logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Nakarating kami ng Sorsogon about a minute before I woke up.The Bus stopped exactly at the terminal kaya agad din akong bumaba doon.Unang bumungad saakin ang familiar na sikat ng araw.Masakit iyon sa mata pero hindi masakit sa balat dahil sa malamig na ihip ng hangin.I am wearing only a mustard colour up-shoulder and a blue jeans.Ramdam ko ang lamig sa likuran ko.
Mainit na singaw ang nanggagaling sa ilalim ng lupa.Kahit ganon ay lumakad ako para marating ang sakayan ng tricycle.Panay ang sulyap saakin ng mga driver doon tila ako lang ang taong naroon.
I stopped at the empty one.Tiningnan ko muna ang paligid para hanapin ang driver non.Even those passengers were staring at me.Hindi ko nalang sila pinansin.
"Kuya,malarga ini niyan?"I asked at the old man who was busy cleaning his bike at syang natatanging sumulyap lang saakin bago sumagot.
"Dili ko aram Neng.Kangina pa naghali so may-ari,di pa nabalik."sagot nya in their language.
"Ganoon ho ba?Saan po kaya ako pwedeng sumakay dito?"
Bumaling ulit siya saakin habang nakaupo sya doon.Habang hawak ang maduming basahan sa kamay ay itinuro nya ang kulay dilaw na tricycle na nasa dulo.
"Iyon ata.Bumili lang si Vince ng maiinom .Magsakay kana duman ta baad maunahan ka pa sang iba."
Ngumiti ako sakanya. "Daghang salamat po,Kuya.Maayong adlaw po."
Tumango lamang ito at nagpatuloy na sa ginagawa.Agad ko namang tinungo ang tinuro nyang tricycle.Papasakay pa lang ako ay may dumating ng lalake habang may hawak na mineral.Siya siguro yung Vince na driver nito.
Nauna akong sumakay bago siya bumaling sa cab kung nasaan ako.Tumaas ang kilay nya bago ngumiti saken,hawak ang manibela.
"Saan ka,Miss?"he asked in a very husky voice.Hindi siya ganoong katangkaran pero malaki ang katawan nya.Basa ang ilang bahagi ng katawan nya na tumutulo sa puti nyang damit kaya pati iyon ay basa na rin.
He seemed not off my age.I think he's older than me 2 years or more.
"Pamurayan.."
"Anong purok?"he asked again.
"I'll tell you when we get there.."
I heard him scoffed bago nya paganahin ang makina sa pamamagitan ng pag-apak nya doon sa baba ng motor.
"Pare-pareho kayong mga balik-probinsya."he said.
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi nya dahil pinaharurot nya agad ito.Tahimik lang ako habang pinapanuod ko ang pamilyar na lugar na dinadaanan namin.How I missed this place thou everything was tragic before I left.It made my teen-life so dull.Na sana kung hindi nangyare ang sakunang iyon lagi kong binabaybay ang daang ito para mamasyal sa mall at sa Pier.
I was 17 that time when my family died.I celebrated my 18th birthday alone.No,I chose to be alone than invite some of my classmates and friends.Hinayaan ko lang silang batiin ako through facebook and texts.May mga tumatawag pero hindi ko iyon  magawang sagutin.Ayokong magkwento then I would hear them telling me to hush kahit hindi naman nila alam kung gaano kasakit saakin na mabuhay ng wala ni isang myembro sa pamilya ko.
They are telling me to stop crying and told me to don't wail on it so much dahil nangyayare naman ito sa lahat ng tao.People come and people go,like what the fuck human?!
Kapag ba nawalan ka ng mahal sa buhay wala kang karapatang umiyak hanggang kelan mo gusto?
Kapag ba iniwan ka ng pamilya mo ng sabay-sabay you should think that it happen to people?And it was normal?
Kelan pa iyon naging normal?
Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako.How I hate that wind.Mas nadepina ko ang galit ko doon nang lumagaslas ang mga dahon sa dinaraanan namin.
"Punyeta.."I hissed habang mariin pa ring nakapikit.
"Ano kamo?"I heard him asked kaya napadilat ako.Sumusulyap sya saakin habang nakakunot ang mga noo.Bumabaling agad siya sa harap.
Hindi ako sumagot at nanatili lang sa kinasasandalan.Sumulyap ulit siya saakin bago umiling.
"Ibang klase rin. May ginsasabi pero pag hinapot di na nasimbag!"
Napaangat ako ng tingin sakanya.Akala nya siguro hindi ako marunong magsalita ng lingwaheng gamit nya.I was born and raised here,kahit matagal na ang panahong lumipas at nakalimot na ang lahat sa nangyare,this place is still my hometown no matter what.
What they speak is what I speak also.
"Mind your own business.."
Binalingan nya ako. "Nasabot mo?"
"Yes.Balik-probinsya,hindi ba?"
Humalakhak siya. "Nakalimot ako.Oo nga pala,galing kang maynila?"
Tumango ako.
"Kaya pala may pagka-suplada ka.Karamihan sa nakikilala kong galing doon parang mga dragon.Demanding pa ang iba!"
So,he think I am too?
"So am I?"tanong ko.
"Hindi.Ikaw lang ang kumausap saakin,pero masungit ka pa rin."tumawa siya. "Ano palang pangalan mo?Basi kilala ko an lugar na ginikanan mo."
Ngumisi ako. "Ginikanan.."
That's the term Bicolano used for saying "pinagmulan". Pamurayan ang lugar na sakuyang ginikanan means Pamurayan ang lugar na aking pinagmulan.
It was very sweet to hear,as if you were so proud that you are born and raised from that place.Nakakatuwang bumalik.
Bumaba ako ng cab at pinasadahan ng tingin ang paligid bago marating ng mata ko ang mansyon.My eyes got stuck at it.Kahit kitang kita ko ang mga lumot na bumabalot sa bawat pader nito naroon pa rin ang saya sakin.How I love to be back here.
"Dito ka nakatira?"he exclaimed habang binababa ang isang malaking bag ko galing sa likod.
Nilingon ko siya habang nakahalukipkip sa harap ng gate namin. "Hmm.."
"Bakit parang walang tao?Nasaan ang pamilya mo?"
Natigilan ako sa tanong nya pero sa huli ngumiti nalang ako bago ko ibaling muli ang tingin sa mansyon.
It's still astonishing to see.Everything was fixed the same way bago kami umalis.Naroon pa rin ang mga gamit namin noon.Ang kulay lang ng bahay ang naiba dahil sa tagal ng panahon ay kumupas na ito.I think I should do some renovations.
Napatingala ako sa taas ng hagdan.In a maroon colored paint,I can see my room down here.Binitawan ko ang hawak ko para pumunta doon.Bumalik saakin lahat,the moment I touch the staircase.Iyong bawat takbo ko para pumanhik sa taas sa tuwing nasasaktan ako.Yon ang pinaka-tumatak saakin.I don't want to go back to that time na sa tuwing maiisip ko iyon ay tatakbo ako para magtago ng nararamdaman.Magkukulong at hindi lalabas hanggat hindi ako nagiging okay.Its hard to tell yourself na okay ka lang kahit yung totoo durog na durog ka na.
"I met Vernon.Bakit kase umalis ka pa?"
Nilagok ko ang kinuhang tubig.Nasa condo ako ngayon somewhere dito sa bayan.I decided to contact some workers para matrabaho na agad ang bahay.Ayoko ng patagalin pa lalo pa at magtatayo ako ng sariling foundation.
"I have nothing to do with him and you know that I have reason why I'm here."sagot ko.Naupo ako sa couch at binuksan ang Tv na nasa harapan ko.
"Hindi mo ba pwedeng gawing rason ang pag-uwi nila para ipagliban mo ang pag-alis?"
"Sayang yung ticket,Pen."
"Para namang wala kang pera!At isa pa,si Vernon yon!Bestfriend mo!"
Kunot noo ako. "Kelan ko pa naging bestfriend yon?"
"You bitch,alam kong matigas na yang puso mo pero,Niña..sya yung nandyan sayo nung hindi mo magawang sumilip sa labas ng kwarto mo.."
"He's the reason also why I get back on being stuck up,kaya wag mo ng ipagpilitan.."
"Hindi ko ipinagpipilitan,sinasabi ko lang.And besides,hindi naman siya mag-stay ng matagal dito sa Maynila."
Hindi ako umimik.Nanatili ang tingin ko sa pinapanood.I heard Penelope sigh bago muling nagsalita.
"He's going there.."
Napaangat ang kilay ko sa narinig.
"Saan?"
Kinabukasan,I spend time watching Netflix and reading books.Ganoon rin ang ginawa ko sa mga sumunod na linggo habang naghihintay sa mga workers.Paminsan-minsan rin akong tumatanggap ng call mula sakanya pero agad ko ring nililipat iyon para ihandle ni Pen.Pagkatapos ng dalawang linggo bumalik ako ng Pamurayan para tingnan ang mansyon.Naroon na ang mga workers na kinuha ko and the new design was done by my contacted Architect.
He explained to me everything bago dumating ang engineer.May isang Van na tumigil sa tapat ng gate.All I thought it was the Engineer pero natigil agad ako sa paglakad ng makitang pamilyar ang lalakeng iyon.Sa likuran palang alam ko ng siya iyon kaya agad akong naglakad pabalik kahit na sobrang ingay ng mga tunog ng mga binabagsak na bakal doon sa tabi.
Bakit siya nandito?
"Sir!Andito na pala kayo!"
Dere-deretso pa rin ang lakad ko kahit narinig kong lumapit si Arch.Suarez sakanya.They know each other?
Tumigil ako sa tapat ng fountain.Napapasulyap saakin ang mga tauhan pero hindi ko sila magawang ngitian kahit panay ang bati nila saakin.Hinayaan ko lang silang ipagpatuloy ang ginagawa nila.
"Yeah.She is with me,may binalikan lang sa unit."
"Ganoon po ba?Ah!Andito na pala si Ma'am Del Mundo.."
Nakagat ko ang labi ko at naglakad ulit.Pinigilan naman ako ng isa sakanila.
"Ma'am,wag na ho kayong pumasok sa loob!Sinisira na ho yung isang pader!"sabi nito.
"Ma'am!"rinig kong tawag ni Arch.Suarez.
Mas lalo kong naisipang umalis.Letse talaga si Pen!Ang sabi nya pupunta lang ng Sorsogon pero hindi nya sinabing dito sa mansyon!And what did I hear?He's with the Engineer?
Hindi ako pumasok sa loob pero lumiko ako para pumunta sa likod.Natigil ako sa paglalakad nang mapansing naroon siya sa daraanan ko.Napaawang ang bibig ko pero agad ko ding naisara iyon at tumalikod.
"You're avoiding me,'till now huh?"
Napalunok ako.Nanatili lang akong nakatalikod sakanya habang pinipigil ko ang sariling emosyon.Rinig ko ang yabag ng paglapit niya saakin and in one blow of wind,tumama sa ilong ko ang pamilyar na amoy nya.Still,he is using the same perfume.
Pen told me he's a lawyer now,for real.And he's 25 ,2 years older than me.I didn't know that before dahil hindi ko naman nagawang itanong sakanya.I was wailing.Mas inisip ko noon ang magkulong ng kwarto at wag pansinin ang mga taong nasa paligid ko.
Lalo na siya.Si Vernon.
"Kumusta ka?"yan ang unang itinanong niya saakin pagkalapag ng order namin dito sa coffee shop malapit sa National.Actually,siya yung umorder non hindi ako.I'm not in the mood having a cup of coffee with him.
Biglaan pa ang pagdating nya.
"I'm fine,as usual."sagot ko.
"Feeling better than before?"
"Sa tingin ko.."tipid kong sagot sakanya.Nanatili ang tingin ko sa labas habang tinitingnan ang mga estudyanteng dumadaan habang nagkukulitan.Sinusundan ko pa ng tingin ang iba hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.
"Niña.."his sonorous voice made me trembled.I cleared my throat ng hindi pa rin siya nililingon.
"Bakit ka nga pala nandito?"tanong ko sakanya dahil curious talaga ako na kakilala nya ang Architect na kinuha ko.
"Hindi naman masamang bumalik.I stayed too long at the states so.."
Nilingon ko siya. "Hindi ba lawyer ka?"
Wearing his usual smile ay tumango siya.He was wearing a white polo crumpled till his elbow habang nakapatong iyon sa mesa.Hawak ang kape ng dalawang kamay ay nakatitig ang mapupungay na mata nya saakin.
I remember that stare.Nagagawa nyang maging magaan ang pakiramdam ko kapag tinitingnan niya ako ng ganiyan that's why bumaba ang tingin ko sa tip ng ilong nya,just in case na baka gumaan ang loob ko at mawala ang attitude ko sa araw na ito.Galit pa rin ako sa nagawa nya noon.
"Yeah,finally."kita ko ang muling pagsilay ng ngiti nya.
"Are you friends with my contacted  architect?"tanong ko.
"No."
Kumunot agad ang noo ko.
"With the Engineer,then?"tumaas ang isa kong kilay.
O baka girlfriend nya ang isang yon.Ako pa ata ang nagkamali ng kinontact.Iyon pa talagang konektado sakanya.
"Yes."
I scoffed.So then I was right.Bumaling muli ako sa labas bago ibalik iyon sakanya then to my coffee.
"That's your reason of coming back,tama ba?What a charming situation!"
"No.I came back to check on you."
"You know that I'm fine,there's no need.Nakuha mo ngang umalis agad matapos lang kitang hindi pinansin."Tiningnan ko siya.Immediately,his brows shot up.
"Ano?Hindi ba tama ako?That's why I hated Pen everytime she's telling me na bestfriend kita dahil hindi naman yon totoo!"
His jaw clenched kasabay ng paggalaw ng lalamunan nya.Tiningnan niya ako in menaced.Para siyang may gustong sabihin saakin pero wala na akong pakealam doon.
Sa inis ko siguro ay tumayo ako at agad na umalis sa lugar na yon.
I hated him for leaving me sa mga oras na kailangan ko siya.What?Porket hindi ko siya pinapansin aalis sya?Akala ko ba hanggang makarecover ako ay hindi nya ako iiwan?Doon lang siya!Mananatili siya!
Si Pen lang ang nandoon hanggang sa tuluyan akong maging maayos!Even noong debut ko wala siya!
Tangina nya.

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    12d

      0
  • avatar
    Dhallen

    😍😍❤️❤️

    09/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes