logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Chapter 6
He stopped right in front of me. “You.Don't.Know.Me. Wala ka ring alam sa mga pinagdaanan ko at mas lalong wala kang karapatan para manghimasok sa buhay ko.” Dinuro pa niya ko dahilan para mapaatras ako.
Ramdam ko na punong-puno siya ng galit at ‘yon lang din ang namumukod tanging emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang matakot sa kanya.
Gusto kong malaman kung ano ba ang pinagdaraanan niya. Gusto ko siyang maintindihan.
“Do you believe in true love?”
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ko biglang itinanong sa kanya ang tungkol doo. Para kasing masyado siyang galit sa mundo na kahit ang pagmamahal ay wala ng puwang sa puso niya.
Natigilan siya. I know. That question caught him off guard.
We just stared at each other for I don't know how long until he let out a sarcastic laugh. Pagkatapos ay iiling-iling niya akong nilingon na para bang nakarinig siya ng isang hindi nakakatawang joke.
“True love? I'm sorry to disappoint you but I don't believe in love anymore. ‘Cause it is just a four-letter word and a temporary feeling that will eventually fade. So, why believe on something that is only temporary?”
Natulala na lang ako nang dahil sa sinabi niya. Temporary? How could he say that?
Ilang segundo rin ang lumipas bago ako nakahuma. “No. True love is something that will last for a lifetime. If the feeling eventually fades, then you’re with a wrong person. In that case, you have yet to meet the right person to share your true and great love with.” Pagkontra ko sa sagot niya.
Hindi naman kasi porke’t nasaktan ka ay hindi na rin totoo na may true love. Hindi naman kasi lahat ay sinusuwerte na mahanap agad sa simula pa lang ang taong nakalaan para sa kanila. May mga tao talaga na kailangan munang maranasan ang sakit at mahubog, para sa oras na dumating ang tamang tao na nakalaan para sa kanila ay handa na ang mga ito.
He shrugs. “Bahala ka. You’re still blinded, I see. Pero ang totoo niyan kaya n’yo lang naman ipinipilit na mayroon talagang totoong pagmamahal ay dahil natatakot kayong maging mag-isa. Gusto n’yo lang makahanap ng rason para magkaroon ng makakasama.”
Unti-unti siyang lumayo sa 'kin. “Sa tingin mo, bakit may mga tao na kahit hindi naman na masaya sa isang relasyon ay nagagawa pa rin nilang manatili? Dahil takot silang maiwan. Takot maging mag-isa. Kasi nakasanayan na nilang nandiyan ‘yong isa. That’s the truth that the likes of you can’t accept.”
Pagkasabi niya ng mga salitang ‘yon ay tinalikuran na niya ko at nagsimulang lumakad paalis.
Napailing ako kahit hindi niya ko nakikita. Mali. Para sa ‘kin ay sobrang mali ng paniniwala niya. Sa iisang anggulo lang kasi siya nakatingin. Paano niyang lubos na maiintindihan ang lahat kung hindi niya titingnan ang kabuuan?
‘Yon ang nais kong ipaintindi sa kanya.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako bago malakas na sumigaw.
“Hindi porke’t nasaktan at naloko ka, kung ‘yon man ang nangyari sa ‘yo, ibig sabihin ay titigil ka na ring maniwala at magmahal. You just see the negative side. Ikaw mismo ang nagkukulong sa sarili mo sa isang bagay na pilit mong pinaniniwalaan. It’s your defense mechanism! Kasi ang totoo ay ikaw ang takot. Takot ka ulit masaktan dahil hindi ka gano’n kalakas at katapang! Ang duwag mo!”
He stopped on his tracks and his body went still. Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom at nanginginig niyang kamao.
Bigla naman akong natigilan. I shouldn’t have said those words because I don’t know his story.
But it’s now too late for me to take back the words that I have just said.
Kinalma ko muna ang sarili bago mahinahong nagpatuloy.
“Bawat isa sa ‘tin ay mayroong isang tamang tao na nakalaan. Malay mo, baka nasa malapit lang pala ang tao na para sa ‘yo. Pero dahil nga sa natatakot ka ay naitutulak mo siya palayo at pareho kayong nasasaktan. Ikaw na rin ang nagsabi, you don’t believe in love anymore. Meaning, you once believed in it. You used to be the like of us as well.” Pinaglaruan ko ang mga daliri ko bago nagpatuloy.
“Maaaring sa kalagitnaan ng proseso ng pagiging in-love ay unti-unti kang pinapatay dahil sa sakit. Pero kasi package ‘yon, eh. Hindi naman puwedeng masaya lang palagi at buhay na buhay ang pakiramdam. Kung ‘yon lang din naman pala ang gusto mo, then trust me, you’ve never been truly in love at all.” Nanatili naman siyang walang imik.
“Just don’t stop yourself from being in love and to feel love. Because you’ll surely miss something that you might regret someday,” I continued.
His back is still facing me and I can’t help but to feel pity of him. Sobrang sakit siguro ng pinagdaanan niya kaya gano’n na lang ang naging epekto sa kanya.
Sa totoo lang, lahat naman tayo ay may iba’t ibang klase ng sakit na pinagdaanan at pinagdaraanan.
Pero hindi lahat ay nagagawang lumakad pasulong at magpatuloy. Ang iba sa ‘tin ay nananatili pa rin sa puwesto kung saan nangyari ang lahat, kaya hindi nila magawang makaahon sa sakit dahil patuloy nilang dinarama.
Alam ko ang pakiramdam ng mawalan. Bukod sa dalawang heartbreak na naranasan ko ay nawalan na rin ako ng isang mahal sa buhay noon. Ang kauna-unahang tao na sobrang pinahalagahan ko bukod sa mga magulang ko.
Si Tristan? Kung anuman siya ngayon, it’s just his defense mechanism.
Ang akala ko ay hindi na siya muling iimik pa. Kaya nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita.
“Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Pero hindi na ko magugulat kapag dumating ang araw na ikaw mismo ay magsisising sinabi mo ang mga salitang ‘yan.” Then he left.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Sa pagitan nating dalawa ay ikaw ang pinakatakot, Tristan.
Sa isang iglap ay muli kong narinig ang isang tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag sa ‘kin.
Pero paano kung may makilala ka na isang lalaking mayroong paniniwala at pag-uugali na kabaliktaran ng sa ‘yo? Mahuhulog kaya ang loob mo sa isang katulad niya?
Sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam ang sagot hanggang ngayon. But one thing is for sure.
I want Tristan to believe in love again. Because it’s real and a wonderful feeling. I just don't know how. But surely, I will.
One day, Tristan. You'll see that what I have said is true.

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    19d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    20d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes