logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

4

"Huwag mong pakinggan si pangit. Guys like him should never get a second chance," sabi ni Ravier pagkaalis ko ng seatbelt.
Gabi na at siya ang nag-volunteer na maghatid sa akin. Hindi na ako nagulat na hinintay pa kami nito dahil lagi siyang bored sa buhay. Kaya kahit mas nauunang matapos ang klase niya, hinihintay niya pa rin kami ni Ryla kaya nakaka-libre ako ng pasahe lagi.
Sinuot ko ang aking bag. "Wala naman talaga akong balak, salamat sa paghatid 'wag ka na namang tanga sa pagmamaneho," makahulugan kong sabi bago tuluyang bumaba.
Marami na 'yang ticket galing sa mga pulis sa dami ng nilabag niyang batas trapiko. But of course he paid them all to avoid going to jail, the perks of being rich. Sana all.
Mayaman naman ako, hindi lang kasing yaman nilang dalawa. 
Wala na akong narinig na sinabi nito at tanging tunog ng kanyang sasakyan papalayo ang aking narinig. Hindi na rin naman kasi ako nag-aksayang lumingon.
Bukas ang mga ilaw sa loob ng bahay kaya baka dumating si Tita Sabel, sana lang hindi na naman niya ako bungangaan katulad ng lagi nitong ginagawa.
"Talaga? Pakisabi sa mama mo na pupunta kami." Rinig kong sabi ni Tita, may kausap ba siya sa telepono?
Dahan-dahan kong sinara ang pinto para hindi ko siya maabala at makatakas sa kanya kahit ilang saglit lang. Ngunit paglingon ko sa sala, napahinto ako sa aking nakita.
They both looked at me. "Oh, nandiyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay," Tita Sabel said.
My eyes were on Fabius who is sitting casually in the chair while looking at me innocently.
What is he doing here?
"Halika rito't may pag-uusapan tayo," tawag sa'kin ni Tita habang sinesenyasan niya ako gamit ng kaliwa niyang kamay para lumapit.
Kahit tutol ako sa presensya ng lalaki, tahimik akong lumapit sa kanila kahit ramdam kong sumeryoso ang buo kong mukha.
"Siya ang sinasabi ko sa'yong makakasama mong mag-martsa sa kasal," she said and looked at me. "Mara, naalala mo ba si ate Iona mo? Ikakasal na siya sa kuya nitong si Fabius kaya dumaan ako para ibigay ang invitation card. Sinama ko na rin siya kasi dito muna siya pansamantala habang inaa--"
"Anong sinabi niyo?!" pagpuputol kong sabi na nagpakunot sa noo ni Tita.
Teka, anong makakasamang mag-martsa sa kasal? At tama ba ang huli kong rinig? Dito muna siya? Hibang na ba sila?!
She glared. "Hahaha... oo, dito muna siya dahil malaki naman ang bahay mo kasama ng ilan niyang kaibigan na dadalo sa kasal kaya 'wag kang mag-alala. Ilan na nga kayo ulit iho?"
"Lima po," sagot niya na may ngiti sa labi.
Burahin ko yang ngiti niya, eh papansin.
"Mukha naman po siyang mayaman bakit hindi na lang sila mag-hotel?" inis kong sagot.
Mukhang hindi inaasahan ni Tita ang sinabi ko dahil sinamaan niya ako ng tingin kahit na patago niya itong ginagawa.
I don't care if she yells at me later because I can take it, but live with them? Hell no! Mamatay muna ako bago makasama ang mga katulad nila!
Kung bakit naman kasi nasa States itong si Tita noon at siya lang ang hindi nakakaalam ng relasyon na meron kami nito.
Malakas na hampas ang natanggap ko kay Tita sa braso na halata namang pekeng tawa ang pinapakita. "Ikaw talaga! 'Wag mong pakinggan itong pamangkin ko, mahilig siyang mag-joke. Hindi ba Mara?"
I rolled my eyes. "Do I sound like I'm kidding, Tita? Kung dito lang din sila titira doon muna ako kayla Ravier hanggang wala na sila rito."
Padabog akong tumayo at umalis sa sala. Hindi ako marunong makipag-plastikan sa katulad niya. Kung dati natitiis kong magpatawad agad noon, pwes ngayon hindi na. Masyado na akong tanga kapag ginawa ko pa 'yun.
▪▪▪
"Mara, mag-usap tayo," sabi ni Ate Iona na talagang sinama pa ang magiging asawa nito.
Oo nga pala, nakalimutan kong sila pa rin pala hanggang ngayon. Edi sila na may forever.
I stopped. "Sige, pero aminin mo muna sa'kin Ate. May alam ka ba patungkol sa kapatid niyan?" seryoso kong tanong.
Napakagat siya sa ibabang labi kaya tanging pag-iling ang aking ginawa. Mukha ngang may alam siya.
Lahat na lang ba ng mga taong pumalibot sa akin noon ay sinungaling?
Kahit si Ate Iona na mula't sapul nagpakilala kay Fabius, tapos ngayon malalaman kong ikakasal na siya? Sa kuya pa ng lalaking 'yun? What a perfect timing.
"See? May alam ka pero pinag-mukha mo akong tanga. I adore you both and yet you lied?" Nararamdaman ko ang muling pagbigat ng dibdib ko.
Ako na lang ba lagi ang maga-adjust? Kailangan ko ba talagang lunukin lahat ang mga pangyayari na parang wala lang?
Like come on... para silang pagkain na mahirap isubo.
"Pati ikaw Kuya, nagpanggap kang patay na nga talaga siya at ako namang tanga naniwala agad. Nakita niyong dalawa ni Ate ang pinagdaanan ko. Nakakainis lang dahil hindi niyo man lang ako sinabihan. Dinisregard niyo ang feelings ko, bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko at hindi pa ganoong nagtatagal! Tapos ngayon gusto niyo akong kausapin dahil pinaglalapit niyo kami ulit?!" sigaw ko na naging dahilan upang bumuhos ng tuloy-tuloy ang aking luha.
How could they pretend nothing has happened?!
They saw me suffer at a very young age! I even almost died but what are they doing? Are they making a move to get me closer to him again?
He cleared his throat. "Hindi namin sinabi sa'yo dahil 'yun ang hiling ni Fabius, we want to but we can't," pagpapaliwanag ni Kuya Dan.
Invalid reasons! Fuck them.
"Kaya ngayong bumalik siya inaasahan niyong matatanggap ko siya agad? Do I have to always adjust? Do I always have to adapt? Do I still have to suffer just to make you all happy? Paano naman ako?! Tangina. Mag-isa na lang ako sa buhay na dapat hindi! Kasi kung tutuusin dapat kasama akong namatay sa loob ng bahay na 'yun! But what did I do? Pumunta ako sa Maynila na parang tanga! Tapos... tapos..."
Looking and remembering the past hurts so much that I can even kill myself now just to ease the pain.
Tanggap ko na, eh! Tanggap ko na wala siya kasi 'yun ang nakatatak sa utak ko for many years!
But in an instant my life looks like a joke to them and they are selfish for them to think that I would forgive them, him.
They looked at me like I could hear their apologies and even if I could, I wouldn't dare to accept them because I have had enough already.
Hindi ko kayang sikmurain ng ganun kabilis ang lahat. No. Never.
"If I die this time, remember it's all your fault because you all killed me," tanging sabi ko bago lumabas ng bahay.
I don't care if Tita Sabel overheard the conversation because I have nothing more to lose. A few years ago, I lost my family but especially old Xiomara who should never come back.
Paglabas ko, bumungad sa akin si Ravier na nakatitig sa direksyon ko. Wala itong salita na binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan kaya doon ako naglakad.
Before I could get in the car, he put a white cap on my head that can cover my eyes.
"Hinihintay ka ni Ryla sa bahay." Wala akong imik na tumango bilang sagot.
I still feel relieved to have friends like them that I can go to when I need it most. Dahil kung wala, baka wala na talaga ako rito noon pa.
Tahimik kaming umalis sa bahay. Ramdam ko pa ang lamig ng kamay ko habang naka-yuko ako't nag-iisip kung ano na ngayon ang aking gagawin. Akala ko malakas na ako dahil nagbago ako para sa ikabubuti ko, pero akala ko lang pala.
If I'm strong, I wouldn't cry and run away. I'd act like nothing happened, but I can't. At the end of the day, I am a cry baby.
Hanggang sa pagbaba namin ng kotse, nakayuko lang ako habang nakaalalay sa tabi ko si Ravier. Nahihiya akong makiusap sa kanila kagabi kung pwede ba akong tumira muna sa kanila pansamantala. Pero ang sinabi nila lagi akong welcome sa bahay dahil silang dalawa lang naman sa bahay bukod sa mga kasama nilang kasambahay.
Ryla gave me a hug when she saw me, which made me feel so emotional. I couldn't take the pain, I wished I could be numb to adjust to events I didn't even expect.
"Gumawa si Ravier ng sushi, kumain ka muna," sabi ni Ryla pagkalas ko ng yakap.
She wiped away my tears and smiled at me. Nagugutom ako kaya sumama ako sa kanya nang magsimula itong maglakad papunta sa dinning area ng malaki nilang bahay. They saved me again.
May nakalapag na pagkain sa mesa at hindi lang sushi ang mayroon dahil maraming samu't saring pagkain na nakahanda. "May bisita ba kayo?"
"Oo, ikaw kainin mo lahat 'yan ah, luto lahat 'yan ng alien." Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain, mukhang nag-improve ang cooking skills nitong si Ravier ang ganda kasi ng plating na kahinaan niya.
"Alam mo? Ang sama talaga ng ugali mo, kapatid ba talaga kita?" iritang saad ni Ravier. Pinaupo muna ako ni Ryla bago sagutin ang kakambal niyang nasa likuran namin.
I heard a tsk. "Hindi ko rin alam kasi pakiramdam ko anak ka ng kung sino mang naninirahan sa Pluto, alien ka, tao ako."
"Ano? Tae? Grabe ka sa sarili mo pangit na nga tae pa? Don't be harsh to yourself sis masyado kang umaamin."
"Bastos ka! Nakita mong kakain si Mara tapos nagsasalita ka nang mga salitang ganyan? Ayaw mo atang pakainin ang bisita natin!"
"Hello? Hindi pa naman siya kumakain diba Mara?"
"Aish! Doon ka na nga! Wala kang ambag! Shoo!"
"Eh? Ako nga ang nagluto saan doon ang walang ambag? Baka ikaw."
Pinakinggan ko na lang ang away na naman nila habang kumakain ako. Aaminin ko gutom ako kasi hindi ako kumain kagabi pati kanina. Buti na lang talaga at walang pasok ngayon kasi hindi ako makaka-concentrate sa klase.
Tinignan ko sila't binatuhan ng mangkok sa gitna nila.
"Shut up, respetuhin niyo ang bisita at pagkain."
▪▪▪
Tanging pagtitig sa kisame ang aking nagawa. Dito ako sa kwarto ni Ryla nakiki-tulog kasi gusto niya akong katabi. Akala ko makakatulog ako agad dahil sa aking pag-iyak, pero hanggang akala lang dahil kahit saglitang pagpikit hindi ko magawa.
Bukas man ang mga ilaw sa kwarto dahil takot ako sa dilim, pakiramdam ko binabangungot ako nang mga ala-ala noon na kinalimutan ko na.
"Hindi ka makatulog?" Napalingon ako kay Ryla na nakatitig na pala sa akin kahit na mukha itong inaantok.
"Nagising ba kita?" Umiling siya at umupo sa kama.
Uupo na rin sana ako pero hindi niya ako hinayaan, dahil lumapit siya sa akin at niyakap ako habang ito'y nakaupo.
"Matulog ka na may pupuntahan tayo kasama si alien bukas," mahina niyang bulong.
Sinimulan niyang paglaruan ang buhok ko para siguro makatulong sa aking pagtulog. Lagi niya itong ginagawa kapag hindi ako agad makatulog sa malalim na pag-iisip. Ganito raw kasi ang ginagawa ng mommy niya, kayla Ravier kapag hindi sila makatulog sa gabi.
Yumakap ako sa bewang nito, magmula nang maging kaibigan ko sila hindi na nila ako pinapabayaan. Para na nga akong kapatid sa kanila kasi sila ang takbuhan ko. Kaya ganun na lang ang pasasalamat ko na dumating sila sa aking buhay noong gusto ko na lang tapusin ang lahat.
"You can cry and ease the pain for a while, but you can't live if you can't forget the past. Sinabi sa'min ni dad na ayos lang namang umiyak para mabawasan ang sakit pero tinanong niya sa amin. Kung iiyak ka lang kailan ka pa sasaya? Kailan mo makikita ang purpose mo sa mundo kung hanggang pag-iyak lang ang kaya mong gawin?" Tumigil siya saglit at bumuntong hininga.
"Those questions hit me hard dahil katulad mo, iyakin ako. He told us that even though we cry, we should at least do some action little by little to grow taller too and think about what we should do next. We shouldn't be hard on ourselves because we deserve more than that." I can feel her sincerity, that side of her can't be seen every day.
Nahihiya siya na ipakitang nag-aalala ito sa akin dahil katulad ni Ravier, they don't let me be sad for long because they joke to make me forget the thoughts on my mind.
My hug tightens. "Paano kaya kung hindi kayo sumulpot noon, ano na kaya ang nangyari sa akin? Buhay pa kaya ako ngayon?"
"Oo naman, ikaw pa ba. Sumulpot kami kasi 'yun ang sabi ng tadhana. Siguro binulong niya kay Ravier noon na pumasok sa eskinita kasi nandoon ka at kailangan mo kami. Tiyaka tama na ang pag-iisip matulog ka na, baka gusto mong kantahan pa kita?" Tumawa ako sa sinabi nito pati rin siya kaya tahimik na lang akong pumikit.
I'm stuck between wanting to go to the past to make things right and just forgetting about it because if that event doesn't happen in my life, I wouldn't meet those who have saved my life without expecting something in return.
"Matulog ka na,'wag kang maglalaway ha."

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes