logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Iniwan ko na sila Ate Nicole at pumasok sa bahay namin.
Katahimikan, katahimikan ang bumungad sakin pagka pasok ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng bahay at mapait na napangiti.
Sa laki ng bahay namin, ako lang ang nakatira rito.
Napabuntong hininga nalang ako at binaybay ang daan papuntang second floor kung saan naroon ang kwarto ko.
Inilapag ko sa study table ang mga dala ko at pabagsak na humiga sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame nang maramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko at bumalik sakin ang dahilan kung bat nag iisa lang ako sa bahay na'to
Flashback
"Mom, Dad I'm home!" Masayang saad ko at nakangiting lumapit sakanila sa may living room.
I have a good news for them.
"Mom, Dad! With high hon-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng malakas na sampal ang sumalubong sa akin.
Nagulat ako at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuhan ko.
This is the first time na pinagbuhatan ako ng kamay ng daddy ko at hindi ko alam kung anong dahilan o kung saan nanggaling ang galit niya.
"What the hell Shan! Can you please calm down!" Sigaw ni Mommy na agad rin akong nilapitan.
Nagsimulang mamuo ang luha saking mga mata.
What did i do?
"Calm down? Pano ako hihinahon kung malalaman kong hindi niya tinupad ang kaisa isahang hiling natin sakaniya? Ha!?...One wish! Isang hiling lang hindi niya pa magawa! Ga'no ba kahirap ang hiling natin? Eh para rin naman sakaniya yun!" Galit na sigaw ni daddy
Napayuko nalang ako ng mapagtanto ang dahilan ng lahat ng ito.
"You promised to us na tatapusin mo muna ang high school bago ka makipag relasyon pero hindi ako makapaniwala na sa iba pa namin malalaman na sinuway mo kami and what? You are almost 2 years in relationship! My god! You are so great! We are very disappointed with you!" Huling katagang sinambit ng daddy ko bago niya kami iniwan rito sa living room.
Parang nadurog ang puso ko ng marinig ang huling sinabi nito.
'we are very disappointed with you'
Yes, sinuway ko sila... Maagang lumandi ang takteng puso ko pero hindi ko naman pinabayaan ang pag aaral ko.
"I will talk to your dad" nakangiting sambit ng mommy ko bago niya ako tinalikuran at sumunod kay daddy.
Kahit nakangiti, makikita mo sa mga mata niya ang pag ka disappoint.
I'm sorry mom!
I'm sorry dad!
Wala sa sariling umakyat ako sa second floor at tinahak ang daan papuntang kwarto ko.
Agad akong dumapa sa kama ko pagkapasok at doon inilabas ang mga luhang kanina pa nag babadyang mahulog mula sa mga mata ko.
Umiyak lang ako ng umiyak nung gabing iyon hanggang sa makatulog ako.
Pagkagising ko sa umaga, ang bigat ng katawan ko. Ang hapdi hapdi ng mga mata ko at mukhang namumugto.
Kahit ang bigat ng pakiramdam ko ay bumangon ako at ginawa ang morning routine ko.
Saturday ngayon at walang klase. Gusto ko sanang mag stay nalang dito sa kwarto ko pero nagugutom na'ko, hindi pa pala ako kumain kagabi at kailangan kong harapin sila daddy at mommy.
Lumabas ako sa kwarto ko at dumeretsyo sa dining area.
Nakapagtataka at tahimik ang bahay namin ngayon, wala yung mga maid na palakad lakad at naglilinis ng kung ano ano dito sa bahay.
Pagkarating ko sa dining area, nadatnan ko roon si Yaya Sissy na nag aayos ng break fast ko.
"Good morning po Yaya Sissy!" Nakangiting sambit ko at umupo sa isang upuan doon.
"Good morning rin Akira!" Nakangiting sambit nito.
"Bat po wala yung mga maid at sila m-mommy po?" Tanong ko
Napatigil naman ito sandali at malungkot na ngumiti sakin.
"Yung mga maid... Umuwi na sila.... Sila Mommy mo ano... Ahmm kasi ano.." napakagat labi ito tsaka siya napayuko at may dinukot sa kaniyang bulsa.
Isang pirasong papel.
Iniabot niya sakin ito at kahit na nagtataka ay inabot ko ito mula sakaniya.
"Nagmamadali silang umalis kagabi, mukhang may emergency. Ang huling sinabi lang nila sakin, ako na muna raw bahala sayo dahil mukhang matatagalan sila sa pupuntahan nila." Mas lalong napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Yaya Sissy.
Emergency?
Para masagot ang katanungan sa isip ko ay binuksan ko ang papel na binigay sakin ni Yaya at binasa ito.
'Akira, baby... There are emergency in the company. Your brother can't handle it alone so we need to go there and help him. Si yaya sissy muna ang kasama mo diyan sa bahay at mag aalaga sayo. Take care of yourself and dont worry about us. And also dont worry about your dad, i will talk to him okay... We love you...'
-Mommy
"Pero bat po nila pinauwi yung ibang mga maid?" Takang tanong ko kay Yaya Sissy
"Ang sabi ng daddy mo, kailangan mo na raw matuto sa gawaing bahay at hindi raw kita pwedeng tulungan, i guiguide lang kita hanggang sa matuto kana."
"You mean, iiwan mo rin ako kapag natuto nako?"
"Maybe no, maybe yes. Walang nabanggit ang parents mo tungkol diyan."
End of Flashback
After 1 month, bakasyo na nun. Nakipag break sakin ang boyfriend ko nang hindi ko man lang alam ang dahilan. Hindi ko naman sinabi sakaniya ang tungkol sa pagtutol ng pamilya ko sa relasyon namin. Ang tanging naalala ko lang noon ay ayos naman kami, hindi kami nag away pero nakipag meet siya sakin that day at sinabing maghiwalay na kami, i was shock that time. Hindi ko alam kung anong dahilan basta ang naalala ko nalang ay nung tumalikod siya at naglakad papalayo mula sa akin. Hindi ko man lang natanong ang dahilan dahil that day umalis sila sa bansa at tuluyang iniwan ako.
Ang pinagsamahan namin ng 1 year and 6 months ay bigla nalang nawala.
We are started dating at the age of 13, we are grade 8 that time and we are broke up at the age of 15. Mag gragrade 10 na kami that time at hindi ko ineexpect na hindi ko na siya makakasama sa pag pasok sa paaralan at grumaduate sa high school na hindi siya kasama.
Durog na durog ako that time, hindi ko alam na yung mga plano naming magkasama ay hindi na matutuloy, minahal ko siya ng buong buo pero hindi ko ineexpect na iiwan niya rin pala ako. At ang masakit yun ay wala man lang akong kaibigan o pamilyang dadamay sakin. Tanging si Yaya Sissy lang ang naroon para damayan ako pero after 3 months umalis rin siya at iniwan nakong tuluyan mag isa sa bahay na'to.
Mahigit isang taon na rin simula ng umalis sila Mommy at ni minsan ay hindi man lang sila umuwi kahit nung birthday ko, nung Christmas, at nung new year. Tanging sila Kuya Nash, Ate Nicole at ang nag iisang best friend ko lang ang kasama ko sa importanteng araw na yan.
Nag papadala lang sila ng mensahe para kamustahin ako at nag papadala ng perang gagastusin ko sa pang araw araw.
Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Sinumpa ba akong mabuhay ng mag isa sa mundong ito?
Bakit naging ganito ang maayos at masayang kong buhay?
Napabalik ako sa reyalidad ng mag vibrate ang cellphone ko.
'Nandito nako sa labas ng bahay niyo, nasan kana!'
Nakalimutan kong lalabas pala kami ng best friend ko para mamili ng mga gagamitin namin sa school .
Bumangon nako at inayos sandali ang aking sarili bago lumabas ng bahay.
"Ang tagal mo 'teyyyy!" Malakas na saad ng lukaret kong kaibigan.
"Nakalimutan ko eh!" Natatawang saad ko bago sumakay sa kotse nito.
"Tsk... Nga pala anong kinuha mong strand?" Tanong nito habang pinapaandar ang kotse niya.
Yes, siya ang driver. Nasa legal age na siya at may license na rin habang ako 17 years old palang at di pa marunong mag maneho. Pero classmates parin kami dahil nahuli siyang nag aral.
"ABM!" simpleng sagot ko rito.
"Bat ABM? Dika naman magaling sa math ha!" Taas kilay na usal nito.
"Hindi lang naman math ang subject sa ABM at isa pa kahit pumunta ka man sa HUMSS, TVL, STEM, or GAS may math pa rin doon! Dimo matatakasan ang subject na yun!" Mahaba kong saad
"Sabagay, pero ang alam ko ang pinaka main subject nila is Math!" Nakangusong saad nito habang nasa kalsada lang ang atensyon
"Oo, pero gusto ko ring matuto ng math at isa pa nandun yung Business Management! Alam mo namang tayo rin ang mag ma-manage ng ibang business ng parents natin at gusto ko ring magpatayo ng sarili kong business, gusto kong magpatayo ng Bookstore" mahabang usal ko
"Ikaw? Ano bang kinuha mong strand?" Tanong ko sakaniya.
Ngumuso ito at nag mukhang pato ang kaniyang mukha hahaha.
"ABM rin, sila Mommy ang pumili eh tsk!"
"Pero okay na'ko dun, at least same strand tayo... May kasama akong mababaliw sa math HAHAHAHA!"
Napailing nalang ako at ibinaling nalang sa dinadaanan ang aking tingin.

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    Keyclle Tovillo

    success

    07/05

      0
  • avatar
    Zyra

    nexttt ang ganda ng story

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Alodia Rain Paglinawan Salvador

    this is not really good but it's ok

    16/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes