logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Girlfriend.

Pagkatapos namin mag-usap ay kaagad naman kaming lumabas sa back stage, dahil nga sa audition. Sinalubong naman ako ng masasamang tingin ng mga estudyante, pero hindi ko na inintindi iyon dahil kailangan ko na makapag-audition.
Dahil habang tumatagal na nandito ako, pataas nang pataas ang kahihiyan na nararamdaman ko.
"Secretary Nicole, nakapag-palista na ba ang lahat?" tanong ni Tayler sa babaeng kausap ko kanina.
Sinalubong naman kami nito ng nanunuksong tingin. "Yes, Pres. Tanging ang girlfriend ninyo na lang po ang hindi pa."
"Nasaan ba? Mag-papalista na ako." Binigay niya sa akin ang isang notebook at ballpen, kaagad kong inilista ang aking pangalan. Pagtapos ay binalik ko na iyon sa kan'ya at lumayo nang kaonti kay Tayler.
Nakakahiya, akala nila totoo niya akong girlfriend.
"Bakit parang nabawasan ang mga tao? Kanina lang ay marami sila ah?"
Tiningnan ko ang paligid. Tama nga si Tayler, kakaonti na lang ang tao. Ang mga matang nanlilisik na nakitingin sa akin kanina ay nawala na parang bula.
"Of course, nag-alisan nang malaman ang katotohanan na wala na silang pag-asa sa inyo, Pres." Napangisi ako sa sinabi ng sekretarya niya, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya.
"Whatever. Let's start," anito sabay kinuha ang megaphone sa tabi.
"Hello? Good day everyone! I'm Tayler Kit Vrekyston, the President of MD CLUB or Madrama Club," panimula nito.
Lahat kami ay tumingin sa kaniya, kasama ang ibang members ng club na ito. Bagay sa kaniya ang mag-lead ng ganito. From his name, to his looks ay artistahin na.
"All participants and future actresses, kindly seat in the perspective chairs. And before we start, there's a twist in this audition. You're just going to act the scenes I want, sasabihin ko sa inyo kung anong scene ang gagawin ninyo and I'm going to judge it, of course. So let's start?" dagdag niya pa.
Excited naman na naghiyawan at palakpakan ang mga tao habang pumupunta na kami sa upuan na kaniyang sinasabi.
Habang tinatawag pa niya ang mga naunang nag-palista ay inikot ko ang paningin at sinuri ang buong theater room. Ang laki talaga nito. Pang sinehan ang laki at pagkakaayos ng mga upuan. Malaki rin ang stage at may flag ng Pilipinas sa gilid at flag ng logo ng school namin na may kristal na hugis. Kahoy naman ang sahig ng stage at may nakatutok na ilaw na bilog na malaki sa gitna, kung saan nakatayo ang taong nasa unahan.
Makalipas ang ilang oras ay sa wakas, surname ko na ang tinawag.
"And last, Miss Holdler." Nang marinig ko iyon ay kaagad akong tumayo at diretsong naglakad pababa upang makapunta sa stage.
In hale, exhale. Relax, Bricelle. Nang makapunta sa unahan ay kaagad akong binigyan ng mic.
"Okay. Miss Holdler—"
Kumunot ang noo ko dahil sa pag-tigil ni Tayler. Daig niya pa ang nakakita ng multo kung makatingin sa akin.
"Bricelle? Your surname is... Holdler?" nagtatakang tanong nito. Kumunot ang noo ko sa inaasta niya.
Anong problema ba nito? Ginawa akong girlfriend tapos surname ko lang ay hindi pa alam. Well, hindi na ako magtataka. Hindi naman ako sikat at hindi ako importante sa lahat.
"May problema po ba sa surname ko?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong inalog nito ang ulo, tila nahihibang siya sa kaniyang sinasabi.
"Wala naman. Perhaps, you know someone with the same surname?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya, hindi mawari kung ano ba ang tumatakbo sa isipid nito.
"Nevermind, let's start." Tumango na lamang ako. "I want you to do a drama scenes. Imagine, your father left you, abandoned you and you want to tell him what you feel about that. Tell him your message. Scream your thoughts."
Hindi ako makagalaw, tila naputulan ako ng hininga sa narinig. Ramdam ko rin ang pagkulo ng aking dugo sa kaniya. Gusto ko s'yang sapakin, subalit alam kong mali. Sa dinamirami ng theme na ibibigay, bakit iyon pa?
"Your lines, your emotions," anito at sinenyasan akong magsimula na.
"Pwedeng iba na lang?" Ang lahat ay natigilan sa aking pakiusap, maski ang sekretarya n'yang malawak ang ngiti sa akin ay unti-unting naglaho ang saya sa labi at nahaluan ng pagtataka.
Alam kong kailangan ko iyong sundin pero ayokong gawin ang sinasabi niya.
"What? You don't want to do it? It's okay. But, let me tell you this. You joined here because you want to, and now you're demanding to me? How rude Miss Holdler." Palihim na niyukom ko ang palad upang pigilan ang inis.
"Fine, gagawin ko na." Nakita kong tumango ito at sinenyasahan akong simulan na.
Umakto ako na kunyaring may hawak na litrato at iniisip na litrato niya iyon. I took a deep breath and start acting.
"Hey, Dad. Kumusta ka na kaya?"
"Pa, alam mo ba na marami akong gustong sabihin sa inyo ni mama? Tulad ng bakit ninyo ako iniwan? Bakit hindi kayo nagpakita sa akin? Alam ninyo po ba na gustong-gusto ko na maramdaman 'yong pagmamahal ng isang Ama at Ina na rin."
"Iyon lang naman ang gusto ko eh. Ang makasama kayo at maiparamdam sa inyo na mahal na mahal ko kayo at suwerte ako, kasi mayroon akong magulang na tulad ninyo." Patuloy lang ako sa pag-sasalita, kahit nararamdaman ko na ang pagragasa pababa ng mainit na likido sa aking pisngi.
"Pero talagang mapaglaro ang tadhana ano? Hinayaan niya kayo na iwan ako, hinayaan niya na masaktan ako nang ganito, hinayaan niya akong nahihirapan. All I want is to bond with you and with mom, but He stole you both, away from me."
Kapag talaga ang mismong panginoon ang nag-layo sa'yo sa isang tao, wala ka nang magagawa.
"I love you both, I really do. And I miss you both. Sana ay may pagkakataon pa tayo na mag-kasama. At kung bibigyan man tayo, kahit sa panaginip iyon ay aking tatanggapin. I hope, both of you are doing well there. Alam ko namang ginagabayan ninyo ako. I love you Dad, and Mom." Nang matapos ako mag-salita ay doon na ako humagulgol ng walang himpis. Dahil sa kirot na nararamdaman ay inakap ko ang sarili. Hinayaan ko lamang ang emosyon ko hanggang sa maubos ang luha ko.
Miss na miss ko na sila, sana ay hindi na lang sila nawala. Ang totoo ay wala na silang dalawa sa buhay ko, tanging ako na lang ang natira. Bata pa lamang ako, iniwan na nila ako. Ang sabi sa akin ay naaksidente silang dalawa, ngunit wala namang nakapagpakita sa akin ng litrato nila. Maski noong kabataan sila ay wala. Pakiramdam ko nga minsan ay parang hindi ako nabuhay, dahil ang pamilya ko ay parang hindi rin nabubuhay sa mundo.
Masakit. Masakit maging isang batang ulila sa kaniyang mga magulang. Masakit mamuhay nang walang kinikilala na ama't ina. Masakit mamuhay, lalo pa't pakiramdam mo ay hindi ka karapat-dapat pang mabuhay.
Ngunit kailangan kong maging matatag. May mga mithiin pa akong dapat maabot.
Nang makabawi sa pag-iyak ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo upang ayusin ang sarili. Doon ko lang din nalaman ang reaksyon nila na naging dahilan upang lumaki ang aking mga mata.
Lahat sila ay lumuluha...
"You did great! Welcome to the club," sambit ni Tayler sa akin. Tila nababahala pa kung karapat-dapat ba ang kaniyang desisyon.
Sunod-sunod na nagpalakpakan ang mga manonood na kasabayan ko sa audition, gayon na rin ang ibang members.
"Take your time to breathe, we will be having a discussion next week. Congratulations, nice act."
"It's not an act. Totoo iyon. By the way, thank you." Nakita ko ang pagkagulat sa itsura nito, ngunit tinalikuran ko na sila at lumabas sa exit door ng theater room.
Finally! I can breathe. Ayoko talaga na maaalala sila. Pero talagang kay suwerte ko ngayon, pinaalala muli sa akin. Nice.
Umalis na ako ro'n at tinahak ang lugar kung nasaan ang locker. Ngunit, nagulat ako nang makaharap ko na ang aking locker.
Malandi? Mahirap? Ano ang mga 'to? May kung ano-anong salita ang nakasulat sa pinto ng locker ko. Hindi ko alam bakit nagkaroon ng ganito.
Hindi ko na iyon pinansin at bubuksan sana iyon nang biglang may nagtakip sa ilong ko. Pilit ko iyon tinatanggal, ngunit talagang malakas siya. Ang panyo na nakatakip sa akin ay may amoy na hindi ko matukoy. Hindi ko rin alam kung normal ba iyon o hindi dahil nararamdaman ko na ang panghihina, kaya sa huli ay hinayaan ko ito dahil sa antok.
Nagising na lamang ako sa isang maliwanag na kuwarto. Dahan-dahan akong bumangon at sinuri ang buong kuwarto na iyon. Nang maalala ang nangyari sa akin kanina at ang nagtakip sa ilong ko ay kaagad akong napatayo.
"Anong nangyayari? Nasaan ako?" bulong ko sa sarili. Maganda ang kabuuan ng kuwartong ito at kumikinang ang bawat ilaw. Para akong nananaginip. Ngunit nababahala pa rin ako kung bakit ako nakarating dito. Pilit kong inaalala ang nangyari ngunit wala naman akong maalala.
"Miss?" Nagulantang ako sa kumatok at nagsalita sa labas ng pinto, kaya kumuha muna ako ng unan at ginawa iyong pangharang kung sakaling masamang tao ang nasa labas.
Dahan-dahan kong hinawakan ang busol ng pinto upang ihanda ang sarili. Nang buksan ko iyon ay hahampasin ko sana ang taong nasa harapan ko, nang bigla siyang tumili. Pagtingin ko ay isang lalaki lang pala na may kasamang dalawang katulong.
"Sino kayo?"
"Pinadala po kami ni Sir Tayler, aasikasuhin ka po namin kaya kami na po ang bahala sa inyo," sambit ng lalaki na medyo malambot ang pananalita.
"Ayoko nga," giit ko.
"Halika ka na rito! Daming arte! Mga bakla? Gora!" Tinulak niya ako at pinaupo sa isang upuan at pinaharap ako sa salamin. Inangat ko pa ang pang-upo ko, ngunit tinuonan niya ako kaya napabalik ako sa pag-upo. Wala na akong nagawa. Inikutan ko siya ng mata sa salamin at hinayaan silang paglaruan ako.
Habang busy siya sa pag-tingin ng gamit niya ay hindi ko na maiwasan ang bibig ko.
"Kuya? Bakla ka 'no?" tanong ko rito. Bigla niya namang tinakpan ang bunganga ko at nilakihan ako ng mata mula sa salamin.
"Huwag kang maingay!" pabulong na sigaw niya. Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at kunot noong tumingin ako rito.
"Bakit naman?"
"Ayaw ni Sir Tayler sa mga bakla! Ayokong ma-jombag!" Humalakhak ako sa paraan ng pananalita niya. Kalaunan ay huminga ako nang malalim at inikot ang upuan upang magtama ang paningin namin.
"Sige. Hindi ako mag-iingay, pero gusto ko lang sabihin ito sa 'yo." Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Just be yourself, don't mind their judgments. As long as you're happy on what you are doing, just keep doing that thing. Okay?"
Mas maganda maging totoo, kaysa magpanggap.
"Hindi mo kailangang maging peke sa harapan nila, hindi mo kailangan magpanggap at higit sa lahat, hindi mo kailangang itago sa nakararami ang totoong ikaw. Kung huhusgahan ka nila, hayaan mo. Mas kilala mo naman ang sarili mo eh. Huwag kang matakot, marami namang tao na pinapahalagahan ka. Kailangan mo lang talaga maging kuntento at malakas para sa sarili mo," dagdag ko pa.
"Ang sweet mo naman bakla! Sige gagawin ko 'yang sinasabi mo. Salamat ha?" Tumango lang ako rito at inikot ulit ang upuan upang mapaharap ulit ako sa malaking salamin na may bumbilya sa paligid.
"Oh s'ya! Aayusan ka na ng isang 'to," tukoy niya sa babaeng mukhang mag-aayos sa akin. Tumango na lang ako at hinayaan silang gawin ang gusto nila.
Sinimulan na nilang ayusan ang buhaghag kong buhok mula sa pagkakahiga kaya hindi na ako nagmaktol. Mga ilang oras din akong nakaupo at sila naman ay kalikot nang kalikot sa buhok at mukha ko. Simula sa kilay, sa pilik mata, sa mismong mata, sa pisngi, labi at pati na rin ang leeg. Lahat yata ng parte sa mukha ko ay kinalikot nila.
Pagkatapos ng lahat nang iyon ay roon ko lang napagtanto ang resulta ng kanilang ginawa. Parang rebonded ang medyo straight na buhok ko. Naahit na ang sobra sa medyo makapal kong kilay. Mayroon din akong light na eyeshadow at mascara kahit makapal na ang pilik-mata ko. Habang ang ilong ko ay tumangos pa lalo at nagkaroon ng highlights, kung iyon ba talaga ang tawag doon. Sa pisngi naman ay may kaonting blush, at ang labi ko ay may saktong pagkapula na, kumpara kanina na maputla.
I also wear a contact lenses na lalong nagpasigla ng mata ko.
Hindi ako makapaniwala. Tila nagbago ang pananaw ko sa aking sarili. Parang may bagong Bricelle ang isinilang ngayon at nandito siya mismo sa harapan ko, namamangha rin.
"Wow, Miss! Ang ganda mo! Artistahin ang peg! Can I court you?" Humalakhak ako sa biro niya. Pati siya ay halata ang pagkamangha. Inikutan pa ako nito, tila sinusuri ang kabuuan ko.
"H'wag mo nga akong titigan nang ganiyan, kadiri ka! Tomboy ka ba?" Humalakhak lang sila sa naging pagtugon ko.
Pero bakit nila ako inayusan?
"Ito naman, hindi mabiro! May itlog din ang bet ng bakla, kaya h'wag kang feeler!" Sunod-sunod akong napailing sa mga sinasabi niya habang nakakurba ang aking labi at patuloy lang sinusulyapan ang sarili sa salamin.
"Bakla! Halika na at magpalit ka na ng damit, dali!" Dali-dali akong hinila ng bakla sa parang dress room at may binigay sa aking damit.
"Sukat mo na, parating na si sir." Kinuha ko na lang ang itim na plastic bag na hawak niya at sinarado na ang pinto. Isa-isa ko rin itong sinuot at may napansin ako ro'n.
Uniform namin ito! Maikli nga lang. Medyo mahaba kasi ang palda ko at medyo malaki ang damit kaya parang mukhang baduy, pero comfortable naman ang isang iyon. Pero ito? Sakto sa akin ngunit maikli ng palda. Kung noon ay hanggang taas lang ng tuhod ko ang haba, ngayon naman ay hanggang hita na lang. Kahit mahaba ang medyas at hindi ako sanay sa ganito.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. "Ikaw ba ito, Bricelle?"
White na long sleeve sa loob at may maliit na neck tie ang suot ko. Sa panlabas naman ay long sleeve rin na kulay asul at may guhit na white sa mga gilid. Sa bandang dibdib, gawing kaliwa naman nakatatak ang logo ng school namin. Kulay asul din naman ang sa palda at may white na guhit din sa ibaba. Ang medyas ay white or blue dapat, pero ang suot ko ngayon ay blue at nakasuot akong white rubber shoes.
Panaginip lang ito!
May kumatok na sa pinto kaya binuksan ko na iyon at dali-daling lumabas. Paglabas ay nakakunot na kilay at nakabusangot na mukha ni Tayler ang bumungad sa akin, busy ito sa kaniyang cellphone. Sinitsitan ko siya upang makuha ang atensyon niya. Ilang beses ko iyong ginagawa, hanggag magwagi ako at lumingon siya sa gawi ko nang nakabusangot.
"Why took you so long?" Inikutan ko siya ng mata at dahan-dahang lumapit dito.
Hindi man lang napansin ang ayos ko!
"Matanong nga pala kita. Bakit mo ako pinaayusan? At saka, paano ako napunta rito?" tanong ko sa kaniya, ngunit nag-iwas lang ito ng tingin.
"Nalaman na ng lahat na girlfriend kita at maraming nagalit. Kaya hinahanap ka nila. But all thanks to me, I saved you." Bigla niya akong tinalikuran at humakbang na papunta sa pinto ng kuwartong ito. Habang ako ay nakaawang ang labi at sa loob-loob ay mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaniyang balita.
Bwisit! Sa gano'ng way? Papatayin niya yata ako. Kakaiba ang amoy ng panyo eh, balak ba niya talaga akong paslangin?
"Hey man, thanks," paalam nito kay beks at tinapik ang balikat niya.
"Let's go," wika niya. Tumango ako at sinundan na siya papunta sa parking lot, kung saan nandoon ang kaniyang sasakyan. Nang makaharap doon ay nagulat ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto. Dali-dali akong pumasok at tinatago ang munting ngiti sa aking labi, upang hindi niya mapansin.
Gentleman talaga!
Pagkatapos nitong isara ang pintuan ay tiningnan ko lang siyang umikot papunta sa kabila at pumasok sa loob. Sinimulan na n'yang paandarin nang mabilis ang kaniyang kotse kaya nanahimik na lamang ako.
Pagdating namin ay pinagbuksan na naman niya ako ng pinto at sa kahihiyan na naramdaman ay dali-dali akong bumaba at nagpasalamat sa kaniya.
"From now on, you must always be by my side or around me. For your safety." Napanguso ako dahil doon, pero nang makita ko ang titig niya ay dahan-dahan akong ngumiti nang peke at tumango.
"Okay," malumanay na tugon ko. No choice ako, for my safety naman daw.
"I'll text you or call you, okay? But first, give me your phone." Kahit nagtataka ay binigay ko na lang sa kaniya ang cellphone ko. Nang ibigay ko sa kaniya ay kumumot ang noo niya at lumingon sa akin habang naniningkit ang mata dahil sa sikat ng araw.
"Wala pa akong touch screen na phone, kaya ayan ang phone ko." Umiling lang ito at may pinindot-pindot siya ro'n, tapos ay hinarap niya sa akin ang cellphone ko.
"This is my number, ikaw na bahala sa nickname. Basta I'll call you, okay? Also, ang ayos mo na iyan ay temporary lang, matuto kang mag-ayos ng sarili mo."
Gusto ko s'yang sungitan dahil parang nainsulto ako roon, pero tumango na lang ako kahit nainis sa sinabi niya. Padabog na kinuha ko rin ang telepono ko sa kamay niya upang palitan ang pangalan niya roon. Pagkatapos ay sinundan ko itong pumasok sa loob ng campus namin.
Bago kami makapasok ay kinailangan muna naming ipa-scan sa isang makina ang ID namin upang confirmation na rito kami nag-aaral. Nang padausdusin ko ang ID ko ay kaagad iyong tumunog, ibig sabihin ay confirm na estudyante ako rito. Inikot ko na ang bakal na nakaharang sa akin at humakbang upang makapasok sa loob ng building namin.
Sa front gate pa lang ay may mga nagtatakbuhang girls na nang makita nila si Tayler, kaya nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hinawakan sa aking baiwang at hinapit sa kaniyang sarili.
"Tayler!"
"Totoo bang may girlfriend ka na?" tanong ng isa sa girls na natakbo kanina.
"Yes. As you can see? My girlfriend is right here." Nagulat ang mga babae at nagbulong-bulungan sabay tingin sa akin na may halong pagtataka at pagkagulat.
"We thought your girl is a cheap? This woman is gorgeous!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi mawari kung totoo ba ang sinabi o hindi.
"Cheap? I don't know that word. She's expensive." Hindi ko naiwasang lihim na mapangiti dahil doon.
"Anyway, excuse us girls, baka ma-late kami sa class," saad n'yang muli. Nang makalagpas doon ay nakita ko na nagkukunwaring naiyak ang mga babae, ang iba naman ay dilat pa rin ang matang nakatingin sa akin.
Pagkadating sa room ay mukha kaagad ni Froilan ang bumungad sa akin. Ngunit nawala ang inis ko nang hapitin ni Tayler ang baywang ko sa kaniyang sarili at tumigil kami sa tapat ng pintuan. Kaya ang lahat ay natigilan sa pagdating niya. Unti-unti namang bumilis ang tambol sa puso ko dahil sa mapanuring titig nila. At lalo pang lumundag ang puso ko sa kaba nang lumapit sa kaniya si Froilan.
"Tayler! Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba pumunta? May rumors na naman tungkol-" naputol ang kaniyang sasabihin nang mapunta ang tingin nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at dumikit din lalo kay Tayler.
"Who is she?" Nakangising humarap ito sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya pinapansin at pilit nilalayo ang paningin ko. Ngayon ko lang din napagtanto na lahat ng kaklase namin ay naghihintay sa sasabihin ni Tayler kaya doble-doble ang kabog sa aking dibdib.
"She's my girlfriend... she's Bricelle."
"What?"
Sabay-sabay silang nanlaki ang mata habang nakatuon sa akin ang kanilang mga titig. Lalo na si Froilan, tila nahulog ang kaniyang panga nang magtama ang paningin namin. Paglingon ko kay Zav at Mavis, kumunot ang noo ko nang pumorma ng kurba ang kanilang labi. Nagkatinginan na lang kami ni Tayler at nginitian silang lahat.

Comentário do Livro (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes