logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 7

HENTAKI
I  check the time on my phone. It's already four thirty o'clock in the afternoon. I thrust my fingers on my hoodie's pocket.
Isang malamig at maulan na hapon na naman.
Bakit ba kasi palagi nalang?
Mabuti nalang nakapagdala ako ng payong.
"Oi Chul!" Sigaw sa akin Raph kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Oh?"
"Mauna kana dahil kami 'yong na-assign diba? Bakit ka pa kasi na iba ka sa amin tsk! Umuwi ka na!" At pinagtabuyan nga niya ako. Tinutukoy ni Raph ay iyong cleaning assignment sa computer laboratory. Ngayong araw ang schedule nila.
Naglakad ako sa walkway palabas ng mataas na paaralan ng sekondarya ng Manfort. Sa may kalayuan ay may nakita akong pamilyar na pigura na katulad ko ay nag-iisang naglalakad pero wala siyang dalang payong. Tinakbo ko ang basang kalsada para maabutan ko siya. Wala akong pakialam kahit maputikan ang slacks na suot ko o masira ng dulo ng tictac ko.
"Xylene!" Tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Bakit ka nagpaulan?" Tanong ko pa sa kanya.
"Wala akong dalang payong." Simpleng sagot niya sa akin.
Hinawakan ko ang hoodie niya at basa nga ito. May nakita ako sa di kalayuan na waiting shed na marami ring sumisilong bagamat may espasyo pa.
"Silong muna tayo?" Baling ko sa kanya at tanging tango lang ang sagot nito sa akin. Sumilong kami at hinihintay na tumila ang ulan.
Habang nakatingin sa kalsada na binaha dahil umaapaw ang tubig na galing sa kanal, sunod-sunod na bahing ang naririnig galing sa katabi ko. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Nanginginig ito at nakayakap sa kanyang sarili. Napabuntong hininga ako at agad na hinubad ang jacket ko.
"Hubarin mo nga ang suot mo."
"Ha?"  Gulat na tanong niya sa akin. Teka nga bakit dito? Madaming tao. Tapos ipahuhubad ko pa siya. Taena nakakahiya.
"Nevermind tara pumunta muna tayo sa isang shop." Napahiyang usal  ko.
Naglakad kami sa gilid ng kalsada patungo sa isang shop. Nilusong ang may bahang kalsada.
Pagdating namin sa isang branch ng Tracey Outdoors ay agad kaming sinalubong ng owner ng shop.
"Yuki! Girlfriend mo?"
"Tito naman!"
"Nagtatanong lang."
"Tito pwede po bang maki-cr?"
"Oo, pero ewan niyo nalang ang payong mo." Dagdag niya pa at ngumiti ng nakakaloko tsaka pumasok sa loob. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Issue masyado.
Napatingin ako sa kasama ko at bumabahing parin. Hinila ko siya sa harapan ng  cr.
"Palitan mo ang basang pang itaas mo and then take my jacket." Wala siyang imik at sinunod ang sinabi ko. Bumalik ako sa pwesto namin kanina na may bench at lamesa. Maya-maya pa ay bumalik si Xylene, malaki nga ang size ng jacket ko sa size niya. Cute niyang tignan. Parang musmus na binalot ng jacket ng magulang niya.
Naghintay kami nang ilang oras sa shop pero hindi parin tumila ang ulan. Kaya makisabay nalang kami kay tito. Alas-siyete na ng gabi pero hindi parin tumigil ang ulan.
"Paano ba 'yan? Oh hija natawagan mo naba ang 'yong magulang mo?"
Natauhan ako't kinuha ang phone ko. Then the urge that made me dialed manong Belyot's phone number to informed him tho it's not my responsibility to informed him but I'm concerned for Xylene.
"Oh? Hijo bakit napatawag ka?" Bungad niya sa kabilang linya.
"Kasama ko po si Xylene. Pero ihahatid po namin siya diyan."
"Naku hijo, baka magalit si Sir kapag malaman niyang lalaki ang kasama ni Xylene. Siguro doon nalang ako maghihintay sa bahay niyo." Tsaka pinatay ang phone sa kabilang linya.
"Yukii maghintay lang kayo diyan, mga isang oras." Sabi ni Tito at tumalikod sa amin. Napapatitig nalang kami sa likod niya habang siya'y pumasok sa loob ng shop.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin. Pero nagpapasalamat ako sa utak ko nang may pumasok na ideya sa aking isipan. Just to lessen the awkward atmosphere between us.
"Nanonood ka nang anime Xy-lene?"
Tango lang ang sagot niya.
"Ah. Anong paborito mong panoorin?" pinagpawisan ako habang binibigkas ko iyon, tila ay salungat sa panahon na malamig.
Mahirap siyang kausapin.
"D-detective Conan."
Sagot niya, hindi man lang siya nag-abala na lumingon sa akin.
"Ah.. action pala ang gusto mo. Pero trust me maganda to!" Pagmamalaki ko sa kanya at ipinakita ko ang anime na tinutukoy ko. Napilitan siyang panoorin ang anime na sinabi ko at tinanggap ang isa sa earphones ko. I can't focus on watching, because my heart beat is loud.
Ki mi no nawa o Your name sa ingles.
Ang kwento ay tungkol sa isang taga siyudad na binata na si Taki na gumising sa isang araw sa katawan ni Mitsuha.
Habang nasa kalagitnaan ng panonood namin ay nakasandal na siya sa akin.
Taena. Lalaki pa ako pero nag-aapoy sa init itong magkabilang tainga ko. Kinilig ako sa posisyon namin. Kahit simpleng kilos niya ay iba ang epekto sa akin. Maya-maya ay sinusundot niya ang braso ko gamit ang daliri niya. Then she muttered something that makes my heart jump out of my rib cage. Another form of her cuteness.
"Fluffy Arms."

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    Marjorie Mendoza

    very nice

    27/07

      0
  • avatar
    Janah Chato

    cool

    25/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes