logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Chapter 3
Lunch break came so fast. Mabuti na lang. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na kong nakatulog sa sobrang pagkabagot. Sinubukan ko namang kausapin si Bea pero wala naman akong napala. Para kasi siyang lutang na hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko na lang. Ayaw kasi niya na ginugulo siya sa tuwing malalim ang iniisip niya.
Sumulyap ako sa nakabukas na pinto. Nagbabakasakali na baka dumating na si Bryan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring Bryan na pumasok doon.
Napabuntonghininga na lang ako, bago ko napagpasyahan na hilahin patayo si Bea dahil mukhang wala pa siyang balak na kumilos.
“Aray! Makahila naman!” Inirapan niya ko.
Nag-peace sign lang ako sa kanya. “Sorry na! Gutom na gutom na kasi ako. Tara na!” Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya nang magsimula na kaming maglakad.
“What’s new, anyway? Eh, palagi ka namang gutom!” She rolled her eyes. Mukhang nasa mood na ulit ang besty ko!
Napangisi na lang ako sa kanya.
Pero natigilan ako nang bigla siyang huminto pagkalabas namin. Salubong ang magkabila niyang kilay at halata ang iritasyon sa kanyang mukha.
Dala ng kuryosidad ay napalingon ako sa direksyon na tinitingnan niya.
“Teka. Kanina sa quadrangle. Ngayon naman dito sa corridor. May artista bang napadpad rito sa school kaya ganyan na lang kung magkagulo ang female population dito?” wala sa sarili kong tanong.
“Just don’t mind them. Pumunta na lang tayo sa cafeteria.”
Napataas bigla ang kilay ko nang dahil sa sinabi ni Bea. Bigla atang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang kanina lang ay siya pa ‘tong may gusto na makigulo. Pagkatapos ngayon ay dedma na lang?
“Teka lang! Tingnan muna natin kung anong mayroon.” Hinila ko na siya bago pa man siya makaangal.
Pero hindi pa man din kami nakakalapit ay may namataan na kong isang pamilyar na imahe na nagpupumilit makalabas mula sa malawak na kumpulan. Agad naman akong napahinto nang makilala kung sino ito.
“Si Tristan lang pala. Akala ko naman kung sino.” Napailing na lang ako. Unang araw pa lang niya rito pero instant celebrity na siya agad.
“Get the hell out of my way!” naiirita niyang sigaw habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Tila wala namang narinig ang mga nagkakagulong babae at feeling babae sa paligid. Sige pa rin sila sa pagsunod at pagkausap kay Tristan na parang hangin lang naman kung itrato sila.
“Tara na nga. Gusto ko ng kumain, eh.” Hinila ko na ulit si Bea at pilit na nakipagsiksikan para makalabas, dahil mas dumagsa pa ang mga kababaihan at kafederasyon na nakapaligid sa ‘min. Ang kaso ay masyado silang marami kaya hindi agad namin nagawang makasingit.
“Excuse me nga!”
Nagulat na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Bea.
“Excuse sabi, eh!” Tuluyan na niyang hinawi ang mga babae na nakaharang sa daraanan namin. Amazona talaga ang best friend ko!
Dali-dali kaming dumiretso sa cafeteria nang sa wakas ay nalagpasan na namin ang delubyong pinagdaanan namin. Sa susunod talaga ay hindi na ko makikiusyoso sa kahit na ano.
Mabuti na lang at wala pang masyadong tao rito at nakahanap agad kami ng mauupuan pagkatapos naming um-order.
“Sammy, naisulat mo ba ang assignment natin kanina? Pakopya ko, hah? Tinamad kasi akong magsulat, eh,” tatawa-tawang tanong niya sa ‘kin. Ang bilis talaga magbago ng mood ng babaeng ‘to.
“Yup! No problem. Basta ba tutulungan mo rin ako sa pagsagot, eh.” I stuck my tongue out at her.
She rolled her eyes. “Oo na.”
“Yes!” I grinned.
Well, don't get us wrong. Matalino si Bea, kaya nga consistent na top one student siya, eh. Ang kaso may pagkatamad nga lang siya minsan.
Samantalang ako ay ubod naman ng sipag. Pero hindi nga lang kasing talino niya. O, ‘di ba? At least balanse lang kaming dalawa!
“Doon tayo sa bahay n’yo mamaya. Mas enjoy roon, eh. Sleep over ulit ako sa inyo.” She smiled sweetly at me.
“Okay. Kung tutuusin ay halos doon ka na nga nakatira, eh. You even have your own things there.”
Sa totoo lang ay mas madalas pa siyang natutulog sa ‘min kaysa sa sarili nilang pamamahay. Kahit pa pareho namang madalas na nasa business trip ang mga magulang namin, sa ‘ming dalawa ay siya ang hindi mo mapapirmi sa bahay nila.
Nagsimula na kaming kumain na sinabayan namin ng kuwentuhan. Ewan ko ba. Halos araw-araw naman kaming magkasama pero parang hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan.
Natigil lang kami sa pag-uusap ng may narinig akong nagsalita.
“Can I join you, girls?”
I look up. Nagsalubong ang kilay ko nang makita siya.
The who? Ang isa sa dalawang ex ko lang naman!
“Why here?” I roamed my eyes around the cafeteria. “Ang dami namang available pa na upuan. Saka bakit hindi ang girlfriend mo ang sabayan mo?” I curiously asked him.
Hindi pa man siya nakakasagot ay muli akong nagtanong nang may bigla kong naalala.
“Oh, wait. Hindi ka pumasok sa mga classes natin kanina. Kailan ka pa natutong um-absent?”
Pinakatitigan kong maigi si Drew. Pansin ko na wala namang gaanong nagbago sa kanya. Bahagya pa ring natatakpan ng kanyang bangs ang singkit niyang mga mata. Maputi ang kulay ng kanyang balat at mamula-mula naman ang kanyang mga pisngi. Medyo chubby pero matangkad sa taas na five eight.
Si Drew ang first boyfriend at heartbreak ko. Kaya naman grabe na lang ang iniyak ko nang makipaghiwalay siya sa ‘kin noon.
Oo, siya ang nang-iwan sa ‘kin. Bumalik kasi ang babaeng una niyang minahal. Na-realize na lang daw niya na mahal niya pa rin ang babaeng ‘yon at ayaw naman daw niyang maging unfair sa ‘kin.
Like, really? Hindi rin naman daw niya ko ginawang rebound dahil minahal naman daw niya ko. Naloka talaga ko noong malaman ko ang tungkol doon!
He chuckled. “Chill. Mahina ang kalaban,” naiiling na sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Teka. Hindi pa naman ako pumapayag, ‘di ba?
Mataman ko pa rin siyang tinitingnan. Habang nakikita ko naman mula sa gilid ng aking mata na nakangisi nang nakakaloko sa ‘kin si Bea. She's enjoying this. Sige, pagbigyan.
“Well?” Kuha ko ulit sa atensyon niya, bago muling sumubo ng lasagna.
Drew cleared his throat first. “Break na kami,” he answered calmly, as if what he said is not a big deal at all.
My eyes widened in disbelief. “What? Why?” Hiwalay na sila ng babaeng pinili niya at dahilan kaya niya ko iniwan? Mahal na mahal niya ‘yon, a!
“Our relationship didn't work out,” sagot pa niya.
Napanganga naman ako. Dahil lang doon? I mean, hindi ba kapag sobrang mahal mo ang isang tao, no matter how hard the situation is, you’ll do everything just to work things out?
Magtatanong pa sana ulit ako ng may bigla na naman akong narinig na sumabat. “Uy, join naman ako sa inyo.”
Napanganga ako nang makita si Francis na bigla na lang tumabi kay Bea. He's also my ex.
“Teka, ano namang ginagawa mo rito? Doon ka nga sa mga kaklase mo.”
Pakiramdam ko ay biglang tataas ang dugo ko nang dahil sa dalawang ‘to, eh.
Reunion with the exes lang ang drama?

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    19d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    20d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes