logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Saved

Nagising na lang ako na maliwanag ang buong paligid. Nasa langit na kaya ako? Mali, walang magsu-suicide na napupunta sa langit.
Kinusot ko ang mata ko at nag-adjust sa liwanag dahil sobrang silaw nito sa mata. Nang makita ko na ang kabuoan ay doon ko napagtantong nasa hospital ako.
At dinala pa niya talaga ako dito?
Tumawa ako ng pagak. Bakit pa siya nag-abala kung noong nakaraan ay balak niya pa nga akong lunurin sa cr? Ano na naman 'to? Magbait-baitan siya?
Bumukas ang pinto ng aking kaarto at pumasok roon si Eman. Nasa mata niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid.
"Kamusta ka?" Iyon agad ang bungad niya pagkalapit sa akin. I just stared at him for long and thinking if what if one day there's no Eman who stays by my side, makakaya ko kaya?
"Lyrae?"
"Okay lang ako, Eman." Bumuntong hininga na lang siya at ginulo ang buhok niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Lyrae, kilala kita. Anong nangyari?"
Doon na ako nanlumo at bumuhos ang luha ko. "Alam ko naman Eman eh! A-alam ko naman na sising-sisi siya na nabuhay ako. . .p-pero masakit pa rin! Masakit pa rin iyong sasabihin sa iyo na sana hindi ka na lang nabuhay! Masakit iyong sasabihan ka ng malandi mismo mo pang nanay! Masakit na iyong inaakala mong iintindi sa iyo ay siya pa iyong dudurog sa iyo! Alam ko galit na galit ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay! Kaya ko nga iyon ginawa 'di ba kasi gusto ko ng mamatay! Pero, bakit niyo pa ako dinala dito Eman?! Sana pinabayaan niyo na lang ako!"
"Lyrae,"
"Please, tama na ayoko na! Parang awa niyo na sana pinabayaan niyo na lang ako!" Niyakap niya ako ng sobrang higpit nang makitang wasak na wasak ako. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kinasusuklaman ko.
"A-anak," akmang lalapit siya sa akin ng pinigilan ko siya dala sa matinding galit at sakit na nararamdaman ko.
"Diyan ka lang!" Sigaw ko. "Huwag na huwag mong tangkain na lumapit sa akin! Hindi ba gusto mo naman na mawala ako edi sana pinabayaan mo ako doon!"
"Anak. . . Lyrae,"
"Wala kang anak. Hindi ba't iyan ang sinabi mo?! Wala kang anak na malandi?! Kaya utang na loob umalis ka na! P-parang a-awa mo na,"
Dumugo naman ang sugat ko kaya nataranta si Eman. Umalis muna si Eman at nilapitan ang nanay kong walang ibang inaalala kung hindi ang reputasyosn at ang sarili niya. Pinalabas muna niya ito at kinausap. Pagkabalik niya ay doktor na iyong kasama niya. Tiningnan nito at sugat ko at ginamot ulit. Nasa gilid ko lang si Eman na alalang-alala sa akin habang ang doktor naman ay nagmatyag lang sa akin. Wala lang akong imik na nakatitig sa kawalan.
Pagod akong kausapin sila.
Nang natapos ang doktor ay nagpa-alam ito sa amin. Tumango lang si Eman at hinatid Ito sa pinto. Ilang minuto muna ang tinagal nilang dalawa bago ito pumasok ulit. Lumapit siya sa akin at tinititigan lang ako. Yumuko ito at umiiyak.
Napabaling naman agad iyong atensiyon ko sa kaniya. "Eman, bakit ka umiiyak?"
"Bakit mo naman kasi ginawa iyon Lyrae? P-paano na lang kung hindi ako tinawagan ng mama mo? Paano na lang kung hindi kita naabutan?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumanaw na lang sa bintana. "Iyong nga ang gusto ko eh, hindi pa natuloy."
Ilang sandali pa ay umupo siya sa hospital bed at hinawakan ulit ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. "Bakit?"
Para siyang bata na nagpahid ng luha at ngumiti sa akin. "Alam mo ba kung bakit takot na takot akong mawala ka, Lyrae? Kasi importante ka sa akin,"
Nangunot naman ang noo ko. "Ano ba'ng pinagsasabi mo, Eman?" Parang sira 'to.
"Remember year 2016? Sa VSMMC, isang hospital sa Cebu? Ako iyong lalaki na nagpapapansin sa iyo, iyong magkapatid na nahuli mong nakatingin sa iyo,"
"Ano?!" Iyon na lang nasabi ko. Tiningnan ko siya at hindi makapaniwala sa nalaman. So, this means that the boy who I have a crush for a long time is. . .Eman.
Siya pala iyon.
Nagkuwento pa siya kaya umayos ako ng pagkaka-upo upang makinig sa kaniya. Bigla akong na curious sa biglaan niyang confession.
"That time na nakita mo kami, muntikan din akong mamatay sa araw na iyon. Pagkatapos kong malaman na nawalan ng heartbeat si mama ay tumakbo ako palabas ng hospital at muntikan ng mabundol ng isang kotse. Pinagalitan ako ni Kuya at dinala sa lugar kung saan tayo nagkita noon. Panay ang pangaral sa akin ni Kuya pero hindi ako nakikinig sa kaniya. All of my attention is on you. Cute mo kasi noon when you struggle on how to tied up your hair without looking in the mirror. Tumigil naman si Kuya at sinundan ng tingin iyong tinititigan ko, binatukan pa ako kasi ngiti daw ako ng ngiti na ngiti. Pero inakbayan naman niya ako tapos sinabihan ng nagpasalamat siya sa iyo kasi nakangiti na ako at hindi na umiiyak. Maya-maya noon ay tumawag iyong uncle ko tapos sabi niya okay na raw si mama. Ang saya ko noon tapos nasabi ko na lang na ikaw iyong angel in disguise sa buhay namin. Gumaan ang loob ko dahil sa iyo.Kaso bigla kang nawala, umalis ka noong lalapitan na sana kita para tanongin ang pangalan mo. Kaya ayon, importante ka sa akin kasi kung hindi pa ako naabutan ng Kuya ko at dinala doon baka patay na ako ng maabutan niya. Isa pa, ikaw iyong naging lakas ko sa oras na iyon habang wasak na wasak ako. Kaya importante at mahalaga ka sa akin, Lyrae."
Nagkatinginan lang kami. Pino-proseso ko lahat ng sinabi niya kinalaunan natawa. Medyo korni man pakinggan pero na-touch ako.
I also held his hand and smile at him. "Thank you," nasabi ko na lang.
Nagsalita naman ulit siya. "Kung dati tinulungan mo ako, ngayon naman ako naman iyong tutulong sa iyo. It's my duty since I need to do so," pabitin pa niyang sambit sa akin. I just wonder why he's acting like this?
Weird.
"Hindi mo naman obligado na tulungan ako eh. Wala naman akong naitulong sa iyo dati," ngumuso ako at nag-isa ng isang kilay.
"Obligado ako Lyrae. Kasi. . .paano na lang kung mawawala ka? Edi binali ko iyong pangako ko dati. I won't let that happen Lyrae because-"
"Excuse me, Mister Emannuel Jestin Fabiano. May I speak to you please?" Naputol naman iyong sasabihin sana niya ng magsalita iyong doktor. Tumalima na lang si Eman at nagpaalam.
Pagkabalik niya ay binalitaan niya agad ako na puwede na akong lumabas. Sinabi na rin niya sa akin na bayad na daw niya ang hospital expenses. Nagtalo pa nga kami kasi nakakahiya naman iyon, pero wala akong nagawa kasi matigas talaga iyong bungo ni Eman. Hindi na lang ako nakipagtalo sa kaniya.
Lumabas na kami at tudo kantyaw naman iyong mga nurse sa labas. Iyong tingin nila kulang na lang sabuyan kami ng confetti. May iba kinilig, iyong mga matatanda naman umiirap lang. But, I must admit that I'm blushing right now.
Geez!
Pagkasakay namin sa kotse ng Uncle niya ay sobrang tahimik lang namin. Maya't-maya kasi itong bumabaling sa amin kaya nagiging uncomfortable ako. Tumingin na lang ako sa bintana habang nasa byahe. Pagkadating namin ay nagpasalamat muna ako sa Uncle niya. Masyadong kasing nakakahiya iyong siya na nga nagbayad sa hospital bills tapos siya pa iyong pinagmukha naming driver.
Eto rin kasi si Eman, hindi rin sinabi sa akin kaagad!
Tanging ngiti lang at tango ang tugon ng Uncle niya. I waved them a goodbye at lumabas na. Nakatingin lang ako sa papalayong kotse nila. Iyong si Aling Rosa naman ay talagang nilapitan ako, umandar na naman pagiging chismosa.
"Inday, sino iyon? Mukhang mayaman ah," ngumiti lang ako ng tipid bago siya sinagot.
"Kaibigan ko po."
"Ay! May kaibigan ka pa lang mayayamanin? Naku, imbitahan mo sa bahay minsan!" Tumawa naman ako ng peke. Gold digger mo masyado Aling Rosa, for sure ipapa-jowa niya sa pamangkin niya para magkapera. Tsk.
Hinarap ko iyong matandang hukluban. "Aling Rosa, hindi ko po pini-perahan si Eman. Opo mahirap kami pero hindi ko iyon gagawin sa isang kaibigan," saka ko ito iniwan at deritsong pumasok ng bahay.
Nadatnan ko naman iyong butihin kong ina na nagluluto. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok sa loob. Sakto namang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko naman ito.
Si Eman pala.
"Hello, Eman? Napatawag ka?" Bungad ko dito.
[Nasa loob ka na ba? Kumain ka na?] Napa-isip naman ako kung magsisinungaling ba ako o hindi.
"Tapos na-"
[Ako ba inuuto mo?] Sabi ko na eh! Hays.
"Oo na, hindi pa. Mamaya na siguro," humiga ako sa kama at inunan ang kamay ko, iyong walang sugat. Tumahimik naman iyong kabilang linya. "Eman?"
Bumuga muna ito ng hininga bago magsalita.[Naalala mo iyong sasabihin ko sana sa hospital?] Tanong pa niya. Napa-isip naman ako bago nagsalita. Teka, saan ba doon?
"Hindi ko naalala eh. Alin doon?"
It took many seconds of pause before he answered my question that made me shock.
[I am obligated to you because you are important to me, Lyrae. I'm scared to loose you because I love you. Dati pa lang mahal na kita. Ngayon pa ba kita papakawalan na nagkita ulit tayo? Nah, I won't do that, never. If loving you selfishly is a crime then, I'm guilty."
"I'm inlove with you and I'm proven guilty."

Comentário do Livro (40)

  • avatar
    InotMariel

    Live your life to the fullest! Don't think that no one love's you because there's some people out there who concerned about you. commiting suicide is indeed not a solution to everyone's problem.

    13/08/2022

      1
  • avatar
    Gian Ray

    good story

    21/07

      0
  • avatar
    Ciare Ong Lee

    ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    12/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes