logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

White Handkerchief.

Nakangusong nakapalumbaba ako ngayon sa room namin dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Bwisit na dalawang 'yon. Nagmamagandang loob na nga ako, sa 'kin pa nagalit.
Dahil sa dalawang iyon ay kakaonti lang ang napag-aralan ko ngayon sa history. Paniguradong babagsak ako nito, may exam pa naman kami ngayon at kamalas-malasan pa na kaklase ko ang United Nation.
"Bri," pagtawag sa 'kin ni Zavry kaya walang gana akong tumingin dito. Nawalan talaga ako ng gana ngayon dahil sa Froilan na iyon.
"Are you done na ba sa assignment in history?" tanong niya.
Bagsak ang balikat na kinalikot ko ang bag ko at kinuha ang notebook, sabay hagis sa kaniya kaya tuwang-tuwa naman nitong sinalo.
Hindi naman sa madamot ako, matagal ko na kasi silang tinuturuan at sinasabihan na h'wag laging umasa sa 'kin dahil darating ang araw na kapag hindi na nila ako kasama, kanino na lang sila aasa? Ayoko naman silang mapag-iwanan.
Sunod-sunod na napailing na lang ako kay Zavry. Ang motto talaga niya sa buhay ay gawin sa paaralan ang mga homework. Gano'n siya kasipag.
Nang dumating ang lecturer namin ay mabilisan kong kinuha ang notebook ko kay Zav, ikinagulat niya iyon pero kalaunan itinago na rin niya ang kaniya nang mapagtanto ang nangyari. Ang lahat ay umayos na nang pumunta na sa gitna ang lec.
"Good morning, everyone!" masiglang pagbati nito. Siya si Miss Alcantara, ang English teacher namin.
Napakabait niya at sobrang cheerful, kaya kahit bagsak na ang talukap ng mata namin, nakukuha pa rin namin maging masigla nang dahil sa kaniya. Bago kasi magsimula ng klase ay may pa warm up muna.
"Okay class, before we start I want you all to stand up," aniya. Sinunod namin ito at ang iba ay nagbabanat na agad ng kanilang mga buto.
Ang mga lalaki ay nakangiting aso habang nakatingin kay Miss. Maganda kasi siya at mukhang high school lang din. Kung hindi nga siya nagtuturo ay magmumukha rin s'yang estudyante na kaklase lang namin.
"Next is—" naputol ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na halimaw. Tila naghahabulan pa ang kaniyang hininga habang nakatuon ang kamay sa hita nito.
"You're late again, Mr. Casterñado!" Lahat ay natigilan. Naging sentro ng atensyon si Froilan at ang lecturer namin.
"I'm sorry, Miss. Sinamahan ko lang po 'yong kaibigan ko sa office ni Dean kasi transferee. Medyo natagalan lang ang pag-uusap kaya—"
"I don't need your explanation, Mr. Casterñado. Ikaw ang role model ng lahat kaya h'wag mo akong binibigyan ng excuse. Umakto ka na naaayon sa ugali mo." Tila may dumaan na anghel sa kapaligiran namin.
Tumindig si Froilan nang makarinig ng iba't ibang bulungan sa mga kaklase. Makikitaan sa kaniyang mukha ang pagpipigil ng inis.
"Go to your seat, now." Subalit kahit magkadikit ang kilay ay tumango lamang siya at humakbang na sa gawi ko, kaya hindi naiwasang magtama ng aming mata.
Nang makalapit siya sa direksyon ko ay inikutan ko ito ng mata at hindi na pinansin pa. Nagsimula na ring ituloy ang naputol na warm-up kanina.
Ilang minuto pa ang ginugol namin bago matapos sa warm-up. Matapos niyon ay nag-review kami ng topic last week. Mabuti na lang at napag-aralan ko iyon kagabi kaya hindi mahirap sa 'king sumagot. Kalaunan ay natapos din naman kaya binigyan na kami isa-isa ng test paper. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinuon na ang pansin sa papel.
Mga ilang saglit lang ay natapos na ang time namin kay Miss Alcantara kaya isa-isa na naming ibinigay ang papel sa unahan.
"See you tomorrow, class!" pagpapaalam niya.
Nang makalabas siya sa room namin ay tinaas ko ang dalawang kamay ko at humikab. Parang nakaramdam ako ng antok dahil napagod yata ang utak ko sa pagsagot. Kaya nang maramdaman ang bigat ng talukap ay tumungo na ako at ipinikit ang aking mata.
Napabalikwas ako ng nagising nang mapagtanto na nakatulog ako. Sinubukan kong tingnan ang paligid, subalit malabo ang paningin ko kaya wala akong matukoy na kung anong pagbabago. Kalaunan ay bumalik iyon sa normal kaya nang mapagtanto na wala si Zavry at Mavis ay nanlaki na lamang ang mata ko.
Nilibot ko ang paligid at nakita ko ang apat na United Nation na busy sa kanilang mga phone. Inayos ko na muna ang buhok ko at kinusot ang mata. Tiningnan ko ang oras at kumunot na lamang ang kilay ko nang mapagtanto na  wala pa ang next lec pero nangangalahati na ang oras.
Nasaan kaya sila?
"That's hilarious!" Tumingin ako sa apat at sa iba pa naming mga lalaking kaklase na nandito sa loob. Akala ko ay kausap nila ako kaya nang mapagtanto na hindi ako ang kinakausap ay humakbang ako sa gawi ng pinto.
Nang mahagip ng mata ko ang paparating na si Zavry at Mavis sa labas ay dali-dali kong hinakbanh ang paa at malawak ang kurba ng labi na lumapit sa kanila.
"Zavry, Mavis! Saan kayo galing?" tanong ko.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang reaction nilang dalawa, malaki ang mga mata nilang nakatitig sa akin, waring may hindi inaasahang nakita. Tila nanigas ako sa puwesto nang hawakan at suriin ni Mavis ang mukha ko.
"Anong nangyari sa mukha mo?" nag-aalalang pagtanong niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito kaya kinapa ko ang mukha ko, ngunit wala naman akong makapa ro'n at wala ring kataka-taka doon.
Ano ba ang nakikita nila?
"Ano bang meron?" Binitawan na ni Mavis ang mukha ko at nakita kong pumunta si Zavry sa puwesto niya upang may kalikutin sa bag nito. Pagbalik niya sa 'kin ay may dala na s'yang salamin.
Hinarap niya iyon sa akin kaya hindi ko naiwasang mapalaki ang mata. Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko habang nanginginig ang aking kamay. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha ko, gusto kong maluha sa nakikita.
"Ang epic! Apir!" Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng mga kaklase naming lalaki habang nakatingin sa akin. Lalo na ang United Nation, maliban kay Tayler na sunod-sunod ang pag-iling. Sila siguro ang may pakana nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili. Naramdam ko na lang ang pagkulo ng aking dugo kaya hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa kanila habang may naglalayab ang matang nakatingin sa mga ito.
"Sino sa inyo ang gumawa nito sa mukha ko?" kalmadong pagtatanong ko, pigil ang inis.
Ngunit, walang sumagot sa kanila. Tiningnan ko si Tayler at nainis ako sa pagkibit-balikat niya, waring walang pakialam sa nangyayari.
Ano ba itong fake boyfriend ko! Wala man lang pakialam sa akin!
"Sino sa inyo?" panunumbat ko sa kanila.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Star at moon ba naman ang iguhit sa mukha ko? Hindi naman ito isang papel para sulatan.
"Ako! Bakit?" pagtugon ng halimaw na si Froilan. Hinawi ko muna ang buhok ko at taas noong hinakbang ang paa sa direksyon niya.
Kumukulo ang dugo ko kaya ay hindi ko na namalayang dumampi na pala ang palad ko sa pisngi ng kaniyang mukha. Kung hindi ko lang nakita na nakatabingi ang ulo niya ay hindi ko napagtanto na nasampal ko na pala siya. Naramdaman ko rin ang hapdi sa palad ko, subalit hindi ko iyon pinansin. Mas mabigat ang timbang sa dibdib ko ang galit, kaysa sa konsensya.
Hinakbang ko ulit ang paa at mas dinikit ang sarili sa kaniya habang dinuduro ito.
"Wala ka talagang magawa sa buhay mo ano? Pati babae na dapat nirerespeto ay hindi mo magawang irespeto. Ang matindi pa, ginuhitan mo pa sa ang mukha."
Agad din naman s'yang lumingon sa akin at pansin ko sa kaliwang pisngi nito ang pamumula. Dahilan upang labanan niya ang titig ko. Subalit hindi iyon ang pumigil sa akin upang sagutin siya, wala na rin akong pakialam sa paligid namin.
"Babae ka pala?" Umugong ang iba't ibang bulungan sa sinabi n'yang iyon.
Iyon na rin yata ang dahilan kung bakit sumabog ako sa inis at hindi ko napigilang sikmuraan siya. Lumapit ang mga kaibigan namin upang pigilan kami, subalit pinahinto ko sila at humarap ulit kay Froilan na ngayon ay hawak-hawak ang kaniyang sikmura habang masamang nakatingin sa akin.
"Ganiyan na ba talagang kalawang ang mga utak ninyo? Ganiyan ba kayo pinalaki ng mga magulang n'yo?" pagdaramdam ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha habang tinitingnan siya. Sobra-sobra ang ginawa n'yang ito, hindi na nakakatuwa. Kung tutuusin, sa iba ay mababaw ang rason ng pagluha ko pero sa akin ay malalim iyon. Hindi niya o nila alam ang pinagdaraanan ko, kaya wala silang karapatang husgahan ako.
Physically, mentally and emotionally ang sakit na naibibigay nila sa akin. And no one knows how much this pain cause me. Walang alam sa mabigat na damdaming ito. Even my best friends didn't know about how I feel.
"Kung ako ang nanay mo, kapatid na babae o asawa, ikakahiya kita. Kalalaki mong tao, pumapatol ka sa babae. Bakla ka siguro ano?" Kapansin-pansin ang pagtagis ng bagang niya, subalit hindi ko iyon pinansin.
"Nakakahiya ka. Ako ang nahihiya para sa 'yo. Isang anak ng Dean, ganiyan ang pag-uugali? Dapat ka bang maging role model ng lahat? Dahil para sa akin, hindi dapat kasi patapon 'yang ugali mo!" Binangga ko siya at nilagpasan. Hinakbang ko na ang paa sa pinto, ngunit hindi muna ako tuluyang lumabas.
Humarap ako sa kanilang lahat. Sa mga estudyante na naging saksi sa sagutan na nangyari sa amin. Sa mga sikat na estudyante na walang alam sa buhay kundi ang mang-alipusta ng mga mababa.
"Kayo ang makasisira ng image ng paaralang ito. Dahil sa kalokohan n'yo, baka pati mga nagbabalak mag-enroll dito ay hindi na ituloy. Dahil malalaman nilang ganiyan ang pag-uugali ng anak ng Dean, wala sa edad ang ikinikilos. Bahala kayo kung ayaw n'yong magbago, kayo lang ang magpapahiya sa sarili n'yo," dagdag ko pa.
Tumakbo na ako papunta sa banyo habang pinupunasan ang mga butil ng luha na tumutulo mula sa aking mata. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila. Napakasama. Mga walang puso.
Bakit ba hindi nabibigyang pansin ang ganitong kilos? Siguro kulang sa atensyon ang mga taong 'yon. Nakakaurat ang pag-uugali eh.
Hindi ko na lamang muna inisip iyon at hinugasan ang sariling mukha upang matanggal ang nakasulat doon. Kalaunan ay natapos na ako sa pagtanggal ng drawing sa mukh ko. Nakailang kuskos ako ro'n at ngayon ay basang-basa pati na ang damit ko. Kinapa ko sa aking bulsa ang pamunas ko sana, subalit wala akong makapa roon.
Nasa bag ko nga pala! Ang malas talaga!
"Need this?" Napaigtad ako nang may biglang lumitaw sa harapan ko at nagsalita. Tiningnan ko siya nang masama at tiningnan lang ang panyong nilalahad niya.
"Wala ka bang malambot na panyo riyan?" tanong ko. Dahilan upang magdikit ang kilay n'yang makapal.
Inilayo ko ang tingin sa kaniya dahil hindi ko maiwasan makaramdam ng kakaiba sa aking dibdib. Nagsisimula na namang magtambol sa loob ng dibdib ko. Ang lakas ng tibok niyon.
"What? Pamunas sa dumi ng gamit sa bahay ang gusto mo? Ito na lang! Take this." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Yabang!
"Ikaw na mayaman!" Padabog na kinuha ko sa kamay niya ang puting panyo at pinunasan ang sarili, sinama ko na rin pati ang bandang dibdib ko.
"Ako talaga..." Nagkibit-balikat ako nang mawala siya sa harapan ko. May sinabi pa siya sa dulo pero hindi ko narinig iyon kaya hinayaan ko na lang.
Tapos na rin naman ako kaya lumabas na rin ako sa banyo at nagulat ako dahil nandoon pa siya.
Hinihintay niya ba ako? O ang panyo niya lang?
"Oh, Salamat." Inaabot ko na sa kaniya ang panyo nitong may rosas na tatak. Mukhang iyon kasi ang hinihintay niya kaya nandiyan pa rin siya.
"Hindi na, sa 'yo na 'yan. And sorry sa ginawa ng kaibigan ko. I tried to stop him, pero wala akong magawa sorry." Nakahawak ito sa batok niya at hindi makatingin sa akin habang sinasabi iyon. Habang ang kamay naman niya ay nasa bulsa nito sa pants.
"Also, thank you for saying those words earlier. Natauhan ako ro'n, tama ka naman kasi," dagdag niya pa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kaniya, lalo pa sa inaakto niya.
Dapat ko ba s'yang paniwalaan? Mukhang nakonsensya naman siya. Mabuti pa nga siya ay nakararamdam niyon, samantalang si Froilan ay hindi.
"Anyway, let's go?" Naningkit ang mata kong napatitig sa kaniya. Hindi ko matukoy kung ano ang pinaparating nito.
Teka, saan kami pupunta? Date? Ang bilis naman!
"Tayler, pagpapanggap lang ang lahat nang ito 'di ba? May feelings ka na agad sa akin? Pero sorry, busy ako para makipag-date eh," sambit ko rito.
"What are you saying?" Lalong nagdikit ang kilay ko nang mapatingin ako sa kan'ya. Nagpipigil siya ng kaniyang tawa, waring may nakakatawa sa sinasabi ko.
Anong nangyayari sa kaniya?
"Hoy! Ano, let's go na ba? Kanina ka pa tulala riyan eh." Sunod-sunod akong kumurap at pilit iniintindi ang sinasabi niya.
"Saan ba? Date? Okay lang naman. Kung motel 'yan ay huwag na lang at 'di pa ako ready," sagot ko.
Bigla ay umalingawngaw sa tahimik na pasilyong ito ang halakhak niya. Kalaunan ay natigilan din ito at huminga nang malalim, waring naubusan siya ng hininga sa pagtawa.
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Sabi ko kung tara na sa theater room! May meeting tayo ngayon," paglilinaw niya. Kalmado na siya ngayon at ako naman ay naliwanagan na kaya napatungo na lang ako sa kahihiyang nagawa.
Ano ba kasi itong iniisip ko? Nakakahiya!
"You'e funny. Tara na nga!" Bumungisngis ito nang talikuran ako. Sinimulan na n'yang ihakbang ang paa palayo kaya tila natauhan ako roon.
"Hoy! Hintayin mo 'ko!" sigaw ko.
"Make it quick, young woman!" Natawa na lang ako dahil sa kakulitan namin. Hindi ko pinansin ang mga tinginan at bulong-bulungan ng mga kaunting estudyante na dumaraan
Daglian kong hinakbang ang paa papunta sa direksyon niya dahil lumalayo na ito. Sa bilis at haba ng biyas niya sa paglalakad ay hindi ko siya masabayan. Kaya nang magpantay kami ay lumingon siya sakin habang nakaporma ng kurba ang kaniyang labi. At doon napagtanto ko na hindi na talaga normal ang pagtibok ng puso ko lalo na kung siya ang aking kasama.

Comentário do Livro (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes