logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

ROSE IN PARADISE

ROSE IN PARADISE

Gina A.


Rose In Paradise Gina A. Chapter 1

SA idad na walo nang matutong magtanim ng mga ibat-ibang klaseng bulaklak si Rosa, pero ang pinaka gusto niyang itanim ay ang mga rosas na iba-ibang kulay. Hindi dahil pangalan niya ito kundi, kaygaan ng kamay pag ang mga rosas na ang kanyang itinatanim. At kaydaling yumabong pa.
Maaga siyang na ulila ng ina, sanggol palamang ng iniwan siya nito. Lumaki siya sa pangangalaga nang kanyang tiyahin si Rosa.
Ang munting lupain na iniwan ng ina sa kanya ito'y ginawa niyang taniman ng mga rosas. At iba pang uri ng bulaklak na mabilis umusbong. Ang tawag ng mga tao sa kanila sa munting hardin niya ay paraiso ni Rosa. Hangang siya'y nag dalaga, lalong dumadami ang mga tanim niyang mga rosas.
Dahil marami na siyang tanim na rosas, ito'y kanyang ibinibenta para na rin sa araw-araw na pangangailangan nilang mag tiya extra income narin. Nagtapos si Rosa sa kursong agriculture para lumawak ang kaalam tungkol sa pagtatanim.
Kinukuha naman ito sa kanya nang mga tindera upang ibebenta sa bayan. She love what she's doing. Tama na sa kanya ang buhay na meron siya. Marami ngang nagsasabi na puwede siyang maging artista dahil may kakaiba siyang ganda. Minsan nga may nag-alok sa kanya. Talent manager daw ito sa isang sikat na tv network sa bansa. Hindi niya tinanggap ito. Buhay sa siyudad ay hindi para sa kanya. Masaya na siya buhay niya bilang taga islang babae.
"Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna sasayaw nang cha-cha ang saya-saya boom tiyaya boom tiyaya boom yeye," pa kanta-kanta si Rosa habang nag didilig ng mga bulaklak niya.
"Kaya pala namumukadkad tangi ang iyon tanim Rosa, dahil sa kinakantahan mo sila." wika ng babaing kararating lang sa dalaga.
Nakangiting lumingong ang dalaga sa nag salita."Yan ang secret ko Manang Sefa, napadaan ka po?"
"Oh, talaga bakit ako sinasayawan ko pa nga eh, pero iba pa rin ang saiyo, siya nga pala may ibibigay lamang ako sayo Rosa. Kaya ako napadaan dito." Sabay abot sa envelop na hawak.
Nagtaka si Rosa, dahil wala naman siyang inaasahan na magbibigay sa kanya na kahit anong bagay."Ano po ito Manang Sefa?" Tanong ni Rosa ng abutin ito.
"Hindi ko alam Rosa, may nagpapabigay, eh."
"Kilala mo ba siya, Manang Sefa?"
"Hindi Rosa. Tatanungin ko sana kung sino siya, aba'y dali-dali ng sumakay sa banka at umalis na."
"Ganu'n po ba salamat, Manang Sefa."
"Walang anuman Rosa, sige maiwan na kita, ha."
"Sige po salamat ulit Manang Sefa," Tumango naman ang ginang.
Papasok na sana si Rosa sa bahay nika para tignan kung ano ang laman ng envelop, nang may tumawag ulit sa kanya.
"Rosa, sandali lang!" Kaagad niyang napalingon ito.
"Manang Berta, bakit po?"
"Rosa, magsasabi sana ako sa'yo ng kunting pabor."
"Sige po basta ba kaya ko, Manang Berta."
"Puwede ba na sa akin mo na lang ibigay ang mga rosas na aanihin mo sa makalawa?"
"Naku po Manang Berta, may nakakuha na po si Manang Esther, sa susunod ka na lamang puwede po ba?"
"Sige-sige Rosa, maasahan ko iyan, ha."
"Opo Manang, pero sandali di ba kina Aira, ka kumukuha ng mga rosas?"
"Oo, kaya lang mas mabenta ang mga rosas mo Rosa, kasi mayayabong na mapupula pa ang mga ito at kay ganda pa, nagmana sa nag-aalaga." okay naman itong kausap ni Rosa may pahaplos na salita.
Napangiti si Rosa."Salamat po pero pareho-pareho lang kami, Manang Berta."
"Nasabi ko na, Rosa. Ewan ba namin kaming mga nagtitinda basta saiyo galing ang mga rosas mabilis maubos, parang may magic."
Ngiting kimi na lamang ang tugon ni Rosa sa ginang. Parang binubola siya nito para mabigyan ng mga rosas na ibebenta.
"Sige na maiwan na kita Rosa. Ako ay titingin pa kung may makuha akong ibang rosas, kulang kasi ang ibiyahe ko bukas sa bayan."
"Sige po," aniya.
Pagpasok niya sa loob ng bahay, hindi agad binuksan ni Rosa ang envelop, nakatingin lamang siya dito nag dalawang isip siya na tignan kung ano ang nasa loob. Hindi pa man niya nakikita kung ano ang lamang nito nakadama na siya ng kaba.
"Wala naman akong alam na puwedeng mag ibigay sa akin nito, pero pangalan ko naman ang nakalagay dito sa envelop," napa isip tuloy siya."Ang mabuti pa itago ko muna ito saka ko na lamang titignan hindi naman siguro importante," aniya.
Pumasok siya sa kanyang silid itinago ang envelop sa ilalim nang mga damit niya.
Muli siyang lumabas nang bahay upang ipag patuloy ang kanyang iniwan gawain. Abala si Rosa sa pag didilig nang biglang may tumakip sa kanyang mata. Kilala na niya kung sino ito sa kamay palang na magaspang.
"Hoy! Luis, bitawan mo ako baka maitanin kita nang buhay makita mo!" kunwaring galit siya.
"Ito naman high blood na kaagad eh, paano mo pala alam na ako ito?" Sabay baba nito sa kamay.
"Nagtanong kapa, ikaw lang naman ang gumagawa sa akin niyang, ah."
"Ang tapang ko no nagagawa ko saiyo na walang batok mo."
"Eh, kung hindi ka lang sinto-sinto baka kanina kapa nakalubog diyang sa kinatatayuan mo."
"Aray naman, Rosa. Sinto-sinto ba talaga ako para saiyo?"
"Mabait ka kasi, Luis."
"Yong lang!" Nakasimangot ito.
"O, iyan na naman mukha mo daig mo pa ang kumain ng ampalaya na sariwa!" Natatawang sabi ni Rosa.
"Ah, Rosa. Gusto mong sumama sa akin?"
"Saan naman, Luis?"
"Sa tabing dagat."
Tabing dagat lang tinatanong pa siya nito ah ano kayang meron laki naman sila sa dagat ah."Oh, anong meron doon, Luis?
"Balita ko kay Kapitan, may darating na mga turista dito sa isla ngayon baka nga parating na sila, Rosa."
"Talaga?" may tuwang turan ni Rosa. Matagal na kasing walang nagagawing mga turista sa kanila. Minsan meron pero mangilan-ngilan hindi pa kasi develop ang lugar nila bilang tourist spot medyo may kalayuan kasi ito sa bayan ng Pangasinan.
"Oo, kaya tara na para makita nating sila."
"Sige-sige pero sandali lang, kukuha muna ako nang mga rosas para ibigay sa kanila marami ba sila, Luis?" masiglang saad niya sa binata.
"Hindi ko alam eh, basta kumuha ka na lang kahit ilang, Rosa."
Pumitas naman si Rosa nang sampung piraso."Tama na ba ito?"
"Oo tama na iyan, dalian mo baka dumating na sila," pagmamadali ni Luis sa dalaga.
"Sige na tara na," yakad na niya dito.
Tuwing may mga dayuhan sa isla nila masayang-masaya si Rosa dahil isa ang halamanan niya pumupunta ang mga ito.
Nang nasa may daugang na sila."Hindi ba tayo nahuli, Luis?"
"Hindi no hayon O, may bangkang paparating palang baka sila na iyan." Turo pa ni Luis sa bangkang papalapit sa isla.
Naghintay sila na dumaong ang bangka.
"SAMUEL, what do you think here?"
"It's amazing, Dude, blue water white sand wow," humahangang sabi nito.
Talagang maputi ang bungin sa isla may nasasabi pa nga na kagaya ito sa Boracay.
"Yes, it is really amazing, I like here hmmm." Dumipa pa ito inamoy ang sariwang hangin na humahampas sa mukha.
Samuel did it too, kung ano ang nakitang ginawa ng kaibigan.
Silang mag kaibigan ang palaking magkasama sa whatever they go around the world. At naisipan nilang sa Pilipinas naman pumunta. They love hiking pero naisipan nilang sa mga beach sila pumunta may pinagpipilian nga sila Boracay O sa Palawan. Pero ng nasa Airport na sila sa Manila dumaan sila sa tourist guide area. Naagaw pansin ni Samuel ang One Hundred Island na nakapaskil sa pader. Ituro niya kung saan lugar ang isla. At sa Pangasinan ito.
When they arrive in Pangasinan, siyempre kailangan nila ng tourist guide. Para sana pumunta sa one hundred isla. Pero sabi ng kinuha nilang magdadala sa kanila isla na meron mas magandang isla pa ito ang isla puting buhangin. Curious naman ang dalawang magkaibigan sa sinabi ng lalaki. Kaya they decide na doon na lang pumunta.
Samuel and his friend are Pilipino American. Kahit papaano they can speak tagalog naman.
"Rosa, hayan na sila, dali lumapit na tayo sa daungan." Hila pa ni Luis sa kamay ng dalaga.
"Hoy, Luis. Dahan-dahan ka lang."
"Para nga mabilis, Rosa."
Napailing na lang si Rosa sa ginawa ni Luis.
Isa-isang bumaba ang mga sakay nang bangka."Welcome to islang puting buhangin,"sigaw ni Luis."Rosa iabot mo na iyang mga rosas sa kanila," utos nito.
Sa bawat bumababa inaabot ni Rosa isa-isa ang dala niyang rosas.
Nag iabot na niya sa isang lalake ang isang rosas hindi niya ito tinitignan kasi na hihiya siya."For me?" anito at nag alinlangang na kunin ang rosas.
"Dude, take it."
"You know, dude, I don't take flowers if a woman gives them to me. If it's a kiss, I will. "
Biro ni Samuel."
Napailing ang kasama nito."Samuel, it's a friendly offering just take it okay."
Wala naman imik si Rosa nakataas lamang ang kamay niya pero sa isip niya."Lokong lalake ito ngawit na ang kamay ko ayaw pang abutin ano raw kiss ang gusto aba may pagkamanyakis yata ito.
Napatitig ang binata kay Rosa. Kahit hindi nito nakikita ang mukha ng dalaga."Thank you beautiful rose same like you!" Nakangiting sabi nito.
Napaangat tuloy ng mukha si Rosa sa lalaki. At nakita niya ang ngiti nitong nagpalundag sa kanyang puso.

Comentário do Livro (77)

  • avatar
    Rayven Peralta

    very good 😊😊

    21h

      0
  • avatar
    LeftPink

    thank you

    15d

      0
  • avatar
    PuyaoanDagny Daffodil

    💗💗

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes