logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Chapter 5
Tinatamad akong pumasok ngayong araw. Absent kasi si Bea. Mag-isa lang tuloy ako.
Inihilig ko ang ulo ko sa bintana ng sinasakyan kong kotse at tumingin sa labas. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot dahil absent ang besty ko ngayong araw. Ni hindi nga natuloy ang dapat na sleep over niya sa ‘min kagabi, eh. Nagkaroon daw kasi ng emergency sa kanila.
I was in deep thoughts when suddenly, I felt my phone vibrated. Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko para tingnan kung sino ang nag-text.
Besty:
Hi, besty! Papasok ka na ba? Ingat ka, ah. Ikaw na ang bahala sa mga lessons na mami-miss ko, kay?
Napangiti ako nang malawak nang dahil sa nabasa. Ang sweet talaga ng best friend ko! Kaya love na love ko siya, eh.
Nag-reply naman ako kaagad sa kanya.
Yup, whatever! No worries. You take care too, kay?
Hindi naman na siya sumagot kaya itinago ko na lang ulit ang phone ko sa bulsa. Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang paghinto ng sinasakyan kong kotse.
“Thank you po, Mang Ben,” magalang akong nagpaalam sa family driver namin.
“Walang anuman po, Ma'am Samantha. I-text niyo na lang po ako kung anong oras ko po kayo susunduin mamaya.”
Nag-thumbs up lang ako kay Mang Ben nang tuluyan na kong makababa, bago niya pinasibad paalis ang kotse. Ako naman ay dumiretso na sa gate at magiliw rin na binati si manong guard.
“Magandang umaga po, Mang Jun!”
“Magandang umaga rin po!” Bahagya pa siyang yumukod sa 'kin.
Nginitian ko lang siya bago tuluyang lampasan. Agad ko namang inilibot ng tingin ang paligid. Wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa naman. Ganitong oras naman talaga ako kung pumasok. Bukod na lang sa tuwing kasabay ko si Bea. Madalas kasi siyang late kung magising.
Pagpasok ko ng classroom namin ay bigla ko na lang naalala ang mga nangyari kahapon. Matapos kasi ng nangyaring insidente sa cafeteria, imbis na tumigil ay mas tila naging determinado pa si Rian na habulin si Tristan. Mabuti na lang at wala si Bryan nang maganap ang pangyayaring ‘yon. God knows what Bryan can do to Tristan, if ever.
Speaking of Bryan, papasok na kaya siya ngayon?
Pagkatapos din ng pangyayari na ‘yon ay madalas kong nahuli sina Drew at Francis na seryosong nakatingin kay Tristan sa halos buong oras ng naging klase namin. Hindi ko lang alam kung may kinalaman ba ang pagiging sikat agad ni Tristan kaya gano’n na lang kung makatingin sila rito. Maybe they saw Tristan as a threat. Nasanay siguro sila na nasa kanila lang ang atensyon at pansin ng mga kababaihan dati.
Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan ko munang maglibot-libot. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng upuan ko bago lumabas. May mangilan-ngilan naman na kong kaklase na nandoon kaya kampante naman akong iwan ang gamit ko.
Namalayan ko na lang na sa paglalakad ko ay nakarating ako sa mapunong bahagi ng academy. Dito lang banda sa likod ng building ng North Wing.
Umupo ako sa ilalim ng isa sa mayayabong na puno rito. Mabuti na lang at wala pang gaanong estudyante ang napapadpad rito. Gusto ko kasi ay tahimik lang ang paligid.
I took out my phone in my pocket, then plugged in my earphone. Hinanap ko muna ang paborito kong playlist bago sinimulang magpatugtog at pumikit.
Kasalukuyang pumapailanlang ang kantang Sa 'yo ng Silent Sanctuary. Nang dahil sa nakakadala nitong lyrics ay hindi ko naiwasan na sabayan ito ng pagkanta. Kahit papaano ay hindi naman masakit sa tainga ang boses ko pakinggan.
“Will you please shut up! Nakakairita ang boses mo!”
“Ay, sa ‘yo na ang puso ko!”
Napatayo ako sa sobrang gulat nang may bigla na lang akong narinig na sumigaw ng malakas mula sa likuran ko. Mabilis na tinanggal ko naman ang suot na earphones.
Kinagat ko ang ibabang labi. Ang buong akala ko kasi ay ako lang mag-isa ang nandito. Pero kahit kumpiyansa pa ko sa boses ko ay nakakahiya pa rin!
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kabilang bahagi ng puno na sinandalan ko habang napapalunok.
“S-sorry! Hindi ko kasi alam na— ikaw?” Napaturo pa ko sa kanya.
Bakit naman sa dinami-rami ng puwedeng makarinig ng pagkanta ko ay ang mayabang pa na ‘to?
Saka init na init ba siya masyado at bukas na naman ang dalawang butones ng kanyang uniform?
Inis siyang tumayo sabay pagpag sa suot na slacks. “Oo. Ako. So?” tanong niya.
Aba, ang sungit talaga!
I crossed my arms. “Bakit ba ang sungit-sungit mo? Subukan mo kayang maging friendly kahit minsan. Para dumami rin ang mga kaibigan mo.”
Palagi na lang din kasing mainit ang ulo niya, eh. Nakaka-stress kaya ang gano’n. Dapat happy lang!
Bigla siyang tumawa nang malakas, dahilan para matulala ko sa kanya. It's quite a scene. Mas lalo pala siyang nagiging guwapo kapag tumatawa. Posible pala ‘yon?
May dimples rin siya katulad ni Francis. Tila mas lalo rin siyang naging hot sa paningin ko. Then the way his muscles flex because—
Napailing ako bigla. Ano na naman ba ‘tong pinag-iisip ko?
“You know what, you’re funny.” He gave me a blank expression. “For your information, I don’t need a friend. I don’t need anyone,” may diin niyang sabi.
Kumunot bigla ang noo ko. May gano’n ba? Now, I’m curious.
“Let me guess. It’s either you got betrayed by someone, or you’re brokenhearted.” He stiffened. I knew it. “Kaya ka nagpapaka-bitter at nagrerebelde.” Napatango-tango pa ko na tila naiintindihan ko na ang dahilan ng mga inaakto niya.
Napatiim-bagang naman siya. He started to walk towards me without breaking our eye contact. Tila may apoy akong nakikita sa kanyang mga mata sa sobrang intense ng pagkakatitig niya sa ‘kin na tumatagos sa kaibuturan ko.
I pressed more my lips together, because I smell trouble.
Stupid talaga ang bibig mo Sammy kahit kailan!

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    19d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    20d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes