ipinakita sa camera si Ash kasama si . . . Silver! Oh my gosh, my baby!
"Nasa bahay ka ba?" tanong ko habang naglalakad papunta sa isang open cottage na may limang sun lounger. The other end was occupied by a woman. Hindi ko na siya pinakialaman pa at naupo ako sa kabilang sun lounger. 
"Nope. Hiniram ko muna si Silver."
"What? Hindi ka nagpaalam sa akin, Gel."
Kumunot ang noo niya. "Girl, mukhang nakalimutan mo ata ang text ko sa iyo kagabi pa. Nagreply ka pa nga ng 'sure' eh. Ano'ng nangyari sa 'yo, 'te? May jetlag ka pa ba?"
I don't remember I replied to her last night. I pressed the message button and found out that I really said 'sure' to her. Maybe I was already half-asleep when she texted me. Wala na rin siguro ako sa huwesyo kagabi. Ngumuso ako at ibinalik sa kanya ang atensyon. Hindi na mukha niya ang nasa camera kung hindi si Ash na ngayon ay kinukulit si Silver.
"Itong anak mo, Sab, manang mana sa 'yo. Palagi lang tahimik at parang walang emosyon."
I rolled my eyes. "Mana rin sa 'yo 'yang anak mo. Ang kulit. Hindi marunong tumahimik."
Then we both laugh. Parang mga baliw lang, 'di ba? We talked a lot as if we didn't see each other for a month. Nag-request pa nga siya na i-villa tour ko siya. Pinagbigyan ko na rin kasi ang kulit niya talaga. 
"Ikaw lang ba mag-isa riyan?"
"Yup. Why?"
"Ang laki ng bed mo!"
I smirked and looked at her. "Hindi 'yan kakasya kapag kayong dalawa ni Ace--"
"Shut up, biatch!" she exclaimed.
Humalakhak ako at lumabas. Sumandal ako sa balkonahe habang kausap ko pa rin siya. Her face was red kaya mas lalo ko siyang tinawanan.
"Stop it, Sabrina."
So I stopped. "Ang pikon mo."
"Parehas lang tayong pikon, girl. Tsaka nakakahiya kaya 'yong pinagsasasabi mo! Punyeta ka. Dumaan pa man din si Mommy!"
Kumunot ang noo ko. "As if naman hindi alam ni Tita na hindi ka na virgin."
"Kahit na! Nakakahiya pa rin. Baka sabihin niya ang landi-landi ng anak niya."
"Bakit? Hindi ba totoo? Sino kaya 'yong nanghalik kay Aesaph noon?"
She rolled her eyes and pouted her lips. Tumawa naman ako at in-adjust ang aking cellphone. Actully, their first encounter was kinda epic. Tanga tanga rin naman kasi magplano 'tong si Angelique, eh. Hindi man lang tsinek kung crush niya ba talaga 'yong nasa ilalim ng mistletoe o hindi. Unfortunately, it was Aesaph Rainier, the guy she hated the most. And her current boyfriend.
Her eyes widened a bit when I adjusted the position of my phone again. "Hoy! Teka lang! Ibalik mo sa dating posisyon 'yong phone mo!"
I shifted my weight. "What? Why?"
"May gwapo akong nakita!"
Kunot noo ko namang sinunod ang gusto niya at tumapat naman ito sa villa ni Xavier. There, I saw him holding his camera while capturing some random photos. Nilingon ko siya at sakto namang tumapat sa akin ang camera niya. Napansin kong natigilan siya at dahan-dahang ibinaba ang kanyang camera. Ang kanyang singkit na mga mata ay nakatuon sa akin. I was about to looked away when he raised his hand. Like he was stopping mo to create any movements. Ako naman ay parang  napako sa kinatatayuan at sinunod ang kanyang gusto. 
I saw him smiling a little while capturing me.
Naagaw naman ni Angelique ang atensyon ko nang magsalita siya. I cleared my throat and looked away. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng villa ko at doon ko siya kinausap.
"Girl, sino 'yon?! Himala at hindi ka nagalit nang kuhanan ka niya ng litrato!"
"I don't know him. I was shocked, Gel, kaya hindi ko siya nasaway."
She looked at me with those suspicious eyes and laughed. "Kahit mukha kang mataray, hindi ka naman marunong magsinungaling."
Inirapan ko siya, "Edi huwag kang maniwala."
Inasar niya 'ko nang inasar. At dahil pikon ako ay agad kong pinatay ang video call. I tossed my phone on the bed and sighed. Nang maalala ko si Xavier ay nagpasya akong lumabas. He must delete those pictures! But the moment I opened the door,  I was stunned when I saw a man standing before me while holding his camera. Hanggang dibdib niya lang ako kaya kailangan ko pang i-angat ang tingin ko para makita ko ang mukha niya.
Xavier. . .
"What the hell are you doing here?"
He gulped and handed me his camera. "Gusto ko lang sana ipakita sa 'yo 'yong pictures mo kanina."
Sandali ko siyang tinitigan atsaka bumaba sa camera ang mga mata ko. My lips parted when I saw how beautiful his shots were. It looks like a candid photo, but the angle was so perfect! Pwede ko kaya itong hingin sa kanya? I want to post these pictures on my social media account. 
"It's beautiful . . ." I uttered.
I heard him chuckled. "Syempre, maganda 'yong subject, eh."

Comentário do Livro (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    23/08

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    03/06

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes