logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Chapter 4
Katulad ng madalas niyang porma ay naka-gel ang nakataas na buhok ni Francis. Moreno naman ang kulay ng kanyang balat at sa kanyang pagngiti ay sumilip ang dalawang malalalim niyang biloy. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan at hindi naman nalalayo ang taas niya na five seven kay Drew.
Nagkakilala kami ni Francis nang dahil sa common friend naming dalawa. Never ko naman siyang naging kaklase noon. Naging masaya naman kami at halos walang naging problema. Akala ko tuloy ay okay na talaga.
Pero nagulat na lang ako isang araw nang bigla siyang umamin na dalawa kaming girlfriend niya. Nang two-time siya at bilib din naman ako dahil inamin niya talaga!
Kaya lang ay mas okay pa rin sana kung nakipaghiwalay muna siya sa ‘kin bago niya sinimulan ‘yong sa isa. Ang masaklap pa ay kaibigan niya ang ipinangsabay niya sa ‘kin at matagal ng alam ng barkada nila.
Wala man lang nagmalasakit sa kanila na magsabi sa ‘kin noong simula pa lang! Sabagay, hindi naman ako ang tropa nila. Kaya malamang na ang loyalty nila ay na kay Francis.
Natigilan naman siya sa akmang pagsubo. “Well, just in case you don’t know, nalipat na ko sa section n’yo.”
Oh. Talaga ba? Hindi ko naman kasi napansin ang pangalan niya kanina sa listahan.
Napatango na lang ako. “Okay. Pero bakit hindi ka roon sa girlfriend mo sumama? Baka magwala na naman ‘yon kapag nakita niyang kasama mo ako.”
War freak kasi ang babaeng ‘yon. Naalala ko na naman tuloy ng minsan niya kong sinugod noon dahil lang sa tinuruan ko si Francis sa isang assignment nila. Grabe. Siya pa talaga ang may lakas ng loob sumugod.
Nagkibit-balikat siya. “Break na kami.” Halos malaglag na ang panga ko nang dahil sa narinig.
“Ano naman ang nangyari sa inyo, hah?” Break na rin sila ng kaibigan niya na isinabay niya sa ‘kin?
Ay, ano ba, Sam! Paulit-ulit?
Nanlaki naman bigla ang mga mata niya. Bakit? May mali ba sa tanong ko?
“Walang nangyari sa ‘min!” he answered defensively.
Mas lalo akong naguluhan sa sinagot niya. “Kung wala naman pa lang nangyari, bakit kayo naghiwalay? Saka kahit na mayroon pang nangyari, dapat ay pinag-uusapan n’yo munang dalawa,” sabi ko bago uminom ng orange juice. Hindi ko kinakaya ang rebelasyon ng dalawang ‘to. Pareho na ngang hindi pumasok sa mga naunang klase ay mayroon pang mga baon na pasabog.
Natigilan naman ako nang biglang humagalpak ng tawa si Bea.
“What?” naguguluhan naming tanong ni Francis. Napatingin tuloy sa direksyon namin ang iba pang mga kumakain na estudyante dahil sa lakas ng boses namin. Hindi ko na lang sila pinansin. Lalo na ‘yong iba na kanina pa nagbubulungan pero rinig ko naman.
Hindi ko naman sila masisisi. Ikaw ba naman kasi ang kumain sa cafeteria at kasama mo pa ang mga ex mo. Parehong campus prince pa naman ang turing sa dalawang ito kaya kilala ng halos lahat ang mga naging girlfriend nila.
Isa na ko roon.
Kung bakit naman kasi sabay pa silang biglaang sumulpot. May lahing kabute lang?
“Kasi naman!” Nakahawak pa si Bea sa tiyan niya habang tumatawa. Sige lang, tawa pa. “Bagay talaga kayong dalawa! Pareho kayong loading!”
Eh? Hindi ko talaga siya ma-gets.
“Hah?” Napakamot naman ng ulo si Francis.
Si Drew na ang nagpatuloy. “Pareho kasi kayong slow!” Then they both burst out laughing.
“Teka, bakit? Ano ba ‘yon?” naguguluhan ko pa ring tanong.
“Basta!” sabay nilang sagot bago muling tumawa.
Napanguso naman ako. Fine! Kami na loading, slow or whatever! Pero kailangan pa bang ipangalandakan ‘yon?
Sila naman parehong bully. Kaya bagay rin sila!
I was about to retaliate when I noticed that Bea and Francis both stilled on their seats. Biglang naging seryoso ang mga mukha nila. Gano’n din si Drew nang lumingon siya sa likod namin.
Dahil umiral na naman ang kuryosidad ko ay tumalikod na rin ako para tingnan kung ano bang mayroon na nakakuha ng atensyon nila.
Eh? Si Tristan na naman? With his fangirls following him. Wala bang lugar dito sa campus na hindi ko siya makikita?
Tumigil siya sa paglalakad dahil tila may tinitingnan siya. Sinundan ko naman ang tingin niya. He was looking at...
Francis. Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Drew, bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Ang lamig ng tingin na ipinukol niya sa dalawa.
Pero bakit? And why do I have this feeling that there is a tension between the three of them?
Muli kong hinarap ang lasagna na kinakain ko. “Grabe. Effortless ang pagiging sikat niya. Kaso hindi naman maganda ang ugali niya. Buti pa si—” kusa kong napatigil sa pagsasalita.
Muntik na kong madulas! Hindi pa naman alam ng dalawang ugok na ‘to na may gusto ako kay Bryan! Only Bea knows, of course.
They just all shrug. I sigh in relief. Mabuti na lang at mukhang wala naman silang nahalata. Tahimik na nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
“Hi, Tristan! Are you alone? Can I join you?” I automatically turned to my left side the moment I heard that familiar voice.
Muntikan ko ng mabitiwan ang tinidor na hawak ko nang makitang nasa kabilang mesa lang pala namin siya umupo! Am I that oblivious para hindi mapansin ‘yon?
Dumako naman ang tingin ko sa babaeng katabi na niya ngayon. Kaya pala pamilyar ang boses. It was Rian who approached him.
Hindi siya kinibo ni Tristan. Tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain ang instant famous.
“Bakit ka nga pala lumipat dito? Balita ko ay galing ka ng Hinston Academy. Saka may girlfriend ka na ba?” I heard Rian asked in a seductive tone that I almost cringed.
Hindi pa rin siya nito kinibo. Pinaglihi ba sa sama ng loob ang lalaking ‘to?
Pero teka. Hinston Academy? Sa pagkakatanda ko ay nabanggit ni Bea sa ‘kin na roon siya nag-aral dati. Saka naikuwento rin noon nina Drew at Francis sa ‘kin na roon sila nag-elementary.
“Alis na pala ko, Sam. May gagawin pa kasi ako, eh.” Nilingon ko si Drew na tila hindi mapalagay.
Tinanguan ko na lang siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay si Francis naman ang nagpaalam.
“Dalian mo na sa pagkain, Sammy. Para makabalik na rin tayo.” Tinanguan ko lang din si Bea at itinuon na ang atensyon ko sa pagkain. Kung bakit naman kasi ang bagal ko rin kumain!
Nang matapos ay agad na kaming tumayo para umalis.
“You know what, I really like you. Pero mas lalo kitang nagugustuhan kapag ganyan na snob ka.” I froze on my spot because of what I heard and saw. Hinihimas ni Rian ang binti ni Tristan at sobrang lapit ng mukha niya rito!
Kinikilabutan ako sa nakikita ko at ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko. Ang lakas nila maka-rated SPG! Hindi ba sila aware na bawal ang PDA rito?
I heard Bea gasped. Mukhang nagulat din siya sa nakikita niya. I can’t blame her. Bitchy rin ang ugali niya pero hindi naman ‘yong tipo na katulad ni Rian.
Hindi naman sa nagmamalinis ako. Oo nga at nagkaroon na ko ng boyfriend. Pero hanggang holding hands lang ang nagawa namin noon nina Drew at Francis in public, even in private! We’ve never been that close. Ni wala pa nga kong first kiss!
Napalunok na lang ako nang tabigin ni Tristan ang kamay ni Rian at inilayo ang mukha niya sa mukha nito.
“Stay away from me, you flirt! Iba na lang ang landiin mo.” May bahid ng inis ang boses ni Tristan. But at the same time ay kalmado lang ang hitsura niya habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.
Before Rian could even utter a word, he stood up, then walked out. Hindi na niya naubos ang kinakain niya.
Natahimik naman ang buong cafeteria. Habang si Rian? Ayon, nganga!
Samantalang ako ay iisa lang ang tanong na naglalaro sa isip ko.
Ano ang nangyari sa kanya para magrebelde siya ng ganito?

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    19d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    20d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes