logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"AJ, hawakan mo muna 'tong serum na ilalagay ko sa mukha mo." Sabi ni ate habang pinagmamasdan yung mukha ko. "Itong mga acne marks mo medyo nagla-light na, maybe 2 to 3 months mawawala na yan." Nakangiting sabi n'ya.
"Ate, bakit naman 2 to 3 months pa." I stuttered.
"Tiis ganda lang AJ," She chuckled. "At saka kung hindi mo naman ginamit yung mga skin care na binebenta nung ale hindi naman magkakaganyan yung mukha mo eh, pft." Napailing nalang s'ya at nilagyan na ako ng serum sa mukha.
"Eh kasi naman, effective naman kasi sa iba pero bakit sa akin hindi." Pagmamaktol ko pa, lalo naman s'yang natawa sa inaasta ko.
"Kahit kailan ka talaga, napaka childish mo kapag kami yung kausap or kasama mo, pero kapag ibang tao na akala mo araw araw kang may menstruation pft."
"Ayoko lang talagang nagtiwala sa iba ate."
"Ayaw mong magtiwala sa iba pero..." Putol na sabi n'ya kaya napakunot yung noo ko.
"Pero ano ate?" Nakakunot pa rin ang noong tanong ko.
"Pero ro'n sa ale nagtiwala ka agad pft!" Pang-aasar n'ya pa kaya napanguso nanaman ako.
"Ate naman!" Pagmamaktol ko kaya lalo s'yang napailing habang natatawa.
"Matulog ka na nga, pft."
"Hindi pa ako inaantok eh." Nakangusong sabi ko.
"Bawal kang magpuyat." Ma-autoridad na sabi n'ya, bumagsak naman yung balikat ko at humiga na agad ako.
Kapag pinapa-iral ni ate yung pagiging ate n'ya sa akin wala na talaga akong nagagawa.
"Ay, nakalimutan kong itanong kay ate yung tungkol kanina kay kuya, bukas na nga lang." Bulong ko sa sarili ko.
Pagkahiga na pagkahiga ko ay dinalaw na agad ako ng antok kaya nakatulog na agad ako.
"Anak?"
Naimulat ko agad yung mga mata ko ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses.
"Mama?" Sagot ko habang kinukusot-kusot pa yung mga mata ko.
"Gising na, anong oras ka nanaman ba natulog kagabi ha?"
Bumangon agad ako at ngumuso sa kan'ya.
"Si mama naman, hindi ko lang naman namalayan yung oras kaya 4:30 na ako nakatulog eh." I stuttered.
"Oh siya, sige na bumangon ka na riyan, ala-una na oh, mahaba haba na yung tulog mo." Bumangon na ako sa pagkakahiga at niyakap s'ya ng mahigpit. "Siguro kaya ka nagla-lambing kasi malapit na yung birthday mo 'no?" Sinabi n'ya at tinignan n'ya ako ng mayroong mapang-husgang tingin.
"Hindi kaya mama, I just really want to hug you right now." I stuttered.
"Ay sus, sige na nga oo na nga lang." Pang-aasar n'ya pa, hindi ko nalang yon pinansin at hinigpitan nalang lalo yung yakap ko sa kan'ya.
"I love you mama ko." Sabi ko na mayroong matamis na ngiti sa labi.
"I love you too baby girl ko." Hinalikan n'ya ako sa noo pagka-sabi n'ya non.
"Mama naman, I'm not a baby girl anymore." Pagmamaktol ko.
"Eh, basta, for me, you're still my baby girl." Nakangiting sabi n'ya sa akin.
Bumangon na ako at dumeretso na sa Cr, nagpa-alam naman muna si mama dahil tatawagin n'ya lang daw muna si tito sa labas dahil naglilinis ng kotse n'ya.
Pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa may bedside table ko at pinagmasdan yung picture naming tatlo nila tito, mama, at ako.
Para kasing may nagsasabi sa aking hindi na namin mauulit yung moment namin nila mama na ganon.
Kinuha ko naman yung kwintas ko na binigay sa akin nila tito at mama, may pendant 'yon na infinity, sabi nila mama infinity daw yung pendant kasi sumisimbolo raw 'yon ng pagmamahal nila sa akin.
Habang sinusuot ko yung kwintas ay narinig ko na yung boses ni Tito sa baba.
"Thalia anak! Baba na! Kakain na tayo."
Bumaba naman agad ako dahil nagugutom na rin ako.
"Pababa na po!" Malakas na sabi ko para hindi na nila ako paulit-ulit na tawagin.
Pagka-baba na pagka-baba ko ay dumeretso agad yung tingin ni tito sa kwintas na suot ko, ngumiti naman agad s'ya ng matamis sa akin.
"Sabi na nga ba't babagay sa'yo yung kwintas na 'yan eh." Nakangiting sabi n'ya kaya ngumiti rin ako sa kan'ya.
"Thank you nga po pala dito sa kwintas tito."
"Oh anak, upo ka na." Sabi ni mama pagkapasok n'ya sa kusina, may hawak s'yang buttered shrimp, na-excite naman tuloy agad ako dahil sa nakita ko.
"Alam kong favorite mo 'yan nak, kaya 'yan yung pinaluto ko sa mama mo." Nakangiting sabi ni tito.
"Eh? Si tito naman, ang sweet mo talaga, thank you po." Nakangiting sabi ko at hinalikan s'ya sa pisngi.
"Oh, nasaan din yung kiss ko?" Kunwaring nagtatampong ani ni mama.
Lumapit naman ako sa kan'ya at hinalikan din s'ya sa pisngi.
"Syempre, mawawalan ba naman ng kiss galing sa akin yung mama ko? I love you ma! Thank you rito." Nakangiting sabi ko.
Umupo na kami at sinimulan na yung pagkain.
Habang kumakain naman kami ay parang bigla nalang akong nag-crave sa french fries.
"Mama?"  Malambing na tawag ko sa kan'ya, lumingon naman s'ya agad sa akin. "Pwede ba akong magluto ng french fries?" Nakangiting sabi ko sa kanila, naglalambing.
"Mamayang hapon nalang, may pagkain ka naman na ngayon eh."
"Mama sige na." Pagpupumilit ko pa.
"Mamayang hapon na."
"Mama please."
"Sige na magluto ka na." Napatingin ako kay Tito ng magsalita s'ya, nakangiti s'ya sa akin, saglit naman akong napatingin kay mama. "Sige na dali, akong bahala sa'yo sa mama mo." Nakangiting sabi ni tito.
Tumayo na ako at dumeretso sa kusina, kinuha ko ka-agad yung french fries na nasa loob ng refrigerator.
Habang binubuksan ko yung stove ay bigla akong may naamoy na parang gas pero ipinagsa-walang bahala ko nalang iyon.
"Tito!" Tawag ko kay Tito ng hindi bumubukas yung stove namin.
"Bakit yon Thalia?" Pumasok agad si Tito sa may dirty kitchen namin pagkatawag na pagkatawag ko sa kan'ya.
"Ayas pong bumukas ng stove, wala na po atang gas." Sabi ko sabay turo sa stove namin.
"Patingin nga ako." Pumunta si Tito sa tapat ng stove. "Bakit ganon? Parang may nangangamoy na gas?" Kunot noong tanong n'ya. "Thalia anak, paki-tingnan nga kung sa labas iyon." Utos n'ya sa akin. Agad ko namang sinunod yung utos ni Tito.
Pagka-labas ko ay may naamoy nga akong gas na galing sa labas, kaya sinabi ko ka-agad iyon kay Tito.
"To! Sa labas nga po yung nangangamoy." Malakas na sabi ko at uminom muna ng tubig na nakalagay sa lamesa.
Pagkakuha ko ng baso ay nagulat ako ng bigla nalang iyon dumulas sa kamay ko at nalaglag, pupulutin ko na sana kaso biglang dumating si mama at pinigilan ako.
"Thalia anak, ako na r'yan, baka masugatan ka pa."
Habang pinupulot ni mama yung mga nabasag na baso ay nagulat ako ng bigla nalang akong nakarinig ng pagsabog.
Pagka-tingin na pagka-tingin ko sa kusina ay natulala ako dahil nakita kong nilalamon na ng apoy yung kusina namin, lalo naman akong natulala ng makita ko si mama na papunta ro'n, hindi ako makagalaw, para akong biglang pinako sa kinata-tayuan ko ngayon.
'Thalia! Ano ba! Gumalaw ka r'yan, tulungan mo sila mama at Tito mo!' Pagpapa-galit ko sa sarili ko.
Humugot ako ng lakas para makagalaw ako sa kinata-tayuan ko.
"Mama! Tito!" Tatakbo na sana ako papalapit sa kanila ng bigla nalang may bumagsak na kahoy na merong apoy sa harapan ko.
"Mama! Tito!" Lumuluha ng sigaw ko.
"Anak!" Narinig ko yung boses ni mama na para bang nanghihina na s'ya. "Anak! Lumabas ka na, iligtas mo ang sarili mo!" Napailing ako sa kawalan ng marinig ko 'yon.
"Hindi mama! Hindi ko kayo iiwan dito! Kasalanan ko kung bakit kayo nandyan sa kalagayan n'yo ngayon, gagawa ako ng paraan para maligtas kayo." Parang tangang sabi ko sa kan'ya.
Kukuha na sana ako ng towel na basa para pumasok doon sa loob pero bigla nalang akong nakarinig ng may paparating, that's a fire truck, nabuhay yung natitirang pag-asa ko ng makita ko sila sa tapat ng bahay namin.
"Ija! Lumabas ka na r'yan!" Malakas na sigaw ng lalaking pumasok sa loob ng bahay namin.
Nang dahil na rin sa sa makapal na usok ay inu-ubo na ako at hindi na makahinga.
Bigla nalang akong nawalan ng Malay dahil sa panghihina ko.
***
"Thalia, anak." May narinig akong boses na nag-e-echo sa likuran ko kaya napalingon ako.
"T-tito?" Medyo blurred pa yung mukha n'ya pero na-boses-an ko na s'ya ng tawagin n'ya ako ulit.
Tumakbo ako papalapit sa kan'ya at niyakap s'ya ng mahigpit.
"Mahal na mahal ka ni Tito, anak ko." May nakita akong luha na bumagsak sa mga mata n'ya kaya nahawa na rin ako.
"Tito, sorry po, kasalanan ko po kung bakit nangyari sa inyo yung nangyari kanina." Lalong humigpit yung yakap ko.
"Wala kang kasalanan anak." Napalingon naman ako sa likuran ko ng marinig ko yung boses ni mama.
"M-mama?" Niyakap ko rin naman s'ya agad. "Mama ko sorry po, sana hindi nalang ako nagpumilit na lutuin yon." Lumuluhang ani ko.
"Wala kang kasalanan anak, mahal na mahal ka namin ng Tito mo." Sabay nila akong niyakap at hinalikan sa ulo kaya napa-pikit ako.
Maya maya pa ay dumilat na ako at pagdilat ko ay wala na akong nakitang iba, ako lang, nag-iisa, walang ibang kulay kung hindi puro puti.
"Mama! Mama ko! Nasaan ka na‽" Halos mawalan na ako ng boses kaka-sigaw ng ganon. "Tito! Tito!" Tuloy tuloy na yung luhang bumabagsak sa mga mata ko.
"AJ!"
"AJ, wake up."
"Thalia ija, gumising ka na, nananaginip ka lang."
Bigla kong namulat yung mga mata ko at nakita kong nasa kwarto ko na ulit ako.
"Thalia." Niyakap ako ni papa ng mahigpit pero nakatulala lang ako.
"N-nangyari n-nanaman." Nasabi ko nalang sa kawalan.
'Nangyari nanaman yung pinaka-ayokong mangyari sa lahat, ayoko ng ma-alala yung nangyari noon, ayoko ng ma-alala pa na ako yung naging dahilan kung bakit sila nawala, kung hindi lang sana ako naging makulit nung mga oras na 'yon eh 'di sana nandito pa sila, eh 'di sana buhay pa sila.
"Anak." Naririnig mo ba si papa? Hmm?" Hinawakan ni papa yung mukha ko at pinatingin n'ya ako sa mukha n'ya, bigla ko namang nakita si Tito kaya bumagsak na ulit yung mga luha sa dalawang mata ko.
"T-tito? T-tito, I-i'm really sorry, h-hindi ko p-po sinasadya.
"T-thalia, a-anak, s-si papa 'to." Para namang gumising yung mga natutulog kong diwa ng may makita akong luhang bumagsak sa mga mata n'ya.
"P-papa?" Ngumiti naman agad sa akin si papa ng makita n'yang bumalik na ako sa reyalidad. "P-papa, s-sorry po, kasalanan ko kung b-bakit si n-nawala." Doon ko nalang ulit naramdamang tuloy tuloy na palang tumutulo yung mga luha sa dalawang mata ko.
"Shh, AJ ija, that's not your fault, hmm?" Napatingin ako kay Tita ng bigla s'yang magsalita, nakangiti s'ya sa akin ngayon kaya kahit papa-ano ay gumaan-gaan naman yung pakiramdam ko.
"AJ?" Napatingin ako sa may pintuan ng marinig ko yung boses ni ate. "AJ, how are you?" Halata sa boses ni ate na pinapalakas n'ya lang yung loob n'ya para maka-usap ako.
Ganyan silang lahat, kapag napa-panaginip-an ko yung nangyari noon, pilit nilang pinalalakas yung loob nila para makaharap sa akin, kahit ramdam na ramdam kong nanghihina na silang makita akong ganito, kasi sabi ni papa sa akin dati... Kailangan nilang maging malakas kasi in case na humina ako, sa kanila ako pwedeng kumuha ng lakas.
Isa sa mga dahilan kung bakit lagi akong pinipilit nila papa at kuya na magpa-MRI scans and complex memory test, dahil ayaw na nilang paulit-ulit kong ma-alala yung mga nangyari noon, ayaw na nilang makitang nahihirapan ako kapag na-a-alala ko 'yon, ayaw na nilang paulit-ulit kong sisihin yung sarili ko  dahil sa nangyari kila mama at Tito.
'Pero... Tama naman 'di ba? Kasalan ko lahat ng 'yon?'
'Minsan nga napapa-isip ako...Tama pa nga bang ipag-pilitan ko pa rin yung gusto ko? Or maybe it's time na para yung naramdaman naman nila papa, tita, kuya at ate naman yung isipin ko.' Nasabi ko nalang sa isip ko habang yakap yakap ako ni ate at naka-tulala pa rin sa kanila.

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Jessica montabon

    sobrang GandA

    6d

      0
  • avatar
    Angie Dodge Cruzado

    wow nice hmm.

    17d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes