logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

Maaga akong gumising since I need to prepare our breakfast at kagaya ng napag usapan namin ni Khalil sasamahan ko siyang kumain ngayong umaga
I was about to enter the hospital premises when my phone rings. Napairap ako habang nag hahanap ng pag papatungan ng dala kong pagkain bago kinuha ang phone ko para sagutin ang tawag
[Good morning po Ma'am Chloe. The designs you requested yesterday for the past 3 years are already here. I was actually thinking kung anong oras po kayo makakarating ngayon?] napabuntong hininga nalang ako dahil sa narinig ko
"Tell him to leave my office now! Ang kulit kulit talaga ng lalaking yan" diretsong sabi ko sa secretary ko ng marinig ko ang pag rereklamo sa kabilang linya
[Pinapaalis na naman ako? Hindi ako aalis!magiingat nga ako! Wala akong gagawing masama Chloeeeeeeee] sigaw nito kaya natawa ako. Nakarinig ako ng kaluskos, pinag aagawan na naman siguro nila yung phone
[Maam ayaw ho ee. Paano po ang gagawin ko?]
"Pabayaan mo na. Kakausapin ko nalang pag punta ko dyan" and with that I ended the call
"Good morning po Mam Chloe" bati sakin ng security guard ng hospital kaya nginitian ko siya
"Good morning din po kuya. Umuwi po ba si Daddy kahapon?"
"Hindi po mam sa Opis na naman po natulog si Ser"
"Salamat po kuya, una na po ako" nag dire-diretso ako sa front desk sa nurse station para manghingi ng update directly sa nurse na naka assign kay Khal para malaman ang nangyayari kay Khalil sa mga oras na wala ako
"Ang gwapo ng nasa room 401. Hahatidan ko sana ng pagkain kanina kaso masungit, pinaalis ako" sabi ng isang nurse pag karating ko ng front desk
"Psycho ata" kumento naman ng isa
"Tingnan natin mamaya kung totoong bula-"pinutol ko na ang pinag usapan nila ng tanungin ko ang nurse na nakaassign kay Khalil
"How's the patient in 401 doing?" tanong ko dito dahilan para mapatigil sila sa pag uusap at maituon ang mga atensyon nila sakin
"He keeps on asking what time is it na po Ma'am and he constantly push the nurse button din po the whole night just to ask for the time. Di po siya na niniwala na gabi na which is very difficult for us explain kasi may attitude po Sir pag babae ang kumakausap" Gusto kong matawa pero di ko ginawa. He was very much like that nung nasa college kami.
"Pero nakatulog naman po siya ng mga around 3 am kaso nagising din po ng maaga Ma'am. Ichecheck ko po kasi yung IV niya ng 6 am pero gising na po siya" sabi nito kaya agad akong nag alala halos wala na itong tinulog and those changes will surely affect him in the long run kung mag papatuloy ito sa ganito.
Kailangan ng katawan niyang maka recover pero mahihirapan siya kung kukulangin siya ng pahinga dahil sa changes na kailangan niyang makasanayan
"Don't let anyone except you, the doctors assigned and me to enter his room specially when he's asleep okay?" sabi ko saka nagsimulang mag lakad at bigla akong huminto dahil ng may muntik na akong makalimutan
"Nga pala, the next time you talk about your patient, make sure na di ko kayo maririnig ha? The least thing you want in this world is pissing me off kaya trabaho ang atupagin niyo" giving off a wicked smile, dali dali silang nag tanguan sakin
"Naiintindihan niyo?" mataray kong tanong sa kanila
"Yes po Maam" sabay sabay nilang sagot kaya nag lakad na ako kung nasaan ang room ni Khalil
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siyang nakaupo sa bed niya. I smile as I go near him
"You're here" bungad ni Khalil sakin
"Ay wala pa, kaluluwa ko lang to" inirapan ko lang ito kahit di niya naman nakikita yung ginawa ko
"Pilosopo. Bad mood?"
"Hindi. Medyo lang, nga pala nakalimutan kong"
"Nakalimutan mong alin?" tanong nito sakin kaya natawa ako
"Batiin ka, Duhhhh"
"Birthday ko ba?" takang tanong nito sakin
"You seriously think of that? Good morning Khal" sabi ko saka inilapag ang dala kong pag kain sa table kung saan kami kakain
"Good morning lang pala kala ko kung ano" simpleng sagot niya sakin kaya nginitian ko nalang siya
"Your body clock is a mess" mahina pa akong na tawa nang sabihin ko yun. Nagkibit balikat naman siya bago sumagot
"I don't know why though, Anong pagkain natin CJ?"
"Secreeeeet" sabi ko saka siya inalalayan pa tayo pero nag hehesitate pa din ito na umalis sa hospital bed niya
"Alam mo CJ, minsan ang sarap mong kausap, minsan naman wala kang kwenta kausap"
Ako pa ang walang kwenta kausap? Siya nga itong panay ang tango at iling nagreklamo ba ako?
"Hoy! Mga salitaan mo Khalil ah! Hindi na nakakatuwa tinuruan ba kita ng ganyan?" namewang pa ako sa harapan niya
Doing this gestures kahit di niya naman nakikita make me think of myself as stupid
"See? san mo ba napupulot yang mga salita mo CJ? Para kang laboy sa kanto" sabi niya kaya halos lumaki ang butas ng ilong ko sa inis
"Ikaw! Sobra kana ha! Matapos mokong sabihang walang kwenta kausap ngayon laboy naman sa kanto? Juskong bata na to" labas ilong na sabi ko kay Khalil habang ginugulo ang buhok ko
"Hahaha ilang taon kana ba kasi?"
"23 na ako no" taas noong sagot ko sa kanya
"Ahhhhhh, akala ko 13"
"Bwiset ka talaga!" pinag papalo ko siya sa sobrang inis
"Awts nagagalit ang bata"
"Aalis na ko! magutom ka dyan! Bata pala huh?!!" padabog akong naglakad palayo sa kanya
"Iiwan mo akong gutom?" hayop na to nangonsensya pa. Bumalik ako para alalayan siya kaso mukhang ayaw naman niyang bumaba
"Natatakot ka ba?" tanong ko sa kanya pero umiling naman siya
"Dapat lang no! Ang lakas lakas mong mangasar dyan eh" inirapan ko nalang siya ng tawanan niya ako
"Tara! dun tayo sa Mesa kakain. Mag katabi naman tayo kaya ayos lang yun wag kang mag alala dyan, andito naman ako" tumango naman siya saka niya ibinaba ang paa niya sa sahig
"Hindi naman ako natatakot psh"
"Aba't pumapalag pa. Iba din talaga amats mo boy"

Comentário do Livro (81)

  • avatar
    Calix Bril

    ganda

    4m

      0
  • avatar
    AcebedoJessiett

    Lou

    15d

      0
  • avatar
    Ooh Yas

    can you give me a 10000 quins

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes