logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Chapter 3:
Erisso
Josephine's POV
Di ako makapaniwala nasa ibang mundo nga ako. Pero paano nangyari yun? Di naman ako gumamit ng time machine o kung anong bagay mapateleport ako rito. Paano ang pag aaral ko? Si Hanna? Naku sigurado nag alala na sya sa akin. Parang mababaliw na yata ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.
"Binibini, ayos lang po kayo? Kanina pa kami nag alala sa inyo." Saad ni Romel na kanina pa silang naguguluhan sa akin.
Ok, Josephine, kumalma ka muna. Sabi ko sarili ko. Sasabihin ko ba sa kanila? Baka di sila maniwala sa akin pero subukan kong kumbinsihin sila baka sakali lang. Mahirap na maglihim sa kanila. Humarap ako sa kanila na naghihintay sila sa akin.
"Baka kasi hindi kayo maniniwala sa akin sa sasabihin ko." Sabi ko na may pag-aalinlangan.
Nagtinginan muna silang dalawa bago sila nagsalita.
"Subukan po namin makinig sa sasabihin nyo, binibini." Pagsang ayon ni Romel.
"Ahh... pwede bang huwag niyo na akong tawagin 'binibini' masyadong pormal kaya kung pwede 'ate Josephine' na lang tawagin nyo sa akin?"
Tumango naman si Mira. "Kung iyan ang gusto nyo, bini- ay ate pala. Hihi."
"Salamat. Ganito iyon. Hindi ako taga dito sa Erisso- ang ibig kong sabihin sa mundo na ‘to. Naku, paano ko ito maipapaliwanag.” Napasapo ako sa aking mukha dahil mahirap pala ito kaysa sa inaasahan ko. “Basta taga ibang mundo ako kung saan yung lugar ko ay tinatawag na Pilipinas. Ganito ang kasuotan ko, may mga iba't ibang lenggwahe, at makabagong kagamitan." Paliwanag ko.
Ok? Sa itsura ng magkapatid ay halatang di nila ako nage gets sa mga nabanggit ko.
"Basta malaking pagkakaiba sa mundo nyo sa mundo ko. Hindi ko nga alam kung paano nangyari pagpunta ko rito sa Erisso eh." Dagdag ko pa.
Nagkaroon tuloy ng katahimikan. Naku, paano na ito? Nag cross arms si Romel na parang nag iisip pa sya.
"Anong… nangyari sa iyo bago ka po napadpad sa Erisso?" naalinlangan tanong nya.
"Ang naalala ko lang ay nalunod ako sa ilog pagkatapos nagising na lang ako na nandito na ako.” Bigla kong tinaas ang mga kamay ko. “Alam kong mapapakaalam nyo ako na baliw pero totoo ang sinasabi ko." Depensa ko.”Saka-“
"Kumalma ka lang, ate. Sa tingin po namin di ka naman nagsisinungaling po." malumanay sabi ni Mira.
"Talaga?" gulat ko.
Tumango silang dalawa.
“Pero-“
“Sa lugar na ito, maraming kababalaghan nangyayari kaya di na kami nabigla pa nung sinabi nyong taga ibang mundo po kayo.” Paliwanag ni Romel.

Nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin parang nasa enchanted place pala ako.
"Salamat naman kung ganon."
"Pero kailangan natin pumunta sa bayan para makabili ng susuotin nyo po. Baka may makakakita sa inyo at mahuli ka ng mga kawal dahil lang sa kakaibang kasuotan nyo at mapapakamalan ka pa nilang espiya ng mga kalaban." Saad nya pa.
"G-ganon?."
Grabe kakaiba nga rito parang bumalik ako sa lumang panhaon.
- Sa bayan ng Erisso
Wow, ganito pala ang bayan ng Erisso. Ang lawak at napakaganda dito. Parang katulad sa mga napapanood kong fantasy at historical movies. Makulimlim nga lang dito kaya medyo malamig. May mga nagtitinda din dito ng mga gulay at prutas, may nag peperform sa kalye, kalesa pa yung sasakyan dito, mapapansin rin na yung kasuotan ng mga tao dito ay makaluma din at iba pa.
"Ate, isara nyo po yung bibig nyo baka may papasok na insekto dyan." Natatawang sabi ni Mira.
Di ako sumagot dahil abala pa ako sa kakatingin sa paligid. Kagaling lang namin sa parang dress shop kung saan nakabili si Romel na murang damit na pwedeng kasya sa akin. Nakasuot ako ng balabal para tago yung damit ko habang nandito kami sa bayan. Naikwento ni Romel tungkol sa kanila. Nalaman kong maagang na ulila sila sa magulang nila dahil nagkaroon ng malalang sakit. Kaya si Romel na lang nagtatrabaho para may makakain sila ni Mira. Nakakaawa sila dahil sa murang edad nawalan na sila ng magulang.
"Sapat na ito para sa mamayang gabi natin." Sabi ni Romel na kakabili lang nya ng gulay at baboy.
"G-gusto nyo bang ako muna magluto mamayang gabi? Para naman matikman nyo yung pagkain mula sa mundo ko." Suggest ko sa kanila.
"Talaga ate? Marunong ka magluto?" pagkabigla ni Mira na kita ko sa kanya na natutuwa sya sa narinig nya.
Tumango ako.
“Waahh! Kuya, narinig mo iyon? Magluluto si ate mamayang hapunan.” Natutuwang saad nya kay Romel habang patalon talon pa sya.
Natuwa naman kaming dalawa nang may narinig kaming sumigaw na lalaki.
"Tumabi kayo! Parating na ang mahal na prinsipe! Magbigay kayo ng galang sa kanya!"
Nagsitabi lahat kami sa paparating na sinasabing 'prinsipie'. Ibig sabihin totoo nga na ang namumuno pala dito sa Erisso ay hari at reyna. Kita naming dumaan ang mga kawal. Sunod naman may isang lalaki nakasakay sa puting kabayo na may dala syang espada sa kanyang tagiliran at crossbow sa likod. Dark brown ang buhok at mga mata nya. Makisig at gwapo din sya.
"Yan si prinsipeng Leo." Bulong ni Romel sa akin.
"Sya?" turo ko doon sa lalaki na tinutukoy ko.
Tumango sya. Pero ano meron? May nangyari bang labanan sa mundo ito?
"Ahhh!!!"
Nagulat kaming lahat ng may sumisigaw. Nanlaki ang mga mata ko nang may isang nakakulong na babae sa isang cage na dala na dala ng mga kawal. Sigaw na sigaw at nagwawala ang babae sa loob. Nakadena sya at maraming sugat sa buong katawan nya. Hala! Ano nangyari sa kanya? Pero tinignan ko sya maigi parang may kakaiba sa babae. Nagsibulungan yung ibang tao nung dumaan yung may nagdadala ng cage.
"May nahuli na naman sila. Mabuti nga yun para maubos yung nilalang katulad nang babae na iyan." Bulong ng babae katabi ko.
"Oo nga nakakatakot kaya kapag may nabiktima dito ng mga iyan. Bakit kasi may nabubuhay katulad nila hanggang ngayon?" natatakot saad ng isa pang babae sa kanyang kaibigan.
"Pasalamat tayo sa prinsipe at gumagawa sya ng paraan para magkaroon ng maayos ang problema sa bayan natin." Sagot ng isa pang babae.
Kumunot ang noo ko. Anong ibig nila sabihin? Nang makalampas yung mga nagmamartsa. Nagsibalikan ang mga tao sa dating gawi nila.
"Halika na, umuwi na tayo." yaya ni Romel sa amin.
"Sandali, ano iyon kanina? Bakit hinuli nila yung babae?" tanong ko sa kanila.
"Ang mabuti pa, ate, ikukwento namin sa inyo pag umuwi na tayo. Hindi tayo pwedeng mag usap dito tungkol dyan baka mahuli pa tayo." Bulong ni Mira habang pasulyap sulyap sa paligid.
"O s-sige." Pumayag na lang ako.
Nung gumabi, tanging lampara ang nagsisilbing ilaw dito, nagluto ako ng nilagang baboy para matikman naman nila yung kakaibang pagkain at para maski papaano maitutulong ako sa kanila dahil tinulong nila ako. Nang matapos na kami kumain at nasa higaan na kami, yung gawa sa kahoy pa yung higaan, nauna na ako nagtanong sa kanila.
"Pwede nyo na ba sabihin akin kung ano meron kanina?"
Nagsitinginan yung dalawa at kita ko na parang nag-alala sila kung ano isasagot nila sa akin.
"A-ano kasi, ate Josephine, huwag kang mabigla sa sasabihin namin sa iyo po. Yung babaeng nakita natin kanina ay isang…." Napalunok si Mira bago nya ipagpatuloy yung sasabihin nya. “Bampira.”
Nanlaki ang mga mata sa sinabi nya.
"Ha? A-ano? Ba-bampira? Totoong may bampira rito?" Gulat ko.
"Opo, ate."
“Katulad sinabi ko sa iyo, ate Josephine. Maraming kababalaghan dito sa Erisso.” Dagdag pa ni Romel.
Anong klaseng mundo na meron rito? Ngayon nag eexist ang mga bampira dito?! Sa mga libro o sa mga movies lang yung mga bampira pero ibang usapan ito.
"May problema po ba?" taka nya. “Namumutla ka, ate.”
Kinalma ko muna sarili bago ako nagsalita ulit.
"Di ako makapaniwala na mayroong bampira sa lugar na ito. Ang totoo sa mundo ko, may bampira din pero sa mga kwento lang ng mga tao at sa mga libro."
Kita kong pagkagulat ng magkapatid.
"Sa mga libro lang nalalaman nyo tungkol sa kanila?" tanong ni Romel.
Tumango ako.
"Kakaiba ang mundo nyo." Komento nya. "At ibig nyo sabihin din tangi mga tao lang at walang bampira nabubuhay sa mundo nyo?" tanong nya pa.
Tumango ako bilang sagot. "Paano naman nagkaroon ng bampira sa Erisso?" tanong ko naman sa kanila.
"Maraming kwento ng mga matatanda tungkol sa pinagmulan ng mga bampira. Sinasabi daw noon na yung mga bampira ay sinumpa ng diwata ng buwan dahil sinira nila ang lugar ng diwata. Sa pagiging bampira nila, hindi pwede silang tumapak sa sikat ng araw kung hindi masusunog sila at ang tanging pagkain nila ay dugo ng tao." Kwento ni Romel.
Katulad sa mga nababasa kong libro tungkol sa mga bampira. Ganyan na ganyan din yung katangian nila.
"At mayroon din silang hari ng mga bampira nangangalan “Dracula”."
Napatulala ako sa pangalan ng hari. Dracula? Totoo din sya?
"Si Dracula ay hari ng mga bampira ng Draug, lugar ng mga bampira. Sinasabi din ng mga matatanda noon na madami syang pinatay ng mga tao. Kaya sa pamumunuan noon ni Haring Rowan, ninuno ni prinsipeng Leo, naglabas sya ng napakaraming kawal na may mga dalang matatalim na kahoy at pilak pampatay sa mga bampira. Sa pagkakataon noon, nahuli nila si Dracula at agad nila pinatay pati ang mga iba pa bampira. Pero hanggang ngayon may ilan ilan pang umaaligid ng mga bampira sa bayan kaya gumawa ng hakbang ang prinsipe para sa kaligtasan ng Erisso."
Kahit dito nakakatakot din pala dahil nag-e-exist sila dito sa mundo ng Erisso. Nang lumalim na gabi nagsitulog na ang magkapatid. Samantala, ako gising na gising pa. Ang daming nangyari sa akin. Una, nagising ako nasa ibang mundo na tinatawag na Erisso. At pangalawa, ang mundo na ito kung saan nag eexist ang mga bampira. Ang dami kong tanong sa utak ko. Paano at bakit ako napunta dito? Paano ako makakabalik sa mundo ko?
- Kinabukasan
"Ate, ayos lang po kayo? Parang di kayo nakatulog kagabi?" tanong ni Mira sa akin habang papunta na kami sa palengke para bumili ng pagkain ngayong araw.
Oo, wala pa akong tulog nung kagabi dahil marami akong iniisip.
"Wala ito. Tungkol lang nung kinuwento nyo kagabi." Maikli kong sagot habang sa iba akong nakatingin.
Narinig kong mahinang tawa ni Mira.
"Huwag nyo na lang aalahanin yung kinuwento namin sa iyo. Ang mahalaga naman ay nandito po kayo at ligtas ka sa bayan ng Erisso." sabi nya.
Bumuntong hininga na lang ako. Nauna na kami ni Mira bumili ng makakain sa hapunan habang si Romel ay pansamantalang nagtatrabaho sa isang bake shop dito para may kikitain sya. Nang maibayad na namin yung pinabili na biglang nagsalita ang matandang babaeng tindera sa akin.
"Hija, napakaganda mo naman. Parang ngayon lang kita nakikita dito." Palagay nya.
"Ah eh-"
"Pinsan po namin sya, nanay Rosa, mula sa kabilang bayan pa sya." Palusot ni Mira.
"Ganun ba? Kung ganon idagdagan ko na lang yung karne nabili nyo." Sabi nya at binigay sa amin yung iba pang parte ng karne.
"Po?" nanlaki ang mga mata ni Mira sa bigay ng matanda.
"Huh? Naku huwag po nakakahiya naman." Malumanay pagtanggi ko.
Natawa ang matanda.
"Naku, hija, ganun talaga ako kapag may bagong dayo dito sa bayan. Kaya sige na tanggapin nyo na ito."
"Salamat po." Masayang pagpapasalamat namin sa kanya.
Ang bait naman yung matanda. Nakakatuwa naman.
"Halika na, ate, puntahan na natin si kuya bago tayo umuwi." Yaya nya.
"Sige."
Si Mira lang nakakaalam sa mga pasikot sikot dito sa lugar kaya sumunod na lang ako sa kanya. Dumaan kami sa eskinita para doon kami nag shortcut papunta sa pinagtatrabahuan ni Romel nang may humarang sa amin ng limang lalaki. Mukhang mga gangster yung itsura yung mga to. Kita kong yung takot sa mukha ni Mira kaya nilagay ko sya sa likod ko.
"Aba aba may bagong dayo pala dito sa bayan ah." Sabi ng lalaking mukhang manyakis.
"S-sino ba kayo? A-ano bang kailangan nyo sa amin?" nanginginig na tanong ko sa kanila habang mahigpit kong hawak si Mira.
"Pera. Pera na di pa binabayaran ng mga magulang nila." Sagot ng lalaking pinakapayat sa kanila.
"Ha? Eh patay na mga magulang nila. Paano nila babayaran eh mga bata palang sila?"
Lumapit yung pinakamatangkad sa kanila na parang sya yung tumatayong leader sa grupo na ito.
"Mapabata man o matanda pa sila, dapat bayaran pa din nila yung utang nila sa amin."
"Pakiusap po bigyan nyo kami ng isang linggo para mabayaran namin ni kuya." Mangiyak ngiyak na pakiusap ni Mira sa kanila.
Tumawa lang yung lalaki.
"Kung wala kayong pambayad sa utang nyo, yung babae na lang kukunin namin bilang kabayaran." Sabi yung manyakis at bigla nya akong hinawakan sa braso ko.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!" bulyaw ko habang pinagpapalo ko sya pero sadyang malakas sya.
"Ate! Pakawalan nyo sya!"
Hinila nya yung kabilang kamay ko. Pero biglang may nagpana sa diretso ng mga lalaki pero tumama ito sa pader at kinagugulat namin lahat. Teka sino nagpana?
"Sino yun?!"
Pero walang sumulpot na tao.
"Greg, kailangan na natin umalis baka mahuli pa tayo ng mga kawal." Bulong ng pinakabata kay Greg, yung
leader.
"Mabuti nga. Halika na umalis na tayo" utos nya sa mga kasamahan nya.
Pagkabitaw sa pagkahawak sa akin saka niyakap ko si Mira na kanina pang naiiyak. Tinignan kami ng matalim ni Greg.
"Di pa tayo tapos." Banta nya bago silang umalis na tuluyan.
"Ayos lang kayo?"
Lumingon kami sa nagsasalita. Isang lalaki nakasuot na pangkaraniwan lang pero naka hood kaya di namin nakikita yung mukha nya at may dala syang crossbow. Sya yata nagpana kanina.
"Opo, ginoo, hindi kami nasaktan." Sabi ni Mira.
"Salamat at dumating po kayo." Pagpapasalamat ko.
Tinanggal ng lalaki ang kanyang hood. Dark brown ang kanyang buhok na hanggang sa balikat nya, brownish yung mga mata nya, matangos ang ilong at maputi din sya. Nanlaki ang mga mata namin na kilala kung sino sya. Si prisipeng Leo?
"Ka-kamahalan?"
Yumuko agad kami bilang pagpapakita ng respeto sa kanya.
"Shh huwag kayong maingay baka may makakakita sa akin." Bulong nya sa amin habang pasulyap sya sa paligid.
"Bakit po kayo nasa labas, kamahalan?" tanong ni Mira na pabulong.
"Kagaling ko lang sa aking pagsasanay at nagdesisyon kong mamasyal muna ako sa bayan hanggang sa napadaan ako rito. Nagkataon nakita kong ginugulo kayo ng mga lalaki kanina." Saad nya.
"Salamat ulit, kamahalan." pagpapasalamat ulit namin.
"Leo na lang itawag nyo sa akin. Maari ko bang malaman ang iyong mga pangalan, mga binibini?" tanong nya.
"Ako pala si Josephine at sya naman si Mira. Magpinsan po kami." Sinabi ko na rin na 'magpinsan' para di sya magduda sa akin.
"Masaya akong makilala ko kayong dalawa." Nakangiting sabi nya.
"Pa-paaumanhin, kama- ay Leo pala. Pero kailangan mauna na kami. May pupuntahan pa kami ni Mira. Pero maraming salamat ulit sa pagliligtas mo sa amin kanina." Saad ko.
"Ganun ba? Gusto nyo bang samahan ko pa kayo sa pupuntahan nyo?" offer nya.
"Huwag na po, nakakahiya po naman sa inyo." Nahihiyang sabi ni Mira.
Natawa na mahina ang prinsipe.
"Gusto ko lang makasiguro na maayos kayo sa pupuntahan nyo. Baka mamaya guguluhin na naman kayo ng mga lalaki kanina."
Maliban ang gwapo nya, napaka gentleman nya pa.
"Salamat pero talagang hindi na po. Atsaka malapit na kami sa pupuntahan namin. Kaya pasensya na lang po ulit." Pagtanggi ko.
Bumuntong hininga sya at tumango sya.
"Kung ganun, mag iingat lang na kayo sa susunod." Paalala nya.
"Opo." sabi namin. Ilang hakbang pa lang kami, nang tinawag ako ng prinsipe.
"At binibining Josephine?" tawag nya sa akin. "Sana makita ulit tayo."
Ngumiti sya sa akin bago syang umalis. Bakit pakiramdam ko na umiinit yung mukha ko?
"Ate, halatang nakagusto sa iyo ang prinsipe." Kilig na kilig naman si Mira habang nakakalokong ngiti nya sa akin.
"Naku paano mo nasabi yan? Eh unang pagkikita namin ito." Sagot ko. "Halika ka na at puntahan na natin si Romel baka nag-alala na iyon." Dagdag ko pa.
Di ko makapaniwala na nakaharap namin ang prinsipe ng Erisso. Napangiti ako nung maalala ko kanina. Nang palapit na kami sa bake shop, bigla ko naalala kaya tinanong ko si Mira.
"Mira, sino ba talaga mga lalaki yun kanina?"
Biglang nalungkot ako mukha nya. Huminto kami sa paglalakad. May mali ba sa tanong ko?
"Yung mga lalaki kanina ay sila yung pinag-utangan ni ama. Humingi si ama ng pera sa kanila para sa pambili ng gamot. Dahil ang magulang namin ay may malalamang sakit at mahal pa yung mga gamot rito. Nang pumanaw na sila, lagi nila kaming sinisingil. Kaya si kuya Romel todong pagtatrabaho para lang mabayaran yung utang ng magulang namin na hanggang ngayon ginugulo nila kami." Naluluhang kwento niya.
Grabe naman mga yun. Wala na nga silang magulang hinaharass pa sila dahil lang sa utang. Lumuhod ako sa harapan nya at pinahid ko yung mga luha nya.
"Huwag kang mag alala tutulungan ko kayo. Gagawa din ako ng paraan para mabayaran nyo yung utang." Pagpapatahan ko sa kanya
"Ha? Gagawin mo yun, ate, para sa amin?" Gulat nya habang lumuluha pa yung mga mata nya.
Tumango ako sabay ngiti sa kanya. Habang wala pang paraan para makabalik ako sa mundo ko, willing akong tumulong muna sa magkapatid na ito.

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    22d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes