logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Loving You Again

Loving You Again

StupidangManunulat


PROLOGUE

"Oh, mga single diyan gusto niyo retuhan ko kayo?" Natawa ako sa sinabi ng katrabaho ko at umiling.
Kung ano ano talagang kalokohan ang sinasabi nito.
"Aki,'di ba wala ka namang jowa? Baka gusto mo. Para na rin maka-move on ka do'n sa ex mo." Napakagat labi ako sa sinabi ng kaibigan ko habang iniiwas ang tingin. Hays, pinaalala na naman niya.
Isang taon, isang taon na ang lumipas simula nang hiwalayan at iwanan ako ng tuluyan nang lalaking pinakamamahal ko. Isang taon na akong nangangapa ng kasagutan sa mga tanong kung bakit kami humantong sa puntong iyon. Isang taon na rin akong walang balita sakaniya dahil nung araw na nakipag hiwalay siya sakin ay siya rin ang araw ng pag-alis niya papuntang ibang bansa kasama ang pamilya niya.
Bakit nga ba siya nakipaghiwalay? Ang sakit isipin. Nakakatangang isipin na parang ang bilis niyang sumuko sa relasyon namin. Sino ba ang dapat kong sisihin? Sino ba yung nagkulang sa amin? Sino ba yung walang pakialam sa amin?
"Ayoko muna. Masyado pang mabilis para diyan. Saka na siguro,sasabihan ko nalang kayo kapag handa na ako." Nakangiting sambit ko kahit pilit na ngiti manlang ang maipakita ko.
Sobrang sakit ang mga naranasan ko sa oras na iyon at hanggang ngayon ay ramdam ko parin.
Sa isang taon na iyon, patuloy parin akong umaasa na babalik siya at magkakasama kaming muli, ni minsan ay hindi man lang sumagi sa aking isipin na subukang kalimutan siya dahil hanggang ngayon ay hawak hawak ko parin ang putol na lubid na siyang nagdudugtong samin noon. Kahit na matagal ko nang alam na matagal na niyang pinutol ang lahat sa amin ay patuloy parin akong umaasa na balang araw ay babalik siya at pagdudugtungin muli ang lubid na pinutol niya, na aayusin niyang muli ang lahat sa amin.
Sa isang taon na yun ay nilaan ko lahat ng oras ko sa pag aaral at pag susulat ng mga kwento habang naghihintay sa kaniya. Sa pag susulat lang ulit ako nakakaramdam ng kasiyahan dahil dito ko nalilibang at nalalabas ko lahat ng nararamdaman ko habang naghihintay sakaniya.
"Hanggang kailan ka ba maghihintay sa kaniya?" Tanong ng kaibigan kong tumabi sa akin habang ang iba naming katrabaho ay nagkakasiyahan at nag-uusap tungkol sa retuhang magaganap.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung paano ulit ako magsisimula. Kung...paano ko siya makakalimutan. Isang taon palang naman." Yumuko ako at palihim na pinipigilan ang pagluha. Hanggang ngayon kasi masakit parin. Hanggang kailan ba 'ko magdurusa?
"You should forget him. Replace him. Duh! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo,marami pang iba diyan malay mo...hmm...try mo kasi yung reto reto na sinasabi nila." Suggest pa niya pero umiling ako bilang hindi pagsang ayon.
Ang tagal ko nang umaasa. Lumipas ang ilan pang mga buwan saka ko lang napagtanto ang kahibangang ito.
Patuloy parin akong umaasa pero hindi ko aakalain na darating rin pala ang panahon na makakaramdam ako ng pagod sa aking ginagawa. Isang taon narin ang lumipas at ngayon ko lang din napagtanto na masyado na pala akong naging tanga at naging bulag sa katotohanan na wala na ang aking hinihintay, na baka may iba na siya kaya niya ako iniwan at 'di na binalikan. Isang taon na akong naghihintay sakaniya pero kahit na balita man lang sakaniya ay wala akong natatanggap at naririnig. Isang taon narin ang lumipas, siguro kailangan ko ng tumigil sa kakaasang babalik pa siya, siguro oras na rin para pag aralan kung paano siya kakalimutan dahil nakakapagod na rin palang mag hintay sa isang taong walang kasigaraduhan kung babalik pa ba. Tama na ang isang taong nilaan ko para hintayin siya, kailangan ko na sigurong isara ang libro kung saan naroon ang aming kwento dahil paano ko pa nga ba ito itutuloy kung wala na siya sa tabi ko. Kailangan ko na rin sigurong mag bukas ng panibagong libro kung saan dito ko isusulat ang bagong kwento ng buhay ko nang wala siya sa piling ko. Bagong kwentong hindi na siya ang leading man ko.
"Sabi sayo maghahanap ka rin ng magiging jowa mo e." Natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Naghahanap kami ng masasakyan ngayon pauwi.
"Hindi naman agad agad. Oo,na-realize ko na lahat pero...siyempre ngayon na natuto na 'ko,kailangan ko nang rendahan ang puso ko dahil baka...alam mo na mahirap nang masaktang muli sa isa pang pagkakataon. Mahirap mag-move on." Naiiling kong sambit at sumakay na sa tumigil na taxi sa gilid ng kalsada.
Nagsusulat ako ng mga istoryang magaganda ang wakas. Pero sarili kong istorya wala manlang masayang nangyayari. Puro ata luha ang mayroon ang sarili kong kwento. Hindi ko alam kung kailan darating ang sinasabi nilang prince charming ko. Ang tagal ko nang naghihintay pero hanggang ngayon,wala parin siya.
Sana,kapag binuksan kong muli ang panibagong pahina ng aking buhay ay maiba naman ang istorya at sana kapag nabuksan ko na 'yon ay wala na ring luhang papatak gaya ng gusto kong mangyari. Siguro naman hindi na siya babalik kaya panahon na rin para buksan ko ang puso ko para sa iba. Bigyan ng pagkakataong magmahal muli pero hindi na sobra para hindi na rin umasa.

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    Keyclle Tovillo

    success

    07/05

      0
  • avatar
    Zyra

    nexttt ang ganda ng story

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Alodia Rain Paglinawan Salvador

    this is not really good but it's ok

    16/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes