logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Her true state.

Nandito kami ngayon sa gym upang mag practice na ng aming gagawin sa music. Naghihintay na lang kami sa mga lalaki na partner namin.
Kanina ay pinagkaguluhan lang ako ng lahat, nauuna na roon si Zavry. Daig niya pa ang nakakita ng artista sa sobrang paghanga ika niya sa akin. Ginawan pa niya ako ng Astagram at kung ano-ano pang social media. Tatanggi pa sana ako pero hindi ko siya napigilan dahil gumawa niya iyon sa kaniyang cellphone.
Habang naghihintay ay sinuri ko ang mga kaklase namin na nandito. Hindi ko makita si Tayler. Wala siya sa room kanina pa, simula nang hinila siya ni Froilan sa kung saan.
Bakit kaya wala pa silang lahat?
"Zav, can I borrow your phone for a minute?" pagpaalam ko rito. Dahil wala akong cellphone na touch screen, kaya manghihiram na lang ako. May importante lang sana akong titingnan.
"Oh, sure. Here." Walang pag-alilangan na binigay niya iyon sa akin kaya tiningnan ko muna ang social media na ginawa nila para sa akin. Kumalabog ang puso ko sa aking nakita nang buksan ito.
Is this true? Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ni Zavry at ang lahat ng iyon ay galing sa account ko. Maraming nag-follow at nag-comment sa picture na nilagay ni Zav sa account ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.
Hindi ko maitago sa aking sarili ang galak na nadarama. May kakaiba sa akin ngayon na s'yang nagpabuhay ng enerhiya ko. Kaya nang makita kong may paparating na kalalakihan ay binalik ko na kay Zav ang kaniyang phone at tiningan ang boys na presentadong naglalakad, nauuna na ro'n si Froilan.
"Why took you guys so long? Kanina pa kami naghihintay rito," nakataas ang isang kilay na panenermon sa kanila ni Zav. Isa-isa nang pumunta sa bench ang mga lalaki kaya ro'n ko lang napansin na tila kulang sila ng isa. Hinanap ko si Tayler pero hindi ko siya makita.
"Nasaan si Tayler?" Lahat ng lalaki ay tumingin sa akin at nagkibit-balikat lamang, dahilan upang kumulo ang dugo ko.
"Boyfriend mo 'yon 'di ba? Eh 'di, hanapin mo." Inis na nilingon ko si Froilan at inirapan siya saka hindi na lang umimik upang pigilan ang inis ko rito.
Nang mapagtanto na wala talaga si Tayler dito ay naisip kong tawagan siya sa number na kaniyang nilagay sa cellphone ko. Ida-dial ko na sana ito nang may naaninag akong isang pustura ng lalaki.
Si Tayler! Diretso siyang naglalakad habang ang kaniyang kamay ay nasa bulsa niya at may pasa? Bakit may pasa siya sa mukha?
Daglian kong hinakbang ang paa papunta sa kaniya at hinawakan ang mukha nito, gulat naman siyang napahawak sa kamay ko at napatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng makapanhilakbot nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Subalit hindi ko na lang muna iyon pinansin at sinuri ang kabuuang mukha niya.
"Bakit may pasa ka sa mukha mo? Sinong may gawa nito? Sinong bumugbog sa'yo? Ba't hindi ka lumaban? Sabihin mo nga! Bakit?" Binalewala niya ang tanong at sigaw ko. Lilingunin ko sana ang likuran ko nang mapansing doon siya nakatingin, nang bigla n'yang nilapit ang katawan sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Rinig na rinig ko ang tambol sa aking dibdib, at amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan. Tila gusto ko na lang bumuka ang lupa at hayaang kainin ako nito. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang mukha ko ngayon na waring kamatis.
"Don't worry about me, I'm fine." Nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya dahil rinig na rinig ko pati ang paghinga nito. Agad akong humiwalay ng yakap dahil ramdam kong sasabog na ako kapag hindi ko pa napigilan ang sarili.
"Let's go? Practice na tayo para makaalis na agad," aniya. Tinanguan ko lang siya at agad pumaharap sa mga kaklase naming kanina pa pala nakatitig. Ang iba ay mukang kinikilig pero ang iba naman ay masama ang tingin.
Ihahakbang ko na sana ang paa nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng matinding dagok nang lumingon ako sa kaniya, ngunit nginitian lang ako nito at sumabay na sa 'kin sa paglalakad nang magkahawak ang kamay.
Hindi ako makapampante sa pagsisiklop ng aming kamay. Parang may kakaibang enerhiya sa loob ko na gumigising sa akin at tila ba sasabog ito na magsasanhi ng pangingisay ko. Subalit pinigilan ko ang nararamdaman, kahit naguguluhan ay lumapit kami sa mga kagrupo namin.
"Ang sweet pero ang kukupad! Mga letse! Tara na't mag-practice na tayo!" Tinawanan ko lang si Zavry kahit na naguguluhan na ako sa mga inaasal ng lalaking ito. Ramdam ko ang mga titigan at bulong-bulungan nila pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Nagsimula na kaming mag-practice, at buong practice na iyon ay laging magkahawak ang kamay namin. Minsan ay sa baywang ang kapit niya habang ako naman ay sa kaniyang braso. Ilang oras din namin iyong ginawa dahil pagtapos ng isang step ay panibagong step ang ituturo ni Zavry sa amin. Mayroon pang nagpapalit-palit ng puwesto at marami ang nagkakamali, subalit kalaunan ay nagawa naman naming lahat iyon nang tama at agad ding natapos.
"Okay, guys! Monday ay practice ulit tayo, marami pa ang nagkakamali sa pagpapalit ng posisyon at ang pag-ikot. At since saturday bukas, magpahinga kayo. Good job din kanina, ang dali ninyo lang pala turuan. So, that's all for today, see you guys next week!"
Matapos inanunsyo ni Zavry iyon ay kaniya-kaniya nang alis ang iba. Bumaba na siya sa bench na puwesto niya kanina at sumabay sa amin ni Mavis na ayusin ang mga gamit namin. Nang lahat kami ay tapos na sa pag-aayos ng gamit ay napagdesisyonan nilang mag sabay-sabay na lang na pumunta sa paradahan ng CLIS.
"Dito na lang tayo guys, salamat sa lahat!" paalam ni Mavis sa lahat. Bumababa na ang araw nang makalabas kami. Ang iba naming nakasabay ay isa-isa nang umuwi, hanggang sa kami na lang ang naiwan kasama ang United Nation.
"How about you, Bri? Maglalakad ka pa rin? Aren't you tired?" Napalingon ang lahat sa akin, waring nagtataka. Nakaramdam ako ng ilang, subalit lumingon lang ako kay Mavis at tinanguan ito.
Ayokong pinaguusapan lahat ng ginagawa ko sa buhay ko. In short, ayokong pinaguusapan ako.
Sinuri ko ang lahat nang manahimik ang mga ito. Tiningnan ko kung sino pa ang mga kasama namin, at nahuli ko si Froilan na nakatitig lamang sa 'kin. Hindi ko na siya binigyang pansin pa at tinuon ko na lang sa paligid.
"Hey girlfriend, naglalakad ka lang? Hatid na lang kita. Tara na." Bigla akong hinila ni Tayler papunta sa kotse niya pero bago pa man ako nito maipasok sa loob ng sasakyan ay pinigilan ko na siya.
"Why?" Nagtatakang tumingin ito sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga mapanuring titig nila. Kaya nang lumapit siya nang kaunti sa sa akin ay napaatras ako. Subalit natigilan din nang may binulong siya.
"Sumabay ka na, nakatingin silang lahat. Baka makahalata silang nagpapanggap lang tayo." Pagtapos ay lumayo na ito sa 'kin at ngumiti, sabay pilit na pinapasok ako nito sa loob ng kotse niya.
"Ang sweet, wala namang ambag sa lipunan. Bye na nga! Ingat kayo!" paalam ni Zav at pumasok na ito sa kotse niya. Gano'n din ang ginawa ng iba at si Tayler. Umikot siya sa kabila at umupo sa driver's seat upang buksan ang makina.
Isa-isa na nilang pinaandar ang kotse nila't umalis. Namangha ako roon, subalit kalaunan ay naglaho rin nang makita ko ang pigura niya sa harapan namin, waring hinihintay kaming makaalis.
"Mauna na ako, Ler. Ingat kayo." Mula sa labas ng binta ay mapapansin ang pabalik-balik na pagtingin ni Froilan sa gawi namin. Napansin ko sa gilid ng aking mata na tumango lang sa kaniya si Tayler, at 'di kalaunan ay umalis na rin ito.
"Saan ba ang sa inyo?" Napatingin ako kay Tayler. Nag-dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kaniya o hindi. Kumakalabog din nang mabilis ang puso ko, na sana'y hindi niya rinig dahil sa lakas niyon.
"Sa may kabilang kanto lang, ibaba mo na lang ako kapag may nakita ka ng arko," sagot ko. Tumango lang siya sa sinabi ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala naman s'yang reaksyon doon.
Mga ilang saglit lang ay nasa tapat na agad kami ng arko na may katapat na malaking bahay. Daglian akong bumaba, subalit ihahakbang ko na sana ang sariling paa nang pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak ang busol ng pinto sa kotse dahil nakapatong ang kamay niya roon. Hindi ko mawari kung anong dapat maramdaman, subalit nawala ang kabog sa aking dibdib nang magtama ang paningin namin.
"Thank you." Nagdikit ang kilay ko, hindi matukoy ang kaniyang sinasabi.
"For what?"
"For everything. For saving me. For pretending," tugon niya. Napangiti ako na may halong pait. Hindi ko alam ang sasabihin o iaakto sa sitwasyong ito.
Thankful nga siya, subalit isa lamang kahibangan ang pagpapanggap na ito. Walang totoo sa amin, sa namamagitan sa'min. Walang totoo sa lahat.
"Maliit na bagay!" Daglian kong binawi ang kamay at nahihiyang sinulyapan siya.
"Papasok na ako sa house namin ha?" tukoy ko sa malaking bahay na nasa harapan namin.
Napalingon naman siya roon at umayos na nang upo. "Yeah, sure. Salamat ulit!"
Tumango ako at winagayway ang kamay, senyales ng pagpapaalam. Tumango naman siya sa akin at 'di kalaunan ay nawala na siya sa paningin ko. Nang masigurong wala nang katao-tao sa lugar ay dahan-dahan akong umalis sa harap ng malaking bahay at nakangiti akong naglakad papasok sa isang iskinita. Nilakad ko pa ang mga ilang bahay bago makarating sa dulo. Ang bahay namin.
Sa katunayan ay mahirap lang kami, hindi ako kasing yaman ng mga kaklase at kaibigan ko. Simple lang ang buhay ko at simple lang din ang gusto ko. May isang babaeng mahal na mahal ko ang kasama ko lang dito na nag-alaga at nag-aruga sa'kin simula pagkabata hanggang ngayon. At doon ay masasabi ko na swerte na ako sa lola ko.
"Lola! Nandito na po ako! May dala po akong hapunan, La. Tara na't kumain na po tayo!" Nakangiting pumasok ako sa bahay at hinanda ang kakainin namin ni lola kahit hindi pa ako nakakapagbihis.
Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga kubyertos at pinggan ay sumulpot si Lola mula sa labas. Halata sa pananamit niya na galing itong zumba. Napangiti na lamang ako roon.
"Bricelle, apo. Nariyan ka na pala. Magbihis ka na muna, pagtapos ay kumain na tayo para ika'y makapagpahinga na!" Masiglang kumendeng-kendeng siya sa harapan ko, waring sumasayaw pa kahit walang musika.
Humalakhak ako't agad namang nag-mano sa kaniya na sumasagisag sa pag-respeto rito at hinalikan ko siya sa pisngi sabay yakap nang mahigpit. Dahilan upang matigilan siya sa pagsayaw at ipulupot din ang braso sa akin.
"Ikaw talagang bata ka, oo. Sige na, mag-bihis ka na." Tinawanan ko lang siya at hinalikan ulit sa pisngi.
Ang suwerte ko talaga kay lola, kaya mahal na mahal ko 'yan eh. Kahit pinapagalitan niya ako minsan, siya lang ang numero unong lola sa buhay ko.
Pumunta na ako sa isang kuwarto namin at agad nag-bihis upang makakain na't matapos ko na lahat ng assignment namin. Hindi rin nagtagal ay nakapagbihis ako kaya daglian na akong pumunta sa hapag-kainan at sinabayan si Lola sa pag-kain.
Masaya ako dahil kahit simple lang ay nakakapag-bonding kami nang ganito. Masarap sa pakiramdam ang alaga ng isang Lola o Lolo. Kaya talagang nagpapasalamat ako, dahil malambing din siya na katulad ko.
Matapos naming mag-hapunan ay ako na ang nag-hugas ng pinagkainan namin, dahil magpapahinga na raw si lola. Pagtapos ko maghugas at maglinis nang saglit sa bahay ay sinimulan ko nang gawin lahat ng assignments ko. Mga ilang oras din ay natapos ko na iyon nang pasado alas otso y medya kaya tumabi na ako kay lola at inakap ito.
Sobra kong pinapahalagahan ang lola ko dahil sa pagsasakripisyo niya sa akin. Nakayanan niya akong alagaan kahit mag-isa lang siya. At dahil doon ay nangako ako sa kaniya na mag-aaral ako nang mabuti upang makakuha ng maayos na trabaho, para ibigay sa kaniya ang magandang buhay na dapat ay nasa kaniya. At sisiguraduhin kong matutupad ko iyon.
Sana lang ay mapatawad niya ako na nililihim ko sa iba ang estado ng buhay namin. Hindi naman sa kinakahiya ko iyon, kundi upang iwasan ang gulo. Ayokong makita nila na ang kahinaan ko ay ang Lola ko o ang totoo kong pagkatao. Hangga't kaya ko, ililihim ko ang lahat maski sa mga kaibigan ko. Sana lang talaga ay mapatawad nila ako kapag dumating ang araw na malalaman nila ang totoo.

Comentário do Livro (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes