logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Chapter 2:
Darkness
Josephine's POV
-5:00pm
"Josephine, magdi dinner lang kami sa labas. So tapusin mo yung mga pinapagawa ko sa iyo bago kaming umuwi. Naiintindihan mo?" sabi ni ma'am Ida habang inaayos nya yung damit nya.
"Opo, Ma'am Ida."
"Let's go, girls."
Bumuntong hininga na lang ako. Lahat ng gawaing bahay sa akin pinapagawa na naman. Paglilinis. Paglalaba. Pagluluto. Paggawa ng assignment nina ate Celine at ate Maddy. etc. plus may part time job pa ako kaya nga halos wala akong tulog at pagod ang katawan ko. Magdadalawang oras na nakalipas at natapos ko na rin yung pinapagawa ni ma'am Ida. Siguro nagsha shopping na naman sila kaya ang tagal nila makabalik. Habang naglilinis ako ng pinagkainan ko nang may nagdo-doorbell sa labas. Sila na yata yun. Pagbukas ko ng pinto akala ko sina ma'am Ida pero isang pamilyar na mukha nakilala ko.
"Tito Gino? Kayo po pala?"
Ngumiti sya sa akin.
"Nandito ba ang tita mo?"
Umiling ako.
"Wala po siya ngayon kasama niya sina ate kumain sa labas."
Si Tito Gino ay fiancée ni ma'am Ida. Bihira lang sya bumisita dito dahil may inaasikaso syang business sa loob at labas na bansa. Sabi ni ma'am Ida ay mayaman at mabait naman si Tito Gino. Siya pa nga nagpapaaral sa mga stepsisters ko. Minsan nga dinadalhan nya pa nga kami ng regalo at minsan din nililibre kami sa labas.
"Ganun ba? Di bale hintayin ko na lang sya."
"Ah sige po ang mabuti pa dito muna kayo sa loob habang hinihintay niyo sila."
Dumiretso agad siya sa sala at umupo sa may sofa.
"Anong gusto niyong inumin po?" suggest ko.
"Tubig na lang." sagot niya.
"Sige po."
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso nang pumunta sa kusina si tito Gino.
"May boyfriend ka na, Josephine?" tanong niya habang nakasandal siya sa lababo.
Napataas ang kilay ko dahil bigla niya tinanong about diyan.
"Wala pa po. Bakit niyo natanong yan?"
"Wala lang. I mean sa ganda mo yan wala man lang nanliligaw sa iyo?"
Binigay ko na sa kanya yung malamig na tubig.
"Magagalit si ma'am Ida kapag nalaman niya na may naliligaw sa akin at saka mas mahalaga sa akin yung pag aaral ko muna po."
Mas lalo akong nagtaka nang bigla siyang lumapit sa akin na dahan dahan. Nakatayo na sya sa harapan ko habang titig na titig sa akin.
"Alam mo nalaman ko kay Ida na ikaw ay isang matalino, maganda at masipag na babae." ngumisi sya na nakakatakot.
Hinaplos nya yung kaliwang braso ko kaya nakaramdam ako ng goosebumps at lalong bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Dahan dahan naman akong umatras. Kailangan kong gumawa ng dahilan.
"Ahh ano... tito mabuti po tawagan ko na lang si ma'am Ida para malaman nya nand-"
Bigla nya akong tinulak sa pader at hinawak nya ang balikat ko. Mas lalo akong natakot sa mga gagawin nya sa akin.
"Tito a-ano ginagawa nyo? Bitiwan nyo ako!" sigaw ko habang pinipilit kong makawala sa kanya.
"Alam mo ba nung una kita nakita nagagandahan ako sa iyo kaysa kay Ida. Hanggang sa pagtulog ikaw ang nakikita ko sa panaginip ko. Siguro naman pabigyan mo ko ngayon gabi?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Baliw pala ito eh.
"Ano?! Nababaliw na kayo! Magagalit si ma'am Ida sa inyo kapag nalaman nya pinagsasabi at pinaggagawa nyo!" bulyaw ko sa kanya pero ngumisi lang sya.
"Sige, sabihin mo lahat sa kanya. Sa tingin mo ba maniniwala sya sa iyo?"
Lalo nya hinigpitan yung pagkahawak nya sa akin. Sa di ko inaasahan, bigla nya akong marahas hinalikan sa leeg ko na kinagugulat ko. Sumigaw ako at humingi ng tulong baka sakaling may makakarinig sa akin. Nakapa ko ng isa kawali na malapit sa lababo. Malakas kong hinampas sa kanya sa ulo. Napahiga sya sa sakit at nakita kong nagkaroon ng sugat sa noo nya kung saan pinaghampas ko sa kanya.
"Ano nangyari dito?!"
Gulat na gulat si ma'am Ida at sina ate Celine at ate Maddy sa nakita nila.
"Jusko, Gino! Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang?"
Tinulungan nya si tito Gino para makaupo at biglang tumingin sya sa akin.
"Ikaw! Ano talagang nangyari habang wala kami? At bakit may hawak kang kawali?!"
Napabitaw sa hawak ko at nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot.
"Kasi ma'am Ida-" biglang naman nagsalita si tito Gino.
"Inaakit nya ako, hon. Nung di ako pumayag sa gusto nyang mangyari. Bigla nya akong hinampas sa ulo ko. At sinabi niya pa na plano nya akong patayin at isusunod nya kayo."
Gulat na gulat ako sa mga sinasabi nya. Napakasinungaling nya.
"Hindi! Hindi totoo yan! Sya mismo ang nagbabastos sa akin. Maniwala kayo. Ipinagtanggol ko lang yung sarili ko kaya ginawa ko yun. Ma'am Ida-"
Bigla nya akong sinampal na malakas.
"Walang hiya ka! Matapos kita patirahin, pakainin ka rito, ito lang ba yung igaganti mo sa amin?!"
Napaluha ako habang umiiling ako.
"Pakiusap... Maniwala po kayo sa akin. Di ko magagawa iyon. Nagsisinungaling lang sya."
"Sa tingin mo ba maniniwala ba kami sa mga kasinulangan mo? Kilala ko si Gino. Hindi sya nambabastos at
nagsisinungalin sa akin. At dahil sa ginawa mo ipapa pulis kita. Celine, tumawag kayo ng mga pulis ngayon din!"
"Hindi. Ayoko!" tutol ko.
Dahil sa panic ko, mabilis akong tumakbo palabas at lumayo na ako sa kanila. Ayoko makulong dahil lang sa
kasalanan na di ko naman ginawa.
"Tumatakas sya!" rinig kong sigaw ni ma'am Ida at may naririnig akong hinahabol nila ako.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako." Dasal ko habang tumatakbo ako.
Napunta ako sa may tulay at doon nakaramdam ako ng pagod. Di ako nagdalawang isip pa at tumungtong ako sa gilid ng tulay. Kaya lang kapag tumalon ako, di naman ako marunong lumangoy. Pero wala na akong maisip kung saan ako tatago o humingi ng tulong.
"Diyos ko, patawad po sa mga gagawin ko." Mangiyak iyak na dasal ko sa kawalan.
Nang makita kong malapit na sila sa kinatatayuan ko saka tumalon na ako sa tulay. Bumagsak ako sa ilalim ng tubig. Pinilit kong makaahon o lumangoy man lang pero walang nangyari. Parang bang hinihila ako ng tubig ang katawan ko pailalim. Unting unti na ako mawawalan na malay. Ito na ba ang katapusan ko? Pumikit na lang ako at hinihintay ko na lang ang kamatayan ko sa kadiliman.
-
Third person's POV
"Kuya, masaya ako at mangingisda tayo ngayon." Tuwang tuwa sabi ng batang babae sa kanyang kuya habang dala dala nya ang mga gamit sa pangingisda.
"Masyado kang mapilit kaya pinayagan kita. Basta huwag kang lalayo sa akin habang nangingisda tayo." Sabi naman ng kuya sa kanyang kapatid.
Tumango ang batang babae at laking ngiti nya nang makarating sila sa ilog kung saan doon sila mangingisda. Nauna na ang batang babae na kanina pang sabik na sabik matutong paghuli ng isda.
"Dahan dahan ka dyan, Mira." Bilin ng kuya habang abala pa sa pag-aayos ang kanilang kagamitan sa pangingisda.
Maya maya pa narinig nyang sumigaw si Mira.
"AHHH!!!"
"Mira!"
Tarantang tumakbo ang kuya kay Mira. Baka kung ano na masamang nangyari sa kanyang kapatid.
"Mira!"
"K-kuya, m-may patay. May patay!" Mangiyak ngiyak na sumbong ni Mira habang niyayakap nya ang kanyang
kuya.
"Ha?! Nasaan?"
Tinuro ni Mira kung saan nya nakita yung sinasabi nyang may patay. Lumapit ang kanyang kuya at pinaharap nya ang katawan, isa palang dalaga. Sa tingin nya ay mga nasa bente ang edad pero ang pinagtataka nila kakaibang kasuotan ang dalaga. Di nya na lang pinansin at agad nyang sinuri ang pulso ng babae kung may nararamdaman nya pa na pumipintig pa.
"Buhay pa sya, Mira. Dalhin na natin sya sa tahanan natin para mapagamot sya."
"Opo, kuya."
-
Josephine's POV
"Kuya, ano sa tingin mo? Taga saan kaya sya? Kakaiba yung kanyang kasuotan."
"Hindi ko rin alam, Mira. Kahit ako ay ngayon lang ako nakakakita na ganyan kasuotan."
Bakit nakarinig ako ng ingay? Di ba patay na ako? Dahan dahan kong dumilat. At una kong nakita ay ang kisame ng kubo. Kubo? Tumingin naman ako sa mga nag uusap. Isang binatilyo mga nasa 16 yata at isang batang babae mga nasa 10 naman.
"Gising ka na!" masayang sabi ng batang babae sa akin.
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko pero nararamdaman ko pa may konting hilo. Oo nga pala. Natandaan ko na.
Si tito Gino. Si ma'am Ida. Pagtalon ko sa tulay. Pagkalunod ko sa tubig. Ang ibig sabihin nito ay buhay pa ako.
"Si-sino pala kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Ako pala si Romel. At ito naman ang aking kapatid na si Mira. Kami yung nakakita sa inyo sa tubig at pinagamot ka namin. Kayo po, binibini, sino po kayo?" Tanong ni Romel.
"Ako pala si Josephine. Salamat at nailigtas nyo ako. Pero nasaan na pala ako?"
Umupo si Romel at Mira sa tabi ko sa kama.
"Nasa labas na kaharian ng Erisso, binibini. Akala nga namin patay ka na nung matagpuan ka naming sa ilog." Saad ni Mira.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mira. Erisso?
"Erisso? Parang ngayon ko lang narinig yang lugar yan dito sa Pilipinas?"
Ngayon biglang nagtataka ang mag kapatid.
"Pilipinas? Paumanhin sapagkat walang lugar dito sa Erisso na pangalan ay Pilipinas." taka naman ni Romel.
Lalo akong naguguluhan sa sinasabi nya. Ngayon ko lang napansin yung kasuotan nila. Yung mga damit nila ay parang pang medieval period. Pati ang mga gagamitan nila sa kubo ay mga makalumang kagamitan din. Kinakabahan tuloy ako.
"Binibini? Ayos lang po kayo?" tanong ni Mira na nag alala na sya.
"Imposible ito. Nagjo joke kayo di ba? Alam kong panaginip ko lang ito o di kaya nasa stage play pala ako kaya ganyan yung mga damit nyo."
"Di ko po kayo maunawaan, binibini, ano ibig nyo sabihin na joke at stage play?" taas kilay ni Romel
Hindi. Hindi totoo ito. Tumakbo ako palabas sa kubo nila at tinignan ko ang paligid. Magubat at walang katao tao sa paligid at wala ka pang maririnig na ingay ng kotse o ingay sa mga tao at pakiramdam ko may kakaibang sa lugar na ito. Kinurot ko ang sarili ko baka nanaginip pa ako pero napa aray ako sa ginawa ko.
"Binibini, ano pong nangyayari sa inyo?" nag alalang tanong ni Romel kasama nya si Mira.
Hindi ako sumagot dahil gulong gulo na ako. Anong klaseng lugar na ba ito?

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    22d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes