logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 Body Language

SABADO ngayon at mag-isa kong binabaybay ang National Book Store para bumili ng libro. Pumunta ako sa Pop Fiction books section at namili ng magandang piece na babasahin. Pero, nahirapan ako dahil puro lang naman romance iyong nakikita ko, I want something new and gusto ko mag-explore ng ibang genre na babasahin.
Hm, what about this book kaya?
"His Untold Feelings by G. Lopez," sambit ko sa writer ng nobela. "Maganda kaya 'to?"
"Maganda iyan," may bigla namang nagsalita sa likod ko at pamilyar siya sa akin. Wait, Renz?
"Uy, Renz! Anong ginagawa mo dito?" Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa kinuha niya iyong dalawa pang libro na gawa rin ni G. Lopez, series na pala. Iyong pangalawang libro ang title ay 'Until When' at iyong isa naman ay 'Can you feel it'.
Binigay niya sa akin at libro at ginulo iyong buhok ko. "Ako na magbabayad niyan, libre ko since mabait ako ngayon." Kulang na lang yakapin ko siya para pasalamatan. Dali-dali ko naman siyang sinundan sa counter habang may malaking ngiti sa labi.
"Welcome back, Sir!" Bati ni Ateng na cashier. Tinititigan ko lang si Renz at kinunutan ng noo.
"Palagi ka pala pumupunta dito?" Tanong ko habang parang aso na nakasunod sa kaniya hanggang makarating siya sa labas. Pumunta kami sa isang Cafe na puwede tambayan sa katabi ng bookstore at doon ko na niya ako hinayaang basahin ang mga libro.
Ginulo lang niya ulit ang buhok ko. "Dami mong tanong," napasimangot ako kasi ilang oras kong pinag-effortan na ayusin ang buhok ko tapos guguluhin lang.
"I'll just order us coffee. Anong sa'yo?"
"Caramel iced coffee na lang," he just nod and left me alone in the table. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng coffee shop. So far maganda ang place at peaceful talaga siya. Babalik ako dito kapag may oras ako.
Kung may oras pa ako.
I open the book and starts to read the synopsis about the story. I took a deep breath first and read. "I love her but she didn't know. Kilala niya ako as a bully niya but little did she know that it's my way para mapansin lang niya," my brows knitted. The story is somehow familiar.
Or maybe because I read a lot of these kind of plot. But at the same time though, there's something in me that believes na pamilyar talaga siya. And it's like dejavu, parang nangyari na sa akin. Lol, as if it really happened.
"Bakit parang napaka-familiar ng story?" Sakto namang bumalik si Renz dala ang kape. I thanked him and continue to read the story without glancing him.
I read the story with my eyes and lean a little on the chair.
"I'm Ziv and I'm inlove with her."
"Eversince in the beginning, mahal ko na siya. It all started when I bullied her and I did hurt her feelings with my action. To be honest, I regretted it and up until now hanggang tanaw lang ako sa malayo. I want to apologize but I can't go near her without bullying her. I am bully and everyone knows it. Siguro naman it's too awkward if I'll go near her and beg for her apology. Everyone will know and they might make fun of me."
Naka-focus lang ako sa binabasa ko. Hindi ko na nilingon pa si Renz. Masyado akong nadala sa bida ng kuwento. Naramdaman ko ang gustong iparating ni Ziv sa babaeng gusto niya. Kahit na man siguro sinong bully ganito rin ang gagawin nila. Minsan kasi they express thier feelings through action, iyong nga lang they can't express it properly.
It took us an hour na nakatambay sa coffee shop. Tapos ko ng basahin ang unang libro ng kwento. Even Renz was amaze on how fast I read. Ganito talaga ako, I can read fast and understand it clearly lalo na kapag tahimik at walang sagabal.
"Bakit ganoon ang ending ng story? Bakit hindi niya sinabi? Chance na niya to confess yet he still bullies her, sinaktan pa. Kung sana sinabi lang niya ang totoo edi sana baka may pagkakataon pa!" I was frustrated. Napakatorpe naman kasi, kainis!
Tumawa lang si Renz sa naging reaksiyon ko sa binasa ko. He was amuse seeing me annoyed. And for some reason, seeing him smiling makes me happy. I stared at him for no reason.
Nang napansin niyang nakatitig ako ay natahimik naman siya. He fake cough and look away. Shit, bakit ba kasi tinititigan ko siya!
Umiwas din ako ng tingin.
"A-ano baka may gusto ka pang bilhin I'll just wait here," he said without making an eye contact. I chewed my bottom lip and stand up awkwardly.
Nagpaalam muna ako na pupunta ako ng cr.
Nang nasa loob na ako ng cubicle ay napatulala ako. Nagre-replay kasi sa utak ko iyong tawa niya. Actually, it's the first time na nakita ko siyang tumawa. Iyong tunay na tawa, hindi iyong peke.
Kadalasan kasi nakikita ko siyang tumatawa pero hindi umaabot sa mata niya iyong saya.
Bumuga muna ako ng hininga at kinalma ang sarili. Siguro naman nanibago lang ako o hindi kaya na-surprise.
I inhale deeply.
It's okay, it's normal to be surprised.
Pagkatapos ko pakalmahin iyong puso ko ay lumabas na ako at naghugas sa faucet. Pinatay ko na rin pagkatapos at tumitig sa salamin. I didn't know but biglang nag-flashback lahat ng nangyari noon sa akin. Iyong binubully pa lang ako ni Renz hanggang nag high school kami. Saglit akong natulala at napa-isip.
"What if ako iyong bidang babae sa kuwento?" Pero what if hindi rin? Argh, ang gulo! Malabong ako iyon. Assuming ko naman para isiping ak o iyon. At isa pa, malabong si Renz iyong writer sa librong iyon. Wala sa hitsura eh.
Napa-iling na lang ako. Crazy.
Inayos ko muna ang sarili at lumabas. Nadatnan ko si Renz na may binabasa na libro. Siguro, masyado akong natagalan at naisipan na lang niyang magbasa. I fake cough to get his attention. But, there's a girl who unexpectedly appear out of nowhere at nagpa-picture sa kaniya.
Celebrity pala 'to?
Wow, sana all.
Halos ilang minuto muna ang tinagal muna nila. There talking about something but I just ignore them. Ayoko rin namang maki-usyoso sa iba dahil para sa akin nakakabastos iyon. Hindi rin ako ugaling chismosa. Umalis na si girl kaya lumapit na ako sa kaniya. Umupo ako and I piled up the books and look at him. Nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin.
I raise my brow.
"What?" Then I put the books in my bag. He just shrug his shoulder and shake his head. "Wala," he give me a meaningful look and smile sheepishly.
Ano na naman kayang katarantaduhan ang iniisip nito? Tiningnan ko lang siya ng nakakunot ang dalawa kong kilay. "Ano nga?!" Mahina kong singhal.
He laugh at my sudden reaction, tawang-tawa pa. "Street foods tayo, libre ko."
-
Alas kwatro na ng hapon nang matapos kami sa street food namin kuno. Siraulo talaga kahit kailan. Well, hindi lang naman basta food trip ang nangyari, sumakay kami ng rides sa Vikings.
Kain pa kami ng kain tapos sinuka ko lang.
Tawang-tawa pa siya dahil mahina daw sikmura ko. Eh hayop din! Hindi naman kasi siya nagtanong sa akin kung okay lang ba sa akin. Biglaan na lang niya akong dinala sa Vikings.
Sa dami ng rides na sinakyan namin para akong na-rape. Pagod na pagod ako walanghiya!
Ang ending para akong lantang gulay na walang kabuhay-buhay. Sa susunod talaga hindi na ako magtitiwala sa kahayopan ng siraulong 'to. Pero, aaminin kong ang saya ko kanina. Iyong feeling na pakiramdam mo malaya ka. Kahit na tili ako ng tili kanina at panay ang tukso niya masayang-masaya pa rin ako. Kahit na ilang mura pa ang ibato ko sa kaniya ay tawa lang siya ng tawa.
Huminto muna kami sa isang bench sa park at umupo. Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari noong nakaraan. Iyong muntikan na akong mamatay.
Nang napansin niyang nakatulala ako ay kinalabit niya ako. "Hoy, okay ka lang?" Doon ako nabalik sa reyalidad. Ayan, kung anu-ano kasi iniisip.
Nginitian ko lang siya. "Okay lang ako, may naalala lang."
Tinanguan niya lang ako at humilig siya sa hamba ng bench. Pumikit siya habang may ngiti sa labi. Humilig din ako at tumitig sa kulay kahel na kalangitan.
"Salamat," napalingon naman ako. Ano raw? Para saan?
"Para saan? At hoy, ako dapat nagpasalamat sa iyo 'no!" Pabiro ko siyang tinulak. Ngumiti lang siya sa akin at nagdilat ng mata.
He look at me with a smile in his lips. "Salamat kasi pinagbigyan mo ako sa araw na ito. Kahit na pinagmumura mo ako pero ang saya ko."
I make face and tease him. Pinagsusundot ko naman siya sa tagiliran at panay naman ang ilag niya sa akin. Ang ending edi naghabulan kaming dalawa na parang bata.
Nang mapagod kami ay napa-upo na lang kami sa bermuda grass at nakatingin sa palubog na araw. Kung noong nakaraan ay mag-isa ako, ngayon may kasama na ako. Pero huwag kayong ma-iisue! Wala naman talagang meaning iyon.
Huwag kayong aangal, tusokin ko mata niyo!
I stare at his perfect side view. Tangos ng ilong ah. Sana all! I averted my gaze and look in the sunset. Nagreplay naman sa utak ko iyong kanta na pinakinggan ko noong nandito ako.
Nakatanaw sa malayo
Hindi ko makalma ang puso
Binabagabag mo ang sistema ko
Nais ko mang lumapit
Ngunit takot ang nasa isip
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Nang bumalik iyong tingin ko kay Renz ay nakatitig din siya sa akin. Iyong hindi ko talaga naiwas iyong tingin ko. I feel like para akong dinaga habang nakatitig sa kaniya. It's looks like we're both lost in the midst of our own feelings.
Aaminin ko, mas nalilito ako sa mga kinikilos ko at sa nararamdaman ko. Everytime that were together I feel like I was complete. I forget that I am alone. Nalilimutan kong malungkot ako. Being in his side makes me feel different. Iyong uri ng pakiramdam na gugustohin kong maranasan lagi.
Sabay nalang kaming nag-iwas. Tumayo na ako at namagpag. Ganoon din ang ginawa niya. We bid farewell on each other and wave.
Dahil nga magkaiba kami ng route ay mag-isa akong umuwi. Alas-sais na at madilim na ang bawat kantong nadadaanan ko. Hindi naman ako natatakot kasi sanay na ako sa ganitong oras umuuwi, minsan pa nga alas-diyes.
Paliko na sana ako sa oanghuling kanto bago ko marating ang bahay namin ng sumulpot si Noel, iyong ex-boyfriend kong anak ni Aling Fe.
"Kamusta? Ginabi ka ah!" Isang nakakakilabot na ngisi ang namutawi sa labi niya. Bahagya lang akong napa-atras habang hawak ang laylayan ng bag ko. May inilabas naman siyang patalim sa bulsa niya kaya mas lalong nagawala iyong puso ko sa kaba.
Umatras lang ako ng umatras. "Diyan ka lang!" Sigaw ko.
Hindi siya nagpatinag at mas lalo pang lumapit sa akin. Napunta kami sa medyo tagong lugar at akmang tatakbo ako nang mahawakan niya ang kamay ko.
"Bitiwan mo ako! Tulong!" Pero sinuntok niya lang ako sa tiyan kaya napa-aray ako. Nanghina ako agad dala na rin sa pagod. Doon na ako napaluhod at pinantayan niya naman ako. Mas lalo siyang ngumisi ng mala-demonyo.
"Akala mo siguro may tutulong sa'yo? Wala, walang tutulong sa'yo. Kita mo naman-"
Isang bulto naman ang nagpatumba sa kaniya. Hindi ko na magawa pang iangat ang ulo ko dahil masyado akong nanghina. Pakiramdam ko parang mawawalan na ako ng malay.
Sinubukan kong tumingala at gayon na lang ang gulat ko ng Makita ko si Renz na binubugbog si Noel. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pader upang kumuha ng suporta. Halos hindi na mahitsura iyong mukha ni Noel dahil wasak na ito. Hindi ito nakabawi kay Renz.
Pero teka, akala ko ba umuwi na siya?
Nang matapos si Renz ay hinawakan niya ito sa may bandang leeg at kwinelyohan. May kung ano siyang sinabi kaya kumaripas ito ng takbo. Mabilis namang lumapit sa akin si Renz at inalayan ako. Napayakap na lang ako at humikbi sa bisig niya.
"R-renz. . ."
"Shh, nandito ako okay? Okay na, wala na siya." Niyakap niya lang ako ng mahigpit hanggang sa tumahan ako. Umupo muna kami sa may gater at pina-inom niya ako ng tubig upang kumalma.
"Umuwi ka na. . . ihahatid kita," umiling lang ako. "Huwag na, malapit lang naman. Kaya ko na."
He let out a deep sigh and nod as a approval. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo nang tinawag niya ako.
"Lyrae?!" Lumingon naman ako. "Bakit?" He jod our distance and hug me tightly. Napayakap na lang ako pabalik sa kaniya. Hinalikan niya ang toktok ng noo ko na siyang ikinagulat ko.
He held my hands and stare at me.
"Tandaan mo lagi na nandito lang ako. Tandaan mong hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Huwag mong dibdibin ang mga problema kasi nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan. Dalawa tayo sa mga laban mo. Hindi kita iiwan, pangako."

Comentário do Livro (40)

  • avatar
    InotMariel

    Live your life to the fullest! Don't think that no one love's you because there's some people out there who concerned about you. commiting suicide is indeed not a solution to everyone's problem.

    13/08/2022

      1
  • avatar
    Gian Ray

    good story

    21/07

      0
  • avatar
    Ciare Ong Lee

    ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    12/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes